You are on page 1of 16

Science 3

Science 3
Pangalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Bahaging Pandama
-Tainga at Ilong-
Agham – Ikatlong Baitang
Pangalawang Markahan – Modyul 2: Bahaging Pandama – Tainga at Ilong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Zoraida R. Castillo
Editors: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit:
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham - Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa Sariling Pagkatuto para sa araling Bahaging Pandama-Tainga at
Ilong!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham - Ikatlong Baitang Modyul para sa


Sariling Pagkatuto ukol sa Bahaging Pandama-Tainga at Ilong!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay sadyang isinulat at inihanda para sa iyo


upang magamit sa iyong pag-aaral. Sa pamamgitan ng modyul
na ito ay lalawak ang iyong kaalaman sa Agham.
Sa tulong ng modyul na ito, pagtututunan mo ang mga bagong
konsepto at kaalaman tungkol sa bahaging pandama o sense
organ.
Pagkaraan pag-aralan ang modyul na ito,may kakayahan
ka nang:
1. masabi ang mga bahagi ng tainga at ilong;
2. mailarawan ang gampanin ng bawat bahagi ng tainga at
ilong; at
3. makapagbigay ng suhestiyon sa pangangalaga ng tainga
at ilong.

PAUNANG PAGSUBOK
Alamin muna natin kung mayroon kang dating kaalaman
tungkol sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. Sagutan muna
ang pagsubok na ito.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong bahagi ng tainga ang nasa larawan?

A. anvil B. hammer C. pinna D. stirrup


2. Ito ang tawag sa dalawang butas na
pinapasukan ng hangin sa ating ilong na nasa
larawan. Ano ito?
A. cilia B. nasal C. nerves D. nostrils
3. Anong ang ginagampanan ng eardrum sa ating pandinig?
A. Bahagi na nagsasabi kung ano ang narinig.
B. Pumapasok dito at nagdadala ng tunog diretso sa utak.
C. Kapag tinamaan ng tunog ang eardrum, ito ay
magpapabalik-balik ng galaw o magba-vibrate.
D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang ginagampanan ng olfactory nerve sa ating pang-
amoy?
A. Ito ang bahagi ng ilong sumasala sa alikabok.
B. Ito ang bahagi ng ilong na dinadaanan ng amoy.
C. Ito ang bahagi ng ilong na nagsasabi kung ano ang
naamoy.
D. Ito ang bahagi ng ilong na nagdadala ng mensahe sa
utak kung ano ang naamoy ng tao.
5. Ang mga sumusunod ay tungkol sa tamang pangngalaga sa
tainga at ilong maliban sa isa. Alin dito ang hindi dapat gawin sa
tainga at ilong?
A. Linisin ang tainga at ilong ng malinis na malinis at
malambot na towel.
B. Ingatang malagyan ang tainga at ilong ng mga bagay na
makakabara dito.
C. Gumamit ng matulis na toothpick kapag nais linisin ang
tainga at ilong.
D. Kumonsulta sa doktor kung may masakit sa tainga o ilong.

BALIK-ARAL

Iguhit ang kung tama ang isinasaad tungkol sa mata at


kung mali.
_____1. Ang ating mata ang tumutulong upang tayo ay makakita.
_____2. Sa iris pumapasok ang liwanag sa ating mata.
_____3. Sa retina nabubuo ang imahe na ating nakikita.
_____4. Nabubuo ang imahe sa retina nang pabaligtad.
_____5. Ang optic nerve ang nagdadala ng mensahe utak.
ARALIN
Ano ang ginagawa ng
babae sa larawan ?

Ang bata ay nakikinig ng musika gamit ang tainga.Naririnig


natin ang mga tunog na nanggagaling sa ating kapaligiran tulad
ng boses ng tao, hayop, sasakyan, lagaslas ng tubig, at mga
balita tungkol sa mga nagyayari sa ating kapaligiran.
Sa gitna ng pandemya ay maari tayong maglibang sa
pamamagitan ng pakikinig ng magagandang musika habang
nag-a-aroma therapy.
Handa ka na bang malaman ang mga bahagi ng ating tainga
at ang gampanin ng bawat isa?
Mga Bahagi ng Tainga
hammer anvil stirrup

pinna cochlea

Ear
canal
Auditory
nerve
eardrum

Magtungo naman tayo sa gawain ng mga bahagi ng tainga.


1. Pinna-ang 3. Eardrum- 5. Cochlea-Ito
pinna na ang eardrum ay hugis paikid
siyang taga ay tinamaan na may
sagap ng ng tunog ito lamang likido
tunog. ay sa loob.
2. Ear canal- magpapabalik 6. Auditory
Ang tunog na -balik ng nerve- Kapag
nasasagap ng galaw o ang likido na
pinna ay magba- nasa loob ng
maglalakbay vibrate. cochlea ay
at dadaan sa 4. Ossicles- gumalaw,nag
ear canal Ang hammer, hahatid ito ng
papunta sa anvil at stirrup mensahe sa
middle ear Pag ang utak sa
kung saan eardrum ay pamamagitan
naroon ang gumalaw, ang ng auditory
eardrum ossicles na nerve na
nasa likod nito nagbibigay
ay gagalaw kaalaman
din. tungkol sa
tunog na
narinig.

Mga Bahagi ng Ilong


Lagyan ng tsek (/)ang kaugnay na amoy ng mga bagay sa
talahanayan.
Bagay Mabangong-amoy Mabahong -amoy
Sabon
Tubig sa kanal
Pabango
Basura
Paano natin nalalaman ang amoy ng isang bagay? Anong
bahaging pandama ang nakatutulong upang maamoy natin
ang isang baagy?
Cilia ( buhok na nasa loob
Olfactory Nerve ng ilong)

Nasal cavity

Nostrils

Paano natin naamoy ang bagay gamit ang ating ilong?


Naamoy natin ang bagay sa tulong ng ilong. Ang hangin na
may kasamang amoy ay papasok sa nostrils at tuluy-tuloy na
maglalakbay patungo sa nasal cavity. Sa loob ng nasal cavity ay
naroon ang olfactory nerve na maghahatid ng mensahe sa utak.
Ang utak ang magsasabi kung ano ang ating naamoy.

Mga Bahagi ng Ilong at Gampanin Nito


•Ito ay ang dalawang butas sa ating ilong. Dito rin
Nostrils
pumapasok ang hangin na ating nilalanghap.

•Ito ang maliliit na buhok nagsisilbing pansala sa


Cilia mga dumi na nalalanghap at pumapasok sa
ating ilong.

•Ito ang bahagi sa likod ng ating ilong na nasa


gitna ng iyong mukha.Ang walls nito at
Nasal
natatabunan ng uhog,isang malagkit na likido
Cavity
na sumasala sa alikabok at dumi na pumapasok
sa ating ilong.

•Sa loob ng nasal cavity ay naroon ang


Olfactory olfactory nerve . Ang olfactory nerve ang
Nerve nagdadala g mensahe sa utak.
PAGPAPAHALAGA
Pangangalaga sa Tainga at Ilong

Ang mga sumusunod ay ang tamang pangangalaga sa tainga at


ilong:
1. Linisin ang tainga at ilong ng malinis at malambot na panyo
o towel.
2. Huwag gagamit ng mga matutulis o matatalas na bagay sa
paglilinis ng tainga at ilong dahil maaaring makasugat ito.
3. Kumonsulta sa doktor (EENT) kung may masakit na bahagi sa
tainga at ilong upang maiwasan ang impeksiyon.
4. Makinig nang may tamang lakas sa mga tugtugin. Iwasan
ang napakalakas na tunog na nakasisira ng eardrums.
5. Kung may sipon, gawin ang marahang pagsinga sa malinis
na tissue o panyo, upang hindi mapuwersa ang ilong.

MGA PAGSASANAY

Gawain -1 Magsiyasat Tayo!


Panuto: Tuntunin ang sunod-sunod na pinagdadaanan ng tunog
pagkatapos pumasok sa pinna patungo sa utak. Isulat sa kahon
ang bawat bahagi. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa
ibaba.

1 Eardrum 2

utak 3 cochlea

Ear canal auditory nerve ossicles


B. Isulat ang akmang salita sa bawat arrow upang mabuo ang
wastong pagkasunod-sunod kung paano natin naamoy ang
isang bagay. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

nasal cavity, nostrils, olfactory nerve

________ _________ __________

Gawain 2: Tugmaan!
Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B sa pamamagitan ng
pagguhit ng linya sa tamang sagot at makabuo ng tugma.
1. Ako ang tumutukoy sa amoy na iyong A. auditory nerve
nasagap,ang siyang nagpoproseso
para malaman ang iyong nalanghap.
Ano ako?
2. Hinahatid ko sa utak ang narinig mong B. utak
musika,ako ang mensaherong bahagi
ng iyong tainga. Ano ako ?
3. Manipis at banat kaya dapat ingatan, C. eardrum
sa presensya ng tunog nagba-vibrate
pag tinamaan.
Ano ako ?
4. Nagluluto ang iyong ina ng tanghalian D.ilong
ninyo,kahit di mo nakita’y nalaman
mong adobo. Ano ako ?
5. Ang amoy na dala ng hangin na iyong E.nasal cavity
nalalanghap,gamit ang malagkit
kong likido, ito ay sinasala. Ano ako?
Gawain 3: Aghamtungan Tayo!
Panuto: Tukuyin ang bahagi ng tainga na inilalarawan. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
______________1. Aking nasasagap lahat ng tunog sa paligid,
walang tunog na makakatakas kahit galing sa gilid . Ano ako?
______________2. Tatlong buto kaming magkakasama, nasa
pagitan ng eardrum at cochlea. Ano ako?
______________3. Nasagap na tunog ay papasok, dumadaloy at
aking pinararaan, upang mag-vibrate sa eardrum. Ano ako?
______________4. Tunog na nasagap, naglakbay sa iba’t ibang
bahagi, kung ano itong tunog ako ang nagsasabi. Ano ako?
______________5. Tunog na narinig, ako ang naghahatid, upang
utak ay siyang mabatid. Ano ako
PAGLALAHAT

Upang maibuod natin ang ating aralin, gawin ang mga


sumusunod.

Panuto: Isulat sa bawat bahagdan ang mga bahagi ng


tainga,ayon sa wastong pagkasunod-sunod na pinagdadaanan
ng tunog mula sa pinna patungo sa utak.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon sa ibaba.

5.

auditory
anvil ear canal
cochlea nerve

2., 3.,4.
stirrup hammer

eardrum

1.

pinna

B. Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng pangungusap batay sa


kung paanong nakatutulong ang ilong sa pagtukoy ng amoy ng
mga bagay sa paligid. Gumamit ng letra sa pag-ayos ng mga
pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______1. Tuluy-tuloy na maglalakbay ang hangin na may dalang


amoy patungo sa nasal cavity.
_______2 . Ang hangin na may kasamang amoy ay papasok sa
nostrils.
_______3. Ang utak ang magsasabi kung ano ang ating naamoy.
_______4. Sa loob ng nasal cavity ay naroon ang olffactory nerve
na maghahatid ng mensahe sa utak.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Lagyan ng tsek (/ )ang bawat kahon kung nagpapakita


ng suhestiyon sa pangangalaga ng tainga at ilong, ekis ( X )kung
hindi.
1.Pakikinig ng malalakas na tugtog.
2. Pagpasok ng matutulis na bagay sa tainga at ilong.
3. Paggamit ng malinis na towel o damit sa paglilinis ng
tainga at ilong.
4. Takpan ang ilong kung maalikabok.
5. Bumahing nang napakalakas.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa malinis
na papel.
1. Anong bahagi ng tainga ang nasa larawan?
A. anvil B. ear canal C. hammer D. stirrup
2. Ito ang tawag sa mga buhok na nasa loob ng
ilong na sumasala sa mga alikabok at dumi na
nalalanghap ng tao. Ano ito?
A. cilia B. nerves C. nasal D.
nostrils
3. Anong ang ginagampanan ng auditory nerves sa ating
pandinig?
A. Ito ang bahagi ng tainga na sumasagap ng tunog.
A. Ito ang bahagi ng tainga na dinadaanan ng tunog.
B. Ito ang bahagi ng tainga na nagsasabi kung ano ang tunog
na narinig.
C. Ito ang bahagi ng tainga na nagdadala ng mensahe sa
utak kung ano ang tunog na narinig ng tao.
4. Anong bahagi ng ilong ang nagdadala ng mensahe sa utak
upang malaman ang bagay na naamoy ng tao?
A. cilia B. nasal cavity C. nostrils D. olfactory nerve
5. Ang mga sumusunod ay tungkol sa tamang pangngalaga sa
tainga at ilong maliban sa isa ?
A. Linisin ang tainga at ilong ng malinis na malinis at
malambot na towel.
B. Ingatang malagyan ang tainga at ilong ng mga bagay na
makakabara dito at magdudulot ng impeksiyon.
C. Kumonsulta sa doktor kung may masakit sa tainga o ilong
upang maiwasan ang impeksyon.
D. Gumamit ng matulis na bagay sa paglilinis ng ilong at
tainga.

SUSI SA PAGWAWASTO
Balik -aral Paunang Gawain-1 Gawain2- Gawain3-
pagsubok 1. ear canal 1. B 1.pinna
1. 2. ossicles 2. A 2. ossicles
1. C 3. auditory nerve 3. C 3. ear canal
2. D B. 4. D 4. utak
2.
3. C 1.nostrils 5. E 5. auditory
4. D 5.C 2.nasal cavity nerve
3.
3.olfactory nerve
5.A
4.

Paglalahat Panapos na Pagsusulit


5.
A-1. ear canal 1. B 4. D
2-4 anvil,hammer,stirrup 2. A 5. D
5. auditory nerve 3. c
B. 1.B 2.A
Sanggunian
3.D 4.C

A.Aklat
Sacatropes,Arthur DC. ,et al,Science-Ikatlong Baitang ,Kagamitan ng Mag-
aaral sa Tagalog Unang Edisyon2015,Inilimbag sa Pilipinas ng REX
Bookstore INC.

Antonio, Eleonor D.,Balagtas,Marilyn U,Briones,Aurora,Dallo,Evangeline,Dela


Crus,Susan Domanais,Ma.Lucia Explore and Discover3 Philippine
Copyrighted 2004 by Rex Bookstore

You might also like