You are on page 1of 18

Science 3

Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Katangian ng mga Materyal na Solid
Agham – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Katangian ng mga Materyal na Solid
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rachelle D. Mendoza
Content Editors: Marites R. Borras at Nermie V. Abuan
Content Editors: Melinda P. Iquin at Janessa S. Amparado
Tagasuri: Liza A. Alvarez, Vic Marie I. Camacho, Crist John M. Pastor
Tagaguhit: Emmerando Martin P. Cruz at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Katangian ng mga Materyal na Solid!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Katangian ng mga Materyal na Solid!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Napag-aralan natin sa unang modyul ang tungkol sa
katangian ng mga materyal o bagay sa paaralan at sa
tahanan. Sa modyul na ito, aalamin natin ang tungkol sa solid
na materyal o bagay na madaling makita sa ating
kapaligiran.
Ano nga ba ang solid? Alin kaya sa mga bagay sa
paligid natin ang halimbawa ng solid na materyal o bagay?
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may
kakayahan ka nang:
1. makilala ang mga bagay na solid;
2. mailarawan ang mga katangian ng materyal o bagay
bilang solid; at
3. magpahalaga sa katangian ng solid.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito,


sagutin muna ang mga sumusunod na pagsubok upang
malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol
sa paksa ng modyul na ito.
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tamang pahayag tungkol sa solid?
A. Ang hugis ng solid ay nakadepende sa sisidlan.
B. Ang solid ay laging palutang-lutang sa hangin.
C. Ang solid ay hindi nahahawakan.
D. Ang solid ay may sariling hugis.

2. Bakit laging ginagamit na sisidlan o pambalot ang solid?


A. Dahil ang solid ay hindi nagbabago ng hugis.
B. Dahil ang solid ay nahahawakan
C. Dahil matibay and solid.

1
D. Lahat ng nabanggit.
3. Nagbibigay ng mga food packs ang ating pamahalaan
upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
pamilya habang nasa ECQ. Alin ang hindi kabilang sa
halimbawa ng solid?

A. B. C. D.
4. Mahalagang inaalagaan natin ang ating kalusugan.
Alin sa mga bagay na solid ang HINDI nakatutulong
upang mapangalagaan natin ang ating sarili?
A. martilyo B. sabon C. sepilyo D. tuwalya

5. Nakita mong nakakalat ang Iba’t ibang mga laruan ng


iyong kapatid, ano ang maaari mong gawin?
A. Iligpit ang mga laruan at ilagay sa tamang
lalagyan.
B. Pabayaan itong nakakalat nang makita ni nanay.
C. Pulutin ito at itapon sa basurahan.
D. Parehong tama ang A at C

BALIK-ARAL

Sa ating nakaraang aralin, may iba’t ibang katangian ang


materyal o bagay na natatagpuan sa tahanan o sa
paaralan. Natatandaan mo pa ba ang ating naging aralin?
Sagutan ang nasa ibaba.
Panuto: Tukuyin ang katangian ng bawat larawan.
Maglagay ng tsek sa mga katangian na mayroon ang mga
ito.

2
3. bulak

4. kahoy
2. durian
1. kwaderno
Halimbawa
Mga Bagay

maliit

3
malaki

makinis

magaspang

malambot

matigas

mabigat

magaan
5. salamin

ARALIN

Ang mga gulay ay karaniwang paninda sa Pasig Mega


Market. Sa panahon ng pandemya, tanging ang may
quarantine pass lamang ang maaaring lumabas at pumunta
sa mga pamilihan.

Ang mga gulay, prutas at karne na nabibili sa palengke


ay nagkakaiba-iba ng kulay, hugis, amoy, tekstura, at bigat
ngunit ang mga bagay na ito ay halimbawa ng mga
materyal o bagay na solid.
Nakikilala ba ninyo ang mga larawan sa ibaba?

4
Madalas ba ninyong nakikita ang mga bagay na ito sa
inyong tahanan o sa inyong paligid?
Bukod sa mga ito na ating nakikita, maaari ba natin
itong hawakan?
Tama kayo! Maaari nating hawakan ang mga bagay
na ito. Anong anyo ng materyal ito?
Ang mga bagay na ito ay kabilang sa anyo ng
“matter” na tinatawag na solid.
Ang SOLID ay anyo ng matter na madaling makita at
kayang hawakan kung hindi ito mainit. Ito ay may sariling
hugis. Hindi nagbabago ang hugis nito kahit ilagay mo ito sa
isang sisidlan.
Pansinin mo ang larawan sa ibaba.

Hindi nagbago ang stuffed toy kahit ilagay ito sa loob


ng kahon. Nananatili ang hugis nito kahit nakalagay o hindi
sa kahon.

5
Ang solid ay nakakukuha ng espasyo sa lugar na ating
ginagalawan tulad ng upuan, lamesa, at kabinet sa loob ng
isang silid-aralan o maging sa tahanan. Ang mga malalaking
bagay ay nakakukuha ng mas malaking espasyo kaysa sa
maliliit na bagay.

Ang SOLID ay may bigat o mas kilala na mass sa


wikang Ingles, maaari itong timbangin upang malaman ang
bigat nito. Nag-iiba-iba ang mass ng isang solid. Ano kaya sa
larawan sa ibaba ang magaan at mabigat?

bulak bato

Maaaring mas marami ang bulak, ngunit mas


mabigat pa rin ang bato. Maaaring sukatin ang isang
solid sa pamamagitan ng bigat nito at ang panukat ay
timbangan at karaniwang yunit na ginagamit ay grams.
Ang haba, lapad at kapal ng isang solid na bagay ay
pwede ring sukatin gamit ang ruler at meters ang
karaniwang yunit ng panukat.
Marami pang halimbawa ng solid sa ating paligid.
Subukan mong hanapin ito sa inyong tahanan. Muli ang
aming paalala , sa loob ng bahay lamang maghanap ng
mga solid na bagay dahil bawal pang lumabas sa ngayon.
Masayang yayain ang kasama sa bahay para tukuyin ang
mga solid na matatagpuan sa loob ng bahay. Bumilang ng

6
sampu at magparamihan kayo ng nailistang solid na bagay
na natagpuan sa inyong tahanan.

MGA PAGSASANAY

Masaya bang makipaglaro habang natututo? Atin


pang palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa solid.
Sagutan ang sumusunod na pagsasanay sa ibaba.
Gawain 1:
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga halimbawa ng
solid.

susi tubig mais

kutsara syrup paminta

usok mula sa pabrika face mask lapis

7
Gawain 2:
Panuto: Piliin ang naiibang katangian sa mga halimbawa ng
solid. Lagyan ng ekis ang naiiba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

bato stuffed toy hard hat gulong

paper clips kuwaderno Rubiks cube kotse

gulong traffic cone globo barya

uling mangga kamatis mansanas


5
kotse bahay kubo lapis bundok

8
Gawain 3:
Marami tayong napapakinabangang kagamitan na
solid habang tayo ay nakararanas ng krisis dulot ng
pandemya na kinakaharap natin sa panahong ito. Maari
mo bang alalahanin ang mga ito?
Panuto: Piliin ang larawang tinutukoy sa pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

gloves sabon face shield quarantine pass face


mask
_______1. Ito ay isinusuot upang maprotektahan ang buong
mukha.
_______2. Ito ay dala ng piling miyembro ng pamilya upang
bumili ng mga pangunahing pangangailangan.
_______3. Ito ay isinusuot sa kamay bilang proteksyon sa mga
bagay na hinahawakan.
_______4. Ito ay sinusuot upang takpan ang ilong at bibig.
_______5. Ito ay ginagamit na pang-alis ng mga dumi sa
kamay at katawan.

PAGLALAHAT

Upang maibuod natin ang aralin, kumpletuhin ang


pangungusap. Isa-isahin natin ang mga katangiang
nakatulong para matukoy na ang isang bagay ay solid.
Isulat ang mga salitang kailangan sa patlang.

9
Ang solid ay may sariling (1)__________ at (2)
___________. Ito ay nakakukuha ng (3) ____________. Kaya
nasasabing solid rin ang isang bagay, dahil ito ay
(4)__________ at madaling (5)___________ ng mata.

espasyo hugis nahahawakan


bigat makita maamoy

PAGPAPAHALAGA

Nakita natin na ang iba’t ibang materyal o bagay na


solid ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ikaw, paano mo iniingatan ang iyong sarili?
Ang pag-iingat sa sarili nating kalusugan ay
napakahalaga. Hindi natin magagampanan ang araw-
araw nating gawain at mga nais gawin kung tayo ay may
sakit. Napakahalaga na matutuhan natin ang personal
hygiene. Ang pagkakaroon ng sariling gamit ay mahalaga
upang maiwasan ang magkahawaan. Sabi nga sa
kasabihan, “Cleanliness is next to Godliness”.
Aling solid na mga bagay kaya ang para lamang sa
iyong sarili at hindi mo dapat ipahiram sa iba? Gayahin ang
kahon sa ibaba at ilagay sa sagutang papel ang iyong
sagot.

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang


papel.
1. Ano sa sumusunod na pangungusap ang totoo tungkol sa
solid?
A. Ang solid ay may bigat at umuokupa ng
espasyo.
B. Ang solid ay anyo ng matter na hindi nakikita.
C. Ang solid ay walang tiyak na hugis.
D. Ang solid ay hindi nahahawakan.

2. Alin sa sumusunod na larawan ang hindi kabilang sa


halimbawa ng solid?

A. B. C. D.

3. Alin sa mga halimbawa ng solid ang hindi natin maaaring


ibahagi o ipahiram sa iba?

A. B. C. D.

4. Kaakibat ng tinatawag nating new normal, aling


halimbawa ng solid ang hindi maaaring gamitin sa ngayon?

A. B. C. D.

11
5. Ang paglalaro sa labas ng batang katulad mo ay
ipinagbabawal sa kasalukuyan. Ano ang mga gawaing
maaari mong gawin sa loob ng bahay?
A. Maglaro sa loob ng bahay kasama ang mga
kapatid.
B. Magbasa ng aklat kasama ang mga kapatid.
C. Tumulong sa gawaing bahay.
D. Lahat ng nabanggit

12
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learners Material 3.

2014. Kagawaran ng Edukasyon at


Lexicon Press, Inc. Lungsod ng Pasig,
Pilipinas

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Teachers Guide 3.

2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.


Lungsod
Pasig,Pilipinas

13

You might also like