You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Bataan
Distrito ng Mariveles
PAARALANG ELEMENTARYA NG IPAG

BANGHAY ARALIN SA SCIENCE 3

I. Layunin:
1. Mabukod-bukod ang mga hayop ayon sa pagkilos ng mga bahagi ng katawan
na mayroon sila.
2. Mamalas at makapagtanong tungkol sa iba’t-ibang tungkulin ng mga bahagi ng
katawan na ginagamit sa pagkilos.
3. Masabi ang kahalagahan ng hayop sa tao.

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Paksa:
1. Pagbubukod-bukod ng mga hayop ayon sa pagkilos ng mga bahagi ng kanilang
katawan
2. Bahagi ng katawan ng hayop na ginagamit sa pagkilos.
3. Kahalagahan ng hayop sa tao
B. Konsepto sa Agham
1. Iba’t-ibang bahagi ng katawan ng hayop ay may kani-kaniyang tungkulin.
2. Nagkaiba-iba ang mga hayop ayon sa mga bahagi ng katawan
3. Makabuluhan ang mga hayop sa tao
C. Proseso ng kasanayan
1. Pagmamalas
2. Paghahambing
3. Pagbubukod-bukod
D. Pagpapahalaga
Pagpahalaga sa iba’-t-ibang uri ng hayop
E. Sanggunian:
K TO 12 Curriculum Guide, S3LT-IIc-d-5
Science Around Us 3. Garcia, Ligaya B., et al. 1997. pp. 51-59.
Exploring Science 1 Teacher’s Manual. Reynaldo-Mangubat, Ma. Carmina.
1999. pp. 31-36.
F. Kagamitan:
larawan ng iba’t-ibang uri ng hayop, cut-outs, worksheets, tsart, audio-visual
presentation, puzzle

III. Instruksyonal na Pamamaraan


A. Panimulag Gawain
1. Pag-awit ng may galaw
2. Balik-aral:
Ibigay ang mga bahagi ng katawan ng mga sumusunod na hayop sa ibaba.

1
1. 2. 3.
2.
3.1.
2. Pagganyak :
4.
Buuin ang mga piraso ng larawan ng mga hayop at pangalanan ang mga ito.
5.
Ano kaya ang mga gawain na maaaring gawin ng mga hayop sa larawan?

B. 1. Paglalahad:
Mayroon akong inihandang video presentation para sa inyo.
Magbigay ng mga pamantayan habang nanonood ng presentation.

2. Pagpapalawak ng Kaalaman:
Itanong:
1. Tungkol sa anong katangian ng mga hayop ang inyong nasaksihan sa palabas?
2. Anu-anong hayop ang nasa palabas?
3. Paano kumilos ang butiki? Baka? Palaka? Insekto? Isda?
Magbigay ng mga hayop na katulad ng pagkilos ng mga ito?
4. Ano ang kahalagahan ng mga hayop sa buhay ng mga tao?

C. Pagsasagawa ng Gawain, Pagpoproseso ng kasanayan at konsepto


Unang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa 5, pabunutin sila sa kahon at ipagawa ang kilos
na ginagawa ng mga hayop na nasa loob nito sa isa sa kanilang miyembro. Sumulat
ng 3 pang katulad na hayop na may ganitong kilos o galaw.
1. Ibon
2. Aso
3. Kuneho
4. ahas
5. kabayo

2
Itanong:
1. Anong hayop ang iyong ginaya?
2. Ano ba ang ginagamit ng mga ibon upang sila ay makalipad?
3. Ano ano pa ang bahagi ng katawan ng ibon?

Ikalawang Gawain:
Bumuo ng dalawang grupo. Punan ang mga kaalamang nawawala gamit
ang kahon sa ibaba.

Halimbawa:
Pangalan ng Bahagi ng katawan Tungkulin/ gamit ng
hayop bahagi
1. Ibon pakpak Tumutulong upang
makalipad

Unang Pangkat:
Pangalan ng Bahagi ng katawan Tungkulin/ gamit ng
hayop bahagi
1. paruparo
2. palaka
3. isda

Ikalawang Pangkat:
Pangalan ng Bahagi ng katawan Tungkulin/ gamit ng
hayop bahagi
1. salagubang
2. kalabaw
3. uod
Pagkatapos makompleto ang kahon, hayaang basahin ng mga mag-aaral
ang kanilang itinala at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Lahat ba ng hayop ay magkakatulad ng mga bahagi ng katawan?


2. Sa inyong palagay, bakit kaya hindi sila magkakatulad?
3. Paano ninyo nasabi na iba-iba ang mga bahagi ng kanilang katawan?
4. Iisa lang ba ang gamit o tungkulin ng iba’t-ibang bahagi ng katawan?

Ikatlong Gawain:
Ibigay sa mga mag-aaral ang cartolina strips na may nakasulat na gamit o
tungkulin ng katawan ng hayop. Ilagay ang sagot sa kahon.

Ginagamit Ginagamit Ginagamit Ginagamit Ginagamit Ginagamit


upang upang upang upang upang upang maka
makakita makakain makalakad makaramdam maka lukso likha ng tunog

Mata Bibig Paa Kamay

d. Paglalahat:
Ang mga hayop ba ay pare-pareho ang bahagi ng katawan at gamit ng mga ito?
Ano ang inyong masasabi sa mga bahagi ng katawan ng hayop?
Paano ginagamit ng mga hayop ang mga bahagi ng kanilang katawan ?

3
e. Paglalapat:

Unang Gawain: Sa tulong ng mga larawan ay gagawin ng mga mag-aaral ang inihandang
gawain.

1. 3.

2. 4.

Hayop Kilos/galaw Bahagi ng katawan na ginamit


1.
2.
3.
4.

Ikalawang Gawain:

Kilalanin ang mga sumusunod na hayop ayon sa kanilang kilos kung lumilipad,
lumalakad, gumagapang, tumatalon, o lumalangoy.

1. 2. 3.

4. 5.

4
IV. Pagtataya:
Tukuyin ang kilos ng mga hayop kung lumilipad, lumalakad, gumagapang,
tumatalon, o lumalangoy.

1. 2. 3.

4. 5.

V. Takdang aralin
Sa pamamagitan ng tula na may dalawang saknong ay ilahad ang kahalagahan ng mga
alagang hayop sa tao at mga paraan kung paano sila mapangangalagaan.

Inihanda ni:

JAFFERSON LUYO
Demonstration Teacher/MT-1

You might also like