You are on page 1of 17

5

NOT

ARALING
PANLIPUNAN
Ang Mga Unang Pag-aalsang Makabayan Laban sa mga Espanyol
( Sanhi at implikasyon)

Quarter 4 - Module 3
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 3: Ang Mga Unang Pag-aalsang Makabayan Laban sa mga
Espanyol ( Sanhi at implikasyon)

First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan
ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari
ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author: Julita Solis Macamay
Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Milagros Z. Mendoza, PSDS
Jovy O. Bonita, Principal

Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


May P. Edullantes, EPS-LRMS
Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 4 – Modyul 3

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Icons na Ginagamit sa Modyul

Ang bahaging ito ay naglalaman ng


Alamin layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto
Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
Subukin upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Ang bahaging ito ay may kaugnayan sa


Balikan nakaraang aralin at sa iyong bagong
matututunan

Ipakikilala ang bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin
Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan
Suriin ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa pag-
unawa sa konsepto
Ito ay mga karagdagang gawain na
Pagyamanin inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan
Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang
maproseso ang inyong natutunan mula
sa aralin.
Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
Isagawa maipakita ang iyong mga natutunan na
kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
Tayahin masusi ang inyong antas ng kasanayan
sa pagkamit ng layunin sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman
Talaan ng Nilalaman
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i

Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..ii

Aralin 1:

Alamin…………………………………………………………………….. 1
Subukin……………………………………………….…………………… 1
Suriin…………………………………………………………………….... 2-4
Pagyamanin……………………………………………...……………. 4
Subukan ………………………………………………………………… 5
Isaisip…………………………………………….…….…………….…… 6-7
Susi ng Pagwawasto………………………………………………… 8
Sanggunian……………………………………………………………… 9
Ang Nalalaman

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon? May
kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon, naitanong din mo
ba na ikaw ay karapat dapat sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na ang kalayaan ? Sa
mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at paniniwala ang mga sinaunang
Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas na nagpatibay at
nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan .

Bilang isang Pilipino , nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling bansa.
Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa kasaysayan ng
Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa pangunguna ng
bansang Espanya.

1
Aralin
Ang Mga Unang Pag-aalsang
Makabayan Laban sa mga
1 Espanyol
( Sanhi at implikasyon)

NOT
Week 4 & 5

BALIKAN

Sa nakaraang aralin napag-aralan nating ang iba’t-ibang pag-aalsa ng mga katutubong


Pilipino.Bakit kadalasan ng kanilang pag-aalsa ay hindi matagumpay?

ALAMIN

Narito ang ilang sanhi ng kanilang naging pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila. Sa
mahigit na tatlong daang taon ay namayagpag ang kapangyarihan ng Kastila sa Pilipinas.
Marami ring mga pangyayari ang naghudyat at nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino.

Ano ang naghudyat sa mga Pilipino upang mag-alsa?

Sa tagal ng pamamalakad at pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas,isa sa naging


reaksyon o pagtugon nila sa kaganapang ito ay ang pag-aalsa. Maraming sanhi o
pinagmulan ang damdaming ito ng mga Pilipino .
Sa araling ito inasahang nasusuri ang mga unang pag-aalsang makabayan laban sa
mga Espanyol ( Sanhi at implikasyon).

2
SURIIN

Tingnan ang larawan sa ibaba ano kaya ang dahilan ng pag-aalsa ng mga
sinaunangnPilipino? Ano kaya ang sitwasyon natin ngayon kung hindi nagkaroon
ng pag-aalsa?

https://www.google.com/search?q=labanan
Narito ang ilang sanhi ng kanilang naging pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila.

(1)Pansariling Karaingan.
Ang paghihimagsik nina Lakan Dula at Raha Sulayman (1574)Tamblot (1621-
1622)at Bankaw (1621-1622) ay nag-ugat sa kawalang kasiyahan sa pamamalakad ng
mga Kastila. Nangako ang mga Kastila kina Lakan Dula at Raha Sulayman na ililibre sila
sa pagbabayad ng buwis sampu ng kanilang mga kamag-anakan subalit ito ay hindi
tinupad ng mga Kastila. Bilang ganti sinalakay nila ang bagong tatag na kuta ng mga
Kastila sa Maynila. Napigil lamang ang kanilang pag-aalsa nang mamagitan at tiyakin ni
Juan Salcedo na tutuparin ng mga Kastila ang kanilang pangako.
Samantala , si Dagohoy ay nagalit dahil napahiya sa pagtanggi ng mga paring
Heswita na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid kaya pinangunahan niya
ang pag-aalsa ng mga Boholano.Marami ang nahimok ni Dagohoy na sumama sa kanyang
kilusan . Ganap itong nasupil pagkaraan ng 85 taon.

(2)Pagtutol ng mga kolonyal na Pilipino sa pagpapataw ng buwis ng mga Kastila


Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan ay sanhi ng illegal na pangongolekta ng
buwis. Pinatay siya ng mga katutubong inupahan ng mga Kastila. Samantala,sina
Sumuroy,Juan Ponce at Pedro Caamug ng Samar ay namuno ng isang pag-aalsa laban
kay Gobernador Diego Fajardo dahil sa kanyang utos na magpadala ng mga polista sa
pagawaan ng bapor sa Cavite at Bisaya. Nasupil ang pag-aalsa nang ang magkasamang
puwersa ng mga Kastila at mga katutubong nasilaw sa kinang ng salapi ay mabihag ang
mga pinuno ng kilusan sa kabundukan ng Samar. Pinamunuan naman ni Francis Maniago
ng Pampanga noong 1660 ang mga katutubo laban sa gawain ng pamahalaan na sapilitang
pagpuputol ng mga torso at pagpapadala ng mga ito sa Cavite para sa paggawa ng mga
galyon. Si Malong ng Pangasinan at Pedro Almasan ng Ilocos ay namuno rin ng pag-aalsa
dahil sa sapilitang paglilingkod at sistemang bandala. Ang pang-aabuso ng alcaldes
mayors sa paggamit ng indulto de comercio ang nag udyok kay Diego Silang upang
mamuno sa isang pag-aalsa na nagsimula sa Vigan, Ilocos Sur at umabot hanggang
Pangasinan at Lambak ng Cagayan . Nagpalabas siya ng isang kautusang bumuwag sa

3
sapilitang paglilingkod at pagbubuwis. Nanghimasok ang simbahan upang masugpo ang
pag-aalsang ito. Pinaslang si Diego Silang ng kanyang matalik na kaibigang si Manuel
Vicos.Ang kanyang pag-aalsa ay ipinagpatuloy ng kanyang maybahay na si Gabriela
Silang subalit tulad ng kanyang asawa siya man ay ipinapatay rin.

(3) Pag-aalsang may kaugnayan sa relihiyon


Naghimagsik ang mga Ilongot noong 1601 dahil sa pamimilit ng mga Kastila na
gawin silang mga Kristiyano. Ito’y nasupil ng mga Kastila sa tulong ng mga boluntaryong
katutubong sundalo. Noong 1840,si Apolinario dela Cruz na nais maging pari sa ilalim
ng ordeng Dominicano ay hindi tinanggap. Dahil sa pangyayaring ito nagtatag siya ng
isang kilusang pangkapatiran na tinawag niyang Cofradia de San Jose sa Tayabas
(Quezon). Marami ang naakit sumama sa kapatirang ito. Tinanggihan ng mga Kastila ang
kahilingan niyang kilalanin ang kapatirang ito, sa halip hinuli ang daandaang tagasunod
niya. Dahil dito si Hermano Pule na siyang tawag sa kanya ay nag-alsa sa Tayabas at
piñata ang panlalawigang Gobernador. Subalit siya ay hinuli at ipinapatay sa harap ng
taong bayan upang hindi pamarisan ang kanyang ginawa.

(4)Karaingang Pang-agraryo
Noong ika-18 dantaon sumiklab ang mga kaguluhang pang-agraryo sa mga
kanugnog na lugar ng Maynila. Sa pamumuno ni Matienza ang mga katutubo ng Lian at
Nasugbu sa Batangas ay nag-alsa dahil sa apropriyasyon ng kanilang mga lupain ng mga
Jeswita. Ang pag-aalsa ay nasupil sa pamamagitan ng mga sundalong galing sa Maynila.
Sa nasabi ring dantaon dinagdagan ng mga Dominicano at Agustiniano ang kanilang
nasasakupang lupain sa pamamagitan ng di makatwirang paglilipat ng mga lupain
inuukupahan ng daan-daang magsasaka sa Bulacan . Hindi lamang nila dinagdagan ang
upa sa lupa kundi ipinagbawal din ang pangunguha ng mga produktong-gubat at
pangingisda sa mga ilog kung hindi sila magbabayad ng buwis.Inatasan si Pedro
Calderon Enriquez na magsiyasat sa kalagayang pang-agraryo sa Bulacan at hiniling
niya sa mga ordeng ito na magharap ng mga titulo ng kanilang mga lupain. Subalit
nilabagng ordeng ito ang batas at nagpatuloy sila sa pag-ukupa sa mga lupain.

Iba pang reaksyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo


1. Pagtanggap:
a. May mga sector na kaagad tinanggap ang kapangyarihan ng kastila at silaay ginamit ng
Kastila bilang kasangkapan sa kanilang layuning pampulitika. Isa na rito ang principalia,
isang sector ng lipunan na kinabibilangan ng mga datu. Kapalit ng pagtanggap ay ang
mga pribelihiyong ipinangako ng Kastila sa mga Datu sampu ng kanyang mag kamag-
anakan.

2. Pagwawalang –bahala
a. Maraming Pilipino ang ipinagwalang bahala ang mga kabulukan na nagaganap
sa pamahalaang kolonyal. Marahil ito ang dahilan kung bakit nagpatuloy ang mga
namumunong Kastila sa kanilang bulok at tiwaling pamamahala.Maidadagdag pa dito
ang ang lubhang kalayuan ng Espanya sa Pilipinas. Bago pa makarating ang anumang
karaingan nais iparating ng mga Pilipinong kolonyal sa hari ng Espanya napagtakpan na
o nagawan na ng paraan ng namumunong Kastil ang suliraning dapat lutasin. Dahil ditto
maraming Pilipino ang nagsasawalang-bahala sa maling pamamalakad ng mga Kastila.

3. (5) Di ganap na hispanisasyon


Naganap ito dahil sa pagtanggi ng mga Kastila na ituro ang kanilang wika sa
mga Pilipinong kolonyal. Dahil dito nagbigay ito ng damdaming agam-agam sa mga
Pilipino. Dahil ditto hindi lumaganap ang wikang Kastila.

4
Sagutin natin:
1. Ano ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipini sa kolonyalismong Kastila?
2. Bakit kayat tinanggap ng principalia sa kapangyraihang Kastila?
3. Bakit nagwalang-bahala ang mga Pilipinong Kolonyal sa harap ng pang-aabuso sa
pamamahala ng mga Kastila?
4. Ano ang sanhi ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa pamahalaang Kastila?
5. Sino-sino ang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila?
6. Bakit hindi ganap ang hispanisasyon ng mga Pilipino? Nakabuti ba ito para sa mga
Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

PAGYAMANIN
Gawain A.

Ilahad ang naging kaugnayan ng mga sumusunod na salita sa kolonyalismo.


_______________________________________-
Pag - aalsa
_____________________________________

_________________________________
________________________________________-
Pagtanggap
_______________________________________-

_________________________________________-
______________________________________-
Pagwalang
bahala ________________________________________-

________________________________________

SUBUKAN

Gawain A:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ng TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Pinagwalang bahala ng mga Pilipino ang aksyon ng kastila sa ilalim ng pamamahala
sapagkat naging maayos at mabuti ang pamamahala ng mga ito sa kanilang nasakop na bansa.
__________2. Naghimagsik ang mga Ilongot noong 1601 dahil sa hindi pagpayag ng mga ito na
gawin silang mga Kristiyano.
__________3. Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan ay sanhi ng illegal na pangongolekta ng
buwis.
___________4. Pinaslang si Diego Silang ng kanyang matalik na kaibigang si Manuel Vicos. ng
buwis sa simbahan.

5
Gawain B
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot .
1. Ito ay pag-aalsa na tumalakay sa hindi makatwirang paglilipat ng mga paring misonero sa mga
lupain ng mga Pilipino bilang karagdagan sa kanilang sariling lupain.
a. Pag-aalsa hinggil sa relihiyon
b. Pag-aalsa Dahil sa Pansariling Karaingan
c. Karaingang Pang-agraryo
d. Di ganap na Hispanisasyon
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi naging reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismo.
a. pag-aalsa
b. pagwawalang-bahala
c. pagtanggap
d. pagsumbong sa hari hinggil sa katiwalian
3. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pag-aalsa ni Dagohoy
a. pagbabayad ng buwis
b. paghimok ng Kastila sa Kristiyanismo
c. paglilipat ng mga lupa sa mga prayle
d. hindi pagpayag ng mga prayle na bigyan ng kristiyanong libing ang kanyang
kapatid
4. Siya ang nagtatag ng kilusang pangkapatiran na tinawag niyang Cofradia de San Jose sa
Tayabas (Quezon).
a. Apolinario dela Cruz
b. Hermano Pule
c. Pedro Calderon Enriquez
d. Pedro Almasan
5. Ano sa mga sumusunod na kadahilanang pagwawalang- bahala ng mga Pilipino sa katiwalian
ng mga Kastila.
a. dahil kaisa rin sila sa katiwalian
b. dahil hindi nila alam ang mga katiwalian
c. dahil kaibigan nila ang mga Kastila
d. dahil malayo naman ang hari ng Espanya at bago pa makarating dito ang mga
katiwalian ay nagagawan na ng hakbang ng mga Kastila na nasa bansa.

Isaisip

Tandaan
MMoMo
Maraming naging reaksyon ang mga Pilipino sa kolonyalismo
Mo
1. Pag-aalsa na mayroon iba’t ibang sanhi o pinag-ugatan tulad ng pangsariling karaingan ni
Lakan Dula , Sulayman at Bankaw na nagsimula sa hindi pagtupad ng mga Kastila sa kanilang
mga pangako,na naging dahilan upang hindi magkaroon ng kasiyahan sa pamamalakad ang mga
Pilipino.
2. Pag-aalsang may kaugnayan sa relihiyon, kung saan maraming Pilipino ay hindi sang-ayon
sa pagtanggap sa relihiyong Kristiyanismo na ipinapalaganap ng mga Kastila
3. Pagtutol sa Pagpataw ng Buwis sa mga Pilipino.
4. Karaingang Pang-agraryo, nag-alsa ang mga Pilipino dahil sa aproprisasyon o di
makatwirang paglipat ng mga Heswita o pari sa kanilang mga lupain.

6
Isaagawa

A.

Gumawa ng likhang sining na maaring


magpapakita ng iyong pagpapahalaga sa
kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa

B. Punan ang tsart sa ibaba ng mga namumuno sa bawat pangyayari at isulat ang nagging
resulta o bunga nito.

DAHILAN MGA NAMUMUNO RESULTA

Labis na Tributo o
Buwis
Paggawa

Relihiyon

7
SUSI NG PAGWAWASTO

PAGYAMANIN MO:
A.
1. Pag-aalsa- mayroon iba’t ibang sanhi o pinag-ugatan tulad ng pangsariling
karaingan,
kaugnayan sa relihiyon, Karaingang Pang-agraryo
2. Pagtanggap- May mga sector na kaagad tinanggap ang kapangyarihan ng
kastila
3. Pagwalang Bahala- Maraming Pilipino ang ipinagwalang bahala ang mga
kabulukan na nagaganap sa pamahalaang kolonyal

SUBUKAN MO:.
A. 1.Mali
2.Tama
3.Tama
4.Tama
B. 1. C
2.B
3.D
4.B
5.C
ISAGAWA MO

A. Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Poster

Pamantaya Pinakamahusay Mahusay- Mahusay


n 4-5 husay 0-1 Kabuua
2-3 n
Diwang Ang mensahing Hindi kaanong Malabo ang
ipinahayag iparating ay malinaw ang mensahi
ay wasto at malinaw at mensahe at
tumpak nakaingganyo ng hindi gaanong
tao nakaingganyo __________
______________ ng tao _
_ __________
Malinis Ang paggamit ng Hindi gaanong Marumi
ang gulay ay epektibo epektibo
paggamit at malinis
ng mga
materyales
Malikhain Sobrang Hindi gaano Kulang na
malikhain ang kulang
pagkagawa ____________ ________
_____________ _
Ang kaalamang Hindi gaanong Kulang ang
Nilalaman nais ibahagi ay malawak kaalamang
malawak Ibinahagi
__________ _________

8
Talasanggunian

Agoncillo, Teodoro, pilipinas Kong Mahal, Isang Kasaysayan (1987)

Ailene Baisa –Julian, et.al Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5 (2018 Edition)

Carolina P. Danao et.al, Kalinangan 5 (1997)

,Eleanor D. Antonio ,Emilia L. Banlaygas , Evangeline M. Dallo. Kayamanan Batayan at


Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5 (2018)

Eleaonor D. Antonio et. al, Pilipinas Kong hirang 5 p. 140-145

Evelina M. Viloria Ed.D. et.al, Isang Bansa, Isang Lahi 5

Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa”, Vibal Group, Inc
(2016)

Lazelle Rose Pelingo et.al, ang Lahing Pilipino,Dakila at Marangal 5 ,pp. 66-71, pp110-125

Lydia N. Agno, et.al, Araling Panlipunan I High Schoo l Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
(2016)

https://www.google.com/search?q=labanan

9
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

10
11
12

You might also like