You are on page 1of 18

5

Unang Markahan-Modyul 7:
Pagpapahayag
ng Sariling Opinyon at Reaksyon
sa Isang Napakinggang Balita,
Isyu o Usapan
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 7: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon at Reaksyon sa Isang
Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Rica C. Pangilinan


Editor: Armielyn G. Bernabe
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Felix Leo A. Villena

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagpapahayag ng Sariling
Opinyon at Reaksyon sa Isang
Napakinggang Balita, Isyu o
Usapan
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyo. Ito ay binuo upang matulangan
kang maunawan at maintindihan ang wastong paggamit sa iba’t ibang pangngalan
at panghalip sa pamamagitan ng pagtalakay tungkol sa iyong sarili, sa ibang tao,
mga hayop, lugar, bagay, at mga pangyayari sa paligid, maging sa pakikipag-usap
at paglalahad tungkol sa iyong sariling mga karanasan. Ang modyul na ito ay
maaaring magamit sa iba’t ibang sitwasyon sa pagkatuto. Ang wikang ginamit ay
isinasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng lengwahe at antas ng bokabularyo ng mga
mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos batay sa pagkakasunud-sunod ng kurso.

Matapos mong gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang na:


Maipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan. (F5PS-IVb-h-1)

Subukin

Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


katotohanan at O kung ito ay isang opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. _______ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti
at dilaw.
_______ Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
2. _______ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria
Macapagal-Arroyo.
_______ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
3. _______Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama
sa kalusugan.
_______ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
4. _______ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
_______ May pitong araw sa isang linggo.
5. _______ Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
_______ Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
6. _______ Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.
_______ Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
7. _______ Ang gagamba ay hindi insekto.
_______ Nakatatakot ang mga gagamba.
8. _______ Mas masarap ang mga prutas kaysa sa gulay.
_______ Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
9. _______ Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.
_______ Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
10. _______Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng
gasolina at diesel.
_______Sunod-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Aralin Pagpapahayag ng Sariling Opinyon at
Reaksyon sa Isang Napakinggang
7 Balita, Isyu o Usapan
Ang pagbibigay reaksyon o opinyon ay isang mabuting kasanayan dahil
naipapahayag natin ang sariling saloobin, opinyon, o pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilahad.
Ang pagbibigay reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.

Balikan

Ang mga sumusunod ay mga salita at katagang ginagamit sa pagbibigay ng


opinyon o reaksyon sa isang isyu. Isulat ang  kung ito ay nagsasaad ng matatag
na opinyon at  kung ito ay nagsasaad ng neutral na opiyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

______1. buong igting kong sinusupotahan ang…


______2. kung ako ang tatanungin…
______3. kung hindi ako nagkakamali…
______4. kumbinsido akong…
______5. sa aking palagay…
______6. sa tingin ko…
______7. sa totoo lang…
______8. sa aking pananaw
______9. lubos kong pinaniniwalaan…
______10. labis akong naninindigan na…

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawain na
magpapaunlad sa kaisipan ng mga mag-aaral.
Kinakailangan ang gabay at patnubay ng guro upang matamo ang
kahusay ng bawat mag-aaral. Sikapin ding masagutan ang mga gawain
ng buong katapatan.
Tuklasin

Ipabasa at pakinggang mabuti ang balita mula sa ABS-CBN News


(https://news.abs-cbn.com).

Aktibong kaso ng COVID-19 sa San Fernando, Pampanga, isa na lang


Posted at May 07 2020 05:36 AM

Larawan mula sa San Fernando CIO


Isa na lang ang aktibong kaso ng Corona Virus Disease 2019 o (COVID-
19) sa San Fernando, Pampanga, batay sa datos na inilabas ng City Health Office
nitong Miyerkoles. Naiulat na dumagdag sa bilang ng mga gumaling ang tatlong
pasyente mula sa health-facility related infections.

Labing-anim ang naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad


kung saan 1 ang namatay, habang 14 ang gumaling sa sakit.
Patuloy pa rin ang paghingi ng suporta at pakikipagtulungan ng lokal sa
publiko laban kontra COVID-19.

Suriin

Ang balita ay nagsasaad ng mahahalagang mga pangyayari na nagaganap sa


iba’t ibang pook ng bansa. Isinasaad dito ang pangunahing tauhan, pinangyarihan,
kailan nangyari at bakit nangyari.
Pagyamanin

Malayang Gawain 1
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Punan ng titik ang mga kahon
upang makuha ang tamang sagot.

1. Saang probinsya naganap ang balita?

2. Anong karamdaman ang binanggit sa balita?

3. Ilang kaso na ng sakit ang naitalang gumaling?

4. Anong uri ng balita ang iyong nabasa?

5. Anong ahensya ng lalawigan ang naglabas ng


datos?

B. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa iyong sariling opinyon at


reaksyon.

6. Ano ang iyong naramdaman sa balitang narinig? Ipaliwanag.


7. Sa iyong sariling opinyon, ito ba ay isang magandang balita? Ipaliwanag.
8. Kapakipakinabang ba ang balitang iyong narinig? Ipaliwanag.
9. Kung ang balitang ito ay isang balita sa inyong munisipyo, ano ang iyong
magiging reaksyon?
10. Bilang isang mag-aaral, paano mo masusuportahan at matutulungan ang
iyong lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19?

Malayang Tayahin 1

Basahing muli ang balita sa Tuklasin. Isulat sa sagutang papel ang isang talata
na hindi bababa sa limang pangungusap ang iyong sariling opinyon o reaksyon sa
nabasa mong balita.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Malayang Gawain 2
Basahing mabuti ang balita at sagutin sa sagutang papel ang mga
sumusunod na tanong.

Remote enrollment sa mga paaralan nag-umpisa na


Jun 01, 2020 08:37 PM

Dati, dagsa ang mga magulang at estudyante sa mga paaralan para sa


enrollment at pag-volunteer sa Brigada Eskuwela.

Pero ngayong may pandemya, sa Facebook na inilunsad ang Oplan Balik Eskwela at
Brigada Eskwela.

Ayon din sa Department of Education (DepEd), nakalaan ang buong buwan ng


Hunyo para sa enrollment, pero mula Hunyo 1 hanggang 15 tanging remote enrollment
lang ang ipatutupad.

Hindi pa man nag-umpisa ang pormal na enrollment, marami na raw magulang


ang nagpahayag ng pagnanais na ituloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

"Ang Region 7 ay 75 percent na ng projected enrollment, na-attain na, at saka


may mga eskuwelahan na tayo na overbooked," ani Education Secretary Leonor Briones.

"Ito ay nagpapakita, we really value education, we hold it high, perhaps highest


in priority," dagdag ni Briones.

Nakatakdang magpatupad ang mga paaralan sa darating na pasukan — na


magsisimula sa Agosto 24 — ng mga alternatibong paraan ng pagkatuto matapos
ipagbawal ang face-to-face learning dahil sa COVID-19.

Ayon naman kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, maglalabas


ang kagawaran ng mga alituntunin para sa mga hindi pa makakapag-enroll.

"Ang instruction ngayon sa field units natin... is to enlist all and then we will take
care of the organization of classes. Hindi ito first come, first serve," ani Malaluan.

Aminado rin ang ilang mga magulang na kinakabahan sila lalo ngayon at sila
ang magtuturo sa mga anak sa bahay.

"Medyo kinakabahan din at nangangapa," anang magulang na si Jasper


Basmayor.

Isa sa target ng DepEd para sa Brigada Eskwela ay ihanda ang mga magulang na
magtuturo sa kanilang mga anak.
1. Tungkol saan ang balitang nabasa?
__________________________________________________________________________
2. Anong ahensya ng gobyerno ang kabahagi sa nabasang balita?
__________________________________________________________________________
3. Saan inilunsad ang dalawang programa ng DepEd?
__________________________________________________________________________
4. Bakit sa isang kakaibang paraan inilunsad ang mga programa?
__________________________________________________________________________
5. Ano ang ginagawa sa Oplan Balik Eskwela?
__________________________________________________________________________
6. Ano ang ginagawa sa Brigada Eskwela?
__________________________________________________________________________
7. Ano ang kaibahan ng Oplan Balik Eskwela noong nakaraang taon sa Oplan
Balik Eskwela ngayong taon?
__________________________________________________________________________
8. Ano ang kaibahan ng Brigada Eskwela noong nakaraang taon sa Brigada
Eskwela ngayong taon?
__________________________________________________________________________
9. Ano ang isa sa target ng DepEd sa Brigada Eskwela?
__________________________________________________________________________
10. Sang-ayon ka ba sa hakbang ng DepEd na ito upang mapanatiling ligtas ang
mga mag-aaral habangg isinasagawa ang Brigada Eskuwela at Oplan Balik
Eskuwela?
__________________________________________________________________________

Malayang Tayahin 2

Basahing muli ang balita sa Malayang Gawain 2. Isulat sa sagutang papel


kung paano isinagawa ng sarili mong paaralan lang Oplan Balik Eskuwela at Brigada
Eskuwela. Ibahagi rin ang iyong opinyon kung ito ba ay naging matagumpay at ligtas
para sa lahat.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Malayang Gawain 3

Basahing mabuti ang balita at sagutin sa sagutang papel ang mga


sumusunod na tanong.

Mass testing sa gov't offices ipinanawagan


Jun 01, 2020 04:50 PM

Sa lungsod ng Marikina, hindi lang mga regular na kawani ng city hall


ang isasailalim sa rapid testing sa COVID-19 dahil kasama na rin pati volunteer
workers.
Kasama rito si Maritess Torral, na lantad kung kani-kanino dahil sa
trabaho bilang utility worker sa Marikina Sports Center.
“Para sa amin din ito eh, para malaman namin kung kami ay positive o kung
ano, para sa kalusugan din namin,” ani ni Torral ukol sa testing.
Pero ayon sa grupong Confederation for Unity Recognition and
Advancement of Government Employees (Courage), hindi lahat ng opisina ng
gobyerno ay may mass testing kaya nababahala sila dahil mas marami ngayong
pumapasok na kawani ng pamahalaan sa ilalim ng general community
quarantine (GCQ).
“Nag-GCQ sila ngayon pero ayan, siguradong dadami na po ang
magkakasakit,” ani Courage Secretary General Manuel Baclagon.
Sa Marikina City Hall, pumasok na ngayong Lunes ang trade officer na si Maria
Lourdes Dela Paz.
Ayon sa kaniya, naka-apat na raw na work week sila at iba-iba ang
day off.
Kailangan umano ni Dela Paz na nasa opisina siya para makaharap ang
maliliit na negosyong apektado ng lockdown at gustong mangutang.
“Ako po ang mga humaharap sa mga gustong magtanong tungkol sa pautang so
kailangan po nanrito ako sa opisina,” ani Dela Paz.
Pero ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, hinihikayat niya ang
mga online transaction.
“Ine-encourage natin ang mga tao na mag-transact digitally na ngayon,” sabi ng
alkalde.
Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang mga opisina ng
gobyerno na magpatupad ng mga sistema tulad ng work-from-home, skeleton
force, at 4-day work week para mabawasan ang mga tao sa opisina.
1. Tungkol saan ang balitang nabasa? _____________________________________

2. Anong ahensya ng gobyerno ang kabahagi sa nabasang balita?


_____________________________________________

3. Saan naganap ang balita? ______________________________________________

4. Bakit isinagawa ang rapid testing sa COVID-19 ang mga tao?


______________________________________________

5. Sinu-sino ang mga sumailalim sa rapid testing? _________________________

6. Aling grupo ang nababahala dahil sa kakulangan sa kapasidad ng ilang


opisina na gumawa ng mass testing? ____________________________________

7. Ayon sa balita ano ang magiging bunga ng General Community Quarantine


sa kanilang lugar? __________________________________________

8. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagmungkahi ng iba’t ibang sistema


sa trabaho? ____________________________________________________________

9. Anu-anong mga sistema ang ibinigay na halimbawa sa balita?


______________________________________________

10. Sang-ayon ka ba na magkaroon ng mass testing? ______________________

Malayang Tayahin 3

Basahing muli ang balita sa Malayang Gawain 3. Isulat sa sagutang papel


kung sang-ayon ka ba na magkaroon ng mass testing sa Pilipinas at kung sinu-
sino ang mga dapat maging parayoridad nito.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Isaisip

Basahin mabuti ang balita mula sa GMA News Balitambayan


(https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan).

Frontliner na namatay dahil sa heat stroke, itinuturing na bayani


Mayo 8, 2020

Larawan mula sa GMA News

Isang frontliner sa Cainta, Rizal ang binawian ng buhay dahil sa matinding


init ng panahon, ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Biyernes.
Kinilala ang nasawi na si Arvic Macarilay, 38, isang audio technician at DJ
na boluntaryong tumulong sa pagbabantay sa mga checkpoint sa Cainta sa
kabila ng ipinaiiral na enhanced community quarantine.
Miyembro si Arvic ng Barangay Community Action Group sa Cainta na
katuwang ng otoridad sa paghuli sa ECQ violators.
Ayon sa kaniyang kaanak, nahilo si Arvic habang naka-duty nitong May 6
sa kasagsagan ng init ng araw. Wala siyang malay nang dalhin sa bahay kaya
isinugod siya sa ospital.
Bagama't nagkamalay sa ospital, nakaranas naman si Arvic ng seizures.
Masakit din daw ang kaniyang dibdib.
Sabi ng doktor, may pumutok na ugat sa ulo si Arvic, na nasawi
rin kalaunan.
Ginawaran ng parangal si Arvic dahil sa kaniyang kabayanihan sa gitna
ng COVID-19 pandemic.
-KBK, GMA News

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa inyong balitang nabasa.


1. Sino ang frontliner sa balita?
2. Saan naganap ang balitang nabasa?
3. Ano ang kontribusyon ng nasabing frontliner sa kanilang komunidad?
4. Ano ang ikinasawi ng frontliner?
5. Bakit ginawaran ng parangal ang nasabing frontliner?
6. Sa inyong komunidad, sino-sino ang mga frontliner na humaharap sa pandemya
ng COVID-19?
7. Paano maiiwasan ng mga frontliner ang sinapit ni Arvic?
8. Paano mo matutulungan ang mga frontliner ng inyong komunidad?
9. Dapat bang hangaan, tularan at pasalamatan ang mga tulad ni Arvic? Paano mo
ito maipapakita bilang isang bata?
10. Karapat-dapat ba silang tawaging mga bayani? Bakit?

Isagawa

Nanonood kaba ng Kapuso mo, Jessica Sojo? Narito at panoorin ang


kuwento sa Youtube account ng Kapuso Mo, Jessica Sojo. I-search lamang
ang Kapuso Mo, Jessica Soho: Sekyu na nakapagtapos bilang Cum Laude,
kumusta na ngayon?
Maaari ring i-type ang URL na ito sa inyong Youtube browser,
https://www.youtube.com/watch?v=HJeLCYHkEns&t=327s.

Larawan mula sa Kapuso Mo, Jessica Sojo

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa napanood.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa napanood mong kuwento?


2. Anong tagumpay ang nakamit ng bida sa kuwento ng KMJS?
3. Ano ang naging problema niya kung bakit hindi niya naipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral?
4. Bakit ipinagpatuloy niya ang pag-aaral kahit siya ay may pamilya na?
5. Ano-anong sakripisyo ang kaniyang ginawa upang makatapos ng kolehiyo?
6. Naging mabuting ehemplo ba siya para sa kanyang mga anak? Bakit?
7. Anong karangalan ang kaniyang nakamit sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo?
Kanino ito ibinibigay?
8. Ano ang naitulong ng pagtatapos ni Erwin sa kolehiyo sa kaniyang pamilya?
9. Anong aral ang nais iparating ng kuwento?
10. Ikaw bilang isang mag-aaral dapat bang tularan ang natapos at nakamit
ni Erwin sa buhay?
Tayahin

Panoorin ang dokumentaryong ito sa Youtube account ng GMA Public Affairs.


I-search lamang ang I-Witness: 'Diskarteng Bata,' dokumentaryo ni Kara David (full
episode).
Maaari ring i-type ang URL na ito sa inyong Youtube browser,
https://www.youtube.com/watch?v=8o7WBddDYrU.

Larawan mula sa I-Witness

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa iyong napanood.

1. Tungkol saan ang dokumentaryong napanood?


2. Sino-sino ang mga batang nasa dokumentaryo?
3. Ano ang gawain ng mga bata sa dokumentaryo?
4. Bakit ginagawa ng mga batang ito ang mga gawaing labag sa batas?
5. Batay sa dokumentaryo anong ginagawa sa mga menor de edad na lumalabag
sa batas?
6. Anong ahensya ng gobyerno ang may hawak sa mga batang lumalabag sa batas?
7. Anong mga aksiyon ang ginagawa ng ahensya ng gobyerno para sa mga
batang ito?
8. Ano ang damdamin mo tungkol sa dokumentaryo? Bakit mo ito naramdaman?
9. Anong aral ang nais iparating ng dokumentaryo?
10. Ikaw bilang isang mag-aaral ano ang maipapayo mo sa mga batang tulad nina
Dodong at Jocelyn?
Karagdagang Gawain

Buuin ang pangakong nasa ibaba na tutugon sa kasalukuyang


sitwasyon ng ating bansa at kapaligiran.

Ako si __________________________________ ay nangangakong


buhat ngayon, ang lahat ng aking basura at kalat ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________ upang mapangalagaan ang ating kalikasan at
maiwasan ang pandemya na tulad ng COVID-19 sa hinaharap.
Subukin Malayang Gawain 2 10. Oo, para mapigilan ang
1. Tungkol sa paglulunsad pagkalat ng sakit.
1. K/O
at pagsasagawa ng
2. O/K
enrollment at brigada
3. K/O Isaisip
eskuwela
4. O/K 1. Arvic Macarilay
2. DepEd
5. O/K 2. Cainta, Rizal
3. sa Facebook
6. K/O 3. Boluntaryong tumulong
4. Dahil hindi ligtas ang
7. K/O sa pagbabantay sa mga
nakagawaing
8. O/K checkpoint at katuwang
pagsasagawa ng
9. K/O ng otoridad sa paghuli sa
enrollment at brigada
10. O/K ECQ violators
eskuwela.
5. Pagpapatala o pageenroll 4. Heat stroke
Balikan sa mga bata. 5. Dahil siya ay namatay sa
6. Paglilinis ng Paaralan pagganap sa kanyang
1.  bilang paghahanda sa tungkulin bilang frontliner
klase 6. kapitan, barangay tanod,
2.  health workers, pulis,
7. Noon nagpupunta ang
mga magulang para volunteers, atbp.
3. 
magpatala, ngayon 7. Panatihing malusog ang
ginawa ang online katawan. Uminom ng
4. 
enrollment maraming tubig. Iwasan
5.  8. Noon nagpupunta ang ang pagbibilad sa araw,
mga magulang para atbp.
6.  maglinis, ngayon 8. Manatili sa loob ng bahay
pagbibigay ng donasyon at pagsunod sa mga
7.  para sa new normal ang tuntunin upang mapagaan
ginawa ang kanilang trabaho.
8.  9. Target ng DepEd na 9. Oo.
maihanda ang mga 10. Oo.
9.  magulang sa darating na
pasukan Isagawa
10. 10. Oo, dahil ito ay ligtas 1. Erwin Macua
para sa lahat 2. Nakapagtapos siya ng
Pagyamanin kolehiyo bilang isang Cum
Malayang Gawain 3 Laude sa kabila ng
Malayang Gawain 1
1. Tungkol sa pagsasagaw pagiging security guard at
A.
ng mass testing pagkakaroon ng pamilya.
1. Pampanga
2. DOH 3. Kakulangan sa pera at
2. Covid-19
3. Marikina kahirapan ng buhay.
3. labing-apat
4. Upang maiwasan ang 4. Upang makamit nya ang
4. lokal
pagkalat ng sakit kanyang pangarap at
5. Health Office
5. Ang mga nagtatrabaho sa maiahon ang kanyang
munisipyo pamilya at upang hindi rin
B.
6. Confederation for Unity siya maliitin ng ibang tao.
6. galak, saya
Recognition and 5. Nagtatrabaho sa umaga,
7. Oo
Advancement of nag-aaral siya sa gabi.
8. Oo
Government Employees Nalayo siya sa kanyang
9. Maaaring magkakaiba ng
7. Pagkalat ng sakit pamilya upang makatipid
sagot
8. CSC sa pamasahe.
10. Maaaring magkakaiba
9. work-from-home, skeleton
ng sagot
force, at 4-day work
week
Susi sa Pagwawasto
6. Oo, dahil ipinakita niya na hindi edad o kahirapan ang hadlang upang makamit ang pangrap sa
buhay.
7. Siya ay naging Cum Laude dahil sa pagiging mahusay na mag-aaral.
8. Siya ngayon ay isa ng guro, may maayos na sahod kaya mas nasusuportahan na niya ang
kaniyang pamilya ng mas maayos.
9. Hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos at makamit ang mga pangarap.
10. Oo
Tayahin
1. Sa diskarte ng mga bata sa lansangan upang magkapera. Mga batang natutong magnakaw sa
langsangan.
2. JM, Roy, Jocelyn, Dodong
3. Sila ay nagnanakaw, nanghoholdap, at nandurukot.
4. Dahil sa kakulangan sa pera upang makatulong sa kanilang pamilya
5. Dinadala sa mga Youth Centers o di kaya ay inihahatid sa mga magulang
6. DSWD
7. Sila ay dinadala sa Youth Centers upang maiayos ang mga mali nilang gawain
8. Nakakalungkot
9. Nais ituro ng dokumentaryo na ang paggawa ng labag sa batas kahit na pa ikaw ay isang menor
de edad ay may kaukulang parusa at hindi nito mapapabuti ang buhay mo sa hinaharap
10. Pagsumikapan nilang makapag-aral upang magkaroon ng magandang trabaho. Humanap ng
trabahong hindi labag sa batas. Maaaring may iba pang sagot.
Rubrik sa pagwawasto ng Malayang Tayahin 1, 2, 3
Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Kraytirya
5 4 3 2
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming
Komprehensibo nilalaman kakulangan sa kakulangan sa
ang nilalaman ng talata/sulat. nilalaman ng nilalaman ng
sulat/talata. Wasto ang lahat talata/sulat. May talata.
Wasto ang lahat ng impormasyon ilang maling
ng impormasyon impormasyon sa
nabanggit.
Presentasyon Malikahing Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos
nailahad ang nailahad ang maayos na na nailahad ang
nilalaman ng talata/sulat. nailahad ang sulat/talata.
talata/sulat. Nauunawaan ang sulat/talata. Hindi gaanong
Maayos ang daloy. nilalaman. Hindi gaanong nauunawaan
Malakas ang tinig nauunawaan ang ang nilalaman.
nga paglahahad. nilalaman.
Nauunawaan ang
nilalaman
talata/sulat
Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos
malinaw, simple maayos ang presentasyon ng ang
at may tamang presentasyon ng mga pangyayari presentasyon ng
pagkakasunud- mga ideya sa at ideya. May mga ideya.
sunod ang sulat. Malinaw bahaging di Maraming
presentasyon ang daloy ng gaanong bahagi ang hindi
ideya sa paglalahad ng malinaw. malinaw sa
talata/sulat. kaisipan. paglalahad ng
Malinaw ang daloy kaisipan.
at organisado ang
paglalahad ng
kaisipan
Baybay ng Malinaw, maayos Tama ang baybay Maayos ang Hindi maayos
mga salita at at tama ang ng mga salita, pagbabaybay ng ang grammar at
grammar, baybay ng mga grammar, mga salita subalit pagbabantas.
capitalization salita, grammar, capitalization at may kaunting Hindi maayos
at capitalization at pagbabantas. kamalian sa ang
pagbabantas pagbabantas. Maayos ang grammar at pagkakasulat.
at gawi ng Maayos ang pagkakasulat pagbabantas.
pagkakasulat. pagkakasulat Hindi gaanong
maayos ang
pagkakasulat.
Kabuuang
Iskor = 20
Sanggunian

Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164


Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya pp.61-65
https://news.abs-cbn.com

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan

https://www.youtube.com/watch?v=HJeLCYHkEns&t=327s

https://www.youtube.com/watch?v=8o7WBddDYrU

You might also like