You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 3
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pagsasama ng mga Katinig at
Patinig upang Makabuo ng
Salitang Klaster

MELC: Napagsasama ang mga katinig at patinig upang


makabuo ng salitang klaster. ( F3KP - IIIh-j-11)

Inihanda ni:

VANESSA B. AGUSTIN
Guro III
Espiritu Elementary School
FILIPINO – Ikatlong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsasama ng mga Katinig at Patinig upang
Makabuo ng Salitang Klaster
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Vanessa B. Agustin
Tagasuri: Caroline P. Calili
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Caroline P. Calili
Division Design &
Layout Artist: Chester Allan M. Eduria

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos
Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Pagsasama ng mga Katinig at
Patinig upang Makabuo ng
Salitang Klaster
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay
maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
CLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Sa araling ito, susukatin ang iyong kakayahan sa pagsasama


ng mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang klaster.
Magpatulong ka sa iyong kapamilya para basahin ang mga teksto
o kuwento. Maaari ring humingi ng gabay sa pakikinig ng teksto sa
kamag-anak na nakatira o malapit sa inyong bahay tulad ng iyong
tiya at tiyo.
Sa modyul na ito, matututuhan mong pagsamasamahin ang
mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang klaster May
mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito. Basahin mong mabuti ang panuto sa
bawat bahagi at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Napagsasama ang mga katinig at patinig upang makabuo ng
salitang klaster. ( F3KP - IIIh-j-11)

2
Subukin

Panuto: Buuin ang mga letra sa ibaba ng larawan upang malaman


mo ang pangalan ng bawat larawan.

1. t a w p l a 2. B o o l g 3. P e s n r i p i

4. o p a l t 5. O g i p r

3
Balikan

Panuto: Basahin ang mga salita sa ibaba at hanapin ito sa kahon.


Plato dyip planeta plorera prito
P L O R E R A N Y U O
L R T Y H A E T Y H I
A F R E Y Q T H H T L
T E P R I T O N E A I
O O E F N Z F D Y I P
D A T G H A I I U S N
P L A N E T A L O B

Tuklasin

Panuto: Narito ang mga larawan, ibigay ang mga pangalan ng


bawat isa. Hanapin sa kahon ang sagot.

4
braso prutas planeta
blusa tren

Pantigin natin ang mga pangalan ng mga nasa larawan


Braso – bra-so
Prutas – pru-tas
Blusa – blu–sa
Planeta – pla-ne-ta

Makikita natin na ang dalawang katinig na nasalungguhitan ay


hindi nagkahiwalay ng ating paningin.
Kaya ang mga hanay ng salitang ito ay may kambal katinig o
klaster.
Ngayon, atin namang basahin ang mga sumusunod na mga
halimbawa.

plantsa troso

Naiintindihan mo na ba? Sana hindi lang isang beses mo


babasahin ito para lalong matutuhang mabuti ang mga salitang
klaster.

5
Suriin

Ano ang kambal katinig o salitang klaster?


Ang kambal katinig o klaster ay mga salitang mayroong
magkadikit na dalawang magkaibang katinig na matatagpuan
lamang sa iisang pantig. Ang kambal katinig ay maaaring makita
sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.
Halimbawa:
Grasa Kontrata kard
Bruha Kumpleto nars
Drama Eskwela relaks

Drayber indeks
Krayola biskwit iskawt

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang kambal katinig.

1. ____insesa

6
2. ____okolate

3. ____en

4. ____am

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.


Ang 1._____________________ ay mga salitang mayroong
magkadikit na 2. _____________ magkaibang 3. ____________ na
matatagpuan lamang sa iisang 4. ___________. Ang kambal katinig
ay maaaring makita sa 5. ____________, sa gitna o hulihang pantig
ng salita.

7
Isagawa

Panuto: Punan ang angkop na salitang klaster sa pangungusap.

bloke sombrero tren globo

dyanitor krayola klase nars

1. Ang ______________ ni Gng. Cuala ay masipag.


2. Kami ay sumakay sa ______________ papuntang Maynila.
3. Ang _______________ ay isinusuot sa ulo.
4. Gumamit ako ng ______________ sa pagkulay ng aking iginuhit.
5. Ang _____________ sa aming paaralan ay masipag.

Tayahin

Panuto: Salungguhitan ang salitang may kambal-katinig o klaster


sa pangungusap.

1. Si Aling Brenda ay pumunta sa palengke.


2. Siya ay bumili ng prutas.
3. Sinuot ni tatay ang aking tsinelas.
4. Naglalaro ng trumpo si Allan.
5. Malakas ang tubig ng aming gripo.

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at bilugan ang salitang may kambal-katinig o


klaster.

1. baso paso braso


2. bra kuba gubat
3. kita klip kisame
4. beinte brilyante basura
5. dragon bago dumi

9
10
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa
1. braso 1. Brenda 1. klase
2. bra 2. prutas 2. tren
3. klip 3. tsinelas 3. sombrero
4. brilyante 4. trumpo 4. krayola
5. dragon 5. gripo 5. dyanitor
Subukin Pagyamanin Isaisip
1. plawta 1. pr 1. Kambal-
2. globo 2. ts katinig/klaster
3. prinsipe 3. tr 2. dalawang
4. plato 4. dr 3. katinig
5. gripo 4. pantig
5. unahan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• https://www.slideshare.net/RyanPaulBalot/kambal-katinig-o-klaster-
69868082

• https://www.youtube.com/watch?v=-75ahkU5TZk

• https://www.youtube.com/watch?v=fzQTHeOY93c

• https://www.youtube.com/watch?v=6XJqRP1WWqk

• https://www.m.azumazu.com/index.php/product/view/487/a--00

• https://tl.wikipedia.org/wiki/Banal_na_Awa_(larawan)#/media/Talaksa
n:200px-Faustina.jpg

• https://nuestrada.wordpress.com/pinakanakapanghihinayang-
na-laro-troso-ni-aladin/

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like