You are on page 1of 13

3

Ikaapat na Markahan – Modyul 31-Week 1:


Pagsasama ng mga Katinig at Patinig upang
Makabuo ng Salitang Klaster
Alamin
Inihanda sa modyul na ito ang marami at interesanteng gawain para
sa iyong lubos na pagkatuto sa araling ito. Matutulungan at magagabayan
ka ng mga iba’t ibang gawaing makikita sa modyul na ito upang lalo mo
pang mapalawak ang iyong kaalaman.
Ang pagkakaroon ng kawilihan sa pagsasagawa sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito ay lubos na inaasahan.
Pagkatapos mong masagot ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipakikita ang wastong pagsasama ng mga katinig at patinig
upang makabuo ng salitang klaster-F3KP-IIIh-j-11
2. Nasasagot ang mga gawain nang may kasiyahan at kawilihan

Subukin
Magandang araw sa iyo, magiliw kong mag-aaral! Handa ka na ba sa bago
mong aralin? Pero bago mo simulan ang iyong pagtuklas sa inihanda kong mga
gawain, umawit muna tayo. Kantahin ang awiting “Alpabetong Filipino”.

Alpabetong Filipino
(Musikwela kids TV)

A, B..C, D.. E,F,G,..H,I,..J,K,..L,M,N,︡N,..


NG ,..O,P,..Q,R,S,T,..U,V,..W,X,Y,Z.
Ang alpabetong Filipino,
Madaling tandaan, Sabayan n’yo ako.
May dalawangpu’t tatlong katinig ito at limang katinig A,E,I,O,U..
(Ulitin ang awit ng dalawang beses)
Ang galing mong umawit!! Mula sa kantang “Alpabetong Filipino”’
ilagay mo sa tsart ang mga titik na katinig at patinig na nabanggit.

Mga Katinig Mga Patinig

1
Aralin Pagsasama ng mga Katinig

1 at Patinig upang Makabuo


ng Salitang Klaster
Maraming mga salita sa wikang Filipino ang nagsisimula sa
klaster. Malimit gamitin ang mga klaster sa mga salitang hiram.
Ginagamit natin ang mga ito sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap sa mga nakakausap natin. Ang kaalaman sa pagbasa,
pagkilala at pagbuo ng mga salita na may klaster ay makikita at
matutuhan mo sa modyul na ito.

Balikan
Ang mga salitang klaster o tinatawag ding kambal-katinig ay
madaling makilala sa isang salita. Pinagsamang tunog ng dalawang
magkasunod na katinig na sinusundan ng patinig ang bumubuo ng tunog na
klaster.
Malimit sa mga binabasa natin ay may mga klaster.
Subukan mong bigkasin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang
mga salitang may kambal-katinig o klaster.
1. lapis, bolpen, krayola 6. bulaklak, plorera, dahon
2. sweter, pantalon, damit 7. dyaryo, aklat, magazine
3. sapatos, bakya, tsinelas 8. palda, blusa, sando
4. siko, braso, hita 9. Lina, Tesa, Trina
5. kwago, pipit, agila 10. Tito, Bruno, Celso

2
Tuklasin
Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Dyip! Dyip! Dyip!


Ni: Mary Jane M. Lanipa
Matagal nang pangarap ni Mang Primo
ang magkaroon ng sarili niyang dyip. Hindi kasi
sa kanya ang minamanehong sasakyan.
Isang araw, dumating ang anak ni Mang Primo na si Drena
galing sa ibang bansa. Sinorpresa niya ang kanyang tatay Primo.
“Tay, labas po kayo sandali at may ipakikita ako sa inyo,”
masayang sabi nito.
Dali-daling lumabas si Mang Primo. Laking gulat niya nang
makita ang isang bagong-bagong dyip na nakaparada sa tapat
ng kanilang bahay.
“Beep! Beep! Beep!,” natutuwang busina ni Drena sa dyip.
“Tay, sana po magustuhan ninyo ang aking simpleng regalo. Sinamahan
ko na rin po ng dyaket at tsinelas para may pampalit po kayo kapag pagod
na ang inyong mga paa,” dagdag pa nito.
Hindi mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Mang Primo sa
kanyang mga tinanggap na handog mula sa kanyang anak.
“Maraming salamat anak. Natupad na rin ang matagal ko nang
pinapangarap. Magagamit ko ang mga binigay mo sa aking pang-araw-
araw na trabaho,” naluluhang sabi ni Mang Primo.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang dumating sa bahay ni Mang Primo isang araw?
2. Ano ang inihanda ni Drena para sa kanyang ama?
3. Anu-ano ang mga sorpresang regalo ni Drena para sa kanyang ama?
4. Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Drena? Bakit?
5. Balikan mo ang kwento, ano-ano ang mga salitang nakasalungguhit?

3
Suriin
Tama ka! Ang mga salitang nakasalungguhit ay mga salitang
nagtataglay ng dalawang magkasunod na katinig na sinusundan ng patinig
na nasa loob ng isang pantig. Ang mga ito ay tinatawag na salitang klaster
o kambal-katinig. Masdan ang mga iba pang klaster sa ibaba na
makabubuo ng mga bagong salita.
pla gra tsi dya blu
glo pri tsa tra tru
kla bla dra tso gri
Pagmasdang mabuti ang dalawang unang titik sa bawat pantig. Ang
mga ito ay halimbawa ng mga katinig. Makikita rin ang patinig na kasunod
ng dalawang katinig. Kapag pinagsama ang mga titik na ito, makabubuo
tayo ng isang pantig. Ginagamit ang mga klaster upang makabuo ng mga
bagong salita.
Marami ka pang makikitang mga halimbawa ng mga klaster sa
modyul na ito. Handa ka na bang magpatuloy? Tara na!
Nakabasa ka na ba ng mga bugtong? May inihanda akong mga
bugtong. Basahin nang pabigkas ang mga bugtong at bigkasin ang mga
sagot. Ibigay ang tunog ng mga salitang klaster sa mga sagot sa bugtong.

1. Gamit sa pagkukulay
Pula, dilaw, berde, asul at lila.

2. Ito ay kasuotang gamit


Kapag panahon ay malamig.

3. Kaparis at katerno
Ng paldang luma o bago.

4. Si masipag na kuya
Katulong sa paglilinis sa paaralan.

5. Kapag bukas, tubig ay tumutulo


Kapag sarado, ang daloy ay humihinto.

Nasagot mo ba lahat nang tama ang mga bugtong? Magaling!


Subukan naman natin ito.

4
Pagyamanin

Gabay na Gawain 1
Pag-aralan naman natin ang ilan pang halimbawa ng mga
salitang may klaster.

plorera eklipse globo


plantsa

tsinelas ngipin prutas alimango


Ang klaster ay madalas makita sa unahang pantig ng salita. May
klaster din sa gitna at sa huling pantig ng salita. Sa mga halimbawa sa
itaas, alin sa mga salita may klaster sa unang pantig? Alin naman ang
may klaster sa gitna? Alin naman ang mga salitang may klaster sa
huling pantig?
Tama ka! Ang plorera, prutas, ngipin, tsinelas, globo, at plantsa
ay may klaster sa unahang pantig.
Habang ang salitang eklipse ay nasa gitna ang klaster.
Ang alimango naman ay matatagpuan ang kambal katinig nito
sa hulihan ng salita.
Tingnan natin kung nauunawaan mo ang ating aralin.
Kilalanin ang mga larawan. Isulat ang ngalan ng mga ito sa
patlang. Salungguhitan ang mga kambal katinig at isulat ang unahan,
gitna o huli ayon sa kinalalagyan ng mga kambal katinig.

yo

_______ ________ _________ _________ ________

5
_________ _________
_________ _________ ________
Magaling! Naibigay mo ang lahat ng tamang sagot.
Ngayon naman, palawakin mo pa ang iyong natutuhan tungkol
sa mga salitang klaster o kambal-katinig.

Gabay na Tayahin 1
Bilugan ang mga kambal-katinig sa mga sumusunod na
salita.
1. krus 6. graba
2. plasa 7. byulin
3. prito 8. gwantes
4. sorpresa 9. dram
5. tradisyon 10.pyano

Gabay na Gawain 2
Minsan, may nababasa kang mga salitang may dalawang
magkasunod na katinig ngunit hindi masasabi na mga salitang klaster ang
mga ito.

Sa mga salitang nasa kahon, subukan nating pantigin ang mga ito.

Mga Salitang Pinantig


Pro-yek-to
Tri-na
Mar-ka
Bas-ket
Maaari bang ihiwalay ang mga pantig na pro, tri, at pla? rka at ske?
Magaling! Klaster ang mga pantig na pro, tri, at pla kung ito ay
naihiwalay. Habang ang rka at ske ay hindi klaster.
Masdan ang mga salita kapag pinantig. Hindi magkasama sa iisang
tunog ang mga katinig na rk at sk sa mga salitang marka at basket kaya
hindi sila maituturing na salitang klaster.

6
Tingnan natin kung may natutuhan ka sa bahagi ng araling ito.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang dalawang magkasunod na
katinig na nakasalungguhit ay kambal-katinig. Kung hindi, lagyan naman ito
ng ekis (x).
1. Hagdan - __________ 6. Trapiko - ________
2. Plato - _________ 7. Pantalon - ________
3. Ekwador - __________ 8. Buklod - _________
4. Sweter - __________ 9. Gloria - ________
5. Prito - __________ 10. Bansa - _________

Gabay na Tayahin 2
Subukan pa nating muli ang iyong galing tungkol sa araling ito. Isulat sa Hanay
A ang mga salitang may kambal-katinig at sa Hanay B ang walang
kambal-katinig.

groseri doktora kwintas


ditse lambat tren
mantika pluma berde
<
palda

Hanay A Hanay B

Malayang Gawain 1
Lubhang marami ka nang natutuhan sa iyong aralin. Bibigyan pa kita ng
pagsasanay para sa iyong lubos na pagkatuto.
Iyo namang basahin ang tula at sagutin ang mga tanong. Kilalanin din ang mga
salitang may klaster sa tula.

Munting Pangarap
Ni : Mary Jane M. Lanipa
Bata pa lang ako,
Malimit nang sambitin ito,
“Nay, paglaki ko
Pagsakay sa barko ang nais ko!”
Sa pangarap na nasambit,
Tatay Fred sabihing malimit,
“Sakay na ako sa dyip,
Sa trabaho’y ‘di kailangang mainip”
Sa eskwela’y ginagalingan,
Pagod ng magulang ay matugunan,
Ninanais paglaki ay kailangan,
Para sa magandang kinabukasan.

Pangarap ko, pangarap ko!


Panginoon gabayan N’yo ako.
Itong pag-asensong hangad,
Para sa layong umunlad!

7
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang pangarap ng bata sa tula?
3. Ano kaya ang trabaho ni Tatay Fred?
Kanino humihingi ng gabay ang bata sa tula?
4. May pangarap ka rin ba? Ano ito?
5. Bilang isang anak, paano ka makakatulong sa iyong mga magulang sa pag-
abot ng iyong pangarap?
6. Kopyahin ang mga salitang klaster na nabanggit sa tula. Isulat ang mga ito sa
sagutang papel.

Malayang Tayahin 1
Sa susunod na gawain, buuin mo naman ang mga salitang may kambal
katinig. Isulat ang nawawalang kambal katinig upang mabuo ang salita
sa larawan.
1. 2. 3.

__aso __ase __en

4. 5 6. .

__aryo __apiko _ato

7. 8. 8. 9. 10.

__ uha __istal so__e __okolate

Malayang Gawain 2
Basahin mo naman ang kwento at sagutin ang gawain sa ibaba.
Biniyayaang mga Kamay
Ni: Mary Jane M. Lanipa

Sa murang edad pa lang, nakitaan na ng talento si Gwen sa pagguhit. Mahilig


itong humawak ng lapis at krayola. Pagtanaw sa paligid ay lubos niyang kinahihiligan.
Gustong-gusto niyang ginuguhit ang mga magagandang tanawing kanyang nakikita
at nadadaanan.

8
Isang araw, tinawag si Gwen ng kanyang guro.
“Gwen, magkakaroon ng patimpalak sa pagguhit dito sa ating eskwelahan.
Nais ko sanang sumali ka. Alam kong may angking talento ka sa pagdrowing”,
masayang balita ni Bb. Priscilla kay Gwen.
“Talaga po, Bb. Priscilla?” tanong ni Gwen.
“Oo, Gwen. Ang tema sa bagay na iguguhit mo ay ang mga paborito mo o
pinapangarap mo”, dagdag pa ng kanyang guro.
Dumating ang araw ng patimpalak. Masayang sinimulan ni Gwen ang
kanyang pagguhit.
Pagkatapos ng isang oras ay natapos na ang patimpalak.
“Ngayon ay ihahayag ko na ang nanalo. At ang unang karangalan ay
nakuha ni…….. Gwen Bautista!
Tuwang-tuwang umakyat sa entablado si Gwen. Masaya din niyang
tinanggap ang kanyang premyo.
“Gwen pwede mo bang ibahagi sa mga mag-aaral dito kung ano ang iyong
iginuhit?” tanong ng punung-guro.
“Gusto ko pong maging isang prinsesa na nakatira sa isang magandang
palasyo na binabantayan ng maraming mga gwardiya. Gumuhit din po ako ng isang
kapatid na prinsipe. Para po maging maganda ito ay nilagyan ko din ng mga
magagandang kulay gamit ang aking mga krayola”, natutuwang sabi ni Gwen.
Tuwang-tuwang sinalubong si Gwen ng kanyang guro at mga kaklase.
“Sabi ko na sa iyo Gwen, mayroon kang biniyayaang mga kamay!” sabi ni Bb. Priscilla

Mayroon ka rin bang talento? Katulad mo rin ba si Gwen na ipinapakita ang


kanyang talento?
Mula sa binasang kwento, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
Punan ang mga kahon upang mabuo ang mga salitang may klaster.

1. Anak na lalaki ng hari

2. Tawag sa mga taong nagba-


bantay sa palasyo

3. Ibinibigay sa isang nanalo


sa paligsahan

4. Cinderella, Snow White,


Sleeping Beauty

5. Gamit sa pangkulay, may


Pula, asul, ube, berde, dilaw

Malayang Tayahin 2
Kahunan ang mga salitang may kambal-katinig o klaster sa mga sumusunod
na pangungusap.

1. Mahilig kumain ng tsiko at tsokolate si Ana.


2. Si tatay ay may radyo sa kanyang dyip.
3. Gumagamit ang bata ng krayola at pluma sa pagguhit.
4. Maraming kwago at tsonggo ang makikita sa kagubatan.
5. Ang magkapatid na Gloria at Nadya ay parehong magaganda.

9
Isaisip

Lagi nating tandaan na marami tayong salita na nagsisimula sa klaster.


Mahalagang malaman natin kung paano binibigkas ang mga ito para sa
ating pagkatuto.
Hindi mahirap kilalanin ang mga salitang klaster o kambal-katinig dahil
dalawang magkasunod na katinig na sinusundan ng patinig ang bumubuo ng
tunog na klaster. Ang pinagsamang tunog ng magkasunod na katinig at
patinig ay makakabuo ng isang pantig na ginagamit sa isang salita.
Madalas makita ang mga klaster sa unang pantig ng salita, ngunit
mayroon ding mga klaster sa gitna at huling pantig ng isang salita.
Ang mga karaniwang halimbawa ng klaster o kambal-kating ay :
br, dr, gr, pr, tr, bl, kl, pl, kw, gw, pw, tw, by, dy, at py.

Heto ang ilan sa mga halimbawa ng mga salitang may klaster:

Dre-na blu-sa kwa-go byu-lin


gra-sa kla-se gwa-po dyi-p
prin-si-pe plo-re-ra twal-ya pya-no
bra-so tro-so

Karagdagang Gawain

Bilang panghuling kasanayan, sumulat ka ng mga salitang klaster na


nagsisimula sa mga halimbawa sa bawat arrow. Gamitin mo rin ang mga
nabuo mong salita sa isang makabuluhang pangungusap.

kw gr gl

sw pr ts br

tr
dy bl

10
11
Tayahin Isagawa Pagyamanin
A
1.palasyo-hulihan
2traysikel-unahan
3.sanga-hulihan
4.iskwela-gitna
5.prinsipe-unahan 1.Dyip!Dyip!
6.kwago-unahan Dyp!
7.mantsa-hulihan 2.Mang Primo
8.kwintas-unahan at Drake
9.radyo-hulihan 3.Drake
1.Krayola
1.Krayola 4. isang
10.tsiko-unahan 2.sweter
sorpresa
2.sweter
Gabay na 3.tsinelas
Tayahin 1 5.dyip,dyaket
3.blusa
at tsinelas 4.braso
Bilugan 4.dyanitor
6. Masaya 5.kwago
1.kwintas Mga
5.gripo
7. 0o (sagot 6.plorera katinig
2.plasa ay maaaring
iba-iba) 7.dyaryo B,C,D,F,G,
3.prito H,J,K,L,M,N
8.dyip,Primo, 8.blusa ,Ñ,
4.sorpresa Drake,dyaket
9.Trina NG,P,Q,R,S
5.tradisyon , tsinelas, ,T,V,W,X,Y,
trabaho 10.Bruno Z
6.graba
9.Ang mga
7.byulin salita ay
nagsisimula
8.gwantes sa 2 katinig
9.dram at
sinusundan
10.pyano ng patinig Mga
patinig
bata 10.Mga
salitang A,E,I,O,U
Pagyamanin Suriin Tuklasin Balikan Subukin
12
1.dyaryo Malayang
2.blusa Gawain 1
3.tsuper
4.trak 1.Munting
5.programa Pangarap
6.plorera
7.brotsa 2.Sumakay
8.trahedya sa barko
9.globo
3.Tatay
10.sweter
fred
4.tsuper o
drayber
Karagdagang Malayang
Gawain Gawain 2 5.sa
Ang mga sagot
iskwela
ay maaaring iba- 1.prinsipe Gabay na
iba. 6.upang Gawain 2
2.gwardiya umunlad o
1.x 6./
3.premyo umasenso
sa buhay 2. / 7.x
4.prinsesa
7.sa 3. / 8.x
5.krayola Panginoon
4. / 9. /
Malayang 8.Oo(Iba-
1. p Tahayin 2 iba ang 5. / 10.x
w sagot
2. dr 1.tsiko, Gabay na
3. pr tsokolate .(Iba-iba Tahayin 2
4. tr ang sagot
2.radyo, dyip Hanay A
5. pl
6. k 10.Fred,dyi
3.krayola,plu Groseri
w p,
ma Trabaho,
7. kl Ditse
8. sw iskwela
4.kwago,
9. bl Pluma
tsonggo Malayang
10. ts
Tahayin 1 Kwintas
5.Gloria,Nad
ya 1.br Tren
6.tsinelas, 2.kl Hanay B
dyaket
3.tr Mantika
7.presko,
prubinsya 4.dy Lambat
8.dyaryo, 5.tr Doktora
trabhao
6.pl Palda
9.dyanitor,
7.br Berde
Bruno
10. blusa, 8.kr

You might also like