You are on page 1of 19

5

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Iskrip para sa Radio
Broadcasting at Teleradyo
Ikatlong Markahan - Ikawalong Linggo
FILIPINO – Ikalimang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo
Ikaapat Markahan - Ikawalong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pamapagkatuto

Manunulat: Brendel Ugao-Ugao


Editor: Liezel Cruz
Tagasuri: Aida Ignacio
Tagaguhit: Abigail Lumalu
Tagalapat: Janmar Molina
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsulat ng Iskrip para sa Radio
Broadcasting at Teleradyo

Panimula

Mahilig ka bang makinig sa radyo ng mga balitang napapanahon? Ano ang


ambag ng mga balita sa iyong pang araw-araw na pamumuhay? Sa iyong palagay,
sa paanong paraan nakatutulong ang pakikinig ng mga balita sa radyo man o sa
telebisyon?
Sa araling ito iyong malalaman at matututunan ang pagsulat ng iskrip para
sa radio broadcasting at teleradyo.
Handa ka na ba sa isang makabuluhang at masayang aralin? Halika na at
simulan ng matuto ngayon.

1|Pahina
Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.


(F5PU-IVc-i-2.12)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nalalaman ang mga bahagi ng iskrip para sa radio broadcasting at


teleradyo;
2. nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo; at
3. naipamamalas ang sinulat na iskrip para sa radio broadcasting at
teleradyo.

2|Pahina
Balik Aral

Hanapin Mo!
Panuto: Hanapin ang mga bahagi ng pahayagan sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

Magaling! Naisagawa mo ng tama ang balik-aral. Ngayon ay


maaari mo ng simulan ang bagong aralin.

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahing mabuti at bigyan ng pansin ang isang bahagi ng iskrip ng radio


broadcasting na isinulat ni Ginoong Brendel Ugao-Ugao. Maaring tawagin si kuya,
ate o kung sino mang maaring maging kasama sa pagbabalita.

BALITA:
Erhys: At sa mga detalye ng mga balita. Kaso ng mga tinaman ng Novel
Corona Virus (N-CoV) sa bansa tumataas pa. Ayon sa Department of
Health (DOH) ay nasa higit apat na daang libong kaso na ang naitala
kung saan dalawamput-limang libo, animnadaan at siyam naput lima
o 5.7% dito ay mga aktibong kaso. Ang DOH ay nagbigay ng limang
lalawigan na may matataas na kaso kabilang ang Quezon City, Rizal,
Makati City, Davao at Quezon Province. Ang departamento ay nagtala
din ng animnadaang bagong ligtas sa kaso ng NCoV kung saan
pumalo na sa kabuuang apat na daan labing siyam na libo,
siyamnadaan at dalawa. Radyo Ratsada balita!

Grey: Samantala, curfew sa bawat bayan ng Zambales pinaigting. Ito ay sa


kabila ng paulit ulit na pagkahuli sa mga kabataan na nananatili sa
labas ng kanilang mga tahanan kahit disoras na ng gabi.
Matatandaan na ipinagbabawal sa mga kabataan ang paglabas sa
kanilang mga tahanan kasabay ng paglaganap ng pandemya sa
bansa. Radyo Ratsada Balita!

Erhys: Inflation Rate bumaba sa 3.3%. Magbabalita live si Jodi Echiverre.

4|Pahina
Jodi: Mas bumagal ang pagtaas ng halaga ng serbisyo at mga
pangunahing produkto sa bansa sa nagdaang buwan ng
Nobyembre. Sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA),
bumaba ng 3.3% ang inflation rate noong Nobyembre na mas
mababa pa kumpara sa 3.9% noong Hunyo. Higit na mas
mababa rin ito kumpara sa 5.7 percent na inflation rate noong
Hulyo 2019.Iito ang pinakamababang inflation na naitala
simula noong Enero, ayon sa PSA. Pasok din ito sa target ng
Bangko Central ng Pilipinas na 2% hanggang 2.8%. Radyo
Ratsada Balita!

Erhys: Maraming salamat Jodi. Ang ibang mga balita ay sasainyo makalipas
ang isang paalala.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ng buong husay. Isulat ang


sagot sa kuwaderno.

1. Sino-sino ang kabilang sa mga nagbabalita?


2. Sa paanong paraan nakatulong ang impormasyon na ibinigay ng unang
balita?
3. Bakit pinaigting ang curfew ayon sa balita?
4. Ano ang paksa ng ikatlong balitang inihatid?
5. Sa iyong pananaw, makabuluhan ba ang laman ng balita?

Pangarap mo din bang


maging isang reporter katulad
ng napapanood mo sa balita?
Mga taong handang ibuwis ang
buhay upang makapaghatid
lamang ng mga kapaki-
pakinabang na balita. Isa sa
mga maituturing na bayani ng
bagong henerasyon.

5|Pahina
ALAMIN:

Ang radio iskrip ay isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga


salitang kilos o pandiwa at di-pandiwang kilos na kailangan sa programa. Sinasabi
sa atin kung ano ang gagawin, sasabihin o kailan at paano ito sasabihin.

MGA HAKBANG/PROSESO SA PAGSULAT NG RADIO ISKRIP:

 Alamin ang iyong manunuod/tagapakinig.


 Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa.
 Gumawa ng balankas.
 Sumulat ng burador.
 Basahin ng malaks, orasan.
 Ilarawan ang iskript.
 Balikan ang iskrip.
 Rebisahin ang iskrip (istilo, tyempo at
katumpakan).

MGA BALANGKAS/BAHAGI NG RADIO ISKRIP:

1. Station ID – ito ay bahagi na nagpapakilala sa identipikasyon ng radyo o


telebisyon sa pamamagitan ng call sign o brand name.

Halimbawa: LUZON, VISAYAS, MINDANAO, ITO ANG DLRS 630 SA INYONG


TALAPIHITAN. SANDIGAN NG KATOTOHANAN

2. Time Check – ito ay bahagi na nagbibigay ng oras kasunod ng pagbabalita.

Halimbawa: ANG HIMPILANG ITO NG


DLRS AY KASAPI SA KBP
(KAPISANAN NG BROADCASTER SA
PILIPINAS). ANG ORAS SA BUONG
KAPULUAN AY GANAP NA ALA
SINGKO NG UMAGA. ANG ORAS AY
HATID SA INYO NG TJ’S SWEETS &
DELICACIES.
SAMPLE ONLY

3. News Plug – ito ay bahagi na nagpapakita ng hudyat sa pagsisimula ng


pagbabalita.

Halimbawa: MULA SA HIMPILANG ITO NG DLRS AY SUMASAINYO ANG


PINAKASARIWANG BALITA SA LOOB AT LABAS NG BANSA. TINIPON AT
SINIPI SA SILID PAMBALITAAN NG DLRS.

6|Pahina
4. Intro – ito ang bahagi na nagbibigay ng impormasyon hinggil sa araw, oras at
pangalan ng magbabalita.

Halimbawa: MAGANDANG ARAW PILIPINAS! ARAW PO NGAYON NG


SABADO, IKA-3 SA BUWAN NG DISYEMBRE TAONG DALAWANG LIBO’T
DALAWAMPU. AKO PO SI ERHYS GALLARDO UGAO-UGAO, MAGHAHATID
SA INYO NG LIMANG MINUTONG BALITA.

5. Ulo ng Balita – ito ang bahagi na nagbibigay ng mga ideya sa maaring laman
ng balita.

Halimbawa: AT SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA. KASO NG


TINAMAAN NG COVID-19 PATULOY ANG PAGTAAS, HUWAG MANGAMBA
DAHIL BAKUNA PARATING NA AYON SA DOH.

SAMPLE ONLY

6. Infomercial – ito ay isang patalastas sa pagitan ng pagbabalita.

Halimbawa:
JAN: JODI, NARINIG KO NA PATULOY PA DIN ANG PAGKALAT NG
CORONA VIRUS DITO SA ATING BANSA.
JODI: OO NGA, NARINIG KO DIN ANG BALITANG IYAN. ANO KAYA ANG
MAARI NATING GAWIN UPANG HINDI TAYO MAHAWA?
JAN: KAILANGAN NATIN MAKINIG SA MGA PAYO NG DOH AT NG MGA
NARS KATULAD NG PAGSUSUOT NG FACE MASK AT PALAGIANG
PAGLALAGAY NG ALKOHOL SA ATING MGA KAMAY.
JODI: MAGING MAINGAT UPANG SA SAKIT AY MAKAIWAS. ANG
BAHAGING ITO AY HATID SA INYO NG DOH AT NG HIMPILANG ITO.

7|Pahina
7. Extro – ito ay bahagi na nagbibigay ng hudyat sa pagtatapos ng pagbabalita.

Halimbawa: AT YAN ANG M GA BALITA DITO SA DLRS. PARA SA IBA PANG


MGA BALITA BISITAHIN ANG FACEBOOK PAGE WWW.DLRS.COM. SA
NGALAN NG BUONG NEWS AT TECHNICAL STAFF, AKO PO SI ERHYS
GALLARDO UGAO-UGAO.

Ako ay nagagalak sa iyong pagtitiyaga upang mapag-aralan ang mga bahagi ng


radyo iskrip ganoon din ang mga hakbang sa pagsulat nito. Ngayon at
natutunan mo na ang mga dapat mong malaman, nakatitiyak ako na maaari mo
ng sagutan ang mga sumusunod na mga gawain. Simulan na!

8|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Misteryo sa Bahagi ng Iskrip!


Panuto: Tukuyin ang hinahanap na mga bahagi sa pagsulat ng iskrip para sa radio
broadcasting. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Magaling! Naisagawa mo ng tama ang unang gawain.


Nakasisiguro ako na kaya mo rin ang susunod na atas. Simulan
mo na!

9|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Journo Ako! Panuto: Gamit ang kaalaman sa pagsasaliksik, humanap ng mga


pahayagan at lumakap ng mga napapanahong balita. Gamit ang mga nasaliksik na
balita bumuo ng isang iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo. Isulat ito sa
isang buong papel.

RUBRIK SA PAGSULAT NG ISKRIP PARA SA RADIO BROADCASTING AT


TELERADYO

5 4 3 2 1

Naitala ang mga nalakap na mahahalagang balita mula


sa mga pahayagan.

Gumamit ng isang mapagkakatiwalaang sanggunian para


sa mga balitang nilakap.

Maayos na naisulat iskrip para sa radio broadcasting at


teleradyo.

Nasunod ang tamang hakbang/proseso sa pagsulat ng


radio iskrip at teleradyo.

Nagamit ng tama ang mga balangkas/bahagi sa pagsulat


ng radio iskrip at teleradyo.

(5) Pinakamahusay

(4) Mahusay

(3) Katanggap-tanggap

(2) Mapaghuhusayan pa

(1) Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay

Aktibo sa Pagbabalita!
Panuto: Gamit ang naisulat na iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo,
gumawa ng isang radio broadcasting. Maaring gamitin ang telepono upang irekord
ang nagawang atas.

RUBRIK SA PAGGAMIT NG ISKRIP PARA SA RADIO BROADCASTING AT


TELERADYO

5 4 3 2 1

Nagamit ng wasto ang iskrip na isinulat.

Naisagawa ng maayos ang pagbabalita gamit ang iskrip.

Nairekord ang ginawang pagbabalita gamit ang


teknolohiya.

Naipamamalas ang sinulat na iskrip para sa radio


broadcasting at teleradyo

(5) Pinakamahusay

(4) Mahusay

(3) Katanggap-tanggap

(2) Mapaghuhusayan pa

(1) Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

11 | P a h i n a
Pagsusulit

A. Piliin Mo!
Tukuyin kung anong mga balangkas/bahagi ng radio iskrip ang hinihingi ng
bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon, isulat sa
kuwaderno.

Station ID Time Check News Plug Ulo ng Balita Infomercial

_______________1. Ito ay isang patalastas sa pagitan ng pagbabalita.

_______________2. Ito ang bahagi na nagbibigay ng mga ideya sa maaring laman ng


balita.

_______________3. Ito ay bahagi na nagpapakilala sa identipikasyon ng radyo o


telebisyon sa pamamagitan ng call sign o brand name.

_______________4. Ito ay bahagi na nagbibigay ng oras kasunod ng pagbabalita.

_______________5. Ito ay bahagi na nagpapakita ng hudyat sa pagsisimula ng


pagbabalita.

B. Tama o Mali!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap, isulat ang salitang
TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at isulat ang
salitang MALI kung hindi. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

_______________6. Ang balita ay impormasyon o paksa tungkol sa mga pangyayaring


naganap na o nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang.

_______________7. Sa pamamagitan ng balita, nakapaghahanda ang mga estudyante


at mga tao sa paparating na sakuna o kalamidad.

_______________8. Sa pakikinig ng balita nalalaman ng mga estudyante ang mga


itinatalagang special holiday ng pamahalaan at ang pagsususpinde ng mga klase
sa tuwing may kalamidad.

_______________9. Nalalaman din ng mga estudyante ang mga impormasyon


tungkol sa mga programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng
bansa.

_______________10. Ang balita ay nagpapayaman ng talasalitaan ng mga


estudyante, nagbibigay ito ng mga dagdag na karunungan at nagpapalawak ito ng
mga kaalaman tungkol sa paligid.

Mahusay! Ngayon naman, masusubok kung gaano mo


naunawaan ang aralin. Basahin at aralin mabuti ang
panuto.

12 | P a h i n a
Pangwakas

Isulat Mo!
Panuto: Iigay ang mga hakbang/proseso sa pagsulat ng radio iskrip. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kuwaderno.

HAKBANG/PROSESO SA PAGSULAT NG RADIO ISKRIP

1.)

2.)

3.)

4.)

5.)

6.)

7.)

8.)

13 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Agarrado, Patricia Jo, Maricar Francia, Perfecto Guerrero, and Genaro Gojo
Cruz. 2016. Alab Filipino. 1st ed. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon
City, Philippines: Vibal Group, Inc.

"Tagalog Lang". 2020. TAGALOG LANG. https://www.tagaloglang.com/.

2021. https://brainly.ph/question/2170915.

14 | P a h i n a
Susi sa Pagwawasto

BALIK-ARAL: PAGSUSULIT A:

1. Infomercial
2. Ulo Ng Balita
3. Station ID
4. Time Check
5. News Plug

PAGSUSULIT B:

1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA ID
4. TAMA
5. TAMA

PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1:
PANGWAKAS:

1. Alamin ang iyong


manunuod/tagapakinig.
2. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa
paksa.
3. Gumawa ng balankas.
4. Sumulat ng burador.
5. Basahin ng malaks, orasan.
6. Ilarawan ang iskript.
7. Balikan ang iskrip.
8. Rebisahin ang iskrip (istilo, tyempo
at katumpakan).

PINATNUBAYANG PAGSASANAY 2:

*Maaring makapag bigay ang bata ng iba’t


ibang kasagutan na angkop sa paksa.

PANG-ISAHANG PAGSASANAY:

*Maaring makapag bigay ang bata ng iba’t


ibang kasagutan na angkop sa paksa.

15 | P a h i n a
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na
paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

16 | P a h i n a

You might also like