You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

City of Taguig
Taguig City University
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

College of Education

I. Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. masasabi ang katangian ng iba’t ibang anyong tubig;
b. malalaman kung paano pangalagaan ang anyong tubig; at
c. matututo kung paano pahalagahan ang yaman ng anyong tubig.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga anyong tubig
Mga kagamitan: laptop, prodyektor, mga larawan ng anyong tubig at tsart ng activity
Sangunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 75-82
Balyu: Pagpapahalaga

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtetsek ng liban at hindi liban, pagsasaayos ng silid paaralan.
4. Pagganyak
Ang mag-aaral ay papasayawin at papaawitin ng guro “Tulad ng Pag-ibig sa Batis”
5. Balik-aral
B. Panglinang na gawain
Ang guro ay mag papakita ng larawan ng anyong tubig at ipapakwento sa mga bata ang
karanasan nila sa paliligo sa dagat, batis, talon at ilog. At itatanong kung ano ang lasa ng
tubig sa dagat, ilog, batis at talon.
C. Paglalahad
Ang guro ay may ipapanuod ng video tungkol sa anyong tubig
Pamagat : “Iba’t ibang uri ng anyong tubig”

Iba’t ibang uri ng anyong tubig


Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong tubig na mas maliit kaysa sa karagatan. Maalat
ang tubig ng dagat sapagkat karugtong ito ng karagatan.

Ilog -Ang ilog ay isang mabaha at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa dagat.
Matabang ang tubig dito. Nag mula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok

Lawa - Ang lawa ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang at hindi
umaagos ang tubig sa lawa. Mga tabang isda ang makukuha rito

Bukal- Ang bukal ay isang anyong tubig na nag mula sa lupa. Madalas na natatagpuan ito sa
lugar na may bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal,
samantalang mainit naman ang tubig ng bukas na malapiy sa bulkan

Sapa - Ang sapa ay isang maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag init. Ito
din ay isang anyong tubig na dumadaloy.

Talon - Ang talon ay isang matirik na pahabang anyong tubig . Ito ay bahagi ng ilog o sapa
na mabilis na bumabagsak mula sa mataas na lugar.

Batis - Ang batis ay isang ilug ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig. Ito ay tubig
tabang na mas maliit at mababaw kaysa ilog.

Karagatan – Ang karagatan ay pinakamalawak na anyong tubig . Pinagkukunan ito ng iba’t


ibang isda tulad ng tuna. Makikita sa dakong kanan ng Pilipinas.
D. Paglalahat
Anu ano ang mga uri ng anyong tubig na makikita sa Pilipinas?

Ang guro ay mag papakanta ng isang awitin na may pamagat na “Anyong tubig”
Anyong Tubig
(Ang tono ay kagaya ng may tatlong bibe)

May anyong tubig akong nakita


maganda, malawak, anyong tubig
ngunit lahat sila’y talagang magaganda
sila ang dapat, sapa at lawa
at lawa, ang anyong tubig sa pilipinas
(ulitin ng apat na beses)

E. Paglalapat
Ang mag aaral ay hahatiin sa dalawang grupo. At ang bawat grupo ay bibigyan ng tig-
iisang malaking sobre, kalakip nito ang putol putol na larawan ng anyong tubig na makikita
sa pilipinas ito ay kanilang bubuuin at pagkatapos ay ididikit sa pisara at kanilang
ipapaliwanag.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.
____________1. Isang anyong tubig na pinakamalawak at pinakamalim na tubig.
____________2. Mas maliit kaysa karagatan
____________3. Isang maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag init.
____________4. Isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupa.
____________5. Isang anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar at bumabagsak pababa.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang album at idikit ang iba’t ibang uri ng anyong tubig.

You might also like