You are on page 1of 12

3

Filipino
Kwarter 4
Modyul 3
Nasisipi nang Wasto at Maayos
ang Talata/Pagsulat ng Talata

1
Panimula:
Ang modyul na ito ay isinulat bilang isang suplementaryong
kagamitan sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang.
Ikaw ay maglalakbay para tuklasin ang napapaloob sa modyul na
ito. Gawin mo ang lahat na makakaya para sa iyong sariling pag-
unlad at mabuting kinabukasan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


F3 PU IIIa-e1.2 Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata.
F3 KM-Nd-3.1 Nakasusulat ng isang talata.

Subukin
Filipino 3 (Pre-test)
Pangalan: _____________________Seksyon:_______ Kwarter 4- Modyul 3
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Bb. Elen Camposano ay isang guro sa Sto. Nino
Parochial School. Siya ay nagtuturo ng Religion. Mabait
at masipag na guro. Siya ay pinarangalan bilang isang
ulirang guro. Tama ba ang pagkasulat ng talata?
A. Hindi B. Maaari C. Oo
2. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay tungkol sa isang paksa.
A. pangungusap B. salita C. talata

2
3. Kumpletuhin ang pangungusap na ito. “ Sa pagsipi ng
isang talata dapat tandaan na ang unang
pangungusap ay ____ at nagsisimula sa ____.
A. nakapasok, malaking titik
B. nakapasok, maliit na titik
C. hindi nakapasok, malaking titik
4. Ang pagbuo ng isang talata ay pawang tungkol sa
pamagat.
A. mali B. tama C. wala
5. Sana dumami ang mga Pilipinong tulad ni Efren
Peñaflorida Jr. Isa siyang bayaning tunay na
maipagmamalaki. Isang Pilipinong world class ang
pangalan. Ano ang tawag sa mga magkakaugnay na
pangungusap na ito?
A. pangungusap B. salita C. talata

Aralin 1- Nasisipi nang Wasto at Maayos


ang mga Talata

Alamin
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. nasasagot ang mga tanong mula sa binasang teksto;
2. nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata.

Balikan/Pangganyak

• Anong kakayahan o talento ang mayroon ka?


• Paano mo mapaunlad ang iyong kakayahan?

3
• Babasahin natin ang isang kuwento tungkol sa isang
Pilipino na may galing at talino. Ito’y ipinamahagi niya
sa kapwa Pilipino.

Tuklasin
Ang mga Pilipino ay yaman ng bansa. Ang kanilang
galing at talino ay hindi matatawaran. Paano ba
magagamit ang mga regalong ito upang makatulong sa
kapwa?

Natatanging Regalo

Bawat Pilipino, mayaman man o hindi, ay biniyayaan


ng natatanging kakayahan. Binigay ito sa atin bilang
regalo upang magamit sa pagtulong sa kapwa at sa
pangangalaga ng kapaligiran. Dahil regalo ito sa atin,
nararapat na ito ay ibahagi rin ng libre sa ating kapwa lalo
na sa mga nangangailangan.
Ang paggamit sa kabutihan ng ating kakayahan ay
hindi lang magdadala ng tiyak na tagumpay kundi
kagalakan din sa ating kapwa.
Isang mabuting Pilipino na dapat tularan si Efren
Peñaflorida Jr. Nakilala si Efren sa kanyang proyektong
Kariton Klasrum. Binalewala ni Efren ang hirap ng pagtulak
ng kariton na punong-puno ng aklat, mapuntahan lang at
maturuan ang mga batang hindi makapag-aral dahil sa
kahirapan. Hindi siya nagiging maramot sa kaalaman at
katalinuhan na iniregalo sa kanya ng Maykapal.
Sana dumami ang mga Pilipinong tulad ni Efren
Peñaflorida Jr. Isa siyang bayaning tunay na
maipagmamalaki. Isang Pilipino siya na world class ang
pangalan.

4
Suriin/Talakayin
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang tinutukoy na natatanging regalo?

2. Paano ito dapat gamitin?

3. Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?

4. Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?

• Basahin muli ang “ Natatanging Regalo”


• Ano ang pamagat nito?
• Paano ito isinulat?
• Ilang talata ang bumubuo dito?
• Paano sinisimulan ang talata?

Ang pamagat ay nakasulat sa malaking titik, binubuo ito


ng apat na talata, sinisimulan sa malaking titik ang unang
pangungusap na nakapasok.

• Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng talata?

5
Isaisip
Sa pagsipi ng isang talata, dapat tandaan na ito’y
may pamagat, sinisimulan sa malaking titik o letra. Ang
unang pangungusap ay nakapasok at sinisimulan sa
malaking titik ang unang pangungusap.

Isagawa
Panuto: Sa malinis na papel, sipiin ang isang talata mula
sa “Natatanging Regalo” na nagustuhan mo.

Karagdagang Gawain/Pagyamanin
Panuto: Gamit ang alinmang pangkalahatang
sanggunian, sumipi ng isang talata tungkol sa isang
natatanging Pilipino. Gawin ito sa malinis na papel.
Sundan ang format na ito.
Sanggunian/Reference: _________________________
Pahina:_________
Talata: _______________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

6
Aralin 2 – Pagsulat ng Isang Talata

Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas
sa pagsulat ng mga salitang natutunan;
2. nakasusulat ng isang talata.

Balikan/Pangganyak
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang talata?
Narinig na ba ninyo ang salitang sportsmanship?
Alam ba ninyo ang ibig sabihin niyon?

Tuklasin
Basahin ang isang talataan sa ibaba.

Sportsmanship
Kung kayo ay nasa paaralan, halos araw-araw ay
naglalaro kayo sa malawak na palaruan. At kung araw namang
walang klase, naglalaro kayo sa inyong bakuran o sa palaruan
na malapit sa inyong bahay.
Halimbawang kayo ay nakipaglaro ng basketball,
volleyball, o baseball, at kayo ay natalo, tungkulin ninyong batiin
ang nanalo. Huwag kayong magagalit. Huwag kayong
mapipikon. Masaya pa rin kayo kahit natalo. Iyon ang tinatawag
na sportsmanship, marunong tumanggap ng pagkatalo, hindi
nagagalit, hindi napipikon.

7
Ang pagiging isport ng isang tao ay magandang ugali.
Kung talagang nasa iyo ang tinatawag na sportsmanship ay
magkakaroon ka ng maraming kakilala at kaibigan. Magiging
sikat ka at kikilalanin bilang isang tao na mahusay makisama at
mabuting makitungo sa kapwa.
Kailangang matutuhan natin ang sportsmanship. Sapagkat
sa ayaw at sa gusto natin, tiyak na matitikman natin ang matalo
at manalo sa ating mga pakikipasapalarang gagawin sa buong
buhay.

Suriin/Talakayin

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa buhay ng isang mag-aaral, bakit mahalaga ang


isang isport?
_____________________________________________________

2. Sa paglalaro lamang ba naipapakita ang pagiging


isport?
_________________________________________________
3. Ilang talata mayroon ang binasa ninyong sanaysay?
_________________________________________________
4. Paano nakasulat ang pamagat?

_________________________________________________
• Ang binasa mo ay tungkol sa Sportsmanship.
Nagsisimula ito sa malaking titik. Mayroon itong apat
na talata. Ano nga ba ang talata? Gumamit ba ng
mga bantas ang bawat pangungusap?

8
Isaisip
Ang talata ay binubuo ng tatlo o higit na magkakaugnay
na mga pangungusap tungkol sa isang paksa.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.
• May pamagat na nagsisimula sa malaking titik.
• Ang mga pangungusap ay pawang tungkol sa
pamagat.
• Ang unang pangungusap ay nakapasok at ito
nagsimula sa malaking titik.
• Nilalagyan ng wastong bantas ang hulihan ng mga
pangungusap.

Isagawa
Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Isulat muli sa papel
at gumamit ng malaking titik kung saan kinakailangan.

maaga akong pumasok sa paaralan. pagdating sa


silid-aralan ay binati ko ang aming guro. iniayos ko ang
aking kagamitan sa ilalim ng mesa. nakinig ako sa guro
habang siya’y nagsasalita. sinunod ko ang mga
pinagagawa niya sa amin. nagdasal kami bago umuwi.

9
Pagyamanin/Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan. Isulat nang
maayos sa ibaba. Bigyan ito ng pamagat.

____________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

10
Tayahin
Filipino 3 (Post-test)
Pangalan: ___________Seksyon: ______Kwarter 4 Modyul 3
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang paggamit sa kabutihan ng ating kakayahan ay
hindi lang magdadala ng tiyak na tagumpay kundi
kagalakan din sa ating kapwa. Maayos ba ang
pagkasulat ng talatang ito?
A. Oo B. Hindi C. Maaari
2. Ang _______ay binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay tungkol sa isang paksa.
A. pangungusap B. salita C. talata
3. Paano nagsimula ang unang salita sa pangungusap
ng talata?
A. malaking titik
B. maliit na titik
C. malaki at maliit na titik
4. Sana dumami ang mga ____ tulad ni Efren Peñaflorida
Jr. na isang tunay na bayani. Alin dito ang tamang
isulat sa patlang?
A. Pilipinong B. pilipinong C. Pilipong
5. Si Bb. Elen Camposano ay isang guro sa Sto. Nino
Parochial School. Siya ay nagtuturo ng Religion. Mabait
siya at masipag na guro. Siya ay pinarangalan bilang
isang ulirang guro. Tama ba ang pagkasulat ng
talatang ito?
A. Mali B. Maaari C. Tama

11
Maraming Salamat!
Sanggunian:
Filipino sa Makabagong Panahon Wika 3 Ngayon ni Dr.
Teresita C. Cruz
Batang Pinoy Ako Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino
Filipino Wika 3 ni Carmen Fontelar - Rama
Susi sa Pagwawasto sa Modyul 3- Kwarter 4

Aralin 1
Suriin:
1.kakayahan
2.gamitin sa pagtulong sa kapwa
3.ibahagi ito dahil sa nangangailangan
4.mapaunlad sa pamamagitan ng paggamit sa kabutihan
Isagawa (sumulat sila naa talata)
Aralin 2
Suriin:
1. upang maiwasan ang away
2. Hindi
3. May apat na talata
4. Naisulat iot sa malaking titik
Isagawa
Maaga akong pumasok sa paaralan. Pagdating sa
silid-aralan ay binati ko ang aking guro. Inayos ko ang aking
kagamitan sa ilalim ng mesa. Nakinig ako sa guro habang siya ay
nagsasalita. Sinunod ko ang mga ginagawa niya sa amin.
Nagdasal kami bago umuwi.

12

You might also like