You are on page 1of 9

Unang Markahan – Modyul 1:

Week 1
Pagkilala sa Sarili
Panimulang Salita

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Pagkilala sa Sarili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Paalala:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang mga pagsasanay bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik sa guro o tagapagpadaloy ang ebalwasiyon na bahagi ng modyul. Wag


kalimutang isulat ang iyong pangalan.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Layunin:

Sa pagtatapos ng Modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang lubos na nakikila ang sariling:

• gusto
• interes
•potensyal
• kahinaan
• damdamin/ emosyon

Konsepto:

Gaano mo nga ba kakilala ang iyong sarili? Sa arawaraw na iyong buhay mula ng ikaw ay
nagkamulat sa mundong ito, lubos mo na nga bang kilala ang iyong sarili?

Ang pagkilala sa sarili ay napakahalagang bagay na dapat mong taglay. Dahil dito mas
nalalaman mo ang mga bagay na iyong gusto at kinahihiligang gawin. Sa pagkilala sa sarili,
malalaman mo rin ang mga bagay na kaya at hindi mo kayang gawin. Dito mo makikita ang
mga dapat mong paunlarin para sa iyong sarili.

Talakayin :

Ang bawat isa sa atin ay espesyal o natatangi. Bawat isa ay

may kayang gawin na maaaring hindi kaya ng iba. May mga

taong magaling gumuhit at may mga taong magaling

sumulat . Ang iba ay magaling umawit habang ang iba naman

ay magaling sumayaw. Mahalaga malaman an gating

natatanging kakayahan o talento. Makatutulong ito upang

mas maunawaan natin an gating sarili.

Maganda sa pahiramdam ang malaman na tayo ay may


Pagsasanay 1

Panuto: Tingnan natatanging


ang mga larawangalling
sa ibaba.sa paggawa
Ano ng isang
ang ginagawa ng mgabagy. Dahil dito nais
bata? Kulayan
ang larawan ng mga batang nagpapakita ng kakayahang katulad ng kakayahan mo.
nating mapaghusay pa lalo ang ating mga natatanging

kakayahan at talento.
Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba . Alamin kung paano natuklasan ni Kate ang
kaniyang talento sa pagsayaw.

“Kayang Sumayaw ni Kate”


Ni Nenita Impreso de Vera

Noon pa man ay nais na ni Kate ang matutung sumayaw.Ngunit, hindi niya alam kung
kaya niya itong gawin. Alam niyang mahusay siya sa pagbilang at kakayahan din siyang
Isang araw, nagpasiya si Kate na subukang sumayaw.Nagsanay siya sa loob ng
tumakbo nang matulin. Ngunit, hindi siya sigurado kung may kakayahan din siya sa pagsayaw.
kaniyang silid.Nakita siya ng kaniyang ina.” Saan ka natutong sumayaw , Kate?”, tanong ng
kaniyang
Angina.
ilan sa mga kaibigan ni Kate ay nag-aaral ng pagsayaw tuwing Sabado. Nais din
sana niyang sumali sa kanila. Pinapanood ni Kate ang kaniyang mga kaibigan sa palaruan sa
“Pinapanood kop o lagi ang aking mga kaibigan tuwing sila ay nag eensayo. Ano po
tuwing sila ay nageensayo sa pagsayaw.
ang masasabi niyo sa pagsayaw ko Nanay? “, nahihiyang tanong ni Kate.

“Alam mo anak , mahusay kang sumayaw! Napakahusay ng iyong talento sa pagsayaw”,


nakangiting sabi ng kaniyang ina.

“ Maraming salamat po , Nanay! Gusto ko pong lalo pang maging mahusay,” sagot ni
Kate.

“Sasamahan kita sa tuwing ikaw ay mag-eensayo kasama ng iyong mga kaibigan,” sagot
naman ng kaniyang ina.
Ginawa ni Kate ang lahat ng kaniyang makakaya upang lalo pang maging mahusay sa
pagsayaw. Hindi nagtagal,siya ay napabilang sa pangkat ng mga mananayaw sa kanilang
paralan..Sumali ang kanilang pangkat sa paligsahan. Sumayaw siya nang mahusay hanang
nanonood ang kaniyang pamilya .Ang kanilang pangkat ang nanalo sa paligsahan. Lubos ang
pasaalamat ni Kate sa kaniyang ina na tumulong sa kaniya na matuklasan ang kaniyang
talento sa pagsayaw.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong kakayahan ang gusto mong matutuhan?

_____________________________________________________________________
2. Bukod sa pagsasayaw , ano-ano pa ang kayang gawin nang mahusay ni Kate?

_____________________________________________________________________

3. Paano natuklasan ni Kate ang kahusayan niya sa pagsayaw?

_____________________________________________________________________

4. Ano ang naramdaman ni Kate nang payagan siya ng kaniyang ina na mag-aral ng
pagsayaw?

_____________________________________________________________________

5. Nais mo bang ipakita sa iba ang iyong talento? Bakit?


Pagsasanay 3

Panuto: Tingnan ang mga larawang nagpapakita ng mga batang may iba’t-ibang talento.
Lagyan ( ) ang larawang nagpapakita ng talentong kaya mong gawin . Lagyan ng ekis (
X ) ang larawan na nagpapakita ng mga kakayahang nais mong matutuhan.

1. 6.

2. 7.
3. 8.

4. 9.

5. 10.

Pagtataya/Ebalwasyon

Pangalan:_________________________________________________________________

Antas: Grade 1-Zion

Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ikaw ay sumasang-ayon sa isinasaad sa bawat


pangungusap, at bituin( )kung hindi ka sumasang-ayon.

________1. Laging sumasali si Karen sa paligsahan kahit alam niyang mas mahusay
ang kanyang mga katunggali.

________2. Mahiyain si Ana kahit alam niyang siya ang pinakamahusay sa pagtula ay hindi
siya kusang sumasali.

________3. Kahit sanay na sa pagguhit, nakikinig pa rin nang mabuti si Rica sa payo ng
kanyang mga magulang tungkol sa mga paraan ng pagguhit.
________4. Hindi nagdadalawang-isip si Carlo na tulungan at turuan ang kanyang mga
kaklase pagdating sa pagtugtog ng gitara.

________5. Mahusay si Roy sa basketball ngunit kung minsan ay nagpapakita siya ng


kayabangan.

Panuto:

 Iguhit sa loob ng kahon ang limang (5) bagay na kaya mong gawin.
 Iguhit naman sa loob ng biluhaba ang limang (5) bagay na nais mong matutuhan.

KAYA KONG GAWIN!

NAIS KONG MATUTUNAN


Refleksiyon:

Panuto: Iguhit at kumpletuhin ang hinihinging impormasyon sa salamin sa ibaba na nahati sa


apat na bahagi.

Paborito ko ito Dito ako magaling

Ito ang lagi kong nararamdaman. Hindi ko ito alam.


Lahat ng mga bata ay may kani-kaniyang talento at kakayahan . Araw-araw ay
natutuko ako ng mga bagong kakayahan dahil mas nakikilala ko ang aking sarili at kung ano
ang mga nais kong gawin.

“Ako ay masayang maging ako dahil mayroon akong


espesyal na talento at kakayahan.”

You might also like