You are on page 1of 12

3

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:______________________________

FILIPINO
Kwarter III – Linggo 7
Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari sa binasang
Teksto

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 7: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)

Manunulat: Ma. Jovita E. Zeta


Pangnilalamang Patnugot: Marne D. Magbanua
Editor ng Wika: Luis R. Mationg
Tagawasto: Marne D. Magbanua
Tagasuri: Luis R. Mationg, Mary Jane J. Parcon, Meajoravie R. Andre-e,
Julie Anne N. Dela Rosa, Marne D. Magbanua
Tagaguhit: Maridel S. Bunag
Tagalapat: Christine Joy A. Merced
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Mary Jane J. Parcon - PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes
Ronald N. Fragata
Mary Jane J. Parcon
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica,
Maja Puerto Princesa City
Jorey Dongor
Telephone No.:(048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.p
Aralin 1
Pag-uugnanay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa binasang teksto

MELC: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa


binasang teksto (F3PB- IIIh-6.2)

Layunin:
1. Naiisa-isa ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang
kuwento.
2. Natutukoy ang sanhi at bunga sa nabasang teksto.
3. Naiuugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
binasang kwento.

Subukin Natin
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat ang sanhi
at bunga.
Halimbawa:
Aalis si Aleng Nellie kaya ibinilin niya kay Vince na kanyang panganay
na anak ang bunsong anak na dalawang taong gulang. Nang
nakauwi na si Aleng Nellie, nadatnan niyang umiiyak ang bunsong
anak at wala si Vince sa bahay. Dahil dito, tinawag ni Aleng Nellie si
Vince at pinagsabihan. Hindi rin siya pinayagan na umalis ng bahay
upang maglaro bilang para magtanda.
Sanhi - Nadatnan ni Aleng Nellie na umiiyak ang bunsong anak at wala
si Vince sa bahay
Bunga - si Vince ay napagalitan at hindi rin siya pinayagan na umalis
ng bahay upang maglaro.

1. Isang masipag na ama si Mang Lito, malawak ang kanyang lupain


at masipag siyang magtanim ng mga gulay at palay. Pagkaanihan
na, ibinibenta niya ang kanyang mga naani sa palengke kaya
nakakabili siya ng pangangailangan sa bahay at mga
pangangailangan ng kanyang anak

1
Sanhi- ______________________________________________________________
______________________________________________________________

Bunga- _____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Mahilig kumain ng matatamis tulad ng kendi at tsokolate si Marie


ngunit tamad siyang magsipilyo ng ngipin. Isang araw sumakit ang
kanyang ngipin kaya pumunta sila sa dentista, nakita na maraming
sirang ngipin si Marie at ang iba ay kailangan nang bunutin.

Sanhi- ______________________________________________________________
______________________________________________________________

Bunga- _____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Ating Alamin at Tuklasin


Paghawan ng Kara, bakit di
Balakid maari
lumabas ang Sanhi ito ng
Sanhi mga batang Covid-19.
-nagsasaad ng tulad natin? Hindi maaring
dahilan ng lumabas ang
isang mga bata
pangyayari para
maiwasang
Bunga mahawa ng
-epekto o virus na ito.
resulta ng isang
pangyayari

Sa araling ito, pag uusapan natin ang sanhi at bunga. Lahat ng ating
kilos at salita ay may bunga, kaya dapat nating piliin ang ating mga
kilos at salita.

2
Tayo’y Magsanay

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Malungkot ang pamilya Cruz dahil sa pagkawala ng kanilang ama
sanhi ng covid-19. Kailangang maghigpit ng sinturon ng buong
pamilya at mag simulang magtrabaho ng kanilang ina upang
mairaos ang kanilang Pamumuhay. Sa bawat araw na lumilipas ay
nakikita nila sa balita na parami nang parami ang nagkakaroon ng
virus na ito, maraming pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay at
nagkasakit, marami din ang nawalan ng hanapbuhay.

1. Ano ang sanhi ng kalungkutan ng pamilya Cruz?


A. Pagkawala ng kanilang ama
B. Nanalo sila sa Lotto
C. Namunga ang kanilang saging
D. Namatay ang kanilang aso

2. Ano ang mga naging bunga ng virus na Covid-19?


A. Mas maramig trabaho
B. Marami nawalan ng trabaho
C. Mas dumami ang mga byahero.
D. mas maraming tao sa malls.

3. Bilang isang bata, ano ang maaari mong gawin para mapigilan ang
pagkalat ng covid-19? Isulat ang sagot sa ibaba.
A. Susunod ako sa health protocol
B. Gagawin ko ang gusto ko
C. Hindi ako magsusuot ng face mask
D. Hindi ako maghuhugas ng kamay

3
GAWAIN 2
Panuto: Pagtapatin ang hanay A sa hanay B ayon sa sanhi at bunga.

Hanay A Hanay B
1. Hindi nagsisipilyo ng ngipin A. Mataas ang marka

2. Magalang sa matatanda B. Babaho ang hininga

3. Nag-aaral nang mabuti


C. Malayo sa sakit
4. Kumakain ng
masusustansyang pagkain
D. Kalulugdan ng lahat

5. Naliligo araw-araw
E. Lulusog ang katawan

Ating Pagyamanin

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa baba at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ang mga taong nakatira sa tabing ilog ay laging nagtatapon ng
kanilang basura sa ilog, ano ang posibleng bunga nito?
A. Gaganda ang paligid C. Dadami ang puno
B. Babaho ang ilog D. Dadami ang isda sa ilog
2. Mahilig kumain ng gulay si Lena at uminom ng tubig, lagi rin siyang
naglalakad bilang ehersisyo, ano ang magiging bunga nito sa kanyang
katawan?
A. Magiging malusog siya C. Magiging sakitin siya
B. Lalabo ang kanyang mata D. Bibilis ang kanyang takbo

4
3. Masunuring bata si Joel sa kanyang mga magulang, nakatatandang
kapatid at mga guro, ano ang posibleng bunga ng kanyang pag
uugali?
A. Kagagalitan siya ng matatanda
B. Mawawalan siya ng kaibigan
C. Kawiwilihan siya ng matatanda
D. Dadami ang kanyang utang
4. Si Ronie ay palaging nag-eensayo sa pag kanta para sa
kompitisyong kanyang sasalihan. Ano ang posibleng bunga ng
kanyang palagiang pag-eensayo?

A. Huhusay siya lalo C. Mapapagod siya


B. Papangit ang kanyang tinig D. Mapapagod siya

5. Mahilig si Lyka sa sitserya at softdrinks, minsan hindi na siya kumakain


ng kanin dahil pakiramdam nya ay busog naman siya. Ano ang
maaring maidulot nito sa kanya?

A. Hahaba ang kanyang buhay


B. Magkakasakit siya sa bato
C. Tatangkad siya
D. Lulusog ang kanyang katawan

GAWAIN 2
Panuto: Bilugan ang letra ng posibleng sanhi ng mga sumusunod na
bunga.
1. Madalas sumakit ang ngipin ni Cara. Ano ang Sanhi nito?
A.Lagi siyang nagsisipilyo ng ngipin.
B. Gulay lang ang kinakain niya.
C. Mahilig siya sa matatamis.
D. Hindi siya nagsisipilyo ng ngipin at mahilig sya sa matamis.
2. Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa lugar nila Karol. Ano ang
maaring naging sanhi nito?
A. Ipinagbabawal na ang pagputol ng puno.
B. Nagtatanim ng puno ang lahat ng tao.
C. Nag aani ang lahat ng tao.
D. Nagbilad ng palay ang mga tao.

5
3. Si Danny ay sakitin, madalas siyang dalhin sa ospital. Ano ang
maaring sanhi nito?
A. Pagkain ng hindi masusustansyang pagkain at hindi
paghuhugas ng kamay.
B. Nakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay.
C.Pagbabahagi ng baon sa kaklase.
D. Paghuhugas ng kamay bago kumain.
4. Laging malinis at mabango si Marissa at hindi siya sakitin. ano ang
maaring sanhi nito?
A. Hindi siya naliligo C. Malakas siyang kumain
B. Mahilig siya sa hayop D. Naliligo siya araw-araw
5. Laging matataas ang marka ni Alex at natutuwa sa kanya ang
kanyang mga guro. Ano ang maaring dahilan nito?
A. Lagi siyang natutulog a klase C. Lagi siyang kumakanta
B. Masipag siya mag aral D. Lagi siya kumakain

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon sa ibaba.

masama sanhi bunga mabuti

6
Ating Tayahin

Panuto: Tukuyin ang sahin o bunga sa mga sumusunod na teksto.


Guhitan ang sanhi at ikahon ang bunga.
Halimbawa: Ang mga tao ay nagtutulong-tulong sa paglilinis kaya
madaling natapos ang gawain.

1. Narinig nilang tinutugtog ang pambansang awit. Tumigil sila sa


paglalakad at tumayo nang tuwid.
2. Naglinis ang mga bata sa bakuran ng paaralan. Gumanda ang
paligid at natuwa ang punongguro.
3. Nanalo siya sa paligsahan sa pag-awit. Nagsanay nang mabuti
bago pa dumating ang paligsahan.
4. Ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno. Kaya hindi na
bumabaha sa paligid.
5. Mataas ang nakuhang marka ni Abel, dahil lagi siyang nag-aaral ng
leksyon.

7
Susi sa Pagwawasto

Magsanay tayo

Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. B
2. B 2. D
3. A 3. A
4. E
5. C
Ating pagyamanin

Gawain 1 Gawain 2

1. B 1. A
2.A 2. A
3.C 3. A
4. A 4. D
5. B 5. B

Ang aking natutunan

1. Bunga
2. Sanhi
3-4 masama, mabuti
5. bunga
Tayahin
1. Narinig nilang tinutugtog ang pambansang awit. Tumigil sila sa
paglalakad at tumayo nang tuwid.
2. Naglinis ang mga bata sa bakuran ng paaralan. Gumanda ang
paligid at natuwa ang punongguro.
3. Nanalo siya sa paligsahan sa pag-awit. Nagsanay nang mabuti
bago pa dumating ang paligsahan.
4. Ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno. Kaya hindi na
bumabaha sa paligid.
5. Mataas ang nakuhang marka ni Abel, dahil lagi siyang nag-aaral
ng leksyon.

8
Sanggunian
Aklat

Aide, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Florenda


Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, Louiegrace
Margallo, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilo, Cynthia
Reyroso, Agnes G. Rolle, Mercelita Salazar, at Jenny- Lyn Trapane.
Batang Pinoy 3 ( Kagamitan ng Mag-aaral ). Pasig City:
Department of Education, Bureau of Learning Resources (DepEd-
BLR ), 2017

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLASna ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:


Pangalan at Lagda ng Magulang
o Tagapatnubay:
Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS :

10

You might also like