You are on page 1of 54

Pagsipi ng isang

talata mula sa
huwaran
Pagganyak
Sa pabulang Liksi ng Isip at Galaw,
paano ang nilihis ni Pilandok ang
masamang pakay ni Tigre sa kanya?
Isa-isahin mo nga. Isulat sa pisara ang
inyong mga kasagutan.
Paglalahad/Pagmomodelo
Kung isusulat natin ito nang patalata,
paano natin ito gagawin?
Ano ang mga dapat nating tandaan
kung susulat kayo ng talata?
Isulat natin ang sinagot ninyo sa pisara.
Gawin natin itong talata.
(Ipapakita muna ng guro ang kung
paano ang tamang pagkopya ng talata.)
Liksi ng Isip at Galaw
Sinabi ni Pilandok kay Tigre na hindi
siya puwedeng kainin dahil
pinagbabantay siya ng hari sa
tsokolateng tinapay nito. Dinugtong
pa niya na ito ang pinakamasarap na
tinapay sa buong mundo.
Ang sumunod na pangyayari
nakita na naman ni Tigre si Pilandok
at galit na galit. Gusto ng kainin si
Pilandok ngunit sinabi niya na hindi
puwede dahil inutusan siyang muli ng
hari na magbantay ng kanyang
tambol.
Yung palang tambol na sinasabi ni
Pilandok ay bahay ng bubuyog kaya
nung pukpukin ni Tigre ang tambol
naglabasan ang mga bubuyog at
hinabol si Tigre.
Ang huling pangyayari kaya nakaligtas
na naman si Pilandok sinabi kay Tigre
na hindi siya maaaring kainin dahil
napag-utusan siya ng hari na
magbantay ng sinturon nito. Sabay na
itinuro ang ahas na nakapulupot sa
sanga ng puno.
Hanggang sa dinampot ni Tigre ang
tulog na ahas at pinulupot sa bewang
hanggang sa pahigpit nang pahigpit
ang sinturon. Kaya nakaligtas ang
matalinong Pilandok.
Paglalahat
TANDAAN:
May mga panuntunang sinusunod sa
wastong pagsulat ng talata.
 Isulat ang pamagat sa gitna sag awing
itaas ng sulatang papel.
 Lagyan ng espasyo sa pagitan ng
pamagat at mga talataan.
 Gamitin ang malaking titik sa simula ng
mahahalagang salita sa pamagat/simula
ng bawat pangungusap, simula ng mga
pangngalang pantangi, at sa pagsulat ng
pamagat.
 Gamitin ang wastong bantas sa
hulihan ng bawat pangungusap.
Ipasok ang unang pangungusap sa
talataan.
 Magkaroon ng palugit sa
magkabilang panig ng papel.
Gawin Natin 1
Sabihin: Narito ang isa pang talata.
Basahin ang talata. Pag-aralan kung
paano ito isinulat. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Wikang Pambansa
Ang dating Pang. Quezon ang unang
nagmalasakit na magkaroon ng
wikang pambansa na mag-uugnay sa
buong kapuluan. Siya ang pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt nang
ipatupad ng kanyang administrasyon
ang probisyon ng Saligang Batas
tungkol sa wikang pambansa.
Ayon sa kanya, sa tulong ng
wikang pambansa, ang bawat
mamamayang Pilipino ay
magkakaisa.
Mahigit na walumpung katutubong
wika ang umiiral sa Pilipinas. Ang
sampung pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray,
Hiligaynon, Bicol, Kapampangan,
Pangasinan, Tausug at Ibanag.
Iba-iba pa rin ang wika sa iba’t ibang
dako. Sa mga lalawigang
bulubundukin, halimbawa, may
sarisaring wika ang mga Bontok,
Igorot at Ifugao.
Gayundin sa Mindanao at iba pang
pook. May mga Muslim na
nagsasalita ng Maranaw, Tausug,
Magiundanao at iba pa.
Batay sa mga pag-aaral ng Komisyon
sa Wikang Filipino at iba pang mga
linggwista, mas angkop na tawaging
Filipino ang ating wikang pambansa.
Mas malawak ang alpabetong
Filipino kaysa alpabetong Pilipino.
Ang alpabetong Filipino ay may
dalawampu’t walong titik.
Marami tayong mga salitang
ginagamit na nagtataglay ng mga titik
na nasa alpabetong Filipino kaya
karapat-dapat lamang na Filipino ang
ating maging wikang pambansa.
1. Paano sinisimulan ang talataan?
2. Anong titik ang ginagamit sa
simula ng bawat pangungusap, ng
mga pangngalang pantangi?
3. Papaano nagtatapos ang bawat
pangungusap?
4. Anong bantas ang ginagamit sa
mga salitang hinahati sa dulo ng
linya?
5. Saan-saan ang mga palugit?
6. Ano-ano ang mga pamaksang
pangungusap sa bawat talata?
Gawin Natin 2
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang
magbibigay ng marka sa inyong
ginawa ay ang ibang pangkat. Ang
pangkat I ang maggagrado ay ang
pangkat III, ang pangkat II
ang magbibigay ng puntos ang
pangkat I at ang pangkat III ang
magpupuntos ay ang pangkat II.
Panuto: Sipiin ang talata. Isulat ito sa
manila paper ang talatang nakaatas
sa inyong pangkat.
Pangkat I- Unang talata
Pangkat II- Ikalawang talata
Pangkat III- Ikatlong talata
Gawin Ninyo 1
Magbigay ng manila paper at marking
pen sa apat na pangkat.
PANUTO: Sipiin ang talata sa manila
paper.
Hindi kaila sa lahat na ang mga
Pilipino ay masipag, matiyaga,
matiisin at may pananaw sa buhay.
Nais nilang magkaroon ng
magandang kabuhayan at mabigyan
ng magandang kinabukasan ang mga
miyembro ng kanilang pamilya.
Nagtutungo ang mga kababayan
nating Pilipino sa ibang bansa upang
magtrabaho. Tinitiis nila ang matagal
na pagkawalay sa kanilang mga
mahal sa buhay upang kumita ng
sapat para sa kanilang
pangangailangan.
Gawin Ninyo 2
Sabihin: Pangkatin muli sa tatlo ang klase.
Ngayon naman kayo ang naman ang
sumulat ng talata tungkol sa paksang
ibibigay sa bawat pangkat.
Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa
paksang ibibigay sa inyo. Sundin ang
pamantayan sa pagsulat ng mahusay na
talata. Basahin ang talatang isinulat ng
bawat pangkat.
Pangkat I
Isang Paglalakbay
Pangkat II
Mga Yaman sa Ating Kagubatan
Pangkat III
Ang Ating mga Bayani
Kailangan ba natin na matutuhan
natin ang pagsipi o pagsulat ng
talata?
Bakit kaya mahalaga na malaman
natin ang tamang pagsulat ng
talata?
Pagtataya
Gawin Mo
Panuto: Basahin at suriing mabuti
ang talata. Pagkatapos sagutan ang
mga tanong sa ibaba sipiin ang
talata sa isang malinis na papel.
Katipunan
Maraming taon na ang nakalipas, ang
Pilipinas noon ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ng España. Sa
pagnanais ng mga Pilipinong makalaya
ay nagtatag sila ng isang samahan.
Ang samahan ay nakilala sa tawag na
Katipunan – Kataas-taasan, Kagalang-
galang na Katpiunan ng mga Anak ng
Bayan.
Ang samahan ay binubup ng matatapang
na bayani. Sina Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto, at Dr. Pio Valenzuela ang
magkakasama sa pamumuno ng
samahan. Si Andres Bonifacio ang
kanilang Supremo. Kinikilalang Utak ng
Katipunan si Emilio Jacinto sapagkat siya
ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan na
kinapapalooban ng mahahalagang aral.
Naganap ang Unang Sigaw sa
Pugadlawin noong ika-23 ng Agosto,
1896 nang matuklasan ng mga Español
ang samahan. Buong giting na
nakipaglaban ang mga bayani sa
pagtatanggol sa kalayaan. Ang mataas na
bantayog sa Balintawak ang
magpapaalala sa atin ng Unang Sigaw ng
Paghihimagsik.
4. Saan-saan ginagamit ang malaking
titik?
5. Papaano tinatapos ang bawat
pangungusap?
6. Saan-saan kailangan ang palugit?
Takdang Aralin
Gawain para sa tatlong pangkat ng
mag-aaral:
May Kasanayan (nakakuha ng 80%-
100)
Tumutugon (nakakuha ng 75%-79%)
Nagsisimula (nakakuha ng 74%-
pababa)
May Kasanayan
Humanap ng isang talata sa aklat.
Sipiin ito sa isang buong papel.
Tumutugon
Sipiin ang talata. Sundin ang
panuntunan sa pagsipi ng talata.
Ang Luntiang Ginto
May kaaya-ayang klima ang Pilipinas.
Mataba ang ating lupa; luntian sa
masaganang damo. Mayaman ang
lupa sa ating bansa at masagana ang
pag-aani kung maayos ang pagsasaka
ng mga lupain. Talagang kailangan ng
ating mga bukirin ang mga kamay na
mapagpala at ng ating sipag at tiyaga.
Ang atin ding mga bakuran ay
nagdudulot ng masaganang ani.
Taniman ito ng sari-saring gulay at iba
pang mga pananim. Makasisiguro na
tayong sariwa at malinis ang mga ito,
makatitipid pa tayo.
Magsisilbi itong inspirasyon sa mga
kapitbahay na may mga
nakatiwangwang na lupain o kaya’y
malawak na bakuran.
Nagsisimula
Pangkatang gawain:
Panuto: Sipiin ang talata. Sagutan ang
tseklist sa ibaba.
Felipe de Leon: Dakilang
Kompositor
Isa sa mga awitin ni Felipe Padilla de
Leon na natanyag ay ang “Tindig,
Aking Inang Bayan.” Itinuturing itong
pambansang awit ng Pilipinas noong
panahon ng Hapon. Bagamat pinilit
lamang siyang lumikha ng naturang
awit, ibinuhos pa rin niya ang kanyang
kakayahan at kaalaman sa pagkatha
nito.
Kaya lumabas na napakaganda at
puno ng damdaming makabayan ang
naturang awit. Nang panahong yaon,
ipinagbawal ng mga Hapones ang pag-
awit ng pambansang awit ng Pilipinas
na nasusulat sa Ingles.
Sa panahon ng pagpapairal ng batas
militar sa Pilipinas, lumaganap ang
awiting “Bagong Pagsilang” na himig
martsa. Isa itong makabayang awiting
kinatha ni Felipe de Leon na waring
nakakahawig ng kundimang “Bayan
Ko”.
Noong 1957 ginawa niyang isang
opera ang Noli Me Tangere at noong
1970 ang El Filibusterismo. Ang
dalawang ito ay kapwa walang
kamatayang nobela ni Dr. Jose Rizal.
Itinuturing na operang klasika ang
mga ito di lamang sa Pilipinas kundi
maging sa buong daigdig.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) sa
tamang kolum ang inyong
sagot.

You might also like