You are on page 1of 6

Balangkas ng Gabay sa Pagtuturo Filipino 7

Panuruang Taon 2017-2018

Ikalawang Markahan

Aralin 1

Panitikan : Mga Bulong at Awiting-Bayan ng Visayas

Gramatika : Antas ng wika batay sa pormalidad

Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga bulong at awiting-bayan mula sa


Kabisayaan

Mga Pokus na Tanong

• Paano nakatutulong ang mga bulong at awiting-bayan sa ating pamumuhay bilang Pilipino?

• Bakit mahalagang alam natin ang antas ng wika batay sa pormalidad?

Mahalagang Konsepto

• Ang mga bulong at awiting-bayan bilang mga karunungang-bayan ay nakatutulong sa


pamamagitan ng pagpapakilala ng ating kultura,tradisyon,paniniwala at pananampalataya bilang isang
bansa.

• Mahalagang alam natin ang antas ng wika batay sa pormalidad nang maiangkop natin ang mga
salitang ating gagamitin sa pagsasalita at pagsulat natin.

Inaasahang Pagganap

Ang mga mag-aaral nakasusulat ng sariling bersiyon ng isang awiting-bayan sa lugar gamit ang
wika ng kabataan

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa Napakinggan

Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at awiting-bayan

Pag-unawa sa binasa

Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na

sumasailalim sa tradisyon ng mga taga Bisaya

Paglinang ng Talasalitaan

Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring nakaugalian sa

Isang lugar

Panonood

Nasusuri ang mensahe sa napanood sa pagtatanghal

Pagsulat

Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting-bayan sa sariling lugar gamit ang wika ng

kabataan

Wika at Gramatika

Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan

(balbal,kolokyal,lalawiganin,pormal)
Estratehiya sa Pag-aaral

Nalilikom ang angkop na pagkukunan ng mga impormasyon upang mapagtibay ang mga

Paninindigan mabigyang-bisa ang mga paniniwala at makabuo ng sariling kongklusyon

TUKLASIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang awiting-bayan

B. Nailalahad ang kultura’t tradisyon na masasalamin sa awiting-bayang napakinggan

C. Naisasagawa ang mga pangkatang gawain

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

1. Pagpaparinig ng awiting Lawiswis Kawayan

Tanong:

• Tungkol saan ang awiting napakinggan?

• Ano ang kaisipang nais iparating ng awiting napakinggan?

• Iugnay ang kaisipang nakuha sa awitin sa inyong pagkatao

B. Pangkatang Gawain

Gawain 1

Ihanay ang kultura’t tradisyong masasalamin sa awiting baying napakinggan

Pamagat ng
Awiting-Bayan Kultura Tradisyon

Lawiswis
Kawayan

Gawain 2

Magsagawa ng isang pagtatalo tungkol sa ideyang nakapaloob sa awiting napakinggan

Gawain 3

Pumili ng isang awiting naglalaman ng kaisipan,kultura at tradisyon ng ating bansa.

Ipaawit ito sa klase at suriin.

C. Sintesis

Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng kaisipan.

Natuklasan ko ____________________.

Nalaman ko na ____________________.

III. Takda

Sumulat ng sariling bersyon ng isang awaiting-bayan sa inyong lugar


LINANGIN ( Unang sesyon )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Naiuugnay nag konotatibong kahulugan ng saliva sa mga pangyayaring nakaugalian sa

lugar

B. Naibibigay ang sariling opinion at kuru-kuru hinggil sa paksang tinalakay

C. nasusuri ang binasang Aida

II.Proseso ng Pagkatuto

A.Panimulang Gawain

May alam ka bang awiting-bayan? Isulat ito sa kahon sa ibaba.

Sagutin:

1. Anong damdamin ang naramdaman mo habang inaawit ang awiting bayan?


2. Tungkol saan ang awiting bayan?
3. Bakit mahalagang hindi makalimutan at patuloy na awitin an gating awiting bayan?

B. Paglinang ng Talasalitaan

Ilang salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas nitong salitang
Tagalog. Makilala mo kaya ang salitang katumbas ng bawat isa? Piliin at bilugan ang iyong sagot.

1. Dala ang kanyang lambat si Mang Dante ay sumakay sa kanyang Bangka at puamlaot.
Siya ay namasyal. Ang namasyal ay
a. lumangoy b. naligo c. nangisda
2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na magbalon para hindi gutumin. Ang
magbalon ay
a. magkulay ng balon b. magbaon c. magsaing
3. Ang mga huli niya ay ginibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang guibaligya ay
a. ipinagbili b. ipinagdamot c. ipinadala
4. Nagluto siya ng sinigang. Gusting-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom. Ang aslom ay
a. init b.asim c. pait
5. Giangawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang gihigugma. Ang gihigugma ay
a. minamahal b. hinihintay c. binabantayan

C. Pagbasa ng Akda

Ilang Awiting Bayan ng Kabisayaan

D. Pagtalakay sa Akda

1. Alin-alin sa mga awiting bayan ng kabisayaan ang nasabayan mo?


2. Anong damdamin ang naidulot nito sa iyo?

E. Sintesis

Ilahad ang iyong natutuhan sa araling tinalakay sa pamamagitan ng 321 tsart.


3 – Tatlong natutuhan sa aralin
2 – dalawang bagay na pumukaw sa iyong interes sa aralin
1 – isang tanong na sa tingin ay bibigyan ng pokus sa aralin.
III. Takda
Magsaliksik sa antas ng wika

LINANGIN (IKALAWANG SESYON)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting bayan
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting bayan
(balbal, kolokyal, lalawiganin at pormal)

II. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

Iparinig sa mag-aaral ang awiting bayan na kundiman. Pagkatapos ay ipabigay ang


kanilang interpretasyon. Maaari itong
a. story telling
b. pagsasayaw
c. pagsulat ng islogan

B. Pagtalakay sa Aralin
Ano ang awiting bayan?

C. Pag-iinput ng Guro

D. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : Alamin ang mga konseptong inilahad ng mga awiting bayan na inyong
nabasa. Gamitin ang talahanayan.

Ako’y pobreng
Awiting bayan Awiting kalikasan Dandansoy An tamsi ang ibon
alindawan
Konsepto

Pangkat 2 : Sa pamamagitan ng Concept Map Parade isa-isahin ang mga tradisyon ng


mga Bisaya na tinatalakay sa awiting baying binasa.

Pangkat 3 : Sa tulong ng View Point, magbigay ng isang argumento o paniniwala sa mga


tradisyon ng mga Bisaya ayon sa inilahad ng awiting baying binasa.

E. Sintesis

Pagawan ng angkop na pahayag ang patlang.

Panata ko……..

III. Takda

Magsaliksik ng mga awiting bayan

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal


 Nalalapatan ng makabagong tono ang mga awiting bayan na nasaliksik
 Napahahalagahan ang mga awiting bayan bilang isang uri ng karunungang bayan

II. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

1. Pumili ng mag-aaral na magaling umawit. Ipatanghal sa mag-aaral ang awiting baying


napili niya. (maaaring tatlo, o higit pang mag-aaral ang magtatanghal)
2. Ibigay ang mensahe ng mga awiting-bayan na itinanghal at ipasuri ito. Gamitin ang Data
Retrival Chart

Mensahe ng awiting bayan Patunay Pananaw

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : sa tulong ng RAP SONG, ilahad ang kahalagahan ng awiting bayan na


pagpapayaman n gating kultura’t tradisyon.

Pangkat 2 : sa pamamagitan ng Panel Discussion, talakayin ang kahalagahan ng wika ng


kabataan sa pagbuo ng awiting-bayan

Pangkat 3 : sumulat ng isang editorial tungkol sa pagpapanatiling buhay an gating awiting


bayan bilang bahagi ng kalinangang Pilipino.

C. Sintesis

Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:


1. Paano nakatutulong ang mga bulong at awiting bayan sa ating pamumuhay bilang
Pilipino?
2. Bakit mahalagang alam natin ang antas ng wika batay sa pormalidad?

III. TAKDA

Gumawa ng sariling bersyon ng isang awiting bayan sa sariling lugar gamit ang wika ng
kabataan.

ILIPAT

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 Naisusulat ang sariling bersyon ng isang awiting-bayan sa sariling lugar gamit ang wika ng
kabataan

II. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

Magparinig ng isang awit ng kabataan (alinman sa napapanahong awit nila o popular sa


kasalukuyan). Ipasagot sa mag-aaral ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang mensahe ng awiting napakinggan?


2. Ano ang iyong pananaw sa mensaheng inilahad ng awiting inyong napakinggan?
3. Paghambingin ang awiting-bayan noon at mga awitin sa kasalukuyan. Gamitin ang
T-Chart
Awiting-bayan Aspeto Awitin sa Kasalukuyan
A

B. Pagbibigay ng Sitwasyon

1. Itala ang mga wikang karaniwang ginagamit ng kabataan. Gamitin ang


dugtungang pagbuo ng awiting bayan batay sa paksa.
2. Ipasulat sa mag-aaral ang sariling bersiyon ng isang awiting-bayan sa sariling
lugar gamit ang wika ng kabataan.

C. Sintesis

Pagdugtungin ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang kaisipan.

a. nabatid kong _______


b. napatunayan kong ________
c. naniniwala akong _______

III. TAKDA

Basahin ang tekstong “Alamat ng Bundok Kanlaon”

You might also like