You are on page 1of 61

Gabay 1

Bagong Edisyon

PATNUBAY NG GURO
Angelita M. Esdicul
Awtor/Konsultant

Josefina DG. Sison


Koordineytor

Published and Distributed by:

PUBLISHER  •  BOOKSELLER

Since 1936

Main Visayas Mindanao


Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave. 2/F Cebu Holdings Center Abiva Bldg., 127 MacArthur Highway
1113 Quezon City Cebu Business Park, 6000 Cebu City Matina, 8000 Davao City
( (632) 8712-0245 to 49 • 8740-6603 ( (032) 231-5145 • 231-5197 ( (082) 297-2275 • 297-2263
6 (632) 8712-0486 6 (032) 231-5118 6 (082) 297-1291
* wecare@abiva.com.ph   * wecare@abiva.com.ph * wecare@abiva.com.ph

1
Karapatang-ari 2020
ng ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., 1113 Quezon City

Reserbado ang Lahat ng Karapatan

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring ilimbag ninuman sa


ano mang anyo at hugis, para ipamahagi o ipagbili, nang walang
nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

Inilimbag sa Pilipinas

ISBN 978-621-405-274-5 978-971-553-929-6

ii
Mga Nilalaman

Paunang Salita, v
Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin, vii

Yunit 1  Ako—Mabuting Kasapi ng Pamilya


Aralin 1 Gusto Namin Ito, Kaya Namin Ito!............................................ 1
Aralin 2 Gusto Kong Maging Isang Kimiko ........................................... 2
Aralin 3 Minsan Masaya, Minsan Malungkot ......................................... 3
Aralin 4 Kaarawan ni Lola Maria ............................................................ 4
Aralin 5 Hello! Magandang Umaga Po!................................................... 5
Aralin 6 Mga Gawing Pangkalusugan...................................................... 6
Aralin 7 Sarili Ko, Alaga Ko ................................................................... 6
Aralin 8 Sa Aming Tahanan ..................................................................... 7
Aralin 9 Masayang Sama-sama, Masayang Nagkakaisa ......................... 8
Aralin 10 Gaano Kadalas?.......................................................................... 9
Pag-uugnay.................................................................................................. 11
Lagumang Pagsusulit................................................................................... 11

Yunit 2  Ako—Magalang, Matapat, at Mapagmalasakit


Aralin 1 Mga Magulang Ko, Iginagalang Ko .......................................... 12
Aralin 2 Ang Ating mga Kasambahay...................................................... 13
Aralin 3 Kami sa Pamilya ........................................................................ 14
Aralin 4 Kumilos Tayo!............................................................................ 15
Aralin 5 Ugaling Magalang ..................................................................... 16
Aralin 6 Kilos at Salita, Nagpapakita ng Paggalang ................................ 17
Aralin 7 Lakbay-Aral ............................................................................... 18
Aralin 8 Nasaan si Fiona?......................................................................... 19
Aralin 9 Isang Paalala .............................................................................. 20
Aralin 10 Mahalagang Anunsiyo................................................................ 21
Aralin 11 Ako Naman!............................................................................... 22
Pag-uugnay.................................................................................................. 23
Lagumang Pagsusulit................................................................................... 23

Yunit 3  Ako—Mabuting Kasapi ng Tahanan, Paaralan,


at Pamayanan
Aralin 1 Tunay na Masunurin .................................................................. 24
Aralin 2 Ay, Nabasag ang Baso! .............................................................. 25
Aralin 3 Masaya at Maayos ang Aming Tahanan .................................... 26
Aralin 4 Susundin Ko, mga Tuntunin ng Paaralan................................... 27
Aralin 5 Karapatan Kong Maging Malusog ............................................ 28

iii
Aralin 6 Ang Karapatang Makapag-aral .................................................. 29
Aralin 7 Tagumpay ng Iba, Tagumpay Ko Rin! ...................................... 30
Aralin 8 Ipinagmamalaki Namin ............................................................. 31
Aralin 9 Mauna Na Po Kayo ................................................................... 32
Aralin 10 Kalinisan, Kaayusan, at Kalusugan ........................................... 33
Aralin 11 Paaralan Ko, Aalagaan Ko ......................................................... 34
Aralin 12 Maaari Pala! ............................................................................... 35
Pag-uugnay.................................................................................................. 36
Lagumang Pagsusulit................................................................................... 36

Yunit 4  Ako—Mapagmahal at Maka-Diyos


Aralin 1 Nadapa si Makki ........................................................................ 37
Aralin 2 Para sa Aming Lolo at Lola ....................................................... 38
Aralin 3 Ang Pagdarasal .......................................................................... 39
Aralin 4 Koro Muna Bago Laro ............................................................... 40
Aralin 5 Mahalagang Paalala ................................................................... 41
Aralin 6 Sa Isip, sa Salita, at sa Gawa ..................................................... 42
Aralin 7 Panginoon, Salamat Po .............................................................. 42
Aralin 8 Salamat, Panginoong Dakila ..................................................... 43
Aralin 9 Kasali Kami! .............................................................................. 44
Pag-uugnay.................................................................................................. 45
Lagumang Pagsusulit................................................................................... 45

iv
Paunang Salita

Ang Patnubay ng Guro para sa serye ng Gabay sa Pagpapakatao Baitang K–6


(Bagong Edisyon) ay inihanda para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Edukasyon
sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga araling inilahad sa serye ay alinsunod sa mga pamantayan
at kakayahan sa pagkatuto ng K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ang patnubay na ito ay magbibigay sa guro ng mga mungkahing estratehiya at
hakbang na tutulong sa paglinang ng mga kasanayan at pagpapahalaga sa bawat aralin.
Sa patnubay na ito ay inilatag ang bawat aralin sa sumusunod na mga bahagi:
• Paglulunsad ng Yunit (Layunin, Mga Kagamitan, Mga Gawain)
• Mga Aralin
– Pamagat ng Aralin
– Layunin/Mga Layunin
– Kagamitan/Mga Kagamitan
– Paksa
– Paghahanda/Pagganyak
– Paglilinang
– Pagtataya
– Takdang-Aralin
• Pag-uugnay (sa katapusan ng bawat yunit)
• Lagumang Pagsusulit (sa katapusan ng bawat yunit)
Sinikap ng may-akda na ilagay ang mga angkop na gawain sa bawat aralin upang
matiyak na malilinang ang mga layunin at maisabuhay ito ng mga mag-aaral.
May Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin upang makita ng guro ang kabuoan at
pagkakahanay ng mga kasanayan at pagpapahalaga na nakapaloob sa buong Worktext ng
Gabay sa Pagpapakatao Baitang K–6 (Bagong Edisyon).
Ang patnubay na ito ay gabay lamang at pantulong na materyal para sa guro.
Maaaring baguhin o dagdagan ang ilang bahagi, o gamitin ito nang walang pagbabago—
ang mahalaga ay maitugma ng guro ang kaniyang pagtuturo ayon sa pangangailangan at
kawilihan ng mga mag-aaral.
Ang May-akda

v
vi
Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin
Yunit 1  Ako—Mabuting Kasapi ng Pamilya

Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakikilala ang sariling gusto at Kuwento Pagbuo ng talahanayan MAPEH—mga gawaing
Gusto Namin Ito, interes Pagsusuri ng mga larawan Pagpapahayag ng desisyon pangkalusugan at pansining
Kaya Namin Ito! Pagsagot ng mga tanong
Paggawa ng desisyon

Aralin 2: • Nakikilala ang sariling Kuwento Pagbuo ng mga pangungusap MAPEH, Science—mga gawaing
Gusto Kong potensiyal at kahinaan Pagsagot ng mga tanong pangkalusugan
Maging Isang Paghihinuha
Kimiko Paggawa ng desisyon

Aralin 3: • Nakikilala ang sariling Kuwentong-larawan Pagbuo ng mga pangungusap MAPEH—sportsmanship


Minsan Masaya, damdamin o emosyon Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag ng iba’t ibang Filipino—pagbuo ng mga
Minsan Malungkot damdamin pangungusap

Aralin 4: • Naisasakilos ang sariling Kuwento Pagbuo ng pahayag Araling Panlipunan—pagsali sa


Kaarawan ni Lola kakayahan sa iba’t ibang Pagsagot ng mga tanong Pagbuo ng talahanayan mga programa ng pamayanan
Maria pamamaraan—pag-awit at Paggawa ng desisyon
pagsayaw

Aralin 5: • Naisasakilos ang sariling Komiks Pagpili sa mga gawaing madalas Filipino—pagbuo ng mga
Hello! Magandang kakayahan sa iba’t Pagsagot ng mga tanong ginagawa, ginagawa paminsan- pangungusap
Umaga Po! ibang pamamaraan— Pagsusuri ng mga larawan minsan, at hindi ginagawa
pakikipagtalastasan at iba pa

vii
Kaugnay na Kaisipan

viii
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 6: • Nakapaglalarawan ng iba’t Kuwento Pagpapahayag ng desisyon sa Science/Health—mga gawaing
Mga Gawing ibang gawain na maaaring Pagsagot ng mga tanong pamamagitan ng pagguhit o pangkalusugan, pagkaing
Pangkalusugan makasama o makabuti sa Paggawa ng desisyon pagdidikit ng mga larawan masusustansiya
kalusugan Filipino—pagsunod sa panuto
– Nakikilala ang iba’t ibang
gawain/paraan na maaaring
makasama o makabuti sa
kalusugan
– Nasasabi na nakatutulong
sa paglinang ng sariling
kakayahan ang wastong
pangangalaga sa sarili
Aralin 7: • Nakapagpapakita ng wastong Tula Paggawa ng pangako Mapeh—kalusugan
Sarili Ko, Alaga Ko pag-uugali sa pangangalaga sa Pagsagot ng mga tanong Pagbuo ng mga pangungusap Filipino—pagsunod sa panuto,
sarili Paghihinuha pagbuo ng mga pangungusap,
Paggawa ng desisyon at pagsagot sa mga tanong nang
pabigkas

Aralin 8: • Nakakikilala ng mga gawaing Tula Pagsagot ng mga tanong Araling Panlipunan—pakikilahok
Sa Aming Tahanan nagpapakita ng pagkakabuklod Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag sa pamamagitan ng sa mga gawaing pampamilya
ng pamilya tulad ng Pagpili ng mga tamang kilos pagguhit o pagdidikit ng mga tulad ng pagkain at pagdarasal
pagsasama-sama sa pagkain at Paggawa ng desisyon larawan nang sabay-sabay/sama-sama
pagdarasal
Aralin 9: • Nakakikilala ng mga Mga larawan Pagsagot ng mga tanong Araling Panlipunan—kahalagahan
Masayang Sama- gawaing nagpapakita ng Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag ng sagot sa ng pamilya
sama, Masayang pagkakabuklod ng pamilya Pagpili ng mga angkop na pamamagitan ng pagguhit o Filipino—pagbubuo ng kaisipan
Nagkakaisa tulad ng pamamasyal at larawan pagdidikit ng mga larawan pagsusulat
pagkukuwentuhan ng MapeH—pag-eehersisyo
masasayang pangyayari
• Nakapagpapahayag na tungo
sa pagkakaisa ang pagsasama-
sama ng pamilya
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 10: • Nakatutukoy ng mga kilos Kuwentong-larawan Pagsagot ng mga tanong Mapeh—pagguhit ng kaisipan
Gaano Kadalas? at gawain na nagpapakita ng Pagsagot ng mga tanong Paggawa ng desisyon Araling Panlipunan—pakikitungo
pagmamahal at pagmamalasakit Paghihinuha sa ibang kasapi ng pamilya
sa mga kasapi ng pamilya
Halimbawa: pagiging mabuti sa
kasambahay at pag-aalaga
sa nakababatang kapatid o
kapamilyang maysakit
Pag-uugnay • Naipakikita ang kakayahang
mapag-ugnay-ugnay ang mga
natutuhang mabuting pag-
uugali sa yunit

Yunit 2  Ako—Magalang, Matapat, at Mapagmalasakit


Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakapagpapakita ng Kuwento Pagguhit o pagdidikit ng mga Filipino—pagsagot nang pabigkas
Mga Magulang Ko, pagmamahal at paggalang sa Pagsagot ng mga tanong larawan na nagpapakita ng MaPeH—pagguhit ng ideya
Iginagalang Ko mga magulang Pagsusuri ng mga larawan pagmamahal at paggalang sa
Paggawa ng desisyon mga magulang

Aralin 2: • Nakatutukoy ng mga wastong Komiks Pagpili ng angkop na sagot Filipino—pagsagot nang pabigkas
Ang Ating mga paraan ng pakikitungo sa mga Pagsagot ng mga tanong MaPeH—pagguhit ng ideya
Kasambahay kasambahay Paggawa ng desisyon

Aralin 3: • Nakapagpapakita ng Tula Pagbuo ng mga pangungusap Araling Panlipunan—pagtulong


Kami sa Pamilya pagmamahal sa pamilya Pagbuo ng mga pangungusap sa kapuwa sa panahon ng
at sa kapuwa sa lahat ng Paghahambing ng mga larawan kalamidad
pagkakataon lalo na sa oras ng Filipino—pagbuo ng mga
pangangailangan pangungusap

ix
x
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 4: • Nakapagpapakita ng Kuwento Pagbuo ng talahanayan Filipino—pagsagot ng mga
Kumilos Tayo! pagmamahal sa kapuwa sa Pagsagot ng mga tanong tanong, pagsulat, at pagbuo ng
lahat ng pagkakataon lalo na sa Pagsusuri ng mga larawan diyalogo
oras ng pangangailangan Paggawa ng desisyon
Aralin 5: • Nakapagpapakita ng paggalang Tula Paggawa ng desisyon Filipino—pagbasa ng tula nang
Ugaling Magalang sa pamilya at sa kapuwa sa Pagsagot ng mga tanong may angkop na damdamin
pamamagitan ng pagmamano/ Paggawa ng desisyon
paghalik sa nakatatanda,
pagbati, paggamit ng po at opo
Aralin 6: • Nakapagpapakita ng paggalang Komiks Pagpili sa mga angkop na gawain Filipino—pagsulat ng
Kilos at Salita, sa pamilya at sa kapuwa sa Pagsusuri ng mga larawan Pagpapahayag kung gaano pangungusap, pagsagot nang
Nagpapakita pamamagitan ng pagmamano/ Paggawa ng desisyon kadalas gawin ang mga gawain pabigkas, at pagsulat
ng Paggalang paghalik sa nakatatanda at
pagbati
Aralin 7: • Nakapagpapakita ng paggalang Kuwento/Diyalogo Pagsagot ng mga tanong Filipino—pagsagot ng mga
Lakbay-Aral sa pamilya at sa kapuwa sa Pagsagot ng mga tanong Paggawa ng desisyon tanong
pamamagitan ng pakikinig Paggawa ng desisyon Math—ordinals
habang may nagsasalita

Aralin 8: • Nakapagsasabi nang totoo sa Kuwento/Diyalogo Pagsagot ng mga tanong Filipino—pagpapahayag ng sarili
Nasaan si Fiona? magulang/nakatatanda at sa Pagsagot ng mga tanong Paghihinuha ng maaaring
iba pang kasapi ng mag-anak Paghinuha mangyari
sa lahat ng pagkakataon upang Paggawa ng desisyon
maging maayos ang samahan—
kung saan pupunta/nanggaling
Aralin 9: • Nakapagsasabi nang totoo sa Kuwento Pagsagot ng mga tanong Filipino—pagpapahayag ng sarili
Isang Paalala magulang/nakatatanda at sa Pagsagot ng mga tanong Paggawa ng desisyon
iba pang kasapi ng mag-anak Paggawa ng desisyon
sa lahat ng pagkakataon upang
maging maayos ang samahan—
kung kumuha ng bagay na
hindi sa kaniya
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 10: • Nakapagsasabi nang totoo Kuwento Pagpapahayag ng karanasan Filipino—pagsulat ng sariling
Mahalagang sa magulang/nakatatanda at Pagsagot ng mga tanong Pagsasabi kung gaano kadalas ideya; pagbuo ng mga
Anunsiyo sa iba pang kasapi ng mag- Paggawa ng desisyon ginagawa ang isang bagay pangungusap
anak sa lahat ng pagkakataon
upang maging maayos ang
samahan—mga pangyayari sa
paaralan na nagbunga ng hindi
pagkakaintindihan
Aralin 11: • Nakapagsasabi ng totoo sa Komiks Pagbuo ng talahanayan Filipino—pagsabi/pagsulat ng
Ako Naman! magulang/nakatatanda at iba Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag ng karanasan sariling ideya
pang kasapi ng mag-anak sa
lahat ng pagkakataon upang
maging maayos ang samahan—
kung gumamit ng computer sa
paglalaro sa halip na mag-aral
Pag-uugnay • Maiugnay ang mga natutuhang
mabuting pag-uugali

Yunit 3  Ako—Mabuting Kasapi ng Tahanan, Paaralan, at Pamayanan


Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakapagpapakita ng iba’t ibang Tula Pagpapahayag kung gaano Filipino—pagsagot gamit ang
Tunay na paraan ng pagiging masunurin Pagsusuri ng mga larawan kadalas ginagawa ang mga buong pangungusap
Masunurin at magalang tulad ng pagsagot Paggawa ng desisyon gawain
kaagad kapag tinatawag ng
kasapi ng pamilya
Aralin 2: • Nakapagpapakita ng iba’t ibang Komiks Pagpili ng larawang nagpapakita Filipino—wastong paraan ng
Ay, Nabasag ang paraan ng pagiging masunurin Pagsagot ng mga tanong ng tamang kilos pagtatanong
Baso! at magalang tulad ng pagsunod Paggawa ng desisyon
nang maluwag sa dibdib kapag
inuutusan

xi
Kaugnay na Kaisipan

xii
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 3: • Nakapagpapakita ng iba’t ibang Kuwento Pagsagot ng mga tanong Araling Panlipunan—pagsunod sa
Masaya at Maayos paraan ng pagiging masunurin Pagsagot ng mga tanong Pagpili ng angkop na mga mga tuntunin
ang Aming at magalang tulad ng pagsunod Paggawa ng desisyon larawan Filipino—pagbuo ng mga
Tahanan sa mga tuntuning itinakda sa pangungusap
tahanan
Aralin 4: • Nakapagpapakita ng iba’t ibang Kuwento Paggawa ng desisyon Araling Panlipunan—pagiging
Susundin Ko, paraan ng pagiging masunurin Pagsagot ng mga tanong mabuting kasapi ng pamayanan
mga Tuntunin at magalang tulad ng pagsunod Paghihinuha
ng Paaralan sa mga tuntuning itinakda sa
paaralan
Aralin 5: • Nakapagpapakita ng Tula Pagbuo ng kuwentong-larawan Filipino—pagkukuwento tungkol
Karapatan Kong pagpapahalaga sa mga Pagsagot ng mga tanong sa mga pagkaing nagpapalusog
Maging Malusog karapatang tinatamasa— Pagsusuri ng mga larawan sa mga bata
pagkain ng masusustansiyang Paghihinuha
pagkain Paggawa ng desisyon
Aralin 6: • Nakapagpapakita ng Kuwento Paggawa ng kuwento tungkol sa Filipino—pagpapahayag ng sarili;
Ang Karapatang pagpapahalaga sa mga Pagsagot ng mga tanong larawan pagkukuwento
Makapag-aral karapatang tinatamasa— Paghihinuha
nakapag-aaral Paggawa ng desisyon
Aralin 7: • Nakapagpapakita ng mga Kuwento Pagsagot ng mga tanong Filipino—paglalahad ng sariling
Tagumpay ng Iba, paraan upang makamtan at Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag ng pagsang-ayon/ damdamin
Tagumpay Ko Rin! mapanatili ang kaayusan at Pagsusuri ng mga larawan di-pagsang-ayon
kapayapaan sa tahanan at
paaralan tulad ng pagiging
masaya sa tagumpay ng ibang
kasapi ng pamilya at ng kamag-
anak
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 8: • Nakapagpapakita ng mga Kuwentong-larawan Pagsulat/Pagpapahayag ng mga Filipino—pagpapahayag ng
Ipinagmamalaki paraan upang makamtan at Pagsusuri ng mga larawan karanasan kaisipan/saloobin nang pasalita
Namin mapanatili ang kaayusan at Paghihinuha o pasulat
kapayapaan sa tahanan at sa
paaralan tulad ng pagpaparaya
at pagpapakumbaba
Aralin 9: • Nakapagpapakita ng mga Komiks Pagsagot ng mga tanong Filipino—pagpapahayag ng
Mauna Na Po Kayo paraan upang makamtan at Pagsusuri ng mga larawan kaisipan/saloobin
mapanatili ang kaayusan at Pagpapahayag ng pagsang-ayon/
kapayapaan sa tahanan at sa di-pagsang-ayon
paaralan tulad ng pagpaparaya
at sa pagpapakumbaba
Aralin 10: • Nakatutulong sa pagpapanatili Tula Pagpapahayag ng damdamin MAPEH—pagguhit ng larawan
Kalinisan, ng kalinisan at kaayusan sa Pagsagot ng mga tanong ng pamilyang naglilinis ng
Kaayusan, at loob ng tahanan at sa paaralan Pagsusuri ng mga larawan tahanan
Kalusugan para sa mabuting kalusugan Paghihinuha Filipino—pagpapahayag ng
 Halimbawa: pagtulong sa kaisipan/saloobin nang pasalita
paglilinis ng tahanan o pasulat
Aralin 11: • Nakatutulong sa pagpapanatili Tula Pagbuo ng talahanayan Filipino—paggawa ng
Paaralan Ko, ng kalinisan at kaayusan sa Pagsagot ng mga tanong Pagpapahayag kung gaano talahanayang; pagpapahayag ng
Aalagaan Ko loob ng tahanan at sa paaralan Pagsusuri ng mga larawan kadalas ginagawa ang mga kaisipan/saloobin nang pasalita
para sa mabuting kalusugan Paggawa ng desisyon gawain o pasulat
Halimbawa: pagtulong sa paglili-
nis ng paaralan at pag-iwas
sa pagkakalat
Aralin 12: • Nakagagamit ng mga bagay na Mga larawan Pagbuo ng mga pangungusap MaPEH—paggawa ng ibang mga
Maaari Pala! patapon na ngunit maaari pang Pagsagot ng mga tanong bagay gamit ang mga bagay na
pakinabangan patapon na

Pag-uugnay • Mapag-ugnay-ugnay ang mga


natutuhan sa yunit

xiii
Yunit 4  Ako—Mapagmahal at Maka-Diyos

xiv
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakasusunod sa utos ng mga Kuwento Pagsagot ng mga tanong Araling Panlipunan—pagsunod
Nadapa si Makki magulang at nakatatanda Pagsagot ng mga tanong Pagsulat ng pangako sa mga tuntunin; pagtupad sa
Paggawa ng desisyon pangako
Aralin 2: • Nakasusunod sa mga utos ng Tula Pagpili ng mga tamang sagot Filipino—pagsulat o pagguhit ng
Para sa Aming mga magulang at nakatatanda Pagsagot ng mga tanong Pagsulat ng mga gagawin damdamin
Lolo at Lola Pagsusuri ng mga larawan
Paggawa ng desisyon
Aralin 3: • Nakapagpapakita ng paggalang Kuwento Pagbuo ng mga pangungusap Filipino—pagsulat o pagguhit ng
Ang Pagdarasal sa paniniwala ng kapuwa Pagsagot ng mga tanong damdamin
Pagpapahayag ng pagsang-ayon/
di-pagsang-ayon
Paggawa ng desisyon
Aralin 4: • Nakapagpapakita ng paggalang Komiks Pagpapahayag ng mga gagawin Filipino—pagsagot ng mga
Koro Muna Bago sa paniniwala ng kapuwa Pagsagot ng mga tanong tanong
Laro Pagsusuri ng mga pahayag
Paggawa ng desisyon
Aralin 5: • Nakasusunod sa mga gawaing Mga larawan Pagsagot ng mga tanong Filipino—pagsulat/pagguhit ng
Mahalagang panrelihiyon Pagsusuri ng mga larawan Pagpapahayag ng gagawin sa sariling ideya
Paalala Paggawa ng desisyon pamamagitan ng pagguhit o
pagdidikit ng mga larawan

Aralin 6: • Nakasusunod sa mga gawaing Mga larawan Pagpili ng mga gawaing ginagawa Araling Panlipunan—pagsunod
Sa Isip, sa Salita, panrelihiyon Pagsusuri ng mga larawan nang kusa at iba pa sa mga tuntunin ng sariling
at sa Gawa Pagsagot ng mga tanong relihiyon; paggalang sa
Paggawa ng desisyon relihiyon ng kapuwa
Aralin 7: • Nakapagdarasal nang taimtim Dasal Pagpili ng tamang larawan na Araling Panlipunan—mga
Panginoon, Pagbubuo ng dasal tutularan kinaugaliang gawaing
Salamat Po Pagsagot ng mga tanong panrelihiyon
Paggawa ng desisyon
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 8: • Nakapagdarasal nang taimtim Tula Pagsulat ng dasal Filipino—pagsulat ng dasal
Salamat, Pagsagot ng mga tanong
Panginoong Dakila Paghihinuha
Aralin 9: • Nakasusunod sa mga gawaing Kuwento Pagbuo ng mga talahanayan Araling Panlipunan—pagsunod
Kasali Kami! panrelihiyon Pagsagot ng mga tanong sa mga tuntunin ng sariling
Paggawa ng desisyon relihiyon paggalang sa
relihiyon ng iba
Pag-uugnay • Makapag-ugnay ng mga
natutuhang mabubuting pag-
uugali sa yunit

xv
xvi
Yunit 1  Ako—Mabuting Kasapi ng Pamilya

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga aralin sa Yunit 1

Kagamitan
mga larawan ng iba’t ibang gawain ng mga bata tulad ng paglangoy, paglalaro ng
bola, pagpapalipad ng saranggola, pagbibisikleta, pagsayaw, at pag-awit

Mga Gawain
1. Ipaskil ang mga larawan sa paskilan.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan.
3. Patingnan sa mga mag-aaral ang mga larawan sa paskilan. Ganyakin silang gayahin o
tularan ang mga kilos na ipinakikita.
4. Ipakuwento sa klase ang mga nasa larawan at ang gusto nilang mga larawan.
5. Ipatukoy rin sa kanila ang mga gawaing kanila ring ginagawa.

Aralin 1: Gusto Namin Ito, Kaya Namin Ito!


Layunin
Nakikilala ang sariling gusto at interes

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng iba’t ibang kakayahan

Paksa
“Gusto Namin Ito, Kaya Namin Ito!,” mga pahina 2–7

Paghahanda/Pagganyak
Itanong: Anong mga larawan ang nasiyahan kayong tingnan? Ano naman ang gusto
ninyong tularan?

Paglilinang
1. Itanong: Alin sa mga larawang tiningnan ninyo ang gusto ninyong gawin? Alin naman
ang kaya ninyong gawin?
2. Sabihin: Buksan ang inyong aklat sa pahina 2. Tingnan nang mabuti ang mga larawan.
Gayahin ninyo ang mga kaya ninyong gawin.
3. Ipasagot ang mga tanong 1 hanggang 3 sa Pag-aralan at Sagutin.
4. Maghanap ng kapareha sa mga mag-aaral. Patnubayan silang gawin ang Suriin.
1
5. Ipagawa ang Magdesisyon. Bigyan ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang
kakayahan ang bawat mag-aaral, magkapareha, o pangkat. Ipahawak sa kanila ang
mga larawan. Ipataas ito sa kanila at ipasabi:
“Kaya kong gawin ang .”
“Gusto kong gawin ang .”
“Gusto kong matutuhang gawin ang .”

6. Basahin nang malakas ang mga pahayag sa Tandaan. Ipaulit ito sa mga mag-aaral
nang pangkatan, dalawahan, at isahan.
7. Patnubayan ang mga mag-aaral na mabuo ang mga pangungusap sa Isapuso at
Isagawa.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan sila sa paggawa nito.

Takdang-Aralin
Muling ipagawa ang gawain sa Magdesisyon kasama ang nakatatandang kapatid
o magulang. Maaari itong gawin sa kuwaderno o sa isang papel.

Aralin 2: Gusto Kong Maging Isang Kimiko


Layunin
Nakikilala ang sariling potensiyal at kahinaan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Gusto Kong Maging Isang Kimiko,” mga pahina 8–13

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang mga larawan sa takdang-aralin.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral na magkakatulad ang mga gustong gawin, kayang
gawin, at gustong matutuhang gawin. Ipalahad ito sa kanila habang sinasabi ang
sumusunod:
“Kaya naming .”
“Gusto naming .”
“Gusto naming matuto ng .”

Paglilinang
1. Itanong: Kung gusto ninyong matutong (punan ng kakayahan o gawain), ano naman
ang gusto ninyong maging? Alamin natin kung ano ang gustong maging ng ilang bata
sa kuwentong babasahin natin.
2. Pabuksan ang aklat sa pahina 8. Basahin ang kuwento habang pinasusunod ang klase.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipaliwanag ang kanilang gagawin.
2
4. Ipagawa ang Suriin. Basahin ang unang tanong at ipaturo ang sagot na larawan.
5. Ipasagot ang Magdesisyon. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot. Ipahambing sa
kanilang katabi ang natapos nilang gawain. Ipasabi kung anong gawain ang pareho
nilang gusto.
6. Itanong: Ano ang magandang natutuhan ninyo?
7. Basahin ang Tandaan. Ipaulit ito sa mga mag-aaral, sa bawat pangkat, at sa ilang mag-
aaral.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
magulang o sa ibang nakatatanda.

Aralin 3: Minsan Masaya, Minsan Malungkot


Layunin
Nakikilala ang sariling damdamin o emosyon

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Minsan Masaya, Minsan Malungkot,” mga pahina 14–18

Paghahanda/Pagganyak
1. Muling ipagawa ang Magdesisyon sa nakaraang aralin. Tumawag ng ilang mag-aaral
upang ilahad sa klase ang kanilang mga sagot.
2. Ipabuo ang sumusunod:
“May kakayahan akong .”
“Mahina akong .”
“Paghuhusayin ko pa ang aking .”

3. Ipalahad ang kanilang ginawang takdang-aralin. Hikayating magtanong o magdagdag


ang ilang mag-aaral tulad ng:
“Pareho tayo. Lagi ko ring ginagawa ang .”
“Ako naman, lagi kong gagawin ang .”

Paglilinang
1. Patingnan sa mga mag-aaral ang mga larawan sa pahina 14. Ipasabi ang kanilang
damdamin tungkol sa larawan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Isunod na ipagawa ang Suriin.
Itanong: Aling larawan ang naranasan na ninyo?
Alin naman ang gusto ninyong maranasang muli?
3
3. Ipasagot ang Magdesisyon.
Patnubayan ang mga mag-aaral na sumagot sa buong pangungusap.
Maaaring ipabuo ang sumusunod:
“ ako paggising sa umaga.”
“ ako kung tinutukso ng iba.”
“ ako pagpasok sa paaralan.”
“ ako kapag naiwan ang aklat ko.”

4. Basahin ang Tandaan. Ipabasa ito sa mga mag-aaral. Maaaring palitan ng “Ako” ang
“Bawat bata.”

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang kanilang ginawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 4: Kaarawan ni Lola Maria


Layunin
Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan—pag-awit at
pagsayaw

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kaarawan ni Lola Maria,” mga pahina 19–23

Paghahanda/Pagganyak
1. Itanong: Anong mga damdamin ang naranasan na ninyo? Muling ipabasa ang Tandaan
sa nakaraang aralin.
2. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin.

Paglilinang
1. Patingnan ang larawan sa pahina 19. Itanong: Kailan nagkaroon ng birthday party sa
inyong tahanan? Sino ang nagdiwang ng kaarawan? Ano ang ginawa ninyo sa
kaarawan ng inyong lolo o lola?
2. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Kaarawan ni Lola Maria.”
3. Ipagawa ang Pag-aralan at Sagutin.
4. Ipasagot ang Suriin. Itanong: Sino ang may karanasan na katulad ng kina Jayvee,
Isabella, at Zoey? Tumawag ng ilang mag-aaral at ipakuwento ang kani-kanilang
karanasan.
5. Pangkatin ang klase. Gabayan ang bawat pangkat na maisagawa ang Magdesisyon.
6. Itanong: Ano ang dapat ninyong tandaan upang lalong maging mahusay sa sariling
kakayahan?
7. Ipabasa o basahin ang Tandaan.
4
Pagtataya
Ipagawa nang pangkatan ang Pag-isipan at Sagutin. Talakayin sa klase ang natapos
na gawain ng mga pangkat.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Ipalahad ito sa klase kinabukasan.

Aralin 5: Hello! Magandang Umaga Po!


Layunin
Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan—pakikipagtalastasan
at iba pa

Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Hello! Magandang Umaga Po!,” mga pahina 24–29

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang takdang-aralin ng mga mag-aaral. Hikayatin ang ilang mag-
aaral na magdugtong sa paglalahad ng iba.
2. Itanong: Sino sa inyo ang marunong sumagot ng telepono?
Paano kayo sumagot ng telepono?
3. Sabihin: Alamin natin kung ano ang ginawa ng isang bata sa ating aralin ngayon.

Paglilinang
1. Basahin ang kuwentong “Hello! Magandang Umaga Po!” sa pahina 24. Ipaulit at
ipasadula sa mga mag-aaral ang usapan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipabigkas o ipasulat ang mga sagot. Ipabasa ang mga sagot.
4. Papiliin ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Ipagawa ang Magdesisyon.
Tumawag ng ilang mag-aaral at ipabasa ang sagot.
5. Ipasadula ang gawain sa Magdesisyon.
6. Gabayan ang mga mag-aaral na basahin ang Tandaan. Basahing muli ang Tandaan
habang sumusunod ang mga mag-aaral.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin na kailangang kasama nila ang mga
magulang o ibang kasapi ng pamilya sa paggawa nito.

5
Aralin 6: Mga Gawing Pangkalusugan
Layunin
Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa
kalusugan
– Nakikilala ang iba’t ibang gawain/paraan na maaaring makasama/makabuti sa
kalusugan
– Nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling kakayahan ang wastong
pangangalaga sa sarili

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mga Gawing Pangkalusugan,” mga pahina 30–38

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Pagsamahin ang mga mag-aaral na magkakatulad ang mga sagot. Ipabasa nang
malakas ang mga nakasulat na sagot. Hayaang ipakita naman ng iba ang iginuhit nila.
3. Pabuksan ang aklat sa pahina 30. Itanong: Ano-ano kaya ang gawing pangkalusugan
nina Aqui at Awdi? Alamin natin sa ating kuwento.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwento. Ituon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa bawat larawan. Ipataas
ang kamay ng mga mag-aaral na ginagawa rin ang nasa larawan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Sabihing ipakita nila ang iginuhit na larawan.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang mga sagot.
4. Pasagutan ang Magdesisyon.
5. Basahin ang Tandaan. Basahing muli kasabay ang mga mag-aaral.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Maaaring magpatulong sa nakatatanda sa tahanan.

Aralin 7: Sarili Ko, Alaga Ko


Layunin
Nakapagpapakita ng wastong pag-uugali sa pangangalaga sa sarili

6
Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Sarili Ko, Alaga Ko,” mga pahina 39–44

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Pangkatin ang mga mag-
aaral na magkakatulad ang sagot. Ipabasa ang kanilang sagot.
2. Itanong: Ano ang mga ginawa ninyo paggising kaninang umaga? pagkatapos kumain?
bago pumasok?

Paglilinang
1. Basahin ang tula. Basahing muli kasabay ang mga mag-aaral. Gawin ito sa bawat
saknong.
2. Gabayan ang klase sa pagbasa ng tula. Isunod na pabasahin ang bawat pangkat.
Tumawag din ng ilang boluntaryong mag-aaral na magbabasa.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipabasa ang mga sagot ng ilang mag-aaral.
4. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad ang sagot. Itanong naman kung ano ang mangyayari
kung hindi gagawin ang mga nasa larawan.
5. Ipagawa ang Magdesisyon. Ituro ang bawat larawan. Ibigay ang sumusunod na
panuto:
— Tumayo kung ginagawa ninyo araw-araw
— Umupo kung ginagawa paminsan-minsan
— Yumuko kung hindi ginagawa
6. Basahin ang Tandaan habang sumusunod ang mga mag-aaral. Gawin ito nang buong
klase, pangkatan, dalawahan, at isahan.

Pagtataya
Papiliin ang mga mag-aaral ng kapareha. Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.
Ipalahad ang nabuong gawain. Pangkatin ang magkakapareho ang pangako. Muli
itong ipabasa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Maaaring magpatulong sa nakatatanda.

Aralin 8: Sa Aming Tahanan


Layunin
Nakakikilala ng mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya tulad ng
pagsasama-sama sa pagkain at sa pagdarasal

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

7
Paksa
“Sa Aming Tahanan,” mga pahina 45–50

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang takdang-aralin. Ipahanap sa mga bata ang ibang kamag-aaral
na may katulad na sagot. Ipabasa nang malakas ang kanilang sagot.
2. Itanong at ipakuwento sa mga mag-aaral ang kanilang karanasan:
— Ano ang mga gawain sa inyong bahay na sama-sama ninyong ginagawa?
— Ano ang nararamdaman ninyo kapag kayo ay sama-sama?
— Ano pang mga okasyon kayo nagsasama-sama?

Paglilinang
1. Basahin ang tulang “Sa Aming Tahanan,” pahina 45. Basahin ang bawat saknong at
gabayan ang mga mag-aaral na sumunod sa pagbasa.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Maaaring basahin muna ang mga tanong bago
pasagutan sa mga mag-aaral. Ipabasa nang malakas sa mga mag-aaral ang kanilang
mga sagot.
3. Ipasagot ang Suriin. Pangkatin ang mga mag-aaral na magkakatulad ang sagot.
Gabayan sila na magpakita ng kanilang sagot sa ibang kamag-aaral.
4. Pangkatin ang klase nang tatluhan. Ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad ang natapos
na gawain sa klase.
5. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Ipabigkas ito sa bawat pangkat at sa ilang mag-aaral.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Ipalahad nang pabigkas ang nabuong larawan.
Maaaring ipabuo ang sumusunod:

“Nagkakaisa ang aking .”


“Nagsasama-sama kami , ,
.”

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa tahanan.

Aralin 9: Masayang Sama-sama,


Masayang Nagkakaisa
Mga Layunin
1. Nakakikilala ng mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya tulad ng
pamamasyal at pagkukuwentuhan ng masasayang pangyayari
2. Nakapagpapahayag na tungo sa pagkakaisa ang pagsasama-sama ng pamilya

8
Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)
• mga larawang tulad ng nasa pahina 51

Paksa
“Masayang Sama-sama, Masayang Nagkakaisa,” mga pahina 51–56

Paghahanda/Pagganyak
1. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipabasa nang malakas ang ginawang takdang-aralin.
2. Tanungin ang klase kung ano ang natutuhan nila sa Tandaan ng nakaraang aralin.
3. Pabuksan ang aklat sa pahina 51. Patingnan nang mabuti ang mga larawan. Ipaturo
ang larawan ng nangyari sa kanila kahapon.

Paglilinang
1. Muling ituon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa bawat larawan. Itanong:
— Ano ang ipinakikita ng mga larawan 1, 2, 3, at 4?
— Alin ang nangyayari sa inyong pamilya?
— Alin pa ang gusto ninyong maranasan?
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pangkatin ang mga mag-aaral na magkakatulad
ang piniling pamagat. Itanong kung bakit nila ito pinili.
3. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipagawa ang Suriin. Ipaturo ang mga
gawain na ginagawa ng sariling pamilya. Ipakuwento ang isang okasyon na nangyari
sa kanilang pamilya.
4. Ipagawa rin nang pangkatan ang Magdesisyon. Ipasabi ang madalas mangyari sa kani-
kanilang pamilya.
5. Basahin ang Tandaan. Ipabasa ito nang malakas sa mga mag-aaral. Gawin itong
pangkatan, dalawahan, at isahan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang humingi ng tulong sa
nakatatanda.

Aralin 10: Gaano Kadalas?


Layunin
Nakatutukoy ng mga kilos at gawain na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit
sa mga kasapi ng pamilya
Halimbawa: pagiging mabuti sa kasambahay, pag-aalaga sa nakababatang kapatid, o
kapamilyang maysakit

9
Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Gaano Kadalas?,” mga pahina 57–61

Paghahanda/Pagganyak
1. Gabayan ang mga mag-aaral na magkuwento tungkol sa kanilang ginawang takdang-
aralin.
2. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang pagmamahal sa inyong kapuwa?

Paglilinang
1. Ituon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga larawan sa pahina 57. Ipasuri ang mga
larawan.
2. Pangkatin ang klase. Gabayan ang bawat pangkat na matukoy ang mga larawan na
nagpapakita ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya.
3. Papiliin ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Ipasagot ang Pag-aralan at
Sagutin. Pabigyang-paliwanag ang kanilang sagot.
4. Ipagawa ang Suriin sa magkakapareha. Ipalahad sa klase ang sagot ng ilang
magkapareha.
5. Muling patingnan sa klase ang mga larawan sa pahina 57. Itanong kung alin sa mga
larawan ang ginagawa rin nila. Sabihan ang mga mag-aaral na magkakatulad ang
sagot na magsama-sama. Maaari itong gawing laro.
6. Papiliin muli ang mga mag-aaral ng ibang kapareha. Ipagawa ang Magdesisyon.
Muling basahin ang bawat sitwasyon at patayuin ang mga magkapareha upang sabihin
nang malakas ang kanilang sagot.
7. Basahin o gabayan ang mga mag-aaral na mabasa ang Tandaan nang pangkatan,
dalawahan, at isahan.

Pagtataya
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang mga nakatatanda sa bahay.
Sabihing palagdaan nila sa isang nakatatanda ang kanilang ginawa.

10
PAG-UUGNAY
Pangkatin ang mga mag-aaral nang apatan. Ipagawa ang Pag-uugnay sa pahina 62.
Maaaring ipagawa ito sa isang ¼ na kartulina.

LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Alin ang nagpapakita ng mga natutuhan mo sa Yunit 1? Kulayan ang kahon sa unahan
ng sagot.

1. Nakilala ko ang aking mga gusto at mga interes.


2. Nagagawa ko ang aking kakayahan.
3. Inaalagaan ko ang aking sarili.
4. Masusustansiyang ng pagkain ang kinakain ko.
5. Natuto akong uminom ng soft drinks.
6. Sumasama ako sa pagdarasal ng aming pamilya.
7. Ikinukuwento ko sa aking kapatid ang aking nakaaway.
8. Masaya ang pamilya kung sama-sama.
9. Sinisigawan ko ang aming kasambahay.
10. Binabantayan ko ang aking lolang maysakit.

B. Lagyan ng tsek (3) ang nagsasabi na ikaw ay mabuting kasapi ng pamilya.


1. Nagmamano ako sa aking mga magulang.
2. Binibigyan ko ng inuming tubig ang aking lolo at lola.
3. Sumasali ako sa masayang kuwentuhan ng aming pamilya.
4. Inaagaw ko ang mga laruan ng aking kapatid.
5. Kumakain ako ng mga gulay, isda, at prutas.

11
Yunit 2 Ako—Magalang, Matapat,
at Mapagmalasakit

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Mailahad sa mga mag-aaral ang nilalaman ng yunit

Kagamitan
mga larawan

Mga Gawain
1. Magpaskil sa limang bahagi ng silid-aralan ng mga larawan tulad ng sumusunod:
Bahagi 1: batang nagmamano at tumutulong sa pagbibitbit ng gamit
Bahagi 2: batang nagsasabi ng “Salamat po” sa kasambahay
Bahagi 3: mga batang nagbibigay ng regalo sa lola o lolo na nagdiriwang ng kaarawan
Bahagi 4: dalawang batang nag-aagawan ng bag sa harap ng nanay
Bahagi 5: batang babaeng sinisigawan ang kasambahay
2. Pangkatin ang klase sa lima. Sabihin na may limang minuto sila na tingnan nang
mabuti ang mga larawang nakapaskil.
3. Itanong: Anong mga kilos ang nakita ninyo sa mga larawan? Anong ugali ang
ipinakikita ng mga kilos na ito?

Paalaala: Isang araw bago talakayin ang Aralin 1, sabihin sa mga mag-aaral na magdala
ng mga lumang magasin at mga kartulina.

Aralin 1: Mga Magulang Ko, Iginagalang Ko


Layunin
Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mga Magulang Ko, Iginagalang Ko,” mga pahina 64–69

12
Paghahanda/Pagganyak
1. Muling ipasabi sa mga mag-aaral ang nakita nilang mga kilos sa mga larawang
ipinaskil sa silid-aralan.
2. Itanong: Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamahal sa mga magulang o sa
nakatatanda?

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin ko ang isang kuwento tungkol sa pagmamahal sa mga magulang.
Pakinggan ninyo ako nang mabuti upang masagot ninyo ang mga tanong pagkatapos
kong basahin ang kuwento.
2. Basahin ang kuwento nang dalawang ulit. Basahin ulit sa ikatlong pagkakataon.
Pasunurin ang mga mag-aaral sa pagbasa.
3. Basahin ang panuto sa Pag-aralan at Sagutin at ipasagot sa mga mag-aaral. Bigyan
sila ng pagkakataon na ihambing ang sagot sa kanilang katabi.
4. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Suriin.
5. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad ang sagot ng mga mag-aaral sa klase.
6. Basahin o gabayan ang klase sa pagbasa ng Tandaan.

Pagtataya
Gamit ang mga dalang lumang magasin, ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Sabihing
idikit nila ang mga larawan sa mga papel o kartulina. Ipaskil ang nagawa ng mga mag-aaral
sa paskilan.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda.

Aralin 2: Ang Ating mga Kasambahay


Layunin
Nakatutukoy ng mga wastong paraan ng pakikitungo sa mga kasambahay

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ang Ating mga Kasambahay,” mga pahina 70–76

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin. Hikayatin sila na
magkuwento tungkol sa mga ginawa nila na nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang
mga magulang.
2. Itanong: Sino-sino ang kasama ninyo sa bahay na nakatatanda? Paano ninyo sila
kinakausap? Basahin natin ang ginagawa ng isang bata.

13
Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwento. Itanong: Sino sa inyo ang katulad ng bata sa kuwento?
2. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang sagot
ng bawat pangkat. Pagbigayin ng puna ang klase sa bawat eksena ng kuwento.
3. Ipagawa ang Suriin. Talakayin din ang sagot ng mga mag-aaral. Itanong kung gawain
din nila ang mga gawain ng mga batang lalaki sa Pangyayari 1 at sa Pangyayari 2.
Ipakuwento ang pangyayaring naranasan nila.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad sa mga pangkat ang kanilang sagot.
5. Basahin o gabayan ang mga mag-aaral na mabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Ipahanap sa mag-aaral ang kanilang mga kamag-
aaral na may katulad na sagot. Sabihing pag-usapan nila ang kanilang mga sagot.

Takdang-aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan ang mga mag-aaral na ilalahad nila ang
kanilang mga sagot.

Aralin 3: Kami sa Pamilya


Layunin
Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at sa kapuwa sa lahat ng pagkakataon
lalo na sa oras ng pangangailangan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kami sa Pamilya,” mga pahina 77–81

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Hikayatin ang may
magkakatulad na gawa na magsama-sama. Itanong: Ano ang gagawin ninyo upang
ipakita na nagmamalasakit kayo sa inyong kasambahay?
2. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang pagmamahal sa inyong pamilya? sa inyong
kapuwa? Basahin natin ang isang tula tungkol dito.

Paglilinang
1. Basahin ang tula. Ulitin ang pagbasa habang pinasusunod ang mga mag-aaral. Gawin
din ito nang pangkatan.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
Gabayan ang mga pangkat na makuha ang mga sagot na nasa kahon. Ipabasa ang mga
nabuong pangungusap nang pangkatan at isahan.
3. Gabayan ang mga pangkat sa pagsagot sa Suriin. Maaaring ipasabi sa mga mag-aaral
ang kanilang naisip nang makita nila ang mga larawan. Ipalahad ang mga sagot at

14
talakayin ang mga ito. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipahayag ang
kanilang nasa isip.
4. Ipagawa ang Magdesisyon nang pangkatan. Ipaliwanag ang gawain bago ito ipagawa.
Ipalahad ang natapos na gawain ng mga pangkat. Bigyang-pansin ang mga dapat
tularang gawain at kung ano ang mangyayari kung gagawin/hindi gagawin.
5. Basahin ang Tandaan kasunod ang mga mag-aaral. Gawin din ito nang pangkatan at
nang dyad.

Pagtataya
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipaliwanag ang panuto ng Isapuso at Isagawa. Sabihin na maaari silang magpatulong
sa nakatatanda. Maaaring gumupit ng mga larawan o mag-download ng mga larawan mula
sa internet. Ipadikit ang mga larawan sa bond paper.

Aralin 4: Kumilos Tayo!


Layunin
Nakapagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras
ng pangangailangan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kumilos Tayo!,” mga pahina 82–87

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin. Ipapaskil ito sa pisara
pagkatapos ng paglalahad.
2. Itanong: Nagpakita na ba kayo ng pagmamahal sa inyong kapuwa ngayong araw?
Paano ninyo ito ipinakita? Alamin naman natin kung paano rin ito maipakikita sa
ibang paraan.

Paglilinang
1. Basahin ang kuwento. Pasabayin ang mga mag-aaral sa pangalawang pagbasa. Maaari
din itong ipabasa sa ilang mag-aaral.
2. Papiliin ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Ipasagot ang Pag-aralan at
Sagutin. Talakayin ang mga sagot. Itanong kung ano pa ang maaaring magawa sa
proyekto nina Duke at Mae.
3. Ipasagot sa magkakapareha ang Suriin. Ipalahad ang kanilang mga sagot. Talakayin
ang maaaring mangyari kung tutulungan/hindi tutulungan ang mga nangangailangan.
4. Ipagawa sa magkakapareha ang Magdesisyon.
5. Basahin ang Tandaan kasunod ang mga mag-aaral. Ipabasa rin ito sa mga pangkat at
sa ilang mag-aaral.
15
Pagtataya
Basahin ang panuto ng Isapuso at Isagawa. Sabihin na gagawin ito ng magkakapareha
at ilalahad nila ang kanilang mga sagot sa klase.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin.

Aralin 5: Ugaling Magalang


Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapuwa sa pamamagitan ng
pagmamano/paghalik sa nakatatanda, pagbati at paggamit ng po at opo

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ugaling Magalang,” mga pahina 88–92

Paghahanda/Pagganyak
1. Muling basahin ang Tandaan. Sabay-sabay na patayuin ang mga mag-aaral na
gumagawa nito nang madalas, paminsan-minsan, o hindi ito ginagawa. Papalakpakan
ang pangkat na marami ang gumagawa ng mga pahayag sa Tandaan.
2. Itanong:
a. Ano ang sinabi ninyo sa inyong mga magulang:
—bago kayo umalis ng bahay?
—pagkaabot ng baon ninyo?
—bago kayo sumakay sa school service?
b. Ano ang ipinakita ninyong pag-uugali?

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin ko ang isang tula tungkol sa mga batang katulad ninyo. Makinig
nang mabuti at sumunod sa akin sa pangalawang pagbasa.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na mabasa
ang tula nang dalawang ulit.
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Pag-aralan at Sagutin. Bigyan sila ng
pagkakataon na ikuwento kung paano nila ito ipinakikita sa kanilang mga tahanan.
4. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad ang kanilang ginawa sa klase. Gabayan sila na masabi
ang sumusunod:
“Ito ang aking pamilya.”
“Ugali sa aming pamilya ang .”
5. Pangkatin ang klase sa tatlo. Basahin ang mga sitwasyon sa Magdesisyon. Ipasagot sa
bawat pangkat.
6. Itanong: Anong magagandang gawi ang mabuting ugaliin?
7. Basahin ang Tandaan. Ipabasa rin ito sa bawat pangkat.

16
Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral. Pagsama-
samahin ang mga mag-aaral na magkakatulad ang gagawin. Ipabigkas sa kanila ang
kanilang sagot.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang humingi ng tulong sa mga
nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 6: Kilos at Salita, Nagpapakita ng Paggalang


Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapuwa sa pamamagitan ng
pagmamano/paghalik sa nakatatanda at pagbati

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kilos at Salita, Nagpapakita ng Paggalang,” mga pahina 93–100

Paghahanda/Pagganyak
1. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipalahad ang kanilang takdang-aralin. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagbigkas ng kanilang pangako.
2. Pabuksan ang aklat sa mga pahina 93 at 94. Patingnan nang mabuti ang mga larawan.
Gabayan sila na sabihin ang kanilang naiisip tungkol sa mga larawan.

Paglilinang
1. Muling ipamasid ang mga larawan. Ituon ang atensiyon ng klase sa bawat larawan.
Itanong: Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan 1, 2, 3, 4, at 5? Alin ang nagpapakita
ng paggalang?
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Itanong: Anong magagalang na salita ang ginamit ng mga bata?
3. Ipabigkas sa mga mag-aaral ang magagalang na salita.
4. Pangkatin ang klase. Ipasagot ang Suriin sa pahina 96. Hayaang mag-usap-usap ang
mga mag-aaral na magkakatulad ang sagot. Ipasagot sa bawat mag-aaral ang Suriin sa
pahina 97. Ipahanap ang kanilang mga kamag-aaral na may katulad na sagot.
5. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang mga sitwasyon sa
Magdesisyon.
Sitwasyon 1 (larawan sa pahina 97)—maglalaro ang kuya ng bola sa salas habang
nanonood ng telebisyon ang pamilya
Sitwasyon 2 (unang larawan sa pahina 98)—nag-aaway ang ate at ang nakababatang
kapatid
Sitwasyon 3 (pangalawang larawan sa p. 98) – iniaabot ng batang lalaki sa tsuper ang
ipinaabot na bayad ng isang pasahero
Gabayan ang magkakapareha sa pagsagot. Ipalahad at talakayin ang mga sagot ng
magkakapareha.
17
6. Itanong: Anong mabuting gawi ang natutuhan natin ngayon?
Hikayatin ang mga mag-aaral na sumagot nang pabigkas. Ipabasa o basahin (kasabay
ang mga mag-aaral) ang Tandaan.

Pagtataya
Basahin at ipaliwanag ang panuto sa Isapuso at Isagawa. Gabayan ang mga mag-aaral
na masagot ito.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Bigyan ang mga mag-aaral ng layang magpatulong
sa mga nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 7: Lakbay-Aral
Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapuwa sa pamamagitan ng pakikinig
habang may nagsasalita

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Lakbay-Aral,” mga pahina 101–107

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad at ipabigkas sa ilang mag-aaral ang kanilang ginawang takdang-aralin.
Pagsama-samahin ang magkakatulad ang pangako. Palakpakan ang bawat pangkat na
magkakatulad ang ginawang pangako.
2. Itanong: Kailan huling namasyal ang inyong pamilya?
3. Ipakuwento sa ilang mag-aaral ang kanilang karanasan.

Paglilinang
1. Sabihin na ang kuwentong babasahin nila ay tungkol sa pagpunta sa isang lugar. Ito
ay isang pamamasyal na may layunin. Basahin ang kuwentong “Lakbay-Aral” sa mga
pahina 101 to 102 nang dalawang beses.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Hikayatin ang mga mag-aaral na pumili ng kapareha
at sagutin ang mga tanong. Ipahanap ang mga magkakapareha na may katulad na
sagot. Ipalahad ang kanilang mga sagot at talakayin ang mga ito.
4. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon. Gabayan ang magkakapareha sa
pagsagot sa mga tanong. Itanong: Aling sitwasyon ang naranasan na ninyo?
5. Ipakuwento ang kanilang karanasan.
6. Itanong: Anong kilos o gawi ang magandang sundin?
7. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

18
Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Ipahanap sa mga mag-aaral ang ibang kamag-aaral
na may katulad na mga sagot. Ipabasa o ipabigkas nang sabayan ang kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Bilinan ang klase na palagdaan sa nakatatanda
ang kanilang takdang-aralin.

Aralin 8: Nasaan si Fiona?


Layunin
Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at sa iba pang kasapi ng mag-
anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan—kung saan pupunta/
nanggaling

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Nasaan si Fiona?,” mga pahina 108–113

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang takdang-aralin ng mga mag-aaral. Pagsama-samahin ang
magkakatulad ang mga sagot. Ipabigkas o ipabasa ito nang sabayan.
2. Itanong: Nagawa na ba ninyong umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam? Ano ang
nangyari?
3. Aalamin natin ang nangyari sa isang bata sa ating kuwento.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Nasaan si Fiona?” sa mga pahina 108 at 109. Pangkatin ang
klase sa nanay, tatay, Paul, at Fiona. Gabayan sila na basahin muli ang kuwento ayon
sa mga tauhang itinakda sa kanila. Maaaring magpalit-palit sila ng mga tauhan.
2. Ipasagot at talakayin ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipagawa nang pangkatan ang Suriin. Gabayan sila sa pagsagot at ipalahad ang mga ito
sa kanila sa klase. Isunod na ipagawa o ipasagot ang Magdesisyon.
4. Itanong: Anong aral ang natutuhan ni Fiona? Dapat din ba ninyo itong matutuhan?
5. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
1. Ipaliwanag ang mga gawain at sitwasyon sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito.
2. Sabihin na ipakita o isadula nila ang mga maaaring mangyari.
3. Maaaring pamarkahan ang ginawang pagsasadula. Itanong:
a. Naipakita ba nila ang tamang gawi? _______ (Oo/Hindi)
b. Kung mamarkahan mo sila, anong marka ang ibibigay ninyo sa
J – Lubos na ipinakita
L – Hindi ipinakita
19
Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin.

Aralin 9: Isang Paalala


Layunin
Nakapagsasabi nang totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak
sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan–kung kumuha ng bagay na
hindi sa kaniya

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Isang Paalala,” mga pahina 114–118

Paghahanda/Pagganyak
1. Muling ipabasa ang Tandaan sa nakaraang aralin.
2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ilahad ang ginawang takdang-aralin.
3. Itanong: Ano ang ibinilin sa inyo ng inyong mga magulang bago kayo umalis ng
bahay kanina?

Paglilinang
1. Sabihin: Ang bilin ng inyong magulang ay isang paalaala. Ano pa ang ibang paalaalang
ibinilin sa inyo ng inyong nanay at tatay? Basahin natin ang isang kuwento tungkol sa
isang paalaala.
2. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Isang Paalala” sa mga pahina 114 at 115. Pangkatin
ang klase at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng mga
mag-aaral.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung may naranasan na silang katulad ng nasa kuwento.
Ipasabi ang karanasan nila.
4. Gabayan ang mga mag-aaral na masagot ang Suriin. Ipabasa ang kanilang mga sagot.
5. Pangkatin ang klase. Ipasagot ang Magdesisyon. Gabayan sila sa pagsagot.
Ipalahad ang kanilang mga sagot.
6. Itanong: Ano ang mabuting tandaan kapag may nawawala o naiiwang kagamitan?
7. Pagbigayin ng sagot ang mga mag-aaral. Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Basahin
ang mga sitwasyon at ipasagot sa kanila. Maaaring ipasulat o ipabigkas ang kanilang mga
sagot. Itanong sa ibang magkakapareha kung magkakatulad din ang kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang nakatatanda, kuya, o ate.

20
Aralin 10: Mahalagang Anunsiyo
Layunin
Nakapagsasabi nang totoo sa magulang/nakatatanda at sa iba pang kasapi ng mag-
anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan—mga pangyayari sa
paaralan na nagbunga ng hindi pagkakaintindihan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mahalagang Anunsiyo,” mga pahina 119–124

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasang muli ang Tandaan sa nakaraang aralin.
2. Ipalahad ang takdang-aralin ng ilang mag-aaral. Itanong kung sino sa kanila ang may
magkakatulad na sagot. Ipabasa ang kanilang sagot nang malakas.
3. Itanong: Anong pangyayari sa paaralan ang hindi ninyo malilimutan? Bakit?
4. Sabihin: Ang babasahin nating kuwento ay tungkol sa isang pangyayari sa paaralan.

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Mahalagang Anunsiyo” sa mga pahina 119 at 120.
2. Basahin ito nang dalawang beses at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
Talakayin ang maaaring mangyari kay Gary pagdating niya ng bahay.
3. Ipasagot ang Suriin. Talakayin ang mga sagot sa bilang 2. Pangkatin ang klase.
Ipasadula kung paano nila ikukuwento sa kanilang mga magulang ang nangyari sa
paaralan.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad o ipasadula ang isang pangyayaring tulad nito.
Itanong: Ano ang dapat gawin kung may nangyaring hindi maganda sa paaralan?
5. Ipabasa nang malakas ang Tandaan nang pangkatan, dalawahan, at isahan.

Pagtataya
1. Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.
2. Gumuhit ng tatlong bilog sa pisara tulad ng sumusunod:



Madalas gawin Ginagawa paminsan-minsan Hindi ginagawa
Itanong: Gaano ninyo kadalas sinasabi ang totoong nangyari sa paaralan sa inyong
magulang?
3. Ipasulat ang pangalan nila sa bilog na angkop sa kanilang sagot.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

21
Aralin 11: Ako Naman!
Layunin
Nakapagsasabi nang totoo sa magulang/nakatatanda at sa iba pang kasapi ng mag-
anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan—kung gumamit ng
computer sa paglalaro sa halip na mag-aral

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ako Naman!,” mga pahina 125–131

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasa nang malakas sa ilang mag-aaral ang nabuo nilang tula sa kanilang takdang-
aralin.
2. Ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Sino ang may computer sa bahay? Saan ninyo ito ginagamit? Nagagamit ba
ninyo ito sa pag-aaral? Madalas ba itong gamitin ng inyong ate at kuya sa pag-aaral?

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang kuwento tungkol sa isang mahilig maglaro sa
computer. Makinig muna kayo nang mabuti. Pagkatapos kong basahin ang kuwento,
kayo naman ang magbabasa.
2. Basahin ang kuwento. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipasagot ang Suriin. Ipasadula sa ilang mag-aaral ang sitwasyon. Bigyang-diin ang
isasagot sa nanay.
4. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Basahin at ipaliwanag sa kanila ang gawain
sa Magdesisyon. Gabayan sila sa pagsagot. Ipalahad ang sagot ng ilang magkapareha
at magsagawa ng talakayan. Maaaring itanong: Ano ang babaguhin ninyo sa inyong
mga gawain? Bakit?
5. Itanong: Ano ang dapat tandaan kung gumagamit ng computer? Ipabasa nang malakas
ang Tandaan.
6. Ipaliwanag ang unang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipagawa ito sa magkakaparehang
mag-aaral.

Pagtataya
1. Ipagawa ang pangalawang gawain sa Isapuso at Isagawa. Pagsama-samahin ang
magkakapareha na magkatulad ang mga sagot. Ipalahad ito sa klase.
2. Ipasulat ang sumusunod:
“Gagamitin ko ang computer sa .”

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

22
PAG-UUGNAY
1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipagawa ang Pag-uugnay sa mga pahina 131 at 132.
2. Ipalahad ang nabuong gawain ng bawat pangkat.

LAGUMANG PAGSUSULIT
Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (3) ang patlang kung sang-ayon ka. Lagyan
naman ng ekis (7) kung hindi ka sang-ayon.
1. Nagmamano sa mga magulang, lolo, at lola
2. Nakikipaglaro sa maliit na kapatid
3. Sinisigawan ang kasambahay
4. Sumasagot ng “po” at “opo”
5. Umaalis o tumatalikod na habang nagbibilin pa ang nanay
6. Nagpapaalam bago umalis
7. Kinukuwento sa mga magulang kung bakit naiwan ang bag sa paaralan
8. Ibinibigay ang maaayos na lumang damit at sapatos sa nasunugang kamag-
aaral
9. Ginagamit o kinukuha ang lapis ng iba kapag hindi ito nakatingin
10. Nagsasabi ng “Pakiabot po” kapag malayo o hindi abot ang isang bagay

23
Yunit 3  Ako—Mabuting Kasapi ng Tahanan,
Paaralan, at Pamayanan

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Maipaliwanag sa mga mag-aaral ang nilalaman ng Yunit 3 at kung ano-ano ang
kanilang matututuhan

Kagamitan
iba’t ibang larawan

Mga Gawain
1. Iayos ang paskilan. Ilagay ang pamagat ng yunit: Ako—Mabuting Kasapi ng
TAHANAN, PAARALAN, AT Pamayanan sa paskilan. Idikit ang sumusunod na
mga larawan:
— masayang pamilyang nag-uusap sa salas
— isang bata na sumasagot ng “opo”
— mga batang nag-aaral nang pangkatan
— mga batang pinapalakpakan ang pagtanggap ng trophy ng kamag-aaral
— mga batang tulong-tulong sa paglilinis ng paaralan
2. Pangkatin ang mga mag-aaral nang limahan. Papuntahin ang bawat pangkat sa
paskilan. Ipamasid ang mga larawan.
3. Magpabuo sa bawat pangkat ng dalawang pangungusap tungkol sa mga larawan.

Aralin 1: Tunay na Masunurin


Layunin
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng
pagsagot agad kapag tinatawag ng kasapi ng pamilya

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Tunay na Masunurin,” mga pahina 134–140

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipaskil o isulat sa pisara ang sumusunod:
Ako ay masunurin sa aming tahanan.
2. Itanong: Sino sa inyo ang matatawag na masunuring bata? Bakit ninyo nasabi na
masunurin kayo?
24
Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang tula tungkol sa isang batang masunurin. Babasahin
ko muna ito. Sa pangalawang pagbasa ko, susundan ninyo ako.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pangkatin sa apat ang klase. Ipasuri ang mga
larawan sa mga pahina 135 at 136. Hikayatin ang bawat pangkat na magbigay ng puna
tungkol sa mga larawan. Ipagawa ang bilang 2 ng gawain sa pahina 136.
3. Ipasagot ang Suriin sa bawat pangkat. Ipabasa nang malakas ang mga sagot ng bawat
pangkat.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Pagsama-samahin ang mga mag-aaral na magkakatulad
ang sagot. Ipalahad sa kanila ang mga sagot. Ipasabi sa kanila:
“Tutularan namin ang .”
5. Itanong: Anong magandang ugali o gawain ang dapat tularan?
6. Hikayating sumagot ang ilang mag-aaral. Basahin o ipabasa ang Tandaan nang
sabayan, pangkatan, at dalawahan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin na maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 2: Ay, Nabasag ang Baso!


Layunin
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng
pagsunod nang maluwag sa dibdib kapag inuutusan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ay, Nabasag ang Baso!,” mga pahina 141–145

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Muling ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Nakabasag na ba kayo ng baso o plato? Ano ang nangyari?
4. Alamin natin ang isang pangyayari sa kuwentong babasahin natin ngayon.

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwento. Ipasagot at talakayin ang Pag-aralan at Sagutin.
2. Ipasagot ang Suriin. Ipakuwento sa ilang mag-aaral ang kanilang karanasan kaugnay
ng kuwento o mga sitwasyon sa Suriin.

25
3. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipabasa o basahin ang mga tanong sa
Magdesisyon. Hikayatin silang mag-usap tungkol sa tanong at ipalahad ang kanilang
napagkasunduang sagot.
4. Itanong: Anong mga gawain ang dapat tularan? Ang hindi dapat tularan?
5. Ipabasa ang Tandaan sa bawat pangkat at ilang magkapareha.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa sa bawat magkapareha. Gabayan sila sa paglalahad
ng kanilang sagot.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan ang mga mag-aaral na palagdaan sa
magulang ang nabuong gawain.

Aralin 3: Masaya at Maayos ang Aming Tahanan


Layunin
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng
pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng tahanan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Masaya at Maayos ang Aming Tahanan,” mga pahina 146–151

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Ipabasang muli nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Anong mga tuntunin ang sinusunod ninyo sa bahay? Lagi ba ninyo itong
sinusunod? Bakit?

Paglilinang
1. Pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo. Ituon ang atensiyon ng bawat pangkat sa pahina
146. Basahin o ipabasa ang kuwento. Bigyang-diin ang mga tuntuning nasa mga
kahon. Maaaring ipabasa nang malakas sa mga mag-aaral ang bawat tuntunin.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Maaaring bigyan ang bawat pangkat ng tanong
na sasagutin. Ipalahad ang gawaing natapos ng bawat pangkat.
3. Panatilihin ang mga pangkat. Ipasagot ang Suriin.
a. Basahin ang mga tanong bago ipasagot sa mga pangkat.
b. Pagkatapos masagot ang mga tanong, sabihin na ihambing ang kanilang mga
sagot sa sagot ng ibang pangkat.
c. Bigyan ng pagkakataong magsama-sama ang magkakatulad ang sagot.
d. Ipabasa nang malakas ang kanilang mga sagot.

26
4. Basahin at ipaliwanag ang panuto sa Magdesisyon. Ipasagot ang mga tanong. Kapag
natapos na ang gawain, itanong ang sumusunod sa bawat bilang:
a. Anong mga tuntunin sa tahanan ang sinusunod ninyo nang madalas?
b. Anong mga tuntunin ang paminsan-minsan lang ninyo sinusunod?
c. Anong mga tuntunin ang hindi ninyo sinusunod?
5. Itanong: Bakit may mga tuntunin ang bawat tahanan? Ano ang dapat gawin sa mga
tuntunin ng tahanan?
6. Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito sa mga mag-aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing palagdaan nila ito sa magulang.

Aralin 4: Susundin Ko, mga Tuntunin ng Paaralan


Layunin
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang tulad ng
pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng paaralan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Susundin Ko, mga Tuntunin ng Paaralan,” mga pahina. 152–157

Paghahanda/Pagganyak
1. Muling ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin. Ipalahad sa ilang
mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Itanong: Ano ang nararamdaman ninyo kapag kayo ay nasa paaralan? Bakit kayo
masaya sa paaralan?

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Susundin Ko, mga Tuntunin ng Paaralan” sa mga
pahina 152 at 153. Ipaulit ang pagbasa ng mga tuntunin sa ilang mag-aaral. Pangkatin
ang mga mag-aaral at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipalahad ang sagot ng
bawat pangkat.
2. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot ang mga gawain sa mga pangkat
at ipalahad ito sa klase. Hayaang magsama-sama ang mga pangkat na magkakatulad
ang sagot. Ipabigkas ang sagot na magkakatulad.
3. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang panuto sa Magdesisyon.
Ipagawa ito sa magkakapareha. Ipahanap ang ibang magkakapareha na may katulad
na mga sagot. Ipalahad o ipabigkas ang mga sagot.

27
4. Itanong:
a. Bakit may mga tuntunin ang paaralan?
b. Bakit dapat itong sundin ng lahat?
5. Ipabasa ang Tandaan sa bawat pangkat.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito sa mga mag-aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin sa mga mag-aaral na palagdaan sa
magulang ang gawain.

Aralin 5: Karapatan Kong Maging Malusog


Layunin
Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga karapatang tinatamasa—pagkain ng
masusustansiyang pagkain

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Karapatan Kong Maging Malusog,” mga pahina 158–163

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Ipabasang muli nang
malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
2. Itanong: Ano ang kinain ninyo sa inyong almusal kanina?
Ano ang pakiramdam ninyo pagkatapos kumain? Nasiyahan ba kayo?
Sino ang naghanda o nagbigay ng inyong pagkain? Ano ang dapat ninyong gawin
kapag masusustansiyang pagkain ang ibinibigay sa inyo?

Paglilinang
1. Basahin ang tulang “Karapatan Kong Maging Malusog” sa pahina 158. Basahin ito
nang dalawang ulit. Pasundin ang mga bata sa pangatlong pagbasa. Ipabasa rin ito
nang pangkatan. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Pag-
aralan at Sagutin. Ipahanap sa mga pangkat ang ibang pangkat na may katulad na
sagot.
Itanong: Ano ang masasabi ninyo sa inyong pangkat?
Hayaang bigkasin ng mga pangkat ang kanilang sagot.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral ng dalawahan. Ipasagot ang Suriin. Ipapaskil ang
nabuong gawain sa pisara. Tanungin ang bawat pangkat kung sino ang ibig magsalita
tungkol sa natapos na gawain. Bigyan ng pagkakataon ang ibang pangkat na sabihin
ang naiisip nila tungkol sa kanilang gawain.

28
3. Panatilihin ang magkakapareha. Ipagawa o ipasagot ang Magdesisyon. Basahin at
ipaliwanag muna sa kanila ang gawain. Gabayan ang mga pangkat habang ginagawa
ito.
4. Itanong: Ano ang dapat gawin kung kayo ay pinakakain ng masusustansiyang
pagkain? Paano ninyo ipakikita ang pagpapasalamat sa karapatang tinatamasa?
5. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na sumagot. Basahin o ipabasa ang
Tandaan.

Pagtataya
Ipabuo sa magkakapareha ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 6: Ang Karapatang Makapag-aral


Layunin
Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga karapatang tinatamasa—nakapag-aaral

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ang Karapatang Makapag-aral,” mga pahina 164–170

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Muling ipakuwento ang nabuong kuwentong larawan sa Pag-isipan at Sagutin sa
pahina 163.
3. Muling ipabasa ang Tandaan sa nakaraang aralin.
4. Itanong: Bakit narito kayo sa paaralan?
5. Sabihin: Alam ba ninyo na karapatan ng bawat bata ang makapag-aral? Babasahin
natin ang isang kuwento tungkol dito. Makinig kayo nang mabuti upang masagot
ninyo ang mga tanong pagkatapos ng kuwento.

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwento nang tatlong ulit. Bigyang-pansin ang mga ibubunga
ng pagtatamasa ng karapatang makapag-aral tulad ng: matututo ng magagandang pag-
uugali at iba pa.
2. Basahin at pasagutan ang mga tanong sa Pag-aralan at Sagutin. Magkaroon ng
malayang pagtatalakayan.
3. Ipalagay ang sarili nila sa katauhan ng batang nasa Suriin. Ipagawa ang pagsasanay.
4. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad ang
kanilang mga sagot sa klase. Hikayatin ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin
o nasa isip tungkol sa paksa.

29
5. Itanong:
a. Anong karapatan ang tinatalakay sa kuwento?
b. Paano ipinakikita ng batang nagtatamasa ng karapatang makapag-aral ang
pagpapahalaga rito?
c. Alin sa mga gawain sa Magdesisyon ang gawain mo rin?
6. Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipagawa sa magkakapareha ang Isapuso at Isagawa. Tanggapin kahit isa lang na
kuwento ang mabuo ng mga pareha.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Aralin 7: Tagumpay ng Iba, Tagumpay Ko Rin!


Layunin
Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at paaralan tulad ng pagiging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi
ng pamilya at ng kamag-anak

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Tagumpay ng Iba, Tagumpay Ko Rin!,” mga pahina 171–176

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin. Muling ipabasa nang
malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
2. Itanong: Anong okasyon ang naganap sa inyong bahay sa buwang ito? Bakit kayo
nagkaroon ng handaan?

Paglilinang
1. Itanong: Ano ang ginagawa ninyo kapag may kasama kayo sa bahay na nagwagi sa
isang paligsahan? Pakinggan natin ang isang kuwento tungkol dito.
2. Sabihin: Babasahin ko ang kuwento. Sa pangalawa kong pagbasa, susundan ninyo
ako.
Pagkatapos ay ipabasa ito sa buong klase, pasunurin din sa pagbasa ang bawat pangkat
at ilang magkapareha.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang sagot ng klase sa bawat bilang.
4. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Suriin.
Ipasagot ang gawain. Ipalahad sa bawat pareha ang kanilang mga sagot.
5. Ipasagot ang Magdesisyon sa magkakapareha. Ipabasa nang malakas ang mga sagot
sa pagsasanay.
6. Itanong: Ikaw ba ay mabuting kasapi ng inyong mag-anak? Paano mo ito ipinakikita?
7. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

30
Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Sabihin na magpatulong sila sa nakatatanda kung
kailangan.

Aralin 8: Ipinagmamalaki Namin


Layunin
Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at sa paaralan tulad ng pagpaparaya at pagpapakumbaba

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ipinagmamalaki Namin,” mga pahina 177–183

Paghahanda/Pagganyak
1. Tumawag ng ilang mag-aaral. Ipalahad ang ginawa nilang takdang-aralin. Bigyang-
diin ang paraan na ginawa upang ipakita ang kasiyahan sa tagumpay ng iba.
2. Ipabasang muli nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.

Paglilinang
1. Basahin ang teksto sa pahina 177. Pasunurin ang klase sa pangalawang pagbasa.
Ipabasa rin ito sa mga pangkat at sa ilang mag-aaral.
2. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang gawain bago ipasagot
ang Pag-aralan at Sagutin. Ipalahad at talakayin ang mga sagot ng bawat pangkat.
Ipasadula ang ibang sitwasyon.
3. Papiliin ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin at
ipasagot ito. Ipahanap ang pareha na may katulad na sagot. Ipabigkas ang mga sagot.
4. Ipaliwanag at ipasagot ang Magdesisyon sa magkakapareha. Muling ipalahad ang
kanilang mga sagot.
5. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang pagiging mapagparaya sa kapuwa? ang pagiging
mapagpakumbaba? Bakit dapat tayong maging mapagparaya at mapagpakumbaba?
6. Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot sa magkakapareha ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

31
Aralin 9: Mauna Na Po Kayo
Layunin
Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at sa paaralan tulad ng pagpaparaya at pagpapakumbaba

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mauna Na Po Kayo,” mga pahina 184–190

Paghahanda/Pagganyak
1. Hayaang ilahad ng ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
Muling ipabigkas ang natutuhang magagandang pag-uugali tungkol sa pagpaparaya
at pagpapakumbaba.
2. Itanong: Kailan pa maaaring ipakita ang pagpaparaya? ang pagpapakumbaba?
3. Sabihin: Alamin natin ito sa ating kuwentong-larawan.

Paglilinang
1. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan. Pabuksan ang aklat sa mga pahina 184 at
185. Ipasuri ang mga larawan. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa bawat larawan?
2. Ipaliwanag ang gawain sa Pag-aralan at Sagutin. Ipasagot ito sa mga pangkat.
3. Ipalahad ang mga sagot ng bawat pangkat. Hikayatin ang ibang mag-aaral na
magtanong sa inilahad ng ibang pangkat.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon bago ito ipagawa. Gabayan ang mga pangkat
habang sinasagot ang gawain. Ipalahad at talakayin ang natapos na gawain. Hikayatin
ang mga mag-aaral na magkuwento tungkol sa kanilang karanasan na kaugnay ng
pagpaparaya at pagpapakumbaba.
5. Itanong: Anong magandang pag-uugali ang natutuhan ninyo ngayon?
6. Gabayan ang mga mag-aaral na basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito sa magkakaparehang mag-
aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan sila na maaari silang magpatulong sa
mga nakatatanda sa kanilang tahanan.

32
Aralin 10: Kalinisan, Kaayusan, at Kalusugan
Layunin
Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng tahanan at sa
paaralan para sa mabuting kalusugan
Halimbawa: pagtulong sa paglilinis ng tahanan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kalinisan, Kaayusan, at Kalusugan,” mga pahina 191–197

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-aralin.
2. Muling ipabigkas ang natutuhang magandang pag-uugali na nakatala sa Tandaan sa
nakaraang aralin.
3. Itanong: Ano ang ginagawa ninyo sa bahay kapag walang pasok?
Hikayatin ang mga mag-aaral na magsabi ng kanilang mga gawain.

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang tula tungkol sa kalinisan, kaayusan, at kalusugan.
Babasahin ko ito nang dalawang ulit. Sa pangalawa kong pagbasa, susundan ninyo
ako. Sa pangatlo, kayo naman ang magbabasa.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pagbigayin ang ilang mga bata ng mga
halimbawang gawain na makatutulong sa malinis na kapaligiran.
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipagawa ito at ipalahad ang natapos na gawain.
4. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon
bago ito ipagawa sa mga pangkat. Ipapaskil ang nabuong gawain. Gabayan ang mga
pangkat sa paglalarawan ng kanilang iginuhit na larawan.
5. Itanong: Bakit mahalaga na laging malinis ang ating tahanan? Gabayan ang mga
pangkat sa pagbasa ng Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Pabilugan ang kanilang mga sagot.
Maaari silang gumamit ng iba’t ibang kulay na ballpen o krayola upang matukoy ang sagot
ng bawat bata.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin, Gawain A at Gawain B. Sabihan ang mga mag-
aaral na magpatulong sa mga magulang o ibang nakatatanda sa kanilang tahanan.

33
Aralin 11: Paaralan Ko, Aalagaan Ko
Layunin
Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng tahanan at sa
paaralan para sa mabuting kalusugan
Halimbawa: pagtulong sa paglilinis ng paaralan at pag-iwas sa pagkakalat

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)
• mga halaman na nakatanim sa mga lalagyang recycled

Paksa
“Paaralan Ko, Aalagaan Ko,” mga pahina 198–204

Paghahanda/Pagganyak
1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ilahad ang kanilang takdang-aralin. Hikayatin
ang iba na magbigay ng puna sa inilahad ng mga kamag-aaral.
2. Muling ipabigkas ang magagandang ugali sa Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Ano ang ginagawa ninyo sa paaralan bago kayo umuwi? pagdating sa umaga?
Nakatutulong ba kayo sa kalinisan?

Paglilinang
1. Sabihin: Ang ating kuwento ngayon ay tungkol sa malinis na paaralan. Babasahin
natin ang kuwento nang sabay-sabay.
2. Basahin ang kuwento at pasunurin ang mga bata.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa
sagot.
4. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipagawa
ito sa magkakapareha. Ipalahad ang sagot nila sa klase. Hikayating magbigay ng puna
ang iba sa mga paglalahad.
5. Talakayin at ipasagot ang Magdesisyon. Paikutin ang mga bata at ipahanap ang ibang
mag-aaral na may katulad na mga sagot. Sabihin na magsama-sama ang magkakatulad
ang sagot at ipabigkas ang kanilang sagot nang sabay-sabay.
6. Itanong: Anong magandang gawain at pag-uugali ang natutuhan ninyo sa aralin natin?
7. Gabayan ang klase sa pagbasa o pagbigkas ng Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin na palagdaan ang gawain sa kanilang
magulang.

34
Aralin 12: Maaari Pala!
Layunin
Nakagagamit ng mga bagay na patapon na ngunit maaari pang pakinabangan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Maaari Pala!,” mga pahina 205–209

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Muling ipabigkas ang magagandang gawain at kilos sa Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Magpakita sa mga mag-aaral ng ilang halaman na nakatanim sa tasang wala nang
tainga, bote ng soft drink, lata ng biskwit, at iba pa. Itanong: Ano ang mga ginamit na
taniman?

Paglilinang
1. Sabihin: Suriin natin ang mga larawan sa pahina 205. Nakakita na ba kayo ng mga
taniman na tulad nito? Saan dapat makikita ang mga tanimang ito? Ano ang masasabi
ninyo sa mga tanimang ginamit sa larawan?
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng puna sa mga larawan.
3. Ipagawa ang Pag-aralan at Sagutin. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan at
ipasagot ang gawain. Ipalahad at talakayin ang mga sagot ng mga pangkat.
4. Pasagutan ang Suriin. Ipalahad ito sa klase at hikayatin ang iba na magbigay rin ng
kanilang mungkahi.
5. Ipagawa ang Magdesisyon. Sabihing gawin ito sa bond paper o kartulina.
6. Itanong: Bakit kailangan nating gamiting muli ang mga bagay na patapon na pero
mapakikinabangan pa?
7. Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Pagpadalahin ang mga mag-aaral ng mga patapong bagay na naging kapaki-
pakinabang. Ipabuo ang sumusunod:
“Ito ay isang .”
“Ang patapong ay ginawang .”

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa at Pag-isipan at Sagutin.

35
PAG-UUGNAY
Ipaliwanag at ipasagot ang Pag-uugnay sa pahina 210. Pagsama-samahin ang mga
magkakatulad at ipaskil sa pisara.

LAGUMANG PAGSUSULIT
Ipagawa ang sumusunod.
Markahan ang sarili. Isulat ang O sa kahon kung ginagawa mo ito. Isulat ang H kung
hindi mo ito ginagawa.

1. Sumasagot kaagad kapag tinatawag


2. Sumusunod kaagad kapag inuutusan
3. Sinusunod ang mga tuntunin sa tahanan
4. Hindi nagtatapon o nagsasayang ng pagkain
5. Nag-aaral bago maglaro
6. Binabati ang kamag-aral na nanalo sa paligsahan
7. Pinauuna ang nakatatanda sa pila
8. Tumutulong sa paglilinis ng bahay
9. Ginagamit ang mga boteng plastic na taniman
10. Hindi ikinakalat ang mga basura kahit saan

36
Yunit 4  Ako—Mapagmahal at Maka-Diyos

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Ipaalam sa mga mag-aaral ang mga kaisipan at pagpapahalagang matututuhan sa
Yunit 4

Kagamitan
iba’t ibang larawan

Mga Gawain
1. Ipaskil ang sumusunod na larawan: mga Muslim na sumasamba sa moske, mga
taong nagpuprusisyon, mga pamilyang nagdarasal sa bahay, at pamilya na papunta sa
simbahan
2. Pangkatin ang klase sa lima. Bigyan ang bawat pangkat ng pagkakataon na
mapagmasdan ang bawat larawan.
3. Hikayatin ang mga pangkat na magtanong tungkol sa mga larawan. Maaaring isulat
ang mga tanong sa pisara.
4. Sabihin: Sasagutin ang inyong mga tanong sa mga araling tatalakayin natin.

Aralin 1: Nadapa si Makki


Layunin
Nakasusunod sa utos ng mga magulang at nakatatanda

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Nadapa si Makki,” mga pahina 212–218

Paghahanda/Pagganyak
1. Itanong: Ano ang ginawa ng inyong pamilya noong nakaraang araw ng Linggo? Ano
ang ipinakita ng gawaing ito ng inyong pamilya?
2. Sabihin: Tatalakayin natin sa yunit na ito ang mga gawain na nagpapakita ng paggalang
at pagmamahal sa Diyos.

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Nadapa si Makki” sa pahina 212. Basahin ito
nang tatlong beses kung kinakailangan upang maunawaan ng mga mag-aaral.

37
Ipasagot nang pangkatan, dalawahan, at isahan ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin
ang mga sagot ng mga mag-aaral.
2. Papiliin ang mga mag-aaral ng kapareha. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipagawa
ito sa magkakapareha. Gabayan sila habang sinasagot ito. Ipalahad ang kanilang mga
sagot at magkaroon ng talakayan. Itanong: Ano ang maaaring mangyari kung hindi
ninyo ginagawa ang mga gawaing nakatala?
3. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon. Ipasagot ito at ipalahad sa magkakapareha.
Hikayatin ang mga mag-aaral na magkuwento ng kanilang karanasan sa hindi
pagsunod/pagsunod sa mga utos ng nakatatanda. Maaaring magsagawa ng tanungan
tulad ng sumusunod:
“Ano ang utos na hindi mo sinunod? ”
“Ano ang nangyari? ”
4. Itanong: Paano mo ipakikita ang paggalang at pagmamahal sa mga magulang at sa
Diyos?
5. Ipabasa nang sabayan ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 2: Para sa Aming Lolo at Lola


Layunin
Nakasusunod sa mga utos ng mga magulang at nakatatanda

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Para sa Aming Lolo at Lola,” mga pahina 219–225

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Hikayatin naman ang mga
nakikinig na magbigay ng kanilang mga puna sa mga paglalahad.
2. Muling ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Paano ipinakikita ang pagmamahal sa mga lolo, lola, at mga magulang?
Alamin natin sa ating tulang babasahin.

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang tula. Maaaring basahin muna ito bago ipabasa nang pangkatan,
dalawahan, at isahan.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Magsagawa ng malayang pagbibigay ng mga
puna sa mga sagot na ibinigay.
38
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Basahin ang bawat nakatala bago ipaguhit ang
damdamin ng nakatatanda at ang sariling damdamin.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon. Ipasagot ito at ipalahad ang mga sagot.
5. Itanong: Paano ipinakikita ang paggalang sa nakatatanda? Ipabasa ang mga gawain at
pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Hikayatin silang magpatulong sa nakatatanda.

Aralin 3: Ang Pagdarasal


Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ang Pagdarasal,” mga pahina 226–230

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Ipabigkas muli ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Ano ang napapansin ninyo kapag kayo ay nagsisimba/sumasamba? Ang
kuwento natin ngayon ay tungkol sa mga nakatatanda na nagdarasal. Ano kaya ang
dapat gawin kapag nakakakita ng gumagawa nito?

Paglilinang
1. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Ang Pagdarasal” sa pahina 226.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong
tungkol sa nabasang kuwento.
3. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Pangkatin ang mga mag-aaral nang
tatluhan bago ito ipasagot. Ipalahad ang mga nabuong gawain.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot ng bawat pangkat. Bigyang-diin
ang mga sitwasyon na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba. Maaaring
papagbigayin ang mga mag-aaral ng ilan pang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba.
5. Itanong: Paano mo ipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Ipabasa o basahin
ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

39
Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 4: Koro Muna Bago Laro


Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapuwa

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Koro Muna Bago Laro,” mga pahina 231–236

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Bigyang-diin ang mga
gawain at pahayag na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.
2. Itanong: Paano pa ninyo maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Sino sa
inyo ang kasali sa mga koro ng simbahan/sambahan? Bakit kayo sumali sa koro?

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isa pang kuwento tungkol sa paggalang sa paniniwala
ng iba. Pakinggan ninyo nang mabuti ang kuwento upang masagot ninyo ang mga
tanong sa Pag-aralan at Sagutin.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Ipalahad at talakayin ang mga sagot ng mga
mag-aaral. Pagbigayin sila ng sarili nilang kuro-kuro sa mga pangyayari sa kuwento.
Halimbawa:
a. Kung kayo si Peter, ano ang gagawin ninyo?
b. Magagalit ba kayo sa kaniya? Bakit?
3. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot
ito at ipalahad ang mga sagot sa klase. Hikayatin naman ang iba na magtanong o
magbigay ng puna sa isinagot ng ibang magkapareha.
4. Ipaliwanag ang panuto sa Magdesisyon. Pagbigayin ang ibang mag-aaral ng mga
karagdagang mungkahi.
5. Itanong: Anong mga pag-uugali ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?
Paano naman maipakikita ang pagmamahal sa Diyos?
6. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

40
Aralin 5: Mahalagang Paalala
Layunin
Nakasusunod sa mga gawaing panrelihiyon

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mahalagang Paalala,” mga pahina 237–241

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Bigyang-diin ang natutuhang
magandang pag-uugali.
2. Muling ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Pabuksan ang aklat sa pahina 237. Patingnan nang mabuti ang mga larawan. Pagbigayin
ang mga mag-aaral ng kanilang puna sa mga larawan. Sabihin na tatalakayin nila ang
mga larawan.

Paglilinang
1. Pangkatin ang klase sa lima. Ipasuri ang isang larawan sa bawat pangkat. Pagbigayin
sila ng kanilang mga puna sa mga ipinakikita ng larawan. Ipalahad ang sagot ng bawat
pangkat. Hikayatin naman ang mga nakikinig na magtanong tungkol sa ibang larawan.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng bawat pangkat.
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Maaaring ipagawa sa pangkat o ipadala sa bahay
ang gawain upang masagot sa tulong ng mga kasapi ng pamilya. Ipalahad ang gawain
sa klase at magsagawa ng malayang talakayan.
4. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa
Magdesisyon. Pagsama-samahin ang mga magkapareha na magkakatulad ang sagot.
Itanong kung bakit ganoon ang kanilang sagot.
5. Itanong: Anong mga gawaing panrelihiyon ng inyong pamilya? Kailan ninyo ito
isinasagawa? Ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
6. Basahin o ipabasa ang mga pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang ilang miyembro ng pamilya.

41
Aralin 6: Sa Isip, sa Salita, at sa Gawa
Layunin
Nakasusunod sa mga gawaing panrelihiyon

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Sa Isip, sa Salita, at sa Gawa,” mga pahina 242–248

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Muling ipasabi ang mga gawain at kilos na nagpapakita ng iba’t ibang gawaing
panrelihiyon.
3. Itanong: Aling larawan sa paskilan (sa Paglulunsad ng Yunit) ang nagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos? Bakit ninyo ito nasabi? Tatalakayin natin ngayon ang iba pang
paraan kung paano maipakikita ang pagmamahal sa Diyos.

Paglilinang
1. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Sa Isip, sa Salita, at sa Gawa,” pahina 242. Ipabasa
ito sa bawat pangkat.
2. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang gawain sa Pag-aralan at
Sagutin. Gabayan ang klase habang sinasagot ang gawain.
3. Ipalahad ang natapos na gawain ng bawat pangkat. Hikayatin ang mga nakikinig na
magtanong tungkol sa mga inilahad.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot ito sa bawat mag-aaral. Ipahanap ang
kamag-aaral na may katulad na sagot at ipabigkas nang sabayan ang kanilang sagot.
5. Ibalik sa dalawang pangkat ang klase. Ipaliwanag at ipasagot ang gawain sa
Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot at talakayin ang mga sagot ng mga pangkat.
6. Itanong: Paano ninyo tutuparin ang mga gawaing panrelihiyon?
7. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag at ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin na kasama ang pamilya.

Aralin 7: Panginoon, Salamat Po


Layunin
Nakapagdarasal nang taimtim

42
Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Panginoon, Salamat Po,” mga pahina 249–254

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Bigyang-diin ang mga
gawaing panrelihiyon.
2. Ipabigkas muli ang Tandaan sa nakaraang aralin. Itanong: Paano kayo magdasal sa
inyong pamilya? Aalamin natin ito sa ating kuwento.

Paglilinang
1. Basahin ang dasal nang dalawang ulit. Ipaulit ang dasal sa bawat pangkat, o nang
tatluhan, dalawahan, at isahan.
2. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
Ipalahad ang mga sagot ng bawat pangkat at talakayin ito. Pagbigayin sila ng mga
halimbawang sitwasyon kung paano at saan nila ito idinarasal.
3. Ipasagot ang Suriin. Ipalahad ang mga sagot.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Gabayan ang bawat pangkat sa pagsagot.
5. Itanong: Ano ang mabuting tandaan kapag nagdarasal?
6. Basahin o ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Maaaring magpatulong sila sa mga nakatatanda.

Aralin 8: Salamat, Panginoong Dakila


Layunin
Nakapagdarasal nang taimtim

Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Salamat, Panginoong Dakila,” mga pahina 255–260

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Muling ipabigkas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Ano ang ginagawa ninyo paggising sa umaga?
4. Sabihin: Alamin natin sa ating tula ang ginagawa ng mga bata paggising sa umaga.

43
Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin ko ang tula. Sa pangalawang pagbasa, sasabay kayong lahat. Sa
pangatlong pagbasa, tatawag ako ng ilan para magbasa.
2. Ipaliwanag ang gawain sa Pag-aralan at Sagutin. Ipasagot ito. Magsagawa ng
talakayan. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsabi ng kanilang nararamdaman
tungkol sa tula.
3. Ipasagot ang Suriin. Ipasadula o ipakitang-kilos ang paraan ng taimtim na pagdarasal.
4. Basahin ang sitwasyon sa Magdesisyon. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
5. Itanong: Paano magdasal nang taimtim?
6. Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang mga kasapi ng pamilya.

Aralin 9: Kasali Kami!


Layunin
Nakasusunod sa mga gawaing panrelihiyon

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 1 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kasali Kami!,” pp. 261–266

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang ginawang dasal sa takdang-aralin.
2. Muling ipabasa nang malakas ang Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Anong mga gawaing panrelihiyon ang madalas maganap sa inyong barangay?

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang kuwento. Makinig kayo nang mabuti habang
binabasa ko ito. Sabayan ninyo ako sa pangalawa kong pagbasa. Kayo na lang ang
magbabasa sa pangatlong ulit.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng
sarili nilang palagay o puna sa mga pangyayari.
3. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Suriin. Ipalahad ito.
Hayaang magsama-sama ang magkakatulad ang sagot at pag-usapan nila ito.
4. Panatilihin ang mga pangkat. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad ang natapos na
gawain. Hikayatin ang ibang pangkat na magbigay ng puna o dagdag na mga kaisipan.

44
5. Itanong: Anong mabuting gawain at kilos ang mabuting ugaliin kaugnay ng mga
gawaing panrelihiyon?
6. Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
1. Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.
2. Ipagawa rin ang Pag-isipan at Sagutin.

PAG-UUGNAY
Ipagawa ang Pag-uugnay sa pahina 267. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito.

LAGUMANG PAGSUSULIT
Markahan ang nabuong gawain sa Pag-uugnay. Bigyan ng dalawang (2) puntos ang
bawat gawaing mababanggit.
Tiyakin na may mga gawain tungkol sa sumusunod:
1. Pagsunod sa mga utos ng mga magulang
2. Paggalang sa paniniwala ng iba
3. Pagsunod sa mga gawaing panrelihiyon
4. Pagdarasal nang taimtim

45

You might also like