You are on page 1of 16

4

Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 8 :
Paggamit ng Iba’t-ibang uri ng
Pangungusap sa Pakikipagdebate

AIRs - LM
Filipino 4
Ikaapat na Markahan - Modyul 8 : Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng
Pangungusap sa Pakikipagdebate
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 20201


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Crecil J. Villalino, Damortis Elem. School , Sto,. Tomas District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Pagkatapos gawin ang mga pagsasanay sa modyul na ito,


ikaw ay inaasahang mapaunlad ang sumusunod na kasanayan :
Layunin:

1. Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa


pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.
2. Naibibigay ang buod o lagom ng debateng binasa .

Paano matuto sa Modyul na ito?


Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang
sumusunod na mga hakbang;

Basahin at unawaing mabuti ang aralin.

Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya


at pagsasanay.

Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.


Simulan

“Pananagutan ng magulang na bigyan ng marangal na


buhay ang mga anak kahit na hindi nakaririwasa sa buhay.”

Panuto: Basahin ang artikulo na nagpapakita na may magagawa


rin ang isang pamilya upang wakasan ang nararanasan
nitong kahirapan. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa
sagutang papel.

Huwarang Pamilyang Pilipino

Kinikilala ng ating pamahalaan ang pamilyang Pilipino bilang


batayang yunit ng komunidad. Kapag ang isang pamilya ay
maayos at maunlad, higit na magiging kapaki-pakinabang ang
bawat miyembro nito bilang mamamayan. Mahalagang salik ang
pamilya upang umunlad ang buong bansa.

Ngunit sa katotahanan, maraming pamilyang Pilipino pa rin


ang kapos sa mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain,
malinis na tubig, maayos na tirahan, serbisyong pangkalusugan,
edukasyon at iba pa. Kung kaya, sa halip na sila ay makatulong
sa pagpapaunlad ng komunidad nagiging problema at pasanin pa
sila ng pamahalaan. Maraming pamilyang Pilipino pa rin ang
naghihirap.

Bilang solusyon sa problemang ito at maalalayan ang


mahihirap na pamilyang Pilipino, inilunsad ng pamahalaan ang
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2008. Ito ang
itinuturing na pinakamalaking programa ng pamahalaan upang
labanan ang kahirapan at maisulong ang kaunlarang panlipunan.
Ang bilang ng pamilyang kasama sa programa ay nadaragdagan
ng 54 poprsiyento taon-taon. Noong Setyembre 2012, umabot na
sa 3.04 milyong pamilya ang benepisyado o tumatanggap ng
pakinabang nito.

Ang 4Ps ay local na bersiyon ng programang conditional cash


transfer na unang inilunsad sa Mexico na tinawag na
Oportunidades. Sa bansang Brazil, kilala naman ito sa tawag na
Bolsa Familia.

Sa ilalim ng 4Ps, ang bawat miyembro ng napiling mahirap na


pamilya ay binibigyan ng PHP 500 bawat buwan bilang panustos
sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Ang
bawat anak naman , na hanggang tatlong anak lamang, ay
tumatanggap ng 3,000 bawat taon sa paaralan. Bilang kapalit ng
tulong- pinansiyal na ito, ang mga babaeng nagdadalantao ay
kailangang regular na magpatingin sa manggagamot hanggang
makapanganak. Kinikilala rin taon-taon ang pamilyang
matagumpay na nakasunod sa alituntunin ng 4Ps. Isa sa mga
pamilyang kinilala ng programa ay ang Pamilya Cuevas ng San
Roque, Navotas. Ang pamilya ay naging benepisyado ng programa
mula noong Disyembre 2008.

Maituturing na huwaran ang Pamilya Cuevas dahil sa kabila


ng kakarampot na kita ng mag-asawa, nagagawa nilang
masuportahan ang mahahalagang pangangailangan ng kanilang
pamilya. Aktibo rin silang mamamayan sa mga gawain sa
komunidad at sa pagtupad sa mga alituntunin ng programa.
Naitatanim din nila sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng
edukasyon. Ipinamalas pa rin ng mag-asawang Cuevas ang
kasipagan sa kabila ng kanilang pagiging benepisyado ng 4Ps.

Kung ang bawat mamamayan ay masipag, di malayong


makamit ng bansa ang tunay na pag-unlad.

1. Paano ba nagiging matagumpay o kapaki-pakinabang ang isang


tao sa pamilya at sa pamayanan?

2. Paano maipahahayag ang sariling opinion sa isang


napakinggang isyu?

Unawain mo!
Panuto : Sagutin ang sumusunod na tanong, isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Paano kinikilala ng pamahalaan ang pamilyang Pilipino?

2. Ano ang Pantawid Pamilyan Pilipino Proram (4Ps)? Kailan ito


nagsimula

3. Ano- ano ang natatanggap ng mga pamilyang kabilang sa


4Ps?
4. Ibigay ang mga dapat gawin ng pamilyang nabiyayaan ng
4Ps?

5. Bakit kinikilaang huwarang pamilya ang Pamilya Cuevas?

6. Naniniwala ka bang ang 4Ps ay solusyon sa kahirapan ng


pamilyang Pilipino? Pangatwiranan ang iyong sagot.
Lakbayin

Nakapanood ka na ba ng isang debate?

Ano ang debate? Paano ito isinasagawa?

Batay sa binasa mong artikulo,makakapagbuod kaba ng isang


debate?

Ang debate ay isang masining na pagtatalo sa paraang


paligsahan o tagisan ng dalawang koponan na magkasalungat ang
panig hinggil sa isang isyu o paksa. Dito, ibinibigay ng
makatunggaling koponan ang kanilang katwiran, opinion at
katibayan ukol sa paksa.

Proposisyon ang tawag sa paksang pagtatalunan o


pagdedebatihan ng dalawang koponan. Pahayag ito na layuning
patunayan ng bawat koponan kung anoman ang kanilang panig.

Mga Dapat Tandaan sa paghahanda ng isang Debate

1. Pangangalap ng datos

Kailangan ang mga katibayan ukol sa paksang


patatalunan anoman ang panig - sang-ayon o hindi sang –ayon
ang koponan. Gagamitin ito sa pagmamatuwid o pangangatwiran
kaya nararapat lamang na mula ang mga datos sa mga
mapagkakatiwalaan at napapanahong sanggunian..
2. Balangkas

Ito ang paghahanay at pagsusunod-sunod ng mga


katuwiran. Binubuo ito ng panimula, katawan at wakas.

• Panimula - Sa bahaging ito ipinapahayag ang paksa, ang


kahalagahan ng paksa sa kasakuluyan, mga kailangan sa
pagbibigay ng katuturan ng talakay at pagpapahayag ng isyu.

• Katawan - Binubuo ito ng mga tatlo o apat lang na isyu. Ang


bawat isyu naman ay binubuo ng mga katuwiran at mga
patunay na magpapatibay at makapagpapatotoo sa
pinapanigan.

• Wakas - Ito ang buod ng mga isyung binigyan ng patunay.

3. Pagpapatunay ng katuwiran

Mga uri ng pangungusap na maaring gagamitin sa


pakikipagdebate.

1.Paturol - ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos


sa tuldok.

Halimbawa: Kinikilala taon-taon ang pamilyang matagumpay na


nakasusunod sa pangangailangan ng 4Ps.

2.Patanong – Ito ay pangungusap na naghahangad ng kasagutan.


Ito ay nagtatapos sa tandang pananong.

Halimbawa: Kailan makakamit ng bayan ang kaunlaran?

3.Padamdam- ito ay nagsasaad ng matinding damdamin.


Nagtatapos ito sa tandang padamdam.

Halimbawa: Saklolo!, Tulungan ninyo ako!


Galugarin

Gawain I
Panuto: Uriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang P kung
ito ay pangungusap at DP kung hindi

_______ _1. Ang pamilya ang batayang yunit ng ating pamahalaan.


________ 2. Kapag ang isang pamilya
________ 3. Naging benepisyado

________ 4. Maituturing na huwaran ang pamilya Cuevas dahil


sa kanilang pagpupunyagi
________ 5. Sa ilalim ng 4Ps
________ 6. Ito ang local na bersiyon ng programang conditional
cash transfer .na inilunsad sa Mexico.
_______ _7. upang labanan ang kahirapan
________ 8. Maraming pamilyang Pilipino pa rin ang naghihirap.
________ 9. Kinikilala rin taon-taon.
_______10. Umabot na sa 3.04 milyong pamilya ang
tumatanggap ng pakinabang nito.
.
Palalimin

Gawain 1
Panuto; Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang
sumusunod.

(Paturol, Patanong o Padamdam)

__________1. Ipinamalas ng mag-asawang Cuevas ang kasipagan.


__________2. Kailan inilunsad ng pamahalaan ang Pantawid
Pamilyang Pilpino Program (4Ps)?
__________3. Halah! Nanganak sa sasakyan ang babae!
__________4. Naitanim sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng
edukasyon.
__________5. Bakit napili ang pamilyang Cuevas bilang huwarang
pamilya?

Gawain 2.
Panuto: Batay sa binasa mong artikulo,gumawa ng buod ng
isang debate ukol sa paksang “Dapat ba o Di –dapat
bang ituloy ng pamahalaan ang Programang Pantawid
Pamilyang Pilipino (4Ps)”?

Narito ang graphic organizer na maaari ninyong


gamitin sa pagbubuo ng argumento o debate.
Pangunahing Ideya
Ito ang naiisip ko…..

Mga Ebidensiya o Mga Dahilan Pagsalungat sa Argumento


Patunay na Susuporta Maaari mong pangatwiranan na…….
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
A. 1.________________ ________________________________
________________

B. 2.________________
________________

C. 3.________________
________________

…..subalit nandito ang kahinaan…


__________________________________
Malaki ang tsansang __________________________________
Manalo __________________________________
__________________________________
CON __________________ __________________________________
(Kontra__________________
__________________
PRO __________________
(Paayon) __________________

Sa pagtitimbang-timbang ng mga
ebidensiya mahihinuha na………….
RUBRIK para sa pagsasagawa ng debate

5 4 3 2 1

Nakapaglalahad ng paniniwala o
opinyon

Malinaw na nailahad ang paniniwala


o opinion ukol sa isyung
pinadedebatihan
Gumamit ng iba’t-ibang uri ng
pangungusap sa paglalahad ng
paniniwala o opinyon
Nakakitaan ng pagiging magalang at
hinahon sa pagpapahayag

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 1-Nangangailangan pa ng
3- Katanggap- tanggap mga pantulong na
pagsasanay
Sukatin

Gawain 1
Panuto : Tukuyin ang uri ng pangungusap sa sumusunod. Isulat
sa patlang ang tamang sagot:

____________1. Ako ay nagpasabi na sa pagdating ng mga bisita.


____________2. Aray ko! Nakakasakit ka na!
____________3. Bakit dinala sa ospital si Lolo Domeng?
____________4. Maaari po bang tulungan ninyo ako sa aking
takdang-aralin?
____________5. Masuwerte si Aling Nena at mabubuti ang kanyang
mga anak.
____________6. Paano natin mapapanatiling malinis ang
kapaligiran?
____________7. Sa Linggo ay darating mula sa probinsiya sina lolo
at lola.
____________8. Sunog! Sunog! Magsilabas kayo!
____________9. Ang mga tagubilin ay para sa lahat upang maging
maayos ang sunuran.
__________10. Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng aklat.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang uri ng
pangungusap sa patlang bago ang bilang at ang tamang
bantas sa patlang sa hulihan.

__________1. Yehey, nanalo kami sa laro____


__________2. Ikaw ba ang naatasan ng guro na mag-uulat bukas__
__________3. Nararapat na magtanim tayo ng mga puno para sa
mga susunod na henerasyon_____
__________4. Kailan kaya matatapos itong nararanasan nating
pandemya______
__________5. Maituturing na isa sa pinakamaganda kong
Karanasan ang pagpunta sa malaparaisong lugar ng
Boracay.
Susi sa Pagwawasto

Galugarin
1. P 6. P
2. DP 7. DP
3. DP 8. P
4. P 9. DP
5. DP 10. P

Palalimin Gawain 1
1. Paturol
2.Patanong
3. Padamdam
4.Paturol
5. Patanong

Sukatin GAWAIN 1 Gawain 2


1. Paturol 1.Padamdam !
2. Padamdam 2.Patanong ?
3. Patanong 3.Paturol .
4. Patanong 4.Patanong !
5. Paturol 5.Paturol .
6 Patanong
7. Paturol
8. Padamdam
9. Paturol
10. Paturol
Sanggunian
Agarrado,Patricia Jo,C…..Alab Filipino 5 Batayang
Aklat…,Quezon City
Vibal Group INC.,2016

K-12 Curriculum Guide sa Filipino 5

Online Sources/Internet

You might also like