You are on page 1of 4

Department of Education Division of Quezon

Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Kuwebang Lampas sa Puting Buhangin

Rita V. Villena

Talipan National High School

Kamangha-mangha ang malaparaisong dalampasigan na matatagpuan sa Isla


Grande. Sakop ito ng Barangay Polo sa bayan ng Pagbilao. Kahanga-hanga ang
iba’t ibang hugis, at porma ng mga bato rito. Ito’y tila inihanay, inayos at hinulma ng
mga alon nang matagal na panahon. “Puting Buhangin” kung ito’y tawagin
sapagkat nalalatagan ito ng mga pino at mapuputing buhangin. Sa malakristal na
tubig nito, masasalamin ang mga nakabibighaning korales. Nakaaaliw ring
pagmasdan ang mga isdang lumalangoy. Sa bahaging dulong kanan ng isla kung
nakaharap sa dagat, matatagpuan ang isang maliit na kuweba. May lagusan ito na
bubulaga sa malawak na bahagi ng dagat. Ang tubig sa loob nito ay maligamgam
na tila galing sa bukal. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong Kuwebang Lampas.

Ayon sa mga naninirahan dito, dati itong tinatawag na Lukang Beach. Isang
Tsinong negosyante na naninirahan sa Lucena ang dating nagmamay-ari nito.
Kalaunan, ang pagmamay-ari at pamamalakad nito ay nalipat sa pamahalaang lokal
ng Pagbilao.

Patuloy na nakikilala at lumilikha ng kasaysayan ang Kuwebang Lampas hindi


lamang sa Quezon. Patunay rito ang pagdagsa ng mga turista, lokal man o dayuhan
na nagnanais na masilayan ito. Dagdag pa rito ang mga larawan, komento at
karanasang ibinabahagi sa social media.

Kaya nga, ang Kuwebang Lampas na higit pang pinalulutang ang likas na
ganda sa ibabaw ng Puting Buhangin ay magiging pinto’t lagusan upang higit pang
makilala ang Pagbilao!

1
Department of Education Division of Quezon
Sanggunian: Baitang: 10
htpps://www.tripadvisory.com.ph>…
>Pagbilao>Things To Do in Pagbilao Bilang ng mga salita: 234
shoestringtravelers.com/?q=node/52

Mga Tanong:
(Literal)
1. Saang bayan sa sa lalawigan ng Quezon matatagpuan ang Kuwebang Lampas?
A. Isla Grande C. Pagbilao
B. Lucena D. Polo
2. Saan maihahambing ang tubig sa nabanggit na dagat?
A. isda C. kristal
B. korales D. salamin
3. Sino ang dating nagmamay-ari ng isla ayon sa mga taong naninirahan dito?
A. isang Hapon C. isang katutubo
B. isang Kastila D. isang Tsino
4. Ano ang dating tawag sa nabanggit na isla?
A. Isla Grande C. Lukang Beach
B. Isla Polo D. Puting Buhangin
(Panghihinuha)
5. Paano nagkaroon ng hugis at porma ang mga naglalakihang bato sa
dalampasigan?
A. dahil sa tagal ng panahon C. dahil sa mga tao
B. dahil sa hampas ng alon D. dahil sa pagbangga ng mga bangka
6. Bakit patuloy na nakikilala ang Kuwebang Lampas hindi lamang sa Quezon
pati na rin sa buong bansa?
A. dahil sa likas na ganda nito
B. dahil pinamamahalaan ng pamahalaan
C. dahil sa pagdagsa ng mga turista
D. dahil sa social media

7. Alin ang pinaniniwalaang dahilan ng maligamgam na tubig sa loob ng


kuweba?
A. Dulot ito ng paghibas ng tubig. C. Hindi ito nasisinagan ng araw.

2
Department of Education Division of Quezon
B. Dulot ito ng pagtaib ng tubig. D. Nagmula ito sa bukal.
(Kritikal)
8. Ano ang nais ipakahulugan ng may-akda sa pahayag na “ang Kuwebang
Lampas ay magiging pinto’t lagusan upang higit pang makilala ang
Pagbilao”.
A. Ang Kuwebang Lampas ay daan upang gumanda ang bayan ng Pagbilao.
B. Ang Kuwebang Lampas ay makatutulong sa pag-unlad ng bayan ng
Pagbilao.
C. Ang Kuwebang Lampas ay daan upang umangat ang turismo sa Pagbilao,
D. Ang Kuwebang Lampas ay yaman ng bayan ng Pagbilao.
9. Saang bahagi ng teksto inilarawan ang Kuwebang Lampas?
A. simula C. wakas
B. gitna D. gitna at wakas
10. Alin ang paksang pangungusap sa akda?
A. Ito ang dahilan kung bakit nakilala ito bilang Kuwebang Lampas.
B. Patuloy na nakikilala at lumilikha ng kasaysayan ang Kuwebang Lampas
hindi lamang sa Quezon.
C. Kaya nga, ang Kuwebang Lampas na higit pang pinalulutang ang likas
na ganda sa ibabaw ng Puting Buhangin ay magiging pinto’t lagusan
upang higit pang makilala ang Pagbilao!
D. Kuwebang Lampas sa Puting Buhangin

3
Department of Education Division of Quezon
Susi sa Pagwawasto:

1. C

2. C

3. D

4. C

5. B

6. D

7. D

8. C

9. A

10. B

You might also like