You are on page 1of 22

FILIPINO

Unang Markahan – Modyul 7.1:


Pagsunod sa Panuto at
Pagsulat ng Balita
Filipino
Unang Markahan – Modyul 7.1:
Pagsunod sa Panuto at
Pagsulat ng Balita
Filipino-Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 7.1 : Pagsunod sa Panuto at Pagsulat ng Balita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Joker R. Cao


Editor: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino/ Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo D. Yambao/Timothy M. Bagang (cover)
Tagalapat: Ryan A. Buan

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator

Inilimbag sa PilipinasJune
ng ngD.Kagawaran ng Edukasyon,
Cunanan, ADM Rehiyon III – Division of Pampanga
Division Coordinator

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa mga mag-


aaral na katulad mo. Ito ay naglalaman ng mga pagsasanay gaya
ng pagsunod sa panuto, pagbibigay ng sariling opinyon o
reaksyon sa napakinggang isyu o usapin, at pagsusulat ng isang
balita.

Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na aralin:


 Aralin 1: Pagsulat ng Balita
 Aralin 2: Pagsunod sa Panuto

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang isyu o usapin; napanood – F4PS-Id-i-1
2. nakasusulat ng balita na may huwaran/ pardon/
balangkas nang may wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari– F4PU-Id-h-2
3. nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na
hakbang gawain – F4PS-Id-i-1.1

Subukin

A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang balita ay napapanahon at makatotohan ang ulat ng mga


pangyayari ______.
a. naganap na
b. nagaganap
c. magaganap pa lamang
d. lahat ng nabanggit
2. Maituturing na katangian ng balita ang mga sumusunod,
bukod sa isa:
a. Wasto
b. Timbang
c. Maraming detalye
d. Walang kinikilingan
3. Mahalaga ang kaayusa ng baligtad na "piramid" sapagkat
a. Abala ang mga mambabasa
b. Maganda itong tignan
c. Ito ang pinakamadaling kaayusan
d. Wala sa mga nabanggit
4. Ano sa mga sumusunod na pamatnubay ang ginagamit sa
tuwirang balita?
a. Pamatnubay na ano
b. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan
c. naglalarawa ng pamatnubay
d. lahat ng nabanggit
5. Sa pagsulat ng mga talata ng balita, siguraduhin ang:
a. Kaayusan nito
b. Paglalagay ang mahahalagangdatos sa unahan ng talata
c. a at b
d. Wala sa mga nabanggit

B. Lagyan ng tsek kung ang pahayag ay nagsasabi ng tama


tungkol sa balita at ekis kung hindi.

______1. Ang pagbabasa ng balita ay nakatutulong upang maging


maalam sa mga nangyayari sa kapaligiran.
______2. Walang maidudulot na maganda ang pagbabasa ng
balita.
______3. Ang mga balita ay tungkol sa mga napapanahong
pangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
______4. Ang balita ay maaaring nababasa sa dyaryo,
napapanood sa telebisyon o di kaya naman ay napapakinggan sa
radyo.
______5. Ang balita ay maaring base lamang sa opinyon ng isang
tao tungkol sa isang pangyayari.
Aralin
Pagsunod sa Panuto at
7.1 Pagsulat ng Balita

Ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong pagsulat ng


balita ay makakatulong upang magkaroon ng karagdagang
kaalaman. Sa ganitong paraan, mas nagiging maalam ang isang
mag-aaral sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Balikan

Panuto: Bilugan ang titik ng pangngalang pambalana ng bawat


pangngalang pantangi.

1. Taal
a. bundok b. bulkan c. burol
2. Malaysia
a. bansa b. lalawigan c. pulo
3. Lupang Hinirang
a. tula b. awit c. nobela
4. Tinikling
a. bulaklak b. pista c. sayaw
5. Juan Luna
a. manunulat b. pangulo c. pintor
6. Pasig
a. talon b. ilog c. lawa
7. Apo
a. bundok b. talampas c. bulkan
8. Sierra Madre
a. madre b. bulubundukin c. rehiyon
9. Palawan
a. lalawigan b. lungsod c. parke
10. Lea Salonga
a. mang-aawit b. senadora c. Mananayaw
Tuklasin

Basahin ang usapan sa ibaba.

Ana: Tag-ulan na naman.


Julia: Pahirapan na naman ang pagpasok natin sa
klase.
Ana: Oo nga. Uso na naman ang pagbaha.
Julia: Di lang yan, mauuso rin ang dengue dahil sa mga
naiimbak na mga tubig sa iba’t ibang lalagyan.
Ana: Tama! Paano kaya natin maiiwasan ang dengue?
Julia: Mayroon akong nabasang balita tungkol sa
programa ng DOH kontra dengue.
Ana: Talaga? Mabuti naman at mapipigilan na rin ang
pagtaas ng kaso ng dengue tuwing tag-ulan.

4 o’clock Habit, 4S ng DOH, Epektibo Kontra Dengue


Online Balita, Hunyo 30, 2014
ni Mary Ann Santiago

Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot. Ito ang


kasabihang sinusunod ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH)
pagdating sa laban kontra sa nakamamatay na dengue, na
marami na ring buhay ang kinitil sa bansa, partikular na sa mga
paslit.
Batay sa huling ulat ng DOH-National Epidemiology Center
(NEC), mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ngayong taon ay umabot
na sa 23,867 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa. Nasa 99 sa
mga ito ang nasawi.
Tiniyak ng DOH na bagamat nababawasan ang naitatalang
kaso ng dengue sa nakalipas na mga buwan ay patuloy ang
maigting na kampanya ng kagawaran laban sa dengue.
Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy, na siya ring
program manager ng DOH-Dengue Prevention and Control
Program, mas mababa ang naitala nilang kaso ng dengue sa
unang limang buwan ng 2014 sa 50.98 porsiyento kumpara sa
kaparehong panahon noong 2013, na umabot sa 48,686 ang na-
dengue.
Sa ngayon, aniya, ilan sa mga programang kanilang
ipinatutupad na nakatulong para mabawasan ang mga kaso ng
dengue ay ang vector control activities, tulad ng 4 o’clock habit sa
mga komunidad at pagsunod sa 4S o “stop, look, and listen”
approach laban sa dengue.
Paliwanag ni Ona, ang stop ay nangangahulugan na iwan
muna ang ibang bagay at gawing prioridad ang pagpuksa sa mga
pinamamahayan ng lamok.
Pagsapit, aniya, ng 4:00 ng hapon—ang oras ng pagkain ng
lamok—ang mga itinalagang grupo ay dapat na maghanap (look)
ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquito at
magpatupad ng sistematikong “search and destroy activities”
laban sa mga ito.
“‘Listen’ entails heeding the instructions from local
authorities, community leaders or work supervisors for a
synchronous implementation of the 4 o’clock habit,” paliwanag pa
ng Kalihim.
Ipinaliwanag rin ni Ona ang 4S, na nangangahulugan ng
Search and destroy mosquito breeding places, Self-protection
measures, Seek early consultation for fevers lasting more than two
days, at Say yes to fogging when there is an impending outbreak.

Pag-usapan natin!
1. Tungkol saan ang balitang binasa?
2. Ano ang paksa ng bawat talata sa balitang ito?
3. Paano isinusulat ang balita?
4. Ano ang iyong opinyon patungkol sa binasang balita?
Suriin

Ang balita ay isang ulat tungkol sa isang pangyayari. Ito ay


maaaring nababasa sa pahayagan (pasulat), napapakinggan sa
radyo (pasalita) o di naman ay napapanuod sa telebisyon
(pampaningin).
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

Mga Katangian ng Balita


1. Kawastuhan - ang mga datos ay inilahad nang walang labis,
walang kulang.
2. Katimbangan - inilahad ang mga datos na walang kinikilingan
sa alinmang panig na sangkot.
3. Makatotohanan - ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at
hindi gawa-gawa lamang.
4. Kaiklian - ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi
maligoy.

Ang balita ay maaring mauri ayon sa sa lugar na


pinangyarihan. Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa
pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o
mambabasa katulad ng pambarangay, panlalawigan, pambayan,
panrehiyon, panlunsod o pambansa, ito ay lokal na balita.
Samantala, ito ay balitang pang-ibang bansa kung ang balita
sumasaklaw sa mga balita o kaganapan salabas ng bansa.’
Ang balita ay karaniwang isinusulat sa paraang pabaligtad
na piramide tulad ng nasa ibaba:
Pamatnubay (Lead)

Ito ang puso ng isang balita. Dito nakalahad lahat ng


mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa.

Mga Uri ng Lead


1. Pangunahing Pamatnubay (Basic Lead) - nasasagot ang mga
tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN, BAKIT, at PAANO.

2. Quotation Lead - nakalahad ang sipi o sinabi ng taong


ibinabalita.
Halimbawa: “Lahat ng sumusupota sa aking dministrasyon
ay inaanyayahan kong magsuot ng yellow ribbon sa ika –
28 ng Hulyo,” Ito ang panawagan ni Pangulong Ninoy
Aquino sa kabila ng isyung kanyang kinasangkutan sa
Dispercement Acceleration Program o DAP.
3. Question Lead - nakalahad ang isang katanungan (question).
Halimbawa: Makakamit ba ng Pilipinas ang hamon ng MDG
2015?

4. Descriptive Lead - ang pamatnubay ay tiyakang naglalarawan.


Halimbawa: Masikip, marumi at hindi matitirahan. Iyan ang
komento ng marami sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda
kaugnay sa mga Bunk Houses na ibinigay ng gobyerno.

5. Narrative Lead - ang pangunahing layunin ng pamatnubay ay


maglahad.
Halimbawa: Saksi ang maraming Pilipino sa pagsuko ng
Diktaturang Marcos at pagpapalit ng Administrasyong
Aquino.
6. Exclamatory Lead - ang pamatnubay ay may isa o higit pang
salita na naglalahad ng isang matinding damdamin.
Halimbawa: Hustisya!
Iyan ang panawagan ng mgamamamayang
Pilipino kaugnay sa isyung PDAF Scam na
kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles at tatlo pang
senador.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat ang buod ng pangyayari.


2. Isulat ang mga datos na kaganapan ayon sa pababa o paliit na
kahalagahan.
3. Unahin ang pinakatampok na impormasyon sa pamatnubay.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkasunod – sunod na pangyayari
batay sa pababang kahalagahan.

Pagyamanin

Malayang Gawain 1
Kilalanin ang mga sumusunod na pamatnubay. Isulat ang PP
kung pangunahing pamatnubay, QL kung quotation lead, KL kung
question lead, DL kung descriptive lead, NL kung narrative lead,
at EL kung exclamatory lead.
_____1. “Nasa amin pa rin ang bilang.”
Ito ang naging pahayag ni …..

_____2. Kalong ang maglilimang buwang sanggol, hindi napigilan


ni Gng. Norma Alcantara ang kanyang mga luha nang
marinig niyang ang kanyang asawang si Capt. Romeo
Alcantara ay hinatulan ngkamatayan.
_____3. Tapos na ba ang paghaharing partido ng administrasyon
sa senado sa pagkamatay ni senador Rene Cayetano?
_____4. Sino ang magiging prinsesa ng paaralan sa darating na
Araw ng Pagkakatatag? Ito’y malalaman bukas
pagkatapos nang bilangan ng balota.
_____5. Pormal nang idineklara ng Malacañang na regular holiday
sa buong bansa ang Hulyo 17, 2015, araw ng Biyernes,
para sa pagdiriwang ng Eid'l Ftr ng mga Muslim.
_____6. Gaganapin sa Lungsod ng Heneral Santos ang National
Festival of Talents sa buwan ng Pebrero sa susunod na
taon.
_____7. Kampeon sa NSPC!
Muli na namang napatunayan ng patnugutan ng Ang
Sentro, pampaaralang pahayagan ng Pambansang
Mataas na Paaralan ng Iloilo City ....
_____8. “Hindi hadlang ang kahirapan sa pagpapaunlad ng
kakayahan dahil maraming paraan ang pwedeng gawin
basta magsumikap lang”, wika pa ng ginoo sa mga
kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ng probinsya.
_____9. Muling inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo “Rody”
Duterte ngayong Lunes na hindi siya tatakbo bilang
pangulo sa 2016 elections.
_____10. Puting-puti ang kasuotan, tangan ang mga diploma, ang
800 na magsisipagtapos ay masayang nagmartsang
pababa ng entablado habang tinutugtog ng rondalya ng
Aida March.

Malayang Tayahin 1
Basahin sumusunod na balita. Isulat ang LB kung ito ay lokal na
balita at BPB kung balitang pang-ibang bansa.
_____1. Nangako si Donald Trump na magiging Pangulo ng lahat
ng Amerikano. Sa kanyang victory party sa New York City,
hiniling ng president-elect sa nasyon na magkaisa at
nangakong kakatawanin ang lahat ng mga mamamayan
ng Amerika.
_____2. MASHIKI, Japan (AP) – Kinumpirma ng pulisya ang
ikalawang pagyanig sa Japan na tumama sa parehong
rehiyon, at sa magkasunod na linddol ay umabot na sa 29
ang namatay.
_____3. Niyanig ng magnitude 6.1 lindol nitong hapon ng Lunes
ang Metro Manila at mga kalapit na probinsiya, na
itinuturong dahilan ng pagkasawi ng 2 tao sa Pampanga,
ayon sa gobernador ng probinsiya.
_____4. Bukod sa tulong ng ibang bansa sa ‘bushfire’ na
nagaganap sa Australia, kanya-kanyang diskarte naman
ang mga Australian athlete upang makapag-abot rin ng
ayuda sa kanilang bansa.
_____5. Pinangangambahang magkaroon ng mapanganib na
pagsabog na parang atomic bomb ang bulkang Taal sa
loob ng ilang oras o ilang araw.

Malayang Gawain 2

Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan tsek ung ito ay


nagsasabi ng tama tungkol sa pagsulat ng balita at ekis naman
kung hindi.
_____1. Sa pagsusulat ng balita, inuunang sinusulat ang
pinakamahahalagang detalye.
_____2. Kailangang mayroong pinapanigan ang isinusulat
na balita.
_____3. Isinusulat ang balita ayon sa pagkasunod – sunod
na pangyayari batay sa pababang kahalagahan.
_____4. Hindi kailangan napapanahon ang susulating balita.
_____5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
Basahin at unawain ang ang balita sa ibaba.

K-12 tuloy – DepEd


Mer Layson (Pilipino Star Ngayon)
May 22, 2019

MANILA, Philippines — Tuloy


ang K-12 program ng pamahalaan at
walang plano na ipatigil ito.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor
Briones, nagkamali lamang ng
interpretasyon ang ilan sa pahayag
ng Commission on Higher Education
(CHEd) na planong isailalim sa
pagrebyu ang K to 12.
Sinabi ni Briones, ang K-12 program ay batay sa Republic
Act No. 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013” kaya
hindi ito basta-basta maibabasura lamang at ang anumang pag-
amyenda o pagpapawalang bisa sa programa ay nakasalalay sa
Kongreso.
Nanindigan rin ang DepEd na mahigit 2.7 milyong
estudyante na ang nakinabang sa programa.
Binigyang diin pa ng departamento na ang pag-repeal sa
programa ay may negatibong epekto sa sistema ng edukasyon sa
bansa.
Magugunita na tatlong taon na ngayon ang nakalilipas noong
unang ipatupad ang K-12 program ng pamahalaan na
inaprubahan noong Aquino administration.

Pag-usapan natin!
1. Ano ang paksa ng balita?
2. Nasunod ba ang mga paraan sa tamang pagsulat ng balita?
3. Sa iyong palagay, base sa binasang balita, tama ba na ituloy
ng DepEd ang programa nitong K+12?
Malayang Tayahin 2
Gamit ang mga impormasyon sa balitang binasa, isulat muli ang
balita. Gamiting gabay ang nasa ibaba.
- Ayon rin sa kalihim ng Departamento ng Edukasyon,
mahigit 2.7 milyonh mga mag-aaral ang makikinabang dito.
- Inaprubhan ni dating Pangulong Aquino ang pagpapatupad
ng K-12 o ang pagdaragda ng dalawang pang taon sa
sistema ng edukasyon sa ating bansa.
- Walang planong ipatigil ng pamahalaan ang ang programa
nitong K-12 program sa sistema ng edukasyong umiiral sa
ating bansa.
- “Ang K-12 program ay ayon sa Republic Act 10533, o
“Enhance Basic Education Program”. Hindi ito basta basta
maibabasura”, Sec. Leonor Briones.

PAMATNUBAY

KATAWAN NG
BALITA
Malayang Gawain 3
Gamitin ang mga impormasyon na nasa talaan upang
makasulat isang balita.

Huwarang Pamilyang Pilipino

Manuelito Villanueva - ama ng 5 anak


- isang mangingisda

Asawa ni Manuelito - boluntaryong guro sa Tulay ng


Kabataan Foundation

Nakatira sa Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas

Benepisyo ng Pamilya: Php1,400.00 kada buwan para sa


edukasyon at kabuhayan ng pamilya

Araw ng Pagpaparangal:
Oktubre 1, kasalukuyang taon
Navotas City Hall Ground

Malayang Tayahin 3
Sumulat ng balita batay sa larawan. Gamit ang mga ibinigay
na impormasyon.

Jhon Rey, 14 taong gulang,


tatlong gintong medalya

Iloilo, Nobyembre 15, 2015

swimming events sa
kategoryang Orthopaedically
Impaired, CAFDESAA
Isaisip

Ang balita ay isang pangyayari na naganap na, nagaganap o


magaganap pa na dapat maisiwalat. Ito ay makatotohanan,
tumpak, kawili-wili, at walang kinikilingan.
Malalim na kasanayan at kaalaman ang kinakailangan
upang maging magaling na manunulat ng isang balita.

Isagawa

Sumulat ng balita tungkol sa isang sakunang nangyatri


batay sa sumusunod na mga ulat.
- Ang mga biktima ay dinala sa Punerarya Malolos.
- Ang mga sugatan ay sina Jose Reyes, Erlinda Nagui,
at Teresa Co, ayon din sa pulisya.
- Ang mga nasawi ay kinilala ng pulisya sa pangalang
Feliciano Uy, 17, mag-aaral; Maria Morelos, 21, ina ng
tahanan at Jose Mita, 24, manggagawa.
- Isang bus patungong Pampanga ang bumangga sa isang
poste at tumaob sa McArthur Highway.
- Ang sakuna ay nangyari, ika-5 ng hapon, Sabado,
Agosto 25.
- Ang bus na may numerong 516 ay pag-aari ng Pantranco
Bus Company.
- Ayon sa isang pasahero na si Pablo Dayrit, ang bus ay
nakikiap-unahan sa isa pang sasakyan nang ang
tsuper na si Ramon Garcia ay umiwa sa isang kalabaw
na biglang tumawid sa kalsada.
Tayahin

DOH naghahanda sa banta ng dengue


Danilo Garcia
April 24, 2020

MANILA, Philippines — Bagama’t nasa krisis pa ang bansa sa


coronavirus disease 2019 ay naghahanda na rin ang Department of Health sa
posibleng pagputok ng iba pang sakit na dala ng tag-ulan partikular na ang
dengue.
Sa datos ng DOH mula Enero hanggang Agosto 2019, nakapagtala ng
106,630 kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa na may 456 na pasyente
na nasawi.
Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na may dalawang
pathway na inihahanda ang kagawaran para rin sa edukasyon ng mga lokal na
pamahalaan -- ang COVID pathway at ang non-COVID pathway.
“Ito ‘yung mga sakit o ibang mga services na dapat i-offer pa rin ng ating
healthcare in spite of us having this crisis with COVID at kasama na riyan ‘yung
dengue,” ayon kay Vergeire.
Ang maagang paghahanda ay upang matiyak na hindi makakadagdag sa
pasanin ng mga health care system ang banta ng pagputok ng ibang sakit na
karaniwan kapag tag-ulan.
Ito umano ang layunin kaya naglagay sila ng mga ‘referral hospital’ para
lamang sa mga COVID patient para ang ibang pagamutan ay makatutok din sa
ibang sakit.

Balikan ang binasang balita “DOH naghahanda sa banta ng dengue”. Itala


ang mga importanteng impormasyon at gamitin sa pagsulat ng sariling
balita gamit ang baligtad na piramide.
Ano: ___________________________________________
Sino: ___________________________________________
Kailan: ___________________________________________
Saan: ___________________________________________
Bakit: ___________________________________________
Paano: ___________________________________________
Pamatnubay ____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_______________________________________________

____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
Katawan ng Balita

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_______________________________________________________

____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_______________________________________________________

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang balita batay sa mga sumusunod na ulat:


- Isang sunog ang tumupok sa isang komersyal na
paupahan sa lungsod ng San Fernando, Pampanga.
- Ang sanhi ng sunog ay di pa tukoy.

- Ito ay nangyari sa oras na alas-5 ng hapon, Abril 14.


- Sampung katao ang malubhang nasugatan at 2 ang
binawian ng buhay.
(Bigyang pangalan at edad ang mga namatay)

- Tinatayang ₱1.7 M ang naidulot na pinsala.


(Bigyang pangalan ang gusaling nasunog)

- Magdagdag pa ng mga tala kung nais.

Subukin

Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng


panuto. Iguhit ang tsek kung oo at ekis naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____1. Binisita ng mag-anak ang lolo sa probinsya.


____2. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
____3. Balutan ng plastik ang pabalat ng aklat.
____4. Marahang gupitin ang paligid ng papel.
____5. Diniligan ni Ben ang mga halaman.
____6. Matulungin ang mga mag-aaral sa ikaapat na
baitang.
____7. Itiman ang bilog na tumutukoy sa tamang sagot.
____8. Nakilahok ang mga mag-aaral sa patimpalak.
____9. Umulan ng malakas ng hapong iyon.
____10. Salungguhitan ang kasalungat ng salita bago ang
bilang.
Susi sa Pagwawasto

Aralin 7.1: Pagsulat ng Balita

Subukin Balikan Malayang Gawain 1 Malayang Tayahin 1


1. d 1. b 1. QL 1. BPB
2. c 2. a 2. DL 2. BPB
3. c 3. b 3. KL 3. LB
4. d 4. c 4. KL 4. BPB
5. c 5. c 5. PP 5. LB
6. 6. b 6. PP
7. 7. a 7. EL
8. 8. b 8. QL
9. a 9. PP
9.
10. a 10. DL
10.
Malayang Gawain 2 Malayang Tayahin 2 Malayang Gawain 3 Malayang Tayahin 3
1.
2.
3.
4. PAGSULAT NG PAGSULAT NG PAGSULAT NG
BALITA BALITA BALITA
5.

Isagawa

PAGSULAT NG BALITA

Tayahin Karagdagang Gawain

PAGSULAT NG BALITA PAGSULAT NG BALITA


Sanggunian
Links
http://spireuplearning.blogspot.com/2016/09/pagsunod-sa-mga-
panuto.html

https://www.scribd.com/doc/317022408/Pagbibigay-Kahulugan-
Ayon-sa-Pangungusap

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/05/22/1919919/k-12-tuloy-deped

https://www.pressreader.com/philippines/balita

https://news.abs-cbn.com/news

https://www.academia.edu/30442266/BALITA

Books

 Yaman ng Lahi 4 (TG)


 Yaman ng Lahi 4 (LM)
 Sigay 5' 2005 Ed.(wika at Pagbasa)
 Diwang Filipino
 Yakal Wika 5 Tm' 2007 Ed.
 Mahalin Ang Ating Wika 4
 Mahalin Ang Ating Wika 5
 Mahalin Ang Ating Wika 6
 Pamahayagang Pangkampus' 2003 Ed.
 Pamahayagang Pang-elementarya Sa Bagong Milenyo

You might also like