You are on page 1of 8

Detalyadong aralin sa Hekasi III

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang……

A. Makailala ng iba’t-ibang anyong tubig.


B. Magpakita ng pagpahalaga sa mga anyung-tubig sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iwas
sa pagtapon ng basura ditto.
C. Makabuo ng tulo tungkol sa mga anyong tubig.

II. Paksang Aralin

Paksa : Mga anyong tubig


Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 75-85
Kagamitan: plaskard, mga larawan, at activity kards

Balyu: Pagpapahalaga

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


(Jinelle Sorongon)

A. Panimulang Gawain

1.Pagbati

Magandang umaga grade 3! Magandang umaga ma’am Jinelle!

2.Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating


panalangin.

Salamat! Maupo ang lahat. Wala po!


May liban basa klase?

3.Pagsasanay

Ngayon mga bata meron akong mga ibat-


ibang salita na ipapakita ko at basahin ito
ng sabay sabay.

Maliwanag ba? Opo!

KARAGATAN Karagatan
DAGAT Dagat
TALON Talon
ILOG Ilog
SAPA Sapa
BUKAL Bukal
GOLPO Golpo
LOOK Look
LAWA Lawa
KIPOT Kipot

Salamat! Mahusay!
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Mga bata may hinanda akong video sa inyo.


Ibigay ang inyong atensyon.

Maliwanag ba mga bata? Maliwanag po!

Batay sa inyong napanood anu yung nakita nyo? Nakita ko po yung magandang talon, malawak na
karagatan, at bukal.

Tama! Anu pa? Meron ding ilog, lawa, sapa, kipot,at look.

Tama! Salamat sa sagot nyo!

Anu-ano yong inyong napuntahan? Ilog po!

Anu yong ginawa mo? Naligo po kami.

Salamat! Alam nio ba kung anu ang tawag sa


kanila?

_______ anu ang tawag sa kanila? Mga anyong-tubig

Tama! Magaling!

2. Paglalahad

Ok mga bata, ngayong umaga ang ating


paksang aralin ay tungkol sa anyong-tubig.

(Katherine Cario)

3. Pangkatang Gawain

Bago tayo magsimula sa ating talakayan meron


muna tayong pangkatang gawain.Papangkatin
ko kayo sa dalawa yung sa kanan ang unang
pangkat at sa kaliwa naman ang pangalawang
pangkat.
Bawat pangkat ay pumili ng isang pangulo, isang
taga-sulat at isang taga-ulat.Bibigyan ko kayo
nang anim na minuto upang inyong trabahuhin.
At pagtapos na kayo, idikit nyo ito sa pisara.

Maliwanag ba mga bata? Maliwanag po!

May mga tanong ba kayo? Wala po!

Ang inyong oras ang mag uumpisa na!


PANGKATANG GAWAIN:

Unang pangkat:
Panuto:
Kilalanin ang mga larawan ng
anyong tubig at I-ugnay ang
hanay A sa hanay B.
A B
 BUKAL

 DAGAT

 ILOG

 KARAGATAN

 TALON

Pangalawang pangkat:
Panuto:
Kilalanin at tukuyin kung
anong anyong tubig
inilalarawan. Idikit ang
larawang nababagay dito.

 ito ay maliit na anyong-tubig at


kadalasang natutuyo kapag tag-init.
 Isang uri ng anyong tubig na maaring
tubig-alat o tubig-tabang na napalilibutan
ng lupa
 bahagi ito ng dagat, ang tawag sa
malalaking look.
 isang makitid na daang-tubig na nag-
uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan.
 anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng
mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat
nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
(Helen de la cruz, Razel Mediado)

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagtatalakay

Salamat mga bata! Bago natin kilalanin ang iba’t- Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at
ibang uri ng anyong tubig sa inyong palagay hugis ng tubig.
anu ang kahulugan ng anyong-tubig?

Salamat! Magaling!

My iba’t- ibang anyong tubig sa ating mundo ang


una ay ang karagatan.
Ang karagatan ay isang anyong tubig na
Sa inyong palagay anu ang kahulugan ng
pinakamalawak at pinakamalalim na tubig.
karagatan?

Tama! Ang karagatan ay pinakamalawak na


anyong tubig. Salamat sa iyong sagot!

maalat ba ang tubig nito? Opo!

Tama!

Sa karagatan din dumadaan yong malalaking


barko, dito din tayo makakakuha ng malalaking
isda.

At ang pinakamalaking karagatan ng ating


mundo ay ang karagatang pasipiko.

Pangalawa ay ang dagat, anu ang kahulugan ng Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan.
dagat?

Tama! Ang dagat ay mas maliit kaysa karagatan,


maalat din ang tubig nito.
Pinagkukunan din ito ng yaman dagat tulad ng
mga tahong, isda.
Opo!
Pumupunta ba kayo sa dagat?
Ang talon ay isang anyong tubig na nagmumula
Ang pangatlo ay talon, anu ang kahulugan ng sa mataas na lugar at bumabagsak pababa.
talon?

Tama! Mahusay!

ang bayan ng Binalbagan may pinagmamalaki Opo!


talon at ito yung Bambi falls? Pamilyar ba sa
inyo ang bambi falls?

Saan ito matatagpuan? Sa brgy. Biao


Tama! At ang tubig nito ay tabang.

Ang pang apat ay ilog!

Sino ang makapagbigay ng kahulugan ng ilog?

Tama! Ang tubig nito ay tabang pag sinabing Ang ilog ay mahabang anyong tubig na
tabang anu ibig sabihin nito? karaniwang umaagos papunta sa dagat.
Hindi maalat!
Tama!

At ang pinakamahabang ilog sa pilipinas ay ang


ilog Cagayan.

Pang limang anyong-tubig ay ang bukal. Pag


sinabing bukal anu ang kahulugan nito? Ang Bukal ay isang anyong tubig na karaniwang
nagmumula sa ilalim ng lupa at bumubulwak
Tama! Salamat! paitaas.

Ang bukal ay kadalasang matatagpuan natin sa


mga lugar na malapit sa bulkan. At ang tubig nito
ay nagpapagaling ng ibat-ibang sakit.

Tingnan natin kung tama ang sagot ng unang


pangkat.

Tama ba? Opo!

Bigyan natin ng limang bagsak ang unang


pangkat.

Pang anim ay ang sapa. Anu ang kahulugan ng Ang sapa ay isang maliit na anyong tubig at
sapa? kadalasang natutuyo kapag tag init..

Tama! Tabang din ang tubig nito. Dito din tayo


makakita ng talangka sa mga ilalim ng bato.

Sino sa inyo nakakilala ng talngka? Ako po!


Magaling!
Pang pitong anyong tubig ay ang golpo. Ang golpo ay ang anyong tubig na mas malaki
Anu ang kahulugan ng golpo? kaysa look.

Tama! Mahusay! Ang golpo din ay malapit sa


kalupaan kaya hindi gaanong malalim. Maalat
din ang tubig nito.

Naiintindihan ba? Opo!

Pang walo ay ang look. Ito yung anyong tubig na


karugtong ng dagat na malapit sa kalupaan at
nagsisilbi itong daungan ng mga barko at
sakayang dagat. Maalat din ang tubig nito.

Ang isang magandang halimbawa nito ay ang


look ng laguna dahil ito ay dinadayo ng mga
foreigner.

At ang pang syam na anyong tubig ay ang lawa

Anu ang kahulugan ng lawa? Ang lawa ay isang anyong tubig na pinalilibutan
ng lupa.
Tama! Salamat!

Ang isang magandang halimbawa nito ay lawa


ng Taal.

Maalat din ang tubig nito.


Ang panghuling anyong tubig ay ang kipot.

Anu ang kahulugan ng kipot? Ang kipot ay isang makitid na lagusan ng tubig
sa pagitan ng dalawang mga pulo.

Tama! Magaling!
Tama ba ang sagot ng pangalawang pangkat? Opo!

May mga katanungan sa atin aralin? Wala po!


Bigay natin ng limang bagsak.

2. Paglalahat

Matapos natin talakayin ang ating aralin anu Natutunan kop o ang tungkol sa anyong tubig.
yong natutunan ninyo?

Anu nga ang kahulugan ng anyong tubig? Ang anyong tubig ay ang ibat-ibang anyo at
hugis ng tubig.
Tama! Mahusay!

Anu-ano naman ang ibat- ibang anyong tubig? Ang ibat ibang anyong tubig ay karagatan, dagat,
talon, ilog, bukal, sapa, golpo, look, lawa, at
kipot.
Magaling! Bigyan ng limang bagsak.

Anu ang dalawang klasipikasyon ng tubig? Tubig tabang at maalat.

Salamat! Mahusay mga bata.

(Wency Mae Guilaran)


3. Pagpapahalaga

Ngayon nakilalal na natin ang ibat-ibang anyong Ang mangyayari sa ating mga tao pati na rin sa
tubig . ano kaya ang mangyayari sa mga tao, mga halaman at hayop kung sila ay masisira ay
hayop at halaman at kapaligiran kung wala itong wala na tayong mapagkukunan ng mga yaman
mga anyong tubig? tubig dahil sila ri ay mamamatay.

Tama! Tayo ay mamatay pati na rin ang mga


hayop at mga halaman sa ating kapaligiran.

Nagtitipid ba kayo ng tubig sa inyo Opo!

Paano? Sa pamamagitan ng paggamit ng baso habang


nagtotoothbrush.

isara mabuti ang gripo para hindi masayang yung


tubig.

Tama! Anu pa? Ang tubig na panghuling banlaw iniipon naming


para e pang flash sa banyo.

Tama! Mahusay ang iyong ginagawa ipagpatuloy


lang yan.

Bilang mag-aaral anu-ano ang mga hakbang na Bilang mag-aaral ang hakbang na aming
inyong gagawin upang ito ay gagawin para mapangangalagaan ang mga
mapangangalagaan? anyong tubig ay huwag silang tapunan ng
basura, gagamitin sila sa wastong paraan at
huwag silang aksayahin.
Tama! Kaya mga bata, dapat nating silang
pangangalagaan at pahalalagahan dahil sila ay
biyaya ng maykapal at sila ay pinagkukunan
natin ng ating pagkain araw-araw tulad n gating
mga yamang tubig na isda, kabibe, perlas, at
marami pang iba. Gamitin natin sila sa wasto
paraan upang mapakinabangan rin ito ng mga
susunod na mga henerasyon.
Ang tubig rin ang syang nagbibigay buhay sa
lahat ng mga nilikha ng panginoon.

Maliwanag ba mga bata? Opo! Maliwanag po!

Salamat!

(Amielyn Baylon)

IV. Paglalapat

Kumuha kayo ng kalahating papel at bibigyan ko


kayo ng pagsusulit.
Makinig ng mabuti sa mga tanong at ito ay
uulitin ko ng isang beses. Tingnan lamang ang
inyong papel at kung sino ang mahuli kung
tumitingin sa papel ng kanyang katabi ay
mamarkahan kong zero.

Maliwanag ba mga bata? Maliwanag po!


Test 1.
Magaling! Panuto: ibigay ang tamang sagot.
1. isang anyong tubig na pinakamalawak at
pinakamalalim na tubig
2. isang makitid na lagusan ng tubig sa
pagitan ng dalawang mga pulo.
3. mahabang anyong tubig na karaniwang
umaagos papunta sa dagat.
4. isang anyong tubig na pinalilibutan ng
lupa.
5. mas maliit kaysa karagatan.
6. isang anyong tubig na nagmumula sa
mataas na lugar at bumabagsak pababa.
7. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa
pilipinas.
8. Ito ay ang ibat-ibang anyo at hugis ng
tubig.
9. Ito ay ang anyong tubig na mas malaki
kaysa look.
10. isang maliit na anyong tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag init..
Test 2.
1-5 mag bigay ng limang anyong tubig.

Tapos na? magpalit nang papel sa katabi. Maliwanag po!


Ayosin ang pagkokorek maliwanag?

V. Tandang Aralin

Gumawa ng tula tungkol sa pangangalaga


sa mga anyong-tubig.

You might also like