You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod-Maynila


MABABANG PAARALANG SEN. BENIGNO S. AQUINO JR.
Port Area, Manila

Date : Hunyo , 2023

Lesson Plan in EPP 5

I Layunin:
Sa pagtatapus ng aralin, 80% ng mga mag aaral ay inaasahang:
A. Napagsusunod-sunod ang bawat hakbang sa paggawa ng
sandwich.
B. Nakakapaglagay ng palaman sa tinapay sa wastong paraan.
C. Naipapamalas ang kawilihan sa malinis at maingat na
paggawa.
II Paksang Aralin:
A. Batayang Kaisipan
Paghahanda ng Pagkain
B. Paksang Kaisipan
Paggawa ng Sandwich

C. Kagamitan
Tsart, mga larawan, LCD projector, drill board, organizer,
mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng sandwich
( sangkalan, bowl, plato, sandwich wrapper at disposable hand
gloves.)
D. Sanggunian
PELC Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan IV, d 77-94
www.wiki.com/Make-a-Sandwich
Egg Mayo Sandwich | How to make |Palaman sa tinapay
https://youtu.be/0l26dkg7Jy4
E. Saloobin
Malinis at maingat na paggawa

III Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal, Pagbati
2. Pag-uulat ng dumalo/ kalinisan
B. Pagsasanay
Tukuyin kung anong gawaing kamay ang ipinapakita sa video
1. Video ng pagbabalat
2. Video ng pagtatalop
3. Video ng paghihiwa
4. Video ng paghihimay
5. Video ng paggagadgad
C. Balik- Aral
Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkatang Gawain
Panuto: Ang bawat pangkat ay magpapaunahan sa pagtukoy sa lawaran
kung saang pangkat ito nabibilang
GO GROW GLOW
Kanin Karne Lettuce
Tasty bread Manok Orange
Kamote seafoods Ampalaya

D. Paglalahad sa Aralin
1. Pagganyak
(Video Presentation)
a. Ano- anu ang mga napansin sa video?
b. Sa inyong palagay ano ang ating aralin ngayon
2. Paglalahad ng Suliranin
Paano ang wastong paraan ng paggawa ng sandwich?
3. Pag- aalis ng balakid

Hanapin Salta:
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang salita na tumutukoy sa bawat
pangungusap
D W R G A Q B D
R I R X I O D S
E Y U A B E I S
S M W E A Z U S
S A N D W I C H
I J E Y E V A S
N K W B O O P I
G O Q V Z U E T

Sandwich- tinapay na may palaman


Dressing- inilalagay sa tinapay upang ito ay maging malasa
4. Karanasan sa Pagkatuto
a. Pagtatalakayan
b. Pag-alala sa pamantayan
c. Pangkatang Gawain
Paggawa ng Egg Sandwich
5. Pagbibigay halaga
 Pagbibigay puntos at pag-uulat ng bawat pangkat sa tsart ng
antas
ng paggawa

Rubrika
Kriteria 5 3 1 Marka

Kagamitan Kumpleto ang Kulang ng 1-2 Kulang ng 3-4


mga na sangkap at na sangkap at
sangkap , at hindi nagamit hindi nagamit
nagamit ang ng wasto ang nang wasto
mga mga ang mga
kagamitan ng kagamitan kagamitan
wasto
Paggawa Nasunod ng Ilang hakbang Karamihan sa
maayos ang ay hindi mga hakbang
mga hakbang nasunod ay hindi
naisagawa
Wastong gawi Nakagawa ng Hindi Maingay
maayos at gaanong gumawa at di
tahimik Nakagawa ng maayos ang
maayos at pagkagawa
maingay
Oras Nakatapos sa Natapos Hindi natapos
takdang oras tatlong minuto sa takdang
pagkatapos oras
ng takdang
oras
TOTAL

Katumbas na puntos
17- 20 = 96-100% Napakahusay
13-16= 91-95% Mahusay
10-12= 86-90% Medyo-mahusay
3-9= 75-80% Hindi- mahusay

E. Paglalahat
PANGKATANG GAWAIN
PAGGAMIT NG GRAPHIC ORGANIZER
Pangkat I: Anu- ano ang mga sustansyang makukuha sa bawat sangkap
na ginamit?
Pangkat II: Anu- ano ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng
sandwich?
Pangkat III: Pagsunod-sunudin ang mga hakbang sa paggawa ng sandwich
Pangkat IV: Anu -ano ang mga kahalagahan ng may kaalaman sa paggawa
ng sandwich?
F. Pagpapahalaga
Pantiyak sa pagsubok
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pangungusap ay tama at
Kung mali.
1. Upang maging kumpleto ang sustansiya ng sandwich na may pipino,
letsugas at mayonnaise dagdagan ito ng hiniwang kamatis
2. Ang dressing ay inilalagay sa ibabaw ng mga pinagpatung-patong na
sangkap ng sandwich.
3. Gamitan ng gloves ang kamay na hahawak ng mga sangkap sa pagluluto.
4. Upang maging malasa ang tinapay lagyan ito ng dressing.
5. Maging malinis sa paghahanda ng pagkain
IV. Takdang- aralin:
Paksa : Kahalagahan ng Pag-iimbak
a. Talasalitaan:
1. Pag- iimbak
2. Preserbatiba
b. Tanung: Anu-ano ang kahalagahan ng pag-iimbak?

Inihanda ni:
Vanessa A. Mendoza
Guro I

Iniwasto ni:

Maria Cristina J. Gallo


Dalubguro

You might also like