You are on page 1of 16

Science 3

Science – Ikatlong Baitang


Unang Markahan – Modyul 1: Katangian ng mga Materyal o Bagay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rachelle D. Mendoza
Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit:
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-1
Katangian ng mga Materyal o Bagay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Science - III ng Modyul para sa
araling Mga Katangian ng mga Materyal o Bagay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Science - III ng Modyul ukol sa Mga Katangian ng


mga Materyal o Bagay!!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Napaliligiran tayo ng iba’t ibang bagay na may iba’t ibang


anyo at uri. Sa modyul na ito, aalamin natin ang tungkol sa
“matter” at ang iba’t ibang uri nito.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:
1. makapaglista ng mga bagay na makikita sa ating tahanan
at paaralan;
2. mauri ang mga bagay ayon sa katangian (tulad ng hugis,
sukat o dami, bigat, tekstura, amoy, at lasa);
3. matukoy ang gamit ng mga materyal batay sa katangian
nito; at
4. magpahalaga sa mga bagay na mayroon sa bahay at sa
paligid ngayon.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito,


sagutin muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman
kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol sa paksa ng
modyul na ito.

Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga nasa larawan ang madalas na matatagpuan


sa paaralan?

A. B. C. D.
2. Piliin ang naiiba sa mga larawan.

A. B. C. D.

3. Ano ang katangiang pinakamainam na gamitin na


paglalarawan sa papel de liha?
A. magaspang
B. makinis
C. malambot
D. matigas

4. Ano ang bagay na makinis na matatagpuan sa kusina?


A. baso B. panala C. sangkalan D. A at B

5. Bakit parihaba ang hugis ng kahon ng sapatos?


A. Parihaba ang hugis ng kahon ng sapatos para angkop
sa haba ng paa.
B. Parihaba ang hugis ng kahon ng sapatos para
madaling isalansan.
C. Parihaba ang hugis ng kahon ng sapatos para
magamit na sisidlan.
D. A at C

BALIK-ARAL

Halina’t umawit tayo para sa aralin nating ito. Tingnan natin kung
may mga bagay na kaya nating ilarawan o ibigay ang
katangian.
AKO AY MAY LOBO

Ako ay may lobo Sayang ang pera ko


Lumipad sa langit Ipinambili ng lobo
Di ko na nakita Kung pagkain sana
Pumutok na pala. Nabusog pa ako.

Ano-ano ang mga bagay na nailarawan sa awitin?


Ano ang kulay at hugis ng lobo?
Ano ang kulay ng langit?
Ilarawan ninyo ang kulay at hugis ng pera? Ang papel at barya?
Alin ang malambot at alin ang matigas?
Ano ang lasa ng pandesal? Ng itlog? At ng hotdog?
Bakit mas mainam na ang pera ay ibili ng pag-kain?

Ang lahat ng binanggit ninyo ay may kinalaman sa katangian ng


mga bagay na ating aralin ngayon.

ARALIN

Nakikilala mo ba ang lugar na nasa larawan?


Dahil sa krisis na ating pinagdaraanan hindi muna tayo
maaring magsama-sama sa paaralan, kaya’t ang ating tahanan
ang pansamantala nating magiging silid-aralan.

Tumingin kayo sa inyong paligid, ang mga bagay na inyong


nakikita ay tinatawag nating “matter”. Kalimitan ang “matter” ay
tinatawag nating materyal o bagay. Ang “matter” o materyal o
bagay ay umookopa ng lugar o espasyo at may bigat.

Pansinin ninyo ang mga nasa larawan Saan ba natin


kadalasan nakikita ang mga ito?

Magaling! Ang mga ito ay nakikita natin sa paaralan.


Saan naman kadalasang nakikita ang mga kagamitang ito?

Tama! Ito ay nakikita natin sa kusina ng ating tahanan.

Ilan lamang ito sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Suriin


mong mabuti ang mga bagay na nasa larawan, pareho ba sila
ng katangian?

Ang hugis, sukat o dami, bigat, tekstura, amoy, at lasa ay


mga pisikal na katangian ng mga materyal o bagay. Maaari
nating mauri ang katangian ng mga bagay sa laki o liit,
magaspang, makinis, matigas o malambot na tekstura, mabaho
o mabangong amoy, matamis, mapait, maalat, maasim,
maanghang o walang lasa. Idagdag pa ang kulay at hugis ng
mga ito.

Halina, atin pang bigyang pansin ang mga katangian ng


iba’t ibang bagay sa ating kapaligiran. Paalala, pakatandaan na
ang ating silid-aralan ay ang inyong tahanan, kaya ituon ang
atensyon sa mga bagay sa loob ng tahanan.

Sa pagmamasid mo sa inyong tahanan, may nakita ka


bang takip? Ano ang hugis nito?

Pagmasdan mong mainam, nakakita ako ng kakaibang garapon


na may takip na parisukat ngunit sa loob ay may bilog na roskas.
Para saan kaya ang ganitong disenyo?

Tama! Ang bilog na roskas ay para maiikot natin ang takip


upang maisara nang husto ang garapon o lalagyan. Nakakita ka
na ba ng gulong na parisukat? Bakit bilog ang gulong? Sa tingin
mo aandar ba ang bisikleta kung parisukat ang hugis ng gulong?
Nakapaglaro ka na ba ng hulahup? Malalaro mo ba ito nang
maayos kung ito ay hugis tatsulok? Sadyang naaayon ang
katangian ng mga bagay sa kanilang gamit sa pang- araw araw
na buhay.
Ano ang paborito mong bagay sa bahay? Ano ang
katangian nito? Naaayon ba ang katangian nito sa kung paano
mo ito ginagamit? Isulat ang iyong sagot sa isang papel at pag-
usapan ninyo sa inyong tahanan ang mga paborito ninyong
gamit sa bahay at ang katangian nito.
MGA PAGSASANAY

Kilalanin natin ang mga kagamitan na makikita natin sa


ating paaralan at sa ating mga tahanan.
Gawain 1: Kumpletuhin ang pangungusap batay sa katangian ng
bagay na nasa larawan. Piliin ang katangiang akma sa bawat
bagay na nasa larawan.

parisukat matigas magaan maliit


malaki parihaba malambot bilog

1. Ang hugis ng watawat ay ______ samantalang

ang orasan ay _______.

2. _______ ang marshmallow ngunit ______ naman

ang mga bato .

3. ______ ang sukat ng pisara , _____ naman ang

mga yeso .

4. Ang kahon , rubiks cube , at blocks


ay ______ ang hugis.
5. Ang balahibo , papel at dahon ay mga
bagay na ______.

Bawat bagay sa ating kapaligiran ay may kanya-


kanyang katangian. Kilalanin pa natin ang mga katangian ng
bawat larawan.
Gawain2: Piliin at isulat ang katangian ng bawat larawan.

Gabay sa pagsagot:
Tekstura - magaspang, makinis, malambot, matigas
Amoy - mabango, mabaho

1. kamatis- ___________

2. alcohol- ______________

3. hollow blocks - _________

4. kahoy - ___________
5. unan - __________

Gawain3: Lagyan ng tsek ang larawan kung ito ay nasa tamang


hanay ng lasa nito at ekis naman kung hindi.

matamis maasim mapait maanghang Maalat

Asin Kape Sili


Tsokolate Kalamansi

PAGLALAHAT

Paano natin matutukoy at mailalarawan mga bagay o


materyal sa ating bahay, paaralan at paligid. Isulat ang iyong
mga sagot sa bawat kahon.

Ang gamit ng mga


materyal o bagay ay
naaayon sa kanilang
katangian.
PAGPAPAHALAGA

Anu-anong mga gawaing bahay ang maaari mong maitulong sa


iyong mga magulang gamit ang mga sumsunod na larawan ng
solid. Sumulat ng mga pangungusap ukol dito.

________________________________________
________________________________________
________________________________________

________________________________________
________________________________________
________________________________________

________________________________________
________________________________________
________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang


papel.

1. Alin sa mga bagay na ito ang kadalasang natatagpuan sa


bahay?
A. B. C. D.
2. Pagmasdan ang nasa larawan, ano ang katangian ng pader
na tisa?
A. makinis
B. magaspang
C. malambot
D. maliit

3. Ang mga sumusunod na halimbawa ay may parehas na


katangian, alin kaya ang naiiba?

A. B. C. D.

4. Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine(ECQ), ang


malambot na bagay na ito ay nakatutulong bilang proteksyon
para hindi tayo agad mapasukan ng “virus”. Ano ito?
A. cellphone
B. alcohol
C. mask
D. quarantine pass

5. Ano ang katangian ng bulak na nakatutulong sa paglilinis ng


sugat?
A. magaspang B. malambot C. matigas D. mabigat
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learners Material 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Teachers Guide 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014

https://www.google.com
https://www.youtube.com/robie317
https://www.canva.com

You might also like