You are on page 1of 27

2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 11:
Comparing Similar Fractions
using Relation Symbols
Mathematics– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 11: Comparing Similar Fractions using Relation Symbols
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Divine Grace GC. Tarnate


Editors: Nestor P. Nuesca EdD
Jocelyn A. Manalaysay PhD Nenita J. Barro
Cindy D. Oliva PhD Bryan R. Capangpangan
Paolo D. Estores Ederlinda A. Capangpangan
Realyn B. Tanabe Ma. Cecilia R. Ortega
Tagasuri: Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria
Tagaguhit: Divine Grace GC. Tarnate
Tagalapat: Mauryl P. Maulawin

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Dominador M. Cabrera PhD
Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 11:
Comparing Similar Fractions
using Relation Symbols
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics sa
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Comparing Similar Fractions using Relation
Symbols.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,


makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Matematics sa Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Comparing Similar Fractions using Relation Symbols.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain
na makatutulong sa iyo upang matutunan mo ang
pagkukumpara ng Similar Fraction gamit ang iba’t ibang
simbolo.

Sa katapusan ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang


1. nakapagkukumpara ng similar fraction gamit ang
mga relation symbols na >, < at =;
2. natutukoy ang mga simbolong dapat gamitin sa
pagkukumpara ng similar fraction; at
3. nabigigay ang similar fraction ayon sa larawang
representasyon nito.

1
Subukin
A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng fraction na
kinulayan at may pinakamalaking bahagi.

1. a. b. c.

2. a. b. c.

3. a. b. c.

B. Isulat sa sagutang papel ang letra ng fraction na


kinulayan at may pinakamaliit na bahagi.

4. a. b. c.

5. a. b. c.

2
Lesson
Comparing Similar Fractions
1 using Relation Symbols

Balikan
Tukuyin ang fraction na kinulayan sa mga sumusunod
na larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: 2
8

_____1. _____4.

_____2. _____5.

_____3.

3
Tuklasin

Basahin at unawain ang talata.

Binigyan ng tig-isang buong sandwich ang


magkapatid na Jose at Ana ng kanilang ina. Pareho
itong hinati sa apat. Tingnan ang pagkakahati.

Kung si Jose ay kumain ng 3 bahagi sa kanyang


sandwich at si Ana naman ay naka-2 lamang, sino ang
may mas maraming nakaing sandwich sa kanilang
dalawa?

4
Suriin
Pagmasdan ang mga larawang nagpapakita nang
naging dami ng kinaing bahagi ng magkapatid sa
kanilang sandwich.

1 2 1 2

3 2
ang nakain ni Jose ang nakain ni Ana
4 4

Makikita sa larawan na si Jose ang may mas


malaking bahagi na nakain kaysa kay Ana. Kung
3 2
titingnan naman natin ang fraction,
4
> 4
tunay na mas
marami ang bahaging nakain ni Jose kaysa kay Ana.

Sa pagkukumpara ng Similar Fraction, ang may


mataas na numerator ang may mas mataas na value o
halaga. Sa kabilang banda naman, ang may mababang
numerator, ang may mas mababang value o halaga.

Ginagamit natin ang mga sumusunod na relation


symbols upang pagkumparahin ang mga similar fraction.
> greater than, kung mas mataas ang nasa kaliwa
< less than, kung mas mababa ang nasa kaliwa
= equal, kung pareho ang value o halaga

5
Pagyamanin
A. Pagkumparahin ang mga similar fraction gamit ang
relation symbols na >, < at =. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1.
4 3
6 6

2.
3 5
6 6

3.
4 4
6 6

4.
2 1
6 6

5.
2 3
6 6

6
B. Gamit ang mga larawang nagpapakita ng similar
fraction na may kulay, pagkumparahin ang mga ito
gamit ang relation symbols na >, < at =. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

8
C. Isulat ang fraction na kinulayan sa mga sumusunod na
larawan. Sagutin ang mga sumusunod gamit ang relation
symbols na >, < at =. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
Halimbawa:

1
9
< 4
9

1.
______ ______

2.

______ ______

3.

______ ______

9
D. Iguhit ang hugis sa ibaba. Kulayan ang bahagi na
ipinapakita ng similar fraction. Sagutin ang mga
sumusunod gamit ang relation symbols na >, < at =. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:

<

2 3
6 6

1.
4 3
6 6

2.
5 5
8 8

3.
7 8
10 10

10
E. Pagkumparahin ang mga similar fraction gamit ang
relation symbols na >, < at =. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

3 1 5 6 1 1
1. 2. 3.
5 5 7 7 8 8

3 2 2 7
4. 5.
4 4 9 9

F. Pagkumparahin ang mga similar fraction gamit ang


relation symbols na >, < at =. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

5 4 4 8 2 2
1. 2. 3.
6 6 8 8 9 9

2 1 6 7
5. 5.
5 5 10 10

G. Pag-aralan ang sitwasyon at sagutin ang mga


sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
7
1. Si Marco ay kumain ng na bibingka habang si
12
5
Juan ay nito ang nakain.
12

Tanong: Sino ang mas maraming nakain?


Isulat ang relation symbol: _________________
Sagot: _____________

11
H. Pag-aralan ang sitwasyon at sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
3
1. Si Emma ay nakakain ng na sapin-sapin at si Teddy
8
2
naman ay nito ang nakain.
8

Tanong: Sino ang may mas kaunti ang nakain?


Isulat ang relation symbol: _________________
Sagot: _____________

Isaisip
Tukuyin sa loob ng panaknong ang salitang bubuo sa
diwa ng pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.

1. Sa pagkukumpara ng similar fraction, ang may


mataas na (numerator, denominator) ang may mas
mataas na value o halaga.

2. Sa pagkukumpara ng similar fraction, ang may


mababang (numerator, denominator) ang may mas
mababang value o halaga.

3. Ang simbolong “>” ay tinatawag na (greater than,


less than).

4. Ang simbolong “<” ay tinatawag na (greater than,


less than).

5. Kapag ang pinagkukumparang fraction ay may


parehong value o halaga, ito ay (less than, equal).

12
Isagawa
Pagmasdan ang larawan at pag-aralan ang
sitwasyon sa baba. Sagutin ang mga tanong sa iyong
sagutang papel.

Sina Gab at Micah ay mahilig sa tsokolate. Isang


araw, binigyan sila ng kanilang Tita Vina ng isang bar ng
tsokolate. Ito ay nahahati sa labindalawa (12) na
magkakapareho ng laki. Salitan silang kumukuha ng
tsokolate. Unang kumuha si Gab ng 3 piraso at sumunod
si Micah na kumuha lamang ng 2 piraso. Maya-maya,
kumuha ng 3 piraso si Gab at ang natirang 4 ay napunta
kay Micah.

Tanong:
1. Ilan pirasong tsokolate ang kinuha ni Gab? Iguhit
ang larawan sa ibaba at kulayan ito sa iyong
sagutang papel.

13
2. Ilan pirasong tsokolate ang kinuha ni Micah? Iguhit
ang larawan sa ibaba at kulayan ito sa iyong
sagutang papel.

3. Base sa impormasyon na nasa itaas, punan ang


fraction upang mapagkumpara ang dami ng
tsokolateng nakain nila Gab at Micah. Isulat ang
relation symbol sa loob ng bilog. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gab Micah

𝟏𝟐 𝟏𝟐

14
Tayahin
Punan ng angkop na fraction ang sumusunod na
larawan ayon sa relation symbol sa bawat bilang. Iguhit
at kulayan ang hugis sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:

6 2
8
> 8

1.

8
< 8

2.

12
> 12

15
3.

10
= 10

4.

6
< 6

5.

5
> 5

16
Karagdagang Gawain
Pumili ng angkop na fraction sa loob ng panaklong
ayon sa relation symbol nito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1.
3
6
< ( 4
6
,
2
6
,
1
6
)

2.
8
11
> ( 9
11
,
7
11
,
10
11
)

3.
4
9
= ( 5
9
,
3
9
,
4
9
)

4.
5
7
> ( 6
7
,
4
7
,
5
7
)

5.
6
8
< ( 7
8
,
6
8
,
5
8
)

17
18
Karagdagang Tayahin
Gawain
4
(tandaan: ang sagot
1. 6
ay nakadepende sa
7 relation symbol na
2. 11 sinasaad sa bawat
4 bilang. Kahit anong
3.
9 bilang basta
4 nasusunod ng tama
4.
7
ang mga relational
7
5. symbols)
8
Isagawa Isaisip H G
6
1. 1. numerator
12 2 3 7 5
2. denominator Solusyon: < Solusyon: >
8 8 12 12
6 3. greater than
2. 12 4. lesser than Sagot: Teddy Sagot: Marco
5. equal
6 6
3. 12
= 12
F E D C
(tandaan, ang
3 1
1. > 1. > pagkukulay ng sagot 1. >
5 5
ay nakadepende sa
2. < 2. < sinasaad na fraction)
4 3 2 5
1. > 2. <
3. = 6 6 7 7
3. =
5 5
4. > 4. > 2. =
8 8 3 3
3. =
5. < 8 8
7 8
5. < 3. <
10 10
Pagyamanin Balikan Subukin
B A
2 4
1. 2. 1. a
9 7
1. >
1. > 2. b
2. <
2. < 3 6 3. c
3. 5
4. 10
3. =
3. = 4. c
4. >
5. b
4. > 7
5. < 5. 8
5. <
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Home School Math.net. “Comparing/ Ordering Fractions


Worksheets.” Accessed July 30, 2020.
https://www.homeschoolmath.net/worksheets/com
paring_fractions.php

Math is Fun. “Comparing Fractions.” Accesses July 30,


2020. https://www.mathsisfun.com/comparing-
fractions.html

Mathematics - Grade 2 Teacher’s Guide. Department of


Education, 2013. pp. 232-235.

Mathematics - Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-


aaral: Tagalog. Department of Education, 2013. pp.
172-173.

Most Essential Learning Competencies Matrix K to 12


Curriculum Mathematics (Kindergarten to Grade
12)”, Department of Education, May, 2020, page
169-170.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like