You are on page 1of 12

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 10: Nasusuri kung ang Pahayag ay Katotohanan o
Opinyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Wilfredo E. Angeles
Editor: Vivian U. Bantigue
Tagasuri: Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikatlong Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Nasusuri kung ang Pahayag ay
Katotohanan o Opinyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling
Nasusuri kung ang Pahayag ay Katotohanan o Opinyon
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nasusuri kung ang Pahayag


ay Katotohanan o Opinyon. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay Nasusuri kung


ang Pahayag ay Katotohanan o Opinyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula,


puti, at dilaw.
2. ____ Ang paboritong kong kulay ay bughaw.
3. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria
Macapagal-Arroyo.
4.____ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
5. ____ Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay..

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na may pang-ukol o mga pang-
ukol na bubuo sa pangungusap.
1. ____________ pangulo, agad na ipinapatupad ang bagong batas.
A. Para kina
B. Hinggil kay
C. Ayon sa

2. Ang mga tuntunin ng paaralan ay ___________ kabutihan


_______________ mag-aaral.
A. tungkol sa, ng
B. para sa, ng mga
C. ayon sa, ng mga
3. Ang likas na talino ___________ mamamayan ay yaman __________
bayan.
A. sa, para sa
B. ng mga, ng
C. ng mga, para kay

4. Magkakaroon ng libreng bakuna ___________ mga sanggol ng


barangay ____________ kapitan.
A. para sa, ayon kay
B. alinsunod sa, ayon sa
C. ng, ukol kay

5. Ang kalusugan at edukasyon _______________ kabataan ay


priyoridad _____________ pamahalaan.
A. ng, ng
B. sa, ng mga
C. ukol sa, ng

ARALIN
Ano ang opinyon?
. isang pananaw o paniniwala ng isang tao o pangkat
. saloobin o damdamin
. ideya o kaiusipan
. hindi maaring mapatunayan

Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng:


. sa aking palagay
. sa tingin ko
. sa nakikita ko
. sa pakiwari ko
. kung ako ang tatanungin
. para sa akin

Halimbawa
1. Para sa akin si Hanna ang pinakamaganda sa lahat.
2. Sa aking palagay ay siya nga ang napangasawa ni Belen.
3. Sa tingin ko, si Meya ay nagsisinungaling.
4. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
5. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala
sa bawat isa.
Ano ang Katotohanan?
. nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat
na totoo
. hindi nagbabago at maaaring patunayan
. sinusuportahan ng pinagkunan.
Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng:
. pinatutunayan ni
. mula kay
. tinutukoy sa/ni

Halimbawa
1. Batay sa tala tala ng Department of Education, unti-unting
nababawasan ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa nagging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista
na unti-unti ng umuunlad ang turismo ng ating bansa.
3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
4. Lahat ng buhay ay humihinga.
5. Si Marian Rivera ay isang sikat na artista.

MGA PAGSASANAY

Gawin Mo
A. Basahin at tukuyin kung ang pangungusap ay opinyon o
katotohanan.
1. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan. ____________________
2. Ayon kay Santiago, ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran
ng mga Pilipino. __________________
3. Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
__________________
4. Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
__________________
5. Ang Bulkang Mayon ay may halos perpektong kono. _________________
Subukin Mo
Isulat ang K sa patlang kung ang pahayag ay isang katotohanan at O kung
ito ay isang opinyon.
____ 1. Ang Bulldog, Chihuahua, at Labrador ay mga uri ng aso.
____ 2. Mas malambing ang mga pusa kaysa sa mga aso.
____ 3. Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi.
____ 4. Ang Boracay ay matatagpuan sa probinsiya ng Aklan.
____ 5. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talento at
kakayahan.

Pagyamanin Mo
Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.
1. ____ Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa Africa.
2. ____ Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.
3. ____ Masaya ang magkaroon ng alagang hayop sa bahay.
4. ____ Lahat ng imbensiyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.
5. ____ Ang elepante ay ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa.

PAGLALAHAT

Ano ang iyong natutunan ?


Natutunan ko na ang ________________ ay isang pananaw o
paniniwala ng isang tao o pangkat. Samantalang ang ______________
ay nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap
ng lahat na totoo.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Isulat sa patlang kung ang bawat pahayag ay isang katotohanan o
opinion.

1. ____ Si Fernando Amorsolo ang unang ginawaran bilang


National Artist in Painting.
2. ____ Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.
3. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
4. ____ May pitong araw sa isang linggo.
5. ____Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag kung ito ay


katotohanan o opinyon. Isulat ang titik sa tamang sagot sa kahon.

a. Ang Lupang Hinirang ang Pambansang Awit ng Pilipinas.


b. Ang Filipino ay ang opisyal na wika ng mga Pilipino.
c. Ang kahoy ng anahaw ay mas mainam na materyal para gawing
tungkod.
d. Pakiramdam ko ay mas mainit ang panahon ngayon kaysa kahapon.
e. Mas magandang magbakasyon sa Baguio kaysa Tagaytay.

KATOTOHANAN OPINYON
PAUNANG PAGSUBOK Balik-Aral
Paunang Pagsubok 1. C
1. K 2. B
2. O 3. B
3. O 4. A
4. K 5. C
5. O
PAGSASANAY
Gawin Mo
1. Opinyon
2. Katotohana
3. Opinyon
4. Katotohana
5. Katotohana
Subukin Mo
1. K
2. O
3. K
4. K
5. K
Pagyamanin Mo
1. K 2. O 3. O 4. O 5. K
PAGLALAHAT
1. Opinyon
2. Katotohanan
PAGPAPAHALAGA
1. K 2. K 3. O 4. K 5. O
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Katotohanan
a, b
Opinyon
c, d, e
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Lydia P. Lalaunio,Ph.D. at Francisca G. Ril
Hiyas ng Wika
B. @dreamstime.com ID 167741917@ colorful studio
C. Mga Blogs sa Internet/Youtube

1. https://www.csribd.com
2. https://mgakawika.wordpress.com
3. Lessonproper.blogspot.com,2011/06
4. www.slideshare.net

You might also like