You are on page 1of 14

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Unang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Alamat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akdang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga taga paglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carmen Joy G. Bordeos at Ar John Z. Marcial
Editor:/Tagasuri: Nilalaman/Gramatika: Susan M. Roxas at Jeanet B. Austria
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Ar John Z. Marcial
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto

Pagsulat ng Alamat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang) Filipino 8 ng Modyul para sa araling


Pagsulat ng Alamat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character)habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Pagsulat ng Alamat!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Matapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na


maaaring ihambing sa sarili;
2. Nakabubuo ng sariling alamat gamit ang mga elemento
nito;
3. Nakasusunod sa rubric o pamantayan sa paglikha ng
sariling alamat at;
4. Nagagamit nang wasto ang mga bantas at tamang baybay
sa pagsusulat ng sariling alamat.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago mo bigyang-pansin ang paksa natin sa araw na ito ay saglit


nating susubukin ang iyong dati nang kaalaman tungkol sa mga
bantas at tamang baybay sa pagbuo ng isang alamat.

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng pinaka-angkop
na sagot. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Ito ay ginagamit kapag ang isang pahayag ay pinuputol upang


isunod sa pabalangkas na ayos ang iba pang pahayag.
A. Panipi C. Tutuldok
B. Gitling D. Tuldukuwit

2. Ginagamit ito upang paghiwalayin ang magkakasunod na mga


salita na nauuri sa iisang pangkat.
A. Gitling C. Kudlit
B. Kuwit D. Tandang pananong
3. Ginagamit ito pagkatapos ng bating panimula, bating pangwakas
ng liham, at upang paghiwalayin ang petsa sa taon.
A. Kuwit C. Kudlit
B. Gitling D. Tandang pananong

4. Ginagamit ito sa paghihiwalay ng mga sugnay sa hugnayan at


tambalang pangungusap.
A. Kuwit C. Panipi
B. Gitling D. Tuldukuwit

5. Ginagamit kapag pinaiikli ang mahabang salita.


A. Gitling C. Kudlit
B. Tuldok D. Kuwit

BALIK-ARAL

Limot mo na ba ang ating tinalakay na aralin noong nakaraang


araw? Sana hindi pa, dahil mula roon ay natutuhan mo ang mga
elemento at bahagi ng alamat. Nagkaroon ka ng pagkakataon na
sumuri ng isang alamat sa pamamagitan ng mga elementong ito.
Huwag mong kalilimutan ang mga kaalamang ito na lubhang
makatutulong sa iyo sa mga susunod mo pang aralin.

Bago mo tuluyang tunghayan ang bagong nating aralin, nais ko


munang masukat ang iyong natutuhan mula sa nakaraang paksa.

Handa ka na ba?

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang elemento o bahagi ng alamat na tinutukoy


sa Hanay A. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
Hanay A Hanay B

___1. Panandaliang pagtatagpo A. Wakas


ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin

___2. Pinakamadulang bahagi ng alamat B. Saglit na kasiglahan


___3. Bahaging maglalahad ng magiging C. Kakalasan
resolusyon ng kwento.

___4. Pakikipagsapalaran ng pangunahing D. Tunggalian


tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin

___5. Nagpapakita ng unti-unting pagbaba E. Kasukdulan


ng takbo ng kwento

ARALIN

Bago tayo tuluyang magtungo sa ating isasagawang gawain


pahapyaw muna nating balikan ang mga elemento at bahagi ng alamat
na atin nang tinalakay at unawain ang nakatalang mga hakbang sa
pagsulat ng alamat.
• Ang alamat ay binubuo ng pitong elemento ang mga ito ay ang mga;
Tauhan, Tagpuan, Saglit na kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan,
Kakalasan at Wakas
• Ang alamat ay may tatlong bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

Hakbang sa Pagsulat ng Sariling Alamat

1. Umisip ng paksang gagamitin sa pagbuo ng sariling alamat.


2. Tiyakin na ang alamat na isusulat ay hindi pa nailathala maaring
magkapareho ng paksa pero sarili dapat ninyong bersyon.
3. Isipin ang mga magiging tauhan sa isasagawang alamat. Ilahad at
ilarawan ang mga tauhan sa oras at lugar na magpapakita ng kanyang
personalidad.
4. Isaalang-alang ang mga elemento at bahagi sa pagbuo ng alamat. Itala
ang mga magiging suliranin at aral na makukuha sa gagawin mong
alamat.
5. Mag-isip ng mga sitwasyon kung papaano mailalahad ang mensahe at
aral ng gagawing alamat.
6. Gamitin ang talento sa pagiging malikhain at pagguhit o pagdidisenyo.
7. Paganahin ang malikhaing imahinasyon at simulan na ang pagsulat ng
alamat.
MGA PAGSASANAY
MGA INAASAHAN
Pagsasanay 1.
PANUTO: Hanapin sa ibaba ang mga salitang may kaugnayan sa
Alamat. Maaari itong pahalagang o paibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

TAUHAN SALINDILA TAGPUAN


ELEMENTO PANITIKAN GITNA BUHAY
WAKAS PINAGMULAN ARAL

T A U H A N H S W E
A B E R I D I E A L
Y B U H A Y G U K E
T D G L K A S L A M
A L I D N I L A S E
G U T E A M B N M N
P E N U H D L P O T
U G A B U N A R N O
A E P T B S R G A N
N A L U M G A N I P
N I T I K D S B H A
P A N I T I K A N U

Pagsasanay 2.

PANUTO: Sagutin sa kwaderno ang katanungang nasa loob ng aklat.

Paano naging mabisa ang


alamat bilang akdang
pampanitikan sa pagkilala ng
kultura at kaugalian ng isang
lugar?
Pagsasanay 3.

PANUTO: Sa araw na ito ay isa kang


manununulat. Sa isang buong
papel, sumulat ng sariling alamat
tungkol sa mga bagay na maaaring
ihambing sa iyong sarili. Isaalang-
alang ang mga elemento ng alamat
sa pagbuo nito maging ang
wastong gamit ng mga bantas at
tamang baybay sa pagsusulat ng
sariling alamat.

Rubrik sa Pagsulat ng Alamat:


https://www.scribd.com/document/437055864/Rubric-sa-pagsulat-ng-alamat

Pamantayan 10 9 8 7
Pagbuo ng Napakahusay Mahusay ang Hindi malinaw Hindi pinag-
Konsepto ng mga naisip naisip na ang isipang mabuti
na konsepto sa konsepto pagkakabuo ng ang
alamat na ngunit hindi konsepto sa konseptong
nagawa. ito gaanong alamat na ginamit
napagtuunan isinulat
ng pansin
Pagbabanghay Organisado ang May bahagi May-agam- Hindi
pagkakasunod- ng alamat na agam sa ilang organisado ang
sunod ng mga tila bahagi sa pagkakasunod-
pangyayari nagpapakita akdang isinulat sunod ng
ng hindi pangyayari sa
organisadong alamat.
pagsulat.
Wastong gamit Ang mga May 5-10 na May 15-25 na Hindi pinag-
ng mga salita, salitang napili salita ang salita sa akda isipang mabuti
bantas ay pinag-isipan hindi angkop na hindi ang mga salita
at naangkop ang angkop sa at bantas na
ang mga pagkakagamit pagkakasulat ginamit sa
bantas na at mga bantas pagsulat ng
ginamit na hindi tama alamat.
ang
pagkakagamit
Kabuuan: 30puntos
PAGLALAHAT

PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag. Isulat sa


kwaderno ang iyong sagot.

_________1. Ang alamat ay patuloy na lumalaganap hanggang sa


kasalukuyan.

_________2. Isang mahalagang ambag sa akdang pampanitikan ang alamat


dahil tinutukoy nito ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
paligid.

_________3. Ngayon, nagpapasalin-salin ang mga alamat sa pamamagitan ng


pagkukuwento gamit ang bibig ngunit noon, marami na tayong
mga nakalimbag na mga libro na naglalaman ng mga kuwento
ng alamat.

_________4. Ang pagsulat ng sariling alamat ay isa ring paraan ng


paglalahad ng pagkakakilanlan.

_________5. Mabubuo ang alamat kahit hindi organisado ang mga elemento
at bahagi nito.

PAGPAPAHALAGA

Dugtungang Pahayag.

Aking nalaman na...

Aking naramdaman na...


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Matapos mong isagawa ang pagsasanay para sa araw na ito at


nagawa mo na rin ang lahat ng mga naunang gawain, panahon na
upang sagutin mo ang panapos na pagsusulit. Ito ang susukat sa lalim
ng iyong kaalaman mula sa ating aralin. Inaasahan kong buong husay
mong sasagutin ang bawat katanungan.

PANUTO: Punan ng mga salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga
pahayag. Piliin sa kahon sa ibaba ang mga salitang aangkop sa
bawat pahayag. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Umisip ng paksang gagamitin sa ________ ng sariling alamat.


2. Isaalang-alang ang mga ________ sa pagbuo ng alamat. Itala ang
mga magiging suliranin at aral na makukuha sa gagawin mong
alamat.
3. Mag-isip ng mga ________ kung papaano mailalahad ang
mensahe at aral ng gagawing alamat.
4. Gamitin ang talento sa pagiging ________ at pagguhit o
pagdidisenyo.
5. Paganahin ang ________ at simulan na ang pagsulat ng alamat.

pagbuo malikhaing imahinasyon

malikhain sitwasyon

elemento tauhan
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Elektroniko:

https://brainly.ph/question/154250
https://www.scribd.com/document/437055864/Rubric-sa-
pagsulat-ng-alamat
https://player.quizalize.com/quiz/49e5356f-f9bf-4568-8d0e-
f400a8c32b64
https://mgabayani.ph/bantas/
https://www.netclipart.com/isee/iTohRTb_pen-and-paper-animation-
clipart-png-download-animated/
https://www.123rf.com/clipartvector/heart_and_mind.html?sti
=lem1mosmjk1c5wzt80|&mediapopup=43127813
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/old-open-
book-vector-2755609

Aklat/Modyul:

K+12 Modyul sa Filipino

You might also like