You are on page 1of 15

MAPEH 5

MUSIC•ARTS•PHYSICAL EDUCATION•HEALTH
Physical Education – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Cariñosa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite saPagsulat ng Modyul


Manunulat:Jane V. Soria
Editor:Alvin P. Manuguid
Tagasuri: Jane V. Soria
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC•ARTS•PHYSICAL EDUCATION•HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Cariñosa
Writer: Jane V. Soria
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 5 ng Modyul
para sa aralingCarinosa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Physical Education 5 Modyul ukol sa Carinosa!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipapaliwanag ang pinagmulan ng sayaw na Cariñosa;
2. natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng
mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan; at
3. naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa
at kahalagahan sa sayaw.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang tamang sagot sasagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na katutubong sayaw na sumasagisiag
ng lambing at pagliligawan?
A. Carinosa C. Polka sa Nayon
B. Kunday-kunday D. Tiklos
2. Alin sa mga sumusunod na kaangkupang pisikal ang magagamit
mo sa pagsasayaw ng Cariñosa?
A. balanse at koordinasyon C. liksi at bilis
B. balanse at bilis D. koordinasyon at lakas
3. Gaano kadalas dapat isinasagawa ang pagsasayaw?
A. araw-araw C. 3-5 beses sa isang linggo
B. 2-3 beses sa isang linggo D. isang beses sa isang linggo
4. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng sayaw na Cariñosa?
A. Calapan Mindoro C. Isla ng Panay
B. Leyte D. San Joaquin, Ilo-ilo
5. Paano isinasagawa ang Saludo sa sayaw na Cariñosa?
A. Magsagawa ng three-tep turn at yumuko sa kapareha
B. Humakbang ng tatlong beses sa gitna at yumuko sa kapareha
C. Hawak ng babae ang palda at ang lalaki naman ay nasa
bewang ang kamay at yumuko sa kapareha.
D. Magwaltz ng tatlong beses sa kanan at yumuko sa kapareha.
BALIK-ARAL
Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, may mabuting maidudulot sa kalusugan ang
makukuha sa pagsasayaw?
2. Bakit kailangan sundin ang mga panuntunan pangkaligtasan tuwing
sumasayaw?

ARALIN

Sa araling ito ay pag-aaralan ang pambansang sayaw ng ating bansa. Ang


sayaw ay nakatutulong sa iyong kakayahang pangkatawan. Ipinakilala ang sayaw na
ito ang mga mahahalagang impormasyon at detalye tungkol dtio tulad ng pinagmulan,
ang mga kagamitang kakailanganin sa pagsasayaw at mga kasuotan ng mga
mananayaw.

Cariñosa

Bilang pambansang sayaw ng Pilipinas,


ang Cariñosa ay sagisag na nagpapakita
ng ating kultura, tradisyon, paniniwala,
at idea. Ang ibig sabihin ng salitang
Cariñosa ay “mapagmahal o magiliw”.
Ang sikat na sayaw na ito ay nanggaling
sa Espanya. Nagsimula ang sayaw na
Cariñosa sa Isla ng Panay at ipinakilala
ng mga Espanyol noong kanilang
kapanahunan at kolonisasyon sa Pilipinas.
https://docs.google.com/document/d/1UMumIHs0RzUW82WzyZdZ
M72kfK7IlgeiXvSiIB9peeY/edit Tinaguriang sayaw ng pagliligawan,
kadalasan ay dalawang mananayaw lamang isang babae at isang lalaki ang
gumaganap nito, ngunit maari ring maramihan na magkapareha. Walang hawakan ng
kamay ngunit makikita ang kanilang gusto at interes sa isa’t isa. Pilit na hahabulin ng
lalaki ang babae sa pamamagitan ng sayaw, at ang babae naman ay may
pagkamahiyain at nagpapahabol sa kanyang kapareha.

Ang sayaw na ito ay sikat sa buong bansa at palaging isinasayaw sa mga piyesta
at kung ano ano pang kultural na mga okasyon sa buong bansa. Iba’t ibang bersyon
ng Cariñosa ang matatagpuan sa Pilipinas ngunit ang pinaka elemento ng sayaw ay
ang parang pagtataguan at paghahabulan ng mananayaw.

Kasuotan:

Babae – nakasauot ng Balintawak/patadyong o Maria Clara costume


Lalaki – ay nakasuot ng Barong Tagalog at pantalong may kulay.
Props:
Pamaypay para sa mga babae
Panyo para sa mga lalaki
Musika
Binubuo ng dalawang parte, A at B

Bilang
Isa, dalawa, tatlo kada isang measure ritmong 3 na palakumpasan.
4
Formation
Ang magkapareha ay natatayong magkaharap sa isa’t isa at magkalayo nang
anim na metro. Ang mga babae ay nasa kanan ng mga lalaki.
R – right o kanana
L – left o kaliwa
Introduction
Introduction ng Musika
Magkaharap ang magkapareha
Gawin ang isang three-step turn papuntang kakan upang yumuko sa isa’t isa.
Hawak ng mga babae ang knailang palda habang nasa baywang ang mga kamay ng
mga lalaki.
I
Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa
(Three-step with a point)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, humakbang nang tatlong beses sa kanang gilid (cts. 1,2,3).
Ituro ang (L) paa sa harap (cts. 1,2,3). Ang (R) kamay ay nasa reverse T
position at ang (L) kamay ay nasa baywang. I-kumintang ang (R) kamay
habang ginagawa ang pagtuturo ng kaliwang (L) paa.

b. Ulitin ang (a) simula ng (L) paa at papuntang kaliwang gilid. Baligtad ang
posisyon ng kamy.
c. Ulitin ang (a) at (b) nang tatalong beses

II
Pagtuturo
(Pointing)
Musika B
Magkaharap ang magkapareha. Sa figure na ito, hawak ng babae ang kaniyang
palda habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki
a. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang tatlong beses papunta sa iyong
kapareha sa gitna (cts. 1,2, 3). Ihakbang ang (L) paa malapit sa iyong kanang (R)
paa (ct.1). Tumigil (cts. 2,3)
b. Gawin ang apat na touch steps sa harap, (R) paa at (L) paa (cts. 1,2,3), nang
salitan. Tumigil sa isa’t isa.
c. Simula sa iyong (R) paa, hakbang nang apat na beses papunta sa lugar ng
inyong kapareha, kung saan dadaanan ninyo ang isa’t isa sa inyong (R) balikat
(cts. 1,2,3,1). Umikot pakanan upang humarap sa isa’t isa at idikit ang ® paa
sa iyong (L) paa (cts. 2,3)
d. Ulitin ang (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar.

III

Magkatalikod
(Back-to-Back)
Musika A
a. Ang magkapareha ay magkikita sa gitna gaya ng sa figure II (a) (cts. 1, 2, 3, 1)).
Umikot pakanan upang maging magkatalikod sa iyong kapareha, na bahagyang
nasa kanan ng iyong kapareha (cts. 2,3). Hawak ng babae ang kaniyang palda
at nasa baywang ang mga kamay ng lalaki.
b. Ituro ang (R) paa sa harap at i-wiggle ang kanang hintuturo sa kapareha sa
may (R) balikat, ang (L) kamay ay nasa baywang (cts. 1, 2). Ihakbang ang (R)
paa sa gilid upang nasa gilid ka ng iyong kapareha sa may (L) balikat, ilagay
ang (R) na hintuturo sa kapareha at sa kanilang (L) balikat habang i-wiggle ang
(L) na hintuturo sa kanilang kapareha. Ang libreng kamay ay nakalagay sa
baywang.
c. Umikot pakanan at magpalitan ng lugar gaya ng sa figure II (c)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar.
IV

Taguan sa Pamaypay
(Fanning)

Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng sa figure II (a)
b. Bubuksan ng babe ang hawak niyang oamaypay gamit ang (R) kamay. Ituro
ang (R) paa sa harap at takpan ang mukha gait ang pamaypay, ang (L) kamay
ay hawak ang palda (cts. 1, 2). Hahakbang ang babae gamit ang (R) paa padikit
sa kaniyang (L) paa (ct. 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa
ang pagturong (L), (R), (L) na paa. Tatakpan niya ang kaniyang mukha gamit
ang pamaypaysa cts 1,2 sa bawat measure (3M). Ang lalaki naman ay ituro ang
(R) at (L) paa nang salitan sa harap at titingnan ang babae mula sa ilalim ng
pamaypay (cts. 1,2,3). Manatili ang kaniyang kamay sa baywang.
c. Magpalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar.

IV

Taguan sa Pamaypay
(Fanning)

Musika A
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng sa figure II (a)
b. Bubuksan ng babe ang hawak niyang oamaypay gamit ang (R) kamay. Ituro
ang (R) paa sa harap at takpan ang mukha gait ang pamaypay, ang (L) kamay

ay hawak ang palda (cts. 1, 2). Hahakbang ang babae gamit ang (R) paa padikit
sa kaniyang (L) paa (ct. 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa
ang pagturong (L), (R), (L) na paa. Tatakpan niya ang kaniyang mukha gamit
ang pamaypaysa cts 1,2 sa bawat measure (3M). Ang lalaki naman ay ituro ang
(R) at (L) paa nang salitan sa harap at titingnan ang babae mula sa ilalim ng
pamaypay (cts. 1,2,3). Manatili ang kaniyang kamay sa baywang .
c. Magpalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar.

V
Pagluhod at Pagpaypay
(kneeling and Fanning)

a. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae


ay luluhod gamit ang kanang tuhod habang iikutan siya pakanan ng lalaki,
tatayo sa likuran ng babae at nakaharap sa direksyon ng babae.
Ilagay ang mga kamay sa baywang.
b. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan
ang babae sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya
ng babae pasalungat.
c. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magapapalit sila ng lugar.
d. Ulitin ng (a-c). Ang lalaki naman ang luluhod.

VI
Taguan ng Panyo
(Hide andSeek with Handkerchief)

A. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo,


ang mga kamay ng lalaki ay nasa itaas na pantay ng mukha.
B. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iangat ang mga
kamay habang hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at
lalaki. Sisilipin lalaki ang mukha ng kapareha.
Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan sila ng lalaki ng puwesto.
C. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar. Hahawakan na ng babae ang
panyo.
VII
Lambingan Gamit ang Panyo
(flirting with handkerchief)

A. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta


sa gitna. Ang mga bisig ng babae at lalaki ay magka agapay sa posisyon
na papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.
B. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin
ng babae. Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
C. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una
ang lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae

VIII
Lambingan
(flirting )
A. Simula sa (R) paa, gawin ang dalawang waltz steps upang magkita sa gitna. Ang
mga braso ng babae ay nasa lateral posiosyon
B. Ang magkapareha ay gagawin ang anim na walz step paharap, na ang babae
ang nasa unahan, papunta sa direksiyong clockwise. Parehas ang posisyon ng
kamay gaya ng sa (a), ngunit ang mga daliri ng mga babae ay isa-isang
igagalaw nang mabilis nang sunod-sunod (fluttering)habang nililingon niya ang
lalaki sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan.Sinusundan naman ng lalaki
ang babae
C. Umikot pakanan. Uliktin (b) sa direksiyong counterclockwise. Nasa unahan
naman ngayon ang lalaki. Hawak ng babae ang kaniyang palda at ang mga
daliri nangsuno-dsunod (fluttering), at paminsan-minsang kinikindatan ang
babae. Sa pagtatapos, magkatabi ang magkapareha, ang babae ay nasa kanan
ng lalaki.
Saludo
Gawin ang isang three step-turn pakanan sa iyong ouwesto at yumuko sa isa’t
isa. Hawak ng babae ang kanyang palda habang nasa baywang naman ang
mga kamay ng lalaki.

TANDAAN NATIN

 Ang pambansang sayaw ng Pilipinas ay ang Cariñosa.


 Ang sayaw ay puwedeng maging sining kung saan ang tao ay
nagpapahayag ng kanyang damdamin at ideya sa pamamagitan ng
pagkilos o paggalaw ng katawan.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Gaano mo naipapakita ng maayos ang mga sumusunod na pangunahing
kilos sa pagsasayaw? Isulat sa kuwaderno kung Napakahusay, Mahusay, o
Kinakailangan pang Magsanay
Kailangan
Mga Pangunahing hakbang
Napakahusay Mahusay pang
sa pagsasayaw
magsanay
Arms in lateral
Close step
kumintang
touch step
waltz

Pagsasanay 2
Panuto: Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno at lagyan ng tsek (/) ang hanay na angkop
sa iyong pagtatanghal.
Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay Mahusay
Magsanay
1. Naisasagawa ang sayaw ng
maayos
2. Nagpapakita ng may pagkakaisa
3. Sumayaw sa saliw ng musika
Pagsasanay 3
Panuto: Maari mo irate ng 1-4 , kung saan ang 4 ang pinakamataas base sa mga
sumusunod na criteria:
Pagkamemeorya na sayaw
Naisagawa ng tama ang posisyong kamay at paa
Maayos ang mga kilos
Tsempo at koordinasyon
Rubrics:

Puntos Pagsusuri
4 Nagawa ang lahat ng kriteria
3 Nagawa ang TATLO (4)sa kariters
2 Nagaawa ang DALAWA (2) sa kritera
1 Hindi na nakakasunod sa gawain.
0 Walang ginawang gawain.

PAGLALAHAT

Panuto: Kung naunawaan ninyo ang ating aralin. Sagutin ang mga sumusunod
nakatanungan. Isulat sa inyong sagot sa sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, ano ang nakakalusog sa isang tao?
2. Paano nakatulong ang pagsasayaw sa pagkamit ng kakayahang pangkatawan?
3. Magbigay ng kahit tatlong (3) bagay na dapat tandaaan upang maiwasan ang
aksident sa pagsasagawa ng gawaing pisikal.

PAGPAPAHALAGA

Bakit kailangan nating pagpahalagahan an ating katutubong sayaw?


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pagbigyang halaga ang mga gawain ayon sa tseklis. Isulat ang tamang sagot

sa sagutang papel

1. Anong ‘figure’ ng Cariñosa ang pagsasagawa ng babaliktarin ang panyo sa


bawat measure?
A. Flirting
B. Three Steps and Point
C. Hide and Seek with a Handkerchief
D. Hide and Seek with a Fan

2. Ano ang unang dapat gawin bago magsagawa ng isang pisikal na gawain
katulad ng pagsasayaw?
A. Pag-inom ng tubig upang hindi uhawin
B. Pagpila sa linya upang maging maayos ang pagsasagawa ng gawain.
C. Pagtawag sa mga kaklase upang malaman kung may liban
D. Pagsasagawa ng ‘warm up at stretching exercises’.

3. Ano ang nararapat mong gawin kapag nakita mong walang kooperasyon at
pagkakaisa sa isinasagawa ninyong pagsasanay ng Cariñosa sa ilang
miyembro ng iyong grupo.?
A. Isumbong sa guro at irekomendang huwag silang bigyan ng grado.
B. Huwag silang pansinin at ipagpatuloy ang gawain upang maiwasan ang
pagtatalo.
C. Kausapin sila at ipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa sa
inyong ginagawa.
D. Bantaan na ititiwalag sa grupo ang hindi makikiisa upang matiyak na
magiging maganda ang gawain.

4. Bakit mahalagang malaman kung anong kaangkupang pisikal ang nararapat


na gamitin sa pagsasayaw ng Cariñosa?
A. para malinang ito at maisagawa nang tama at may kadalian ang mga
hakbang sa pagsasayaw
B. para magaya mo ang iba mong kamag-aaral kung paano nila sinasayaw
ang Cariñosa
C. para matiyak na matutuwa sa iyo ang iyong guro dahil nakakasayaw ka
D. para maipakita mong kayang-kaya mong sayawin ang Cariñosa

5. Alin sa mga sumusunod na kagamitan gamit sa pagsayaw ng carinosa?


A. bao ng niyog
B. suklay at pulbos
C. pamaypay at panyo
D. kawayan at pamaypay
SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN
Books

Cantalejo, Mirla N., Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan, Batayang Aklat sa


Pagpapalakas ng Katawan 5. Rex Bookstore, Inc.

Gatchalian.Helen G. et al.Masiglang at Malusog na Katawan at Isipan. Vibal Group,


Inc. 2016

Referente, Milagros, Granado, Norman, et. Al. Sanayang Aklat sa Musika, Sining at
Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan 6. Educational Resources Corporation.
2008.

Deped LM Source2017. https://drive.google.com/file/d/1QMuPYo-jfMd4IAJrZbxz3-


PbmFMI8MEr/view

Photo Sources
https://www.arthurmurraypugetsound.com
https://docs.google.com/document/d/1UMumIHs0RzUW82WzyZdZM72kfK7IlgeiXvSiI
B9peeY/edit

You might also like