You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10

Pagsasalaysay
na May Saysay

Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagbibigay-reaksyon sa mga kaisipan o ideya sa
tinalakay na akda, ang pagiging makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng


modyul .
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa iyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa
iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang mga kasanayan. Lahat ng
iyong natutuhan ay magagamit mo sa pang-araw-araw na
pamumuhay at pakikipagtalastasan.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng
mga bagong kaalaman at konseptong kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo
nang may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na PagsuBbokbok – dito masusukat ang lawak ng
iyong pagkatuto sa bagong aralin
2
Aralin Kaisipan: Suriin Mo’t
1 Bigyang-reaksyon

INAASAHAN
Maganda araw sa iyo.
Alam kong ikaw ay handang-handa nang matuto kaya simulan na natin ito.
Ang pagbibigay ng komento, reaksyon at puna ay karaniwan na sa mga Pilipino.
Makikita ito sa napakaraming post sa social media. Sa araw na ito nais kong makuha ang
iyong reaksyon mula sa ilang sanaysay na iyong babasahin. Narito at matutuklasan mo kung
ano ang mga ito.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa


napakinggan/nabasang impormasyon sa radyo o sa iba pang anyo ng
media;
2. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda,
ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa
sanaysay.
3. natutukoy ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ang
kahulugan.

PANIMULANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang maikling bahagi ng editoryal at pagkatapos sagutin ang sumusunod
na
mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ay isang hakbang ng


pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayan ng pamumuhay ng
ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyunal na tulong pinansyal para sa
pinakamahihirap na Pilipino upang matulungan sa aspeto ng kalusugan, nutrisyon
at edukasyon ang mga batang may edad 0-18 taong gulang.
Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan
upang maibigay sa kanila ang tulong pinansyal. Halaw ito sa programang
Conditional Cash Transfer (CCP) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na
naialpas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong mundo. Gayundin, ang
kagustuhan ng pamahalaan na maialis sa lugmok na kondisyon ang nakararaming
Pilipino. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong
ahensya ng pamahalaan na namamahala sa 4P’s.

3
Tinutulungan din ng 4P’s ng pamahalaan na matupad ang pangako nito sa
Millenium Development Goals (MDGs)- ispesipiko sa pag-ahon sa labis na
kahirapan at gutom , sa pagkakamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa
pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng
mga batang namamatay at sa pagpapabuti ng pag-aalaga sa mga buntis.
-https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-program/

1. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,


reaksyon at puna ng manunulat hinggil sa isang makabuluhang at napapanahong
isyu. Ang tinuyukoy nito ay_______
A. sanaysay B. maikling kuwento C. tula D. parabula
2. Ang pangunahing paksa ng binasang editoryal ay ____________
A. krimen lutasin C. programang 4P’s
B. korapsyon sa pamahalaan D. kalaban ng bansa
3. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCP) ng mga bansa sa Latin
America at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong
mundo. Gayundin, ang kagustuhan ng pamahalaan na maialis sa lugmok na
kondisyon ang nakararaming Pilipino. Ang dalawang salitang magkasingkahulugan
ay ________
A. halaw-lugmok C. naialpas-maialis
B. Amerika-Aprika D. programa-tao
4. Ang programang 4P’s ay halaw mula sa ____________ na nakatulong nang malaki
upang makaalpas sa kahirapan ang ilang bansa sa Latin Amerika at Aprika.
A. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
B. Conditional Cash Transfer (CCP)
C. Food For Work (FFW)
D. Millenium Development Goals (MDGs)
5. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang
maibigay sa kanila ang tulong pinansyal. Ang katotohanang maglalarawan sa
pahayag ay_________
A. may kapalit na kondisyon ang pagkamit ng tulong pinansyal
B. ang pamahalaan ay babayaran ng mamamayan
C. magtatrabaho ang mga mamamayan upang makabayad
D. susundin ng mga mamamayan ang pangulo

BALIK-TANAW Reaksyon ng Iyong Kapamilya o Kaibigan


Panuto: Bigyang-reaksyon ang mga pahayag mula sa kilalang tao. Pagkatapos ay
hingin din ang reaksyon ng iyong kaibigan. Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

Isang araw ng Linggo, nagsimba ang isang corrupt na politician. Sabi ng pari
sa kanyang sermon, “Magbigay ka sa simbahan ng ayon sa kabutihan ng iyong
loob.” Nang narinig iyon ng pulitiko, nagdonate siya ng 100 pesos. Nakita ito ng pari.
Tinawag ng pari ang pulitiko. “Ano po iyon, Father?” tanong ng pulitiko. Ang sabi ng

4
pari, “ito ang sukli mo, 99 pesos.”
-Stupid is Forever/Miriam Defensor Santiago

Reaksyon Ko_______________ Reaksyon ng Kaibigan___________

__________________________ _____________________________

Reaksyon ng Pamilya ____________


______________________________

Makatotohanan ba o di makatotohanan ang pahayag? Ipaliwanag


____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Mahusay! Nagulat ka ba sa mga kasagutan ng iyong kamag-aral at kapamilya?


Napansin mo rin ba ang pagkakapareho ninyo ng mga tugon? Ngayon naman handa ka ng
pag-aralan ang akdang babasahin mo ngayon.

Simulan mo na.

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN Om

Isa si Plato sa kinikilalang tungkuang bato ng karunungan at pilosopiya. Sa kaniyang


akda masasalamin ang lawak ng kaniyang karunungan at karanasan. Ang sanaysay na
iyong babasahin ay nagtataglay ng mga simbolo na nangangailangan ng matinding
pagsusuri at pang-unawa. Ang sanaysay na ito ay salaysay ukol sa dalawang taong nag-
uusap, ang gurong si Socrates at si Glaucon (kapatid ni Plato).

Ang Alegorya ng Yungib


ni Plato
isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid
o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan. Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa
yungib na may lagusan patungo sa liwanag. Sila’y naroroon mula pagkabata, ang kanilang
leeg at binti ay nakakadena na nakahahadlang sa kanilang pagkilos pati ang kanilang ulo ay
nakatali at di makalingon man lang. Sa itaas at likod nila ay may apoy at sa pagitan nila ang
daanang papataas mahahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng puppet.
Nasilayan ko.

5
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan na may bitbit na mga monumento
at larawan ng mga hayop at bato? Ang iba ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Sila nga ay
kakaibang bilanggo. Paano nila makikita ang anuman kung hindi sila pahihintulutang
gumalaw maging ang kanilang ulo? At kung may alingawngaw sa ibang dako hindi ba nila
natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan? Sa kanila, ang katotohanan ay
walang kahulugan kundi anino ng mga imahe. Ngayon, tingnan naman natin kung ang isa sa
kanila ay mapalaya,

biglang tumayo, lumingon, lumakad patungo sa liwanag. Sa umpisa’y magdaranas siya ng


sakit ngunit makikita ang katotohanan na dati ay anino lamang. Magkakaroon siya ng
malinaw na pananaw-ano ang magiging tugon niya?
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, hilahin pataas sa
matarik at baku-bakong daan, hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng
araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit sa pagkasilaw at sa ganoong paraan ay
mahirapan siyang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan-ang katotohanan.
Kailangan niyang sanayin ang kaniyang mata sa dakong itaas ng mundo nang
mapagmasdan niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang tao, iba pang bagay
sa tubig, mamamasid niya ang liwanag ng buwan at maningning na bituin. Higit sa lahat,
magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksyon niya sa
tubig kundi ang sariling kinaroroonan at siya’y makapagninilay kung sino siya. At kung
maalala niya ang kaniyang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib at kapuwa
bilanggo, mauunawaan niyang siya’y mapalad at siya’y maaawa sa mga naiwan sa yungib.
Mga bilanggong nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang
mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino ay siyang makapagpapasiya nang mahusay
sa kinabukasan. Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.”At matutuhang
tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang
gawi? Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at
mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
Pabalikin ang pinalayang bilanggo at makipagpaligsahan sa pagtukoy sa anino, hindi
kaya siya maging katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating
ng bitbit ang katotohanan ay isang malaking kasinungalingan at mas mabuti na hindi na
lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at dalhin
sa liwanag at katotohanan ay huhulihin at papawalan ng buhay.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya, maaari mong dagdagan Glaucon ang mga dating
katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Isipin
mong ang paglalakbay papataas ay pag-ahon ng kaluluwa sa intelektuwal na mundo. Ngunit
tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng
kabutihan ay nasa huli at makukuha lamang ito kung may pagpupunyagi. Ang sinumang
may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko at pribadong buhay ay ganap
na nakatagpo ng tunay na katotohanan.
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
At sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man
lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; sa aking ideya, para sa kanila na naninirahan sa
itaas ng mundo madali lamang sa kanila ang manirahan at mas hihigit pa ang kanilang
paghahangad.

6
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin
ay may dalawang dahilan ang una ay paglabas sa liwanag at ang pangalawa ay mula sa
liwanag tungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.
-mula sa Filipino10 Modyul Para sa Mag-aaral

Matapos mong mabasa ang akda, batid kong naunawaan mo ang pananaw o
kaisipang nais ibahagi ni Plato na may kaugnayan sa pagtuklas ng katotohanan.
Nalalaman kong handang-handa ka na para sa isang paglalakbay tungo sa pagpapayaman
ng iyong isipan sa pamamagitan ng mga inihandang gawain.
Maligayang pag-aaral!

GAWAIN
Gawain 1 – Tambal Salita
Panuto: Basahin ang bawat pahayag tukuyin ang mga salitang magkatulad ang kahulugan.
Pagkatapos ay gamitin sa sariling pangungusap. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa


liwanag.
salita salita Pangungusap

______ ______ _____________________

2. Sila’y naroroon mula pagkabata, ang kanilang leeg at binti ay nakakadena na


nakahahadlang sa kanilang pagkilos pati ang kanilang ulo ay nakatali.

salita salita Pangungusap

______ ______ _____________________

3. Kailangan niyang sanayin ang kaniyang mata sa dakong itaas ng mundo nang
mapagmasdan niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang tao, iba pang
bagay sa tubig, mamamasid niya ang liwanag ng buwan at maningning na bituin.

salita salita Pangungusap

______ ______ _____________________

7
4. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at dalhin sa liwanag at
katotohanan ay huhulihin at papawalan ng buhay.

salita salita Pangungusap

______ ______ _____________________

5. At sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw
man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; sa aking ideya, para sa kanila
na
naninirahan sa itaas ng mundo madali lamang sa kanila ang manirahan.

salita salita Pangungusap


______ ______ _____________________

Gawain 2 – Magbalangkas Tayo


Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa kahon. Sundin ang grapikong presentasyon.

ANG ALEGORYA NG YUNGIB


Ilahad ang pananaw ni Plato sa
Paano sinimulan ang akda? pagtuklas ng katotohanan.
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
___________

Ibigay ang konklusyon ni Plato


sa kaniyang sanaysay.

8
Gawain 3 – Suriin, Isipin at Punahin! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Suriin ang bahagi ng nabasang sanaysay, ibigay ang iyong reaksyon sa mga
kaisipan at tukuyin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga
pahayag. Isulat sa kwaderno ang sagot.

•Reaksyon
1. Sila'y naroroon mula pagkabata, ang •__________________________
kanilang leeg at binti ay nakakadena na •Makatotohanan/di
nakahahadlang sa kanilang pagkilo pati ang makatotohanan
kanilang ulo ay nakatali at di makalingon man
lang. •__________________________
__________________________

•Reaksyon
2.“Mas mabuting maging mahirap na alipin •___________________________
ng dukhang panginoon.”At matutuhang tiisin
ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang •Makatotohanan/di makatotohanan
ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang •____________________________
gawi? __________________________

•Reaksyon
•__________________________
3. Ang ideya ng kabutihan ay nasa huli at
•Makatotohanan/di makatotohanan
makukuha lamang ito kung may
pagpupunyagi. •___________________________
_________________________

•Reaksyon
4. "At sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na •___________________________
may magandang pananaw na ayaw man lang •Makatotohanan/di makatotohanan
magbahagi para sa kapakanan ng tao." •______________________________
______________________________

9
Gawain 4 – Sanayin ang Pagsasalaysay

Panuto: Basahin ang mga pahayag mula sa ibat ibang social media platfroms. Tukuyin ang
paksa at magbigay ng sariling pananaw mula rito. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1.
Paksa:________________________
Sariling pananaw at paliwanag:___________
“ Walang kalayaan ang
isa kung walang kalayaan ang ____________________________________
lahat-dahil ang sistemang ____________________________________
sisiguro nito ay gagana lamang
kung lahat ay ituturing nang ____________________________________
patas at makatao: patas ang
dignidad at makatao, pare- ____________________________________
parehong may kalayaan.” ____________________________________
-VP Leni Robredo

“Mahalaga ang
2. pagkakaroon ng mas maayos at Paksa:________________________
matatag na hanapbuhay at Sariling pananaw at paliwanag:___________
mapigil ang masamang epekto
ng inflation. Magkaroon ng ____________________________________
ibayong kapital sa de-kalidad na ____________________________________
edukasyon at pagtugon sa
isyung pangkalusugan. ____________________________________
Kailangan ding pasiglahin ang
____________________________________
sektor ng pagsasaka.”
-Sec. Ernesto Pernia

3.
Paksa:______________________________
“ Walang korapsyon
na dapat nangyayari sa Sariling pananaw at paliwanag:___________
national man o local level. ____________________________________
Ang mga posisyon sa
gobyerno ay hindi isang ____________________________________
tropeo, kundi isang
____________________________________
sagradong simbolo ng
tiwala at responsibilidad na ____________________________________
ibinigay ng mga
mamamayan, at ito ay may ____________________________________
kaakibat na pananagutan.”
-DILG Sec. Eduardo Año

10
“Kami naman sa
4. senado ay nagtatrabaho Paksa:_____________________________
para siguruhing may sapat Sariling pananaw at paliwanag:___________
na otonomiya,
____________________________________
kapangyarihan at pondo ang
mga lokal na pamahalaan ____________________________________
upang labanan ang
___________________________________
paglaganap ng kriminalidad
at iligal na droga.” ___________________________________
–Sen. Sonny Angara ____________________________________

BALITA
Kami “Habang
naman sa senado walang
ay
5. bakuna,
nagtatrabaho walang gamot
para Paksa:_____________________________
talaga
siguruhingpong maydadami
sapatiyan.
na Sariling pananaw at paliwanag:__________
Ang
otonomiya,
mabuti kapangyarihan
na nga lang po at
ay hindi po
pondo angmarami
mga masyado
lokal na ____________________________________
sa atin ang namamatay
pamahalaan upang labanan at ____________________________________
kritikal.
ang Handa
paglaganap tayong
ng
magbigay
kriminalidadng attulong
iligaldahil
na ___________________________________
importante
droga. rin na mabuksan
ang ating ekonomiya.”
–Sec. Harry Roque

Binabati kita sa iyong kahusayan at matagumpay na pagsagot sa mga gawain. Alam


mo ba na ang iyong binasa ay isang sanaysay ?Narito ang mga dapat tandaan sa pagsusuri
ng isang sanaysay.

TANDAAN
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay ang sanaysay . Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay.
Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,
reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong
paksa o isyu.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang
mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat,
nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa
paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa. Gayundin, nalilinang nito ang pag-

11
iisip, napalalawak at napalalalim ang pang-unawa at maaari ring bumuo at magpatibay sa
isipan at damdaming-makabayan.

Uri ng Sanaysay
1. Maanyo o Pormal-Nangangailangan nang maingat, mabisa at maayos na
paglalahad. Ang sumulat ay kilalang awtoridad sa paksa o kaya’y may malawak na
kaalaman sa paksa na ipinaliliwanag niya sa maayos at masusing paraan. Ang maanyong
sanaysay ay maaaring;
a. maglahad ng namasid sa mga bagay, tao, lakad ng pangyayari
b. maglarawan ng mga tanawin at kalagayan
c. mag-ulat sa pagkatao ng mga tauhan
d. pumuna at pumansin
e. magpagaan sa mga paksang pang-agham at
f. magpahiwatig ng mga paglilinaw ng mga puntos at pangaral

2. Malaya o Di-Pormal-Ipinalalagay ng sumulat ang kaniyang pagkamalapit sa


mambabasa. May himig tungkol sa pang-araw-araw na mga pangyayari. Isinusulat sa isang
sariling maluwag na pagpapahayag at malimit na kakatwang anyo. Maaaring:
a. gumawa ng alinmang pagtalakay ng magaan, malaya at malasariling
paraan
b. magsalaysay ng isang pangyayari
c. maghatid ng mga balita, tagubilin o payo sa anyo ng liham at sa anyo ng
pangulong-tudling o editoryal ng pahayagan o magasin.

Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong bahagi.


1. PANIMULA- sa bahaging ito madalas na inilalahad ang pangunahing kaisipan o
ideya ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN- inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang
kaisipan o pantulong na ideya upang patunayan o suportahan ang inilahad na
pangunahing kaisipan.
3. WAKAS- nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

Ngayon, naman gusto kong malaman ang iyong mga natutuhan sa aralin. Nalalaman
kong lubos mo ng nauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng pagbabasa at pagsulat
ng sanaysay. Handa ka na ba sa susunod na gawain? Huwag makalilimot na sagutan ang
gawain sa iyong kwaderno.
Simulan mo na.

12
PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Panuto: Pumili ng isang larawan mula sa collage. Buuin ang balangkas ng isang sanaysay.

I. Panimula (Paksa ng sanaysay)

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

II. Gitna/Katawan (Mga pantulong na kaisipan)


_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

III. Wakas(Kongklusyon)
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

13
Panuto: Sa pamamagitan ng clustering ibigay ang mga kaugnay na salitang nasa loob ng
bilog. Pagkatapos, sumulat ng talata batay sa mga konseptong nabuo. Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.

____________

_________ Corona Virus -19 ______

___________

________________________________________

Pamagat

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

14
Binabati kita! Ang iyong positibong pananaw sa pag-aaral ay magandang
katangian na dapat taglayin ng isang kabataang tulad mo. Kunin muli ang iyong kwaderno at
bolpen buong husay mong sagutin ang mga tanong sa pangwakas na pagsusulit.

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang seleksyon na nasa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

Ito ang kabuuan ng alegorya, maaari mong dagdagan Glaucon ang mga
dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang
araw. Isipin mong ang paglalakbay papataas ay pag-ahon ng kaluluwa sa
intelektuwal na mundo at paglakad tungo sa karunungan. Ngunit tunay man o
huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan
ay nasa huli at makukuha lamang ito kung may pagpupunyagi. Ang sinumang may
kapangyarihang kumilos nang may katuwiran ay ganap na nakatagpo ng tunay na

1. Isipin mong ang paglalakbay papataas ay pag-ahon ng kaluluwa sa intelektuwal na


mundo at paglakad tungo sa karunungan. Ang kasingkahulugan ng salita na may
salungguhit sa loob ng pangungusap ay ______
A. paglakad B. papataas C. pag-ahon D. intelektuwal
2. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang
ideya ng kabutihan ay nasa huli at makukuha lamang ito kung may pagpupunyagi.
Ang dalawang salitang magkasingkahulugan ay ______
A. tunay at huwad C. mundo-kabutihan
B. opinyon-ideya D. makukuha-pagpupunyagi
3. Ang ideya ng kabutihan ay nasa huli at makukuha lamang ito kung may
pagpupunyagi. Ang nais ipabatid ng pahayag ay ______
A. ang kabutihan ay nasa isang tao
B. mabuti ang mga taong magaling makisama
C. ang karunungan ay nakabubuti sa lahat ng nilalang
D. pinagsisikapan ang pagkamit ng kabutihan at katotohanan
4. Ang sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran ay ganap na
nakatagpo ng tunay na katotohanan. Nais sabihin ng pahayag sa mga kabataan ay
__
A. maging mahusay sa gawain C. ipagpatuloy ang nasimulan
B. pagmamahal ang pairalin D. mamuhay ng tapat at makatuwiran
5. Ang natutuhan ng isang bilanggo mula sa paglabas niya sa yungib ay______
A. may liwanag sa labas ng yungib
B. ang katotohanan sa mga imahe at anino
C. ang kagandahan ng kalangitan
D. ang maging malaya ay nagdudulot ng saya

15
Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO), maaaring hindi na
umano umalis o mawala sa piling ng mga tao ang sakit na ito. Ang tanging paraan
para ito ay malabanan ay ang makatuklas ng bakuna.
Kung totoo ang sinabi ng WHO tungkol sa COVID-19, nararapat lamang na
ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para makaiwas sa
virus. Huwag nang bumalik sa dating nakasanayan na hindi nagsusuot ng face mask,
kumpul-kumpol sa isang lugar, hindi naghuhugas ng kamay at mga gawain na
nakapagdudulot ng sakit. Mula nang manalasa ang COVID-19 natuto ang marami sa
tamang kalinisan. Itinakwil ang dating nakagawian gaya ng pagdura, pagdumi kung
saan-saan at iba pa. Marami ngayon, pag-uwi sa bahay naliligo agad at nilalabhan
ang sinuot na damit. Hindi na rin ipinapasok sa loob ng bahay ang suot na sapatos
para hindi makapagdala ng virus.
Ipagpatuloy ang nakasanayang ginagawa habang nananalasa ang COVID-19.
Ito ang nararapat ngayon at sanayin na ang sarili sa mga gawaing ito. Maging bahagi
na natin ang pag-iingat upang hindi na kumalat ang virus -https://philstar.com

6. Ang paksa ng binasang talata ay ________


A. WHO B. kontra-bakuna C. COVID-19 D. face mask
7. Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO), maaaring hindi na umano
umalis o mawala sa piling ng mga tao ang sakit na ito. Ang dalawang salitang
magkasingkahulugan ay ______
A. pahayag-ayon sa C. tao-sakit
B. umalis-mawala D. COVID-WHO
8. Ang pahayag na nagpapakita ng pagkamakatotohanan sa binasa nating teksto ay
________
A. ang COVID-19 ay di na mapupuksa
B. sapat na pag-iingat upang hindi na kumalat ang virus
C. matutong makisalamuha sa kapwa
D. mahirap ang mabuhay sa panaho
9. Ang kongklusyon sa binasang sanaysay ay matatagpuan sa talata bilang ______
A. isa B. dalawa C. tatlo d. apat
10. Ito ang nais ipabatid ng sanaysay sa mga mamamayan ay ___________
A. maraming sakit ang naglalabasan
B. manatili sa tahanan upang di makahawa
C. ang COVID ay mapupuksa ng bakuna
D. ipagpatuloy ang nakasanayang pag-iingat sa virus

16
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Panuto: Ibigay ang natutuhan mula sa akdang binasa gamit ang tatlong salita na nasa loob
ng bilog. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Katotohanan Kabutihan Karunungan

SANGGUNIAN
 https://www.rappler.com/thought-leaders/263613-full-text-leni-robredo-
independence-day-message-2020
 www.google.com.ph/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/05/2014326/editoryal-ipagpatuloy-ang-mga-nakasanayan-
sa-covid/amp/
 www..google.com.ph/search?q=sanaysay&prmd=ivn&sxsrf=AleKk02SfAssPAllTp
RpFzgPxg6ElZNlbw:1591928275625&source
 Filipino Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10
 Mga Icon at Graphic Organizer sa Microsoft Office
 https://filipino.cri.cn/301/2018/05/31/104s156190.htm
 https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-
program/
 https://pcoo.gov.ph/OPS-content/interview-with-presidential-spokesperson-harry-
roque-by-deo-macalma-damdaming-bayan-dzrh/
 Jocson, M.O., Aguilar, R. L., & Santos, D. DC. 2013. Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik. Manila. Grandbook Publishing House

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Donna E. Chua
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Museta Delos Reyes Dantes, PSDS
Tagaguhit: Deanne Coleen A. Bada
Tagalapat: Lucelma O. Carpio, HT VI
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

17
SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN 1

Unang Pagsubok
1. A
2. B
3. D
4. B
5. B

Gawain 1-Tambal-Salita
1. yungib-lagusan
2. nakakadena-nakatali
3. mapagmasdan-mamasid
4. palayain-papawalan
5. pananaw-ideya

Pangwakas na Pagsusulit
1. A
2. B
3. D
4. D
5. B
6. C
7. B
8. B
9. C
10. D

18

You might also like