You are on page 1of 15

MAPEH 5

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Physical Education – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pangunahing Hakbang sa Sayaw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jane V. Soria
Editor: Alvin P. Manuguid
Tagasuri: Jane V. Soria
Tagaguhit:
Tagalapat: Psalm David Go
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Pangunahing Hakbang sa Pagsasayaw
Writer: Jane V. Soria
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 5 ng Modyul
para sa araling Pangunahing Hakbang sa Pagsasayaw!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Physical Education 5 Modyul ukol sa Pangunahing
Hakbang sa Pagsasayaw!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga


na unang paksa.
ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat


bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. naiisa-isa ang mga katawagan sa sayaw;
2. nasusuri ang pagganap ng mga mag-aaral sa mga pangunahing hakbang; at
3. naipakikita nang may kamalayan sa kahalagahan ng sayaw.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Iguhit ang ☺ kung totoo at ☹ kung hindi totoo sa bawat pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang henerasyon ngayon ay maalam sa mga katutubong sayaw
2. Karamihan sa mga batang Pilipino ay napag-aralan ang katutubong sayaw
dahil sa programa ng paaaralang palaguin ang ating kultura.
3. Ang pagtatanghal ng katutubong sayaw ay nakatutulong sa ating
kakayahang pangkatawan.
4. Ang katutubong sayaw ay tinatawag din na etnikong sayaw.
5. Ang katutubong sayaw sa Piipinas ay nagmula sa iba’t ibang lugar at
probinsiya sa buong bansa.

BALIK-ARAL
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Anong mabuting dulot sa kalusugan ang iyong makukuha sa pagsasayaw?


2. Anong magandang asal ang iyong matutuhan sa pagsasayaw?
3. Bakit kailangan sundin ang mga panuntunan pangkaligtasan tuwing
sumasayaw.
4. Anong uri ng kominkasyong ang epektibo sa paraan ng pagpapahayag ng
damdamin?
ARALIN

https://www.scribd.com/document/394130638/Mga-Batayang-Posisyon-Ng-Kamay-at-Paa

Ang araling ito ay tungkol sa mga pangunahing posisyon ng braso at kamay ng


katutubong sayaw. Natatandaan mo ba kung paano gawin ito?

Ang katutubong sayaw ay isang uri


na nilikha ng isang pangkat mula sa iisang komunidad,
probinsiya, o bansa. Karaniwang nagpapakita ito ng
kultura, tradisyon, paniniwala, at maging pang-araw-
araw na gawain ng isang partikular na grupo. Ang
katutubong kasuotan ng mga lumikha ng sayaw ang
nagsisilbing kasuotan ng mga mananayaw.

Ang katutubong sayaw ay tinatawag ding etnikong


sayaw o tradisyonal na sayaw. Madalas tinatanghal ang
mga katutubong sayaw sa mga pagdiriwang sa lalawigan

https://en.wikipedia.org/wiki/Cari%C3%B1osa o probinsiya. Malaking bahagi rin ito ng mga programa


#/media/File:Philippine_culture_dance.jpg

ng mga paaralan para sa Edukasyong Pangkatawan o P.E.

Mga Batayang Posisyon ng Kamay at Paa

A. Braso
Unang Posisyon
a. Isaayos ang mga bisig at kamay ng dibdib.
b. Ikurba ang mga bisig nang pabilog habang nakalabas ang
mga siko.
c. Panatilihing nakaharap sa iyo ang iyong mga palad.
Pangalawang Posisyon
a. Ibuka ng sabay ang mga bisig at kamay sa iyong tagiliran
kapantay ng iyong mga balikat.
b. Ikurba ang iyong mga bisig.
c. Ang iyong mga palad ay nakaharap paitaas.

Pangatlong Posisyon
a. Itaas ang kan ang (kaliwang) bisig na ang iyong palad ay
nakaharap sa baba.
b. Panatilihing nasa pangalawang posison ang iyong
kaliwang (kamay) bisig.

Pang-apat na Posisyon

a. Panatilihing nasa pangatlong posisyon angiyong kanang


(kaliwang) bisig.
b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) bisig sa harap, gaya
ng sa unang posisyon.

Panglimang Posisyon

a. Itaas ang mga bisig.


b. Ikurba ang iyongmga bisig a t panatilihing nakaharap sa
ibaba ang iyong palad.

B. Mga Paa
Unang Posisyon
a. Tumayo nang magkadikit ang iyong mga sakong (heel).
b. Iposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa upang
magporma itong letrang V.

Pangalawang Posisyon
A Ihakbang sa gilid ng iyong kanang (kaliwang) paa habang
pinapanatilihing nakaposisyong sa labas ang iyong mga daliri
sa paa. Ang iyong mga paa ay kapantay ng iyong mga balikat.

Pangatlong Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyong kanang
(kaliwang) paa.
b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) paa sa arko ng
talampakan (instep) ng iyong kanang (kaliwang) paa.

Pang-apat na Posisyon

a. Panatilihing sa dating posisyon ang iyong kanang


(kaliwang) paa.
b. Ihakbang ang iyong kaliwang (kanang) paa pa dia-gonal
sa harap.
c. Panatilihing nakaposisyon sa labas ang iyong mga
daliri sa paa.

Panglimang Posisyon

a. Itaas ang mga bisig.

b. Ikurba ang iyongmga bisig at panatilihing nakaharap sa


ibaba ang iyong paa.

Mga Ibang Posisyon Ng Bisig At Kamay

 Palakhin ang 5th

 Mga Bisig sa Baligtad na “T” sa “T” Posisyon

 Mga Bisig sa Magkaagapay na posisyon

 Mga Bisig sa Posisyong Hayon-hayon

 Mga Kamay sa Baywang: Posisyon sa Pagsasayaw na ang mga Buko ng Daliri


Nakadaiti sa Baywang

Mga Kasanayang Pansayaw at Panritmo 2/4

Ang hakbang sayaw na nasa 2/4 na palakumpasan ay may bilang 1,2; o kaya’y 1
at 2; o kaya’y 1 at, 2 at.
 Change Step (Step, Close, Step)

 Bleking Step (Heel-place, Close)

 Touch Step (Point, Close)

 Chasing Step (Step, Step, Step, Step)

 Gallop Step (Step, Cut, Step, Cut)


 Heel and Toe Polka (Heel-place, Toe Point, Step Close, Step Pause)

 Korriti (Step, Step, Step, Step) nakaekis ang isang paa sa harapan

 Habanera Step (Step, Close, Step)

 4 Step Turn (Step, Turn and Step, Turn and Step, Step Close)

TANDAAN NATIN

 Ang katutubong sayaw ay nagpapakita ng kultura, tradisyon, at paniniwala


ng isang pangkat mulas sa isang komunidad, probinsiya, at bansa.
 Ang musika, formation, at kasuotan ng mga katutubong sayaw ay
nakadepende sa pinagmulan nito.
 May limang pangunahing posisyon ng braso at paa.
 Ang pagsasayaw ay isa lamang sa mga gawaing pisikal na nakatutulong
upang mapaunlad ang physical fitness ng tao

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa Hanay A. Ipareha ang mga ito sa mga
posiyon
sa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa inyong kuwaderno.

A B

1. a. pangalawang posisyon sa paa

2. b. unang posisyon sa braso


3.
c. pangatlong posisyon sa braso

4. d. pang-apat na posisyon sa paa

5. e. panglimang posisyon sa paa

6. f. unang posisyon sa paa

7. g. panglimang posisyon sa braso

8. h. pangatlong posisyon sa braso

9. i. pang-apat na posisyon sa braso

10. j. pangalawang posisyon sa braso


Pagsasanay 2
Panuto: Sa tulong ng inihandang tseklist, lagyan ng tsek ( / ) ang paraan ng
pagsasagawa ng mga batayang hakbang.

Mga Batayang Kasanayan sa Panritmo at Pansayaw

Kahanga-
Lubos na Bahgyang Hindi
hangang
Mga Batayang Naisagawa Naisagawa Naisagawa Naisagawa
Pagsasagawa
Posisyon (4) (3) (2) (1)
(5)
1. Bleking Step
2. Change Step
3. Chasing Steps
4. Gallop
5. Sway balance
and with a
point

PAGLALAHAT

Panuto: Kung naunawaan ninyo ang ating aralin. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat sa inyong sagot sa sagutang papel.
o Ilan ang pangunahing posisyon ng kamay at paa?
o Ibigay ang mga hakbang sa pagsasayaw ng may ritmong 2 time.
4

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
o Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa mga pangunahing posisyon sa
braso at paa sa pangtanghal ng mga katutubong sayaw?
o Bakit sa tingin mo mahalagang matutunan at magtanghal ang mga
katutubong sayaw ng Pilipinas?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang♥ kung ang pangungusap ay nagsasaad ng Tama at ☼ kung


ito ay Mali. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Mayroon anim na pangunahing posisyom ang braso at paa.


2. Ang musika, formation, at kasuotan ng mga katutubong sayaw ay
nakadependesa pinagmulan nito.
3. Ang pagtatanghal ng katutubong sayaw ay hindi lang nagbibigay kaalaman sa
kultura at tradisyong Pilipino.
4. Ang mga pangunahing hakbang pansayaw sa 2/4 ay ang mga hakbang na
ginagamitan ng one, two,three o one and two and three na bilang.
5. Ang hakbang sayaw na nasa 3/4 na palakumpasan ay may bilang 1, 2; o kaya’y
1 at 2; o kaya’y 1 at, 2 at.
¾ Pagsasanay 1 Paunang Pagsubok
Sway balance with a point 1. B 6. F 1. ☹
Sway balance with a hop 2. I 7. A 2. ☺
Sway balance with a brush 3. C 8. E 3. ☺
Sway balance with a close 4. J 9. D 4. ☺
Sway balance with a pointwaltz 5. E 10. G
5. ☺
Pagsasanay 2 Balik aral
Paglalahat ANSWER IS VARY
1. ang mabuting sulot sa
Paglalahat pagsasagawa: cardio vascular
Panapos na gaawain endurance, pagpapabuting
1. 5 stamina, pagpapanatili ng
1. ☼
2. 2/4 tamang timbang
2. ♥
3. ♥
Change step
Bleking step 2. teamwork, kooperasyon at
4. ☼
Touch step respeto sa ibang tao
5. ☼
Chasing step 3. upang makaiwasan ang
Gallop pananakit ng katwan at
Heel and toe aksidente
korritis
4. ang sayaw ay isa rin uri ng
kominkasyon
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Books

Cantalejo, Mirla N., Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan, Batayang Aklat sa


Pagpapalakas ng Katawan 5. Rex Bookstore, Inc.

Gatchalian.Helen G. et al.Masiglang at Malusog na Katawan at Isipan. Vibal Group,


Inc. 2016

Deped LM Source2017. https://drive.google.com/file/d/1QMuPYo-jfMd4IAJrZbxz3-


PbmFMI8MEr/view

Photo Sources

Markytour777. April 12,1995.


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Philippine_culture_dance.jpg#/media/File:
Philippine_culture_dance.jpg

https://www.scribd.com/document/394130638/Mga-Batayang-Posisyon-Ng-Kamay-
at-Paa

You might also like