You are on page 1of 5

September 27, 2019 Friday

Six-Alexandrite 9:00 – 9:50


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyob
at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan .
B.Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang napakinggan.
Naiuulat ang isang isyu o paksang napakinggan.
Nakasusulat upang ipahayag ang isang kakaibang karanasan at makagawa ng isang poster o
patalasatas tungkol sa isang isyu o paksa.
Naisasakilos ang isang paksa o isyung napanood.

C.Mga Kasanayan sa Pagkakatuto


A.Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang sanaysay F6PN –II-18
B.Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan F6PS-II d-9
II. Nilalaman
Pagtukoy sa mahahalagang pangyayari sa napakinggang sanaysay F6PS-II-18
Pagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan F6PS-II d-9
III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo
Sanggunian: Internet: fil.wikipilipinas.org, http://youtube/watch?v=TftHuQg0ORk, video clip
Kagamitan: Powerpoint Presentation, tsart,
A. Kaisipan: Ang Paligid na malinis ay malayo sa sakit
B. Kahalagahan: Pagiging malinis sa kapaligiran
C. Saloobin:Pagmamalasakit sa kapwa
D. Integrasyon : Araling Panlipunan, Science, ESP, Mathematics, Health, TLE
IV. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pamapasiglang bilang ( sayaw ) Mosquito Dance
3.Pagsasanay
Laro : Gamit ang link ng larong “Who Wants to be a Millionaire “
Panuto:Sabihin kung anong pandama ang kaugnay ng pangkat ng mga salita
na naglalarawan.
1..makinis, malambot, matigas, magaspang
2.malamyos,dagundong,alingawngaw,kaluskos
3.maasim, mapakla, mapait,maanghang
4.maliwanag,maganda,makulimlim,makipot.
5.masangsang,mabaho,mabango,masigid
B. Balik-Aral
Panuto: Ibigay ang angkop na kahulugan sa mga sawikaing may salungguhit sa pangungusap.
1. Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
2. Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
3. Marami akong kaibigan na anak-dalita.
4. Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
5. Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

C. Pagtalakay sa Aralin
1. Pangganyak
Pagpapakita ng larawan

Itanong:
1.Ano-anong pangyayari ang idinudulot ng malakas na pag-ulan?
2.Ano-ano ang mga suliranin ang idinudulot nito?
3.Alin sa mga pangyayaring ito ang inyong nararanasan sa inyong lugar?
4.Bukod sa mga pangyayaring inyong nasaksihan,anong suliranin ang idinudulot ng
pagbaha sa kalusugan ng tao?

2.Pagpapayaman ng talasalitaan
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita.
1. Dengue
2. Aedis Aegypti at Aedis albopictus
3. Rashes
4. Platelets
5. Dengue H-Fever
6. leptospirosis
2. Pag-unawa sa Nilalaman

Mga Kaalaman Tungkol sa Dengue Fever at Leptospirosis


1. Panonod ng video presentation

3. Pagsasagawa ng malayang talakayan

1.Ano ang kinatatakutang suliraning pangkalusugan ngayong tag-ulan?


2..Paano kumakalat sa tao ang sakit na Dengue H-Fever?
3 .Paano malalaman ng isang tao na siya ay may Dengue?
4..Paano mo ilalarawan ang kaso ng sakit na Dengue sa loob ng 3 taon?
5..Ayon sa datos ng DOH kung pagsasamahin,ilan na ang namatay mula 2017 hanggang sa
kasalukuyan sa sakit na Dengue?
6.. Sa iyong palagay,bakit patuloy na dumarami ang kaso ng dengue?
7.Ano ang leptospirosis?
8.Saan ito nagmumula,at paano ito nasasalin sa tao?
9. Gaano na karami na ang namatay sa sakit na ito sa loob ng 3 taon?
10.Bakit mahalagang kumunsulta agad sa doctor kung nakararanas ng mga sintomas
ng mga sakit na nabanggit?
11.Bakit mahalaga ang pagkain ng masustansiyang pagkain tulad ng sariwang gulay at
prutas?
12. Paano nakakaapekto sa badyet ng pamilya ang suliraning ito ? Sa ekonomiya ng bansa?
13..Ano ang gagawin mo kung ikaw,o isa sa pamilya mo ang tamaan ng sakit na Dengue o
leptospirosis?
14.Paano ka makapagbibigay ng mahusay at mabisang solusyon sa mga suliraning narinig?
15.Bukod sa mga nabanggit na solusyon ,ano pang solusyon ang maaari mong gawin upang
makaiwas sa sakit na Dengue at Leptospirosis?
16.Paano mo isasagawa ang solusyong iyong naisip?
4.Paglinang sa Kabihasaan
PECS ( Pagbibigay ng suliranin, sanhi, epekto, at kung ano ang solusyon sa suliranin )

Ano-ano ang mga suliraning dala ng tag-ulan?


Ano ang sanhi ng mga suliraning ito?
Ano ang naging bunga nito?
Paano mo ito masusulusyonan?

4.Pamantayan sa pagsasagawa ng Pangkatang Gawain


Ano-ano ang mga pamantayang dapat tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain?
4.1 Pangkatang Gawain
Magbigay ng maaaring solusyon sa mga suliraning pangkalusugan tulad ng Dengue at
Leptospirosis.Ilahad ang inyong solusyon sa pamamagitan ng:

Pangkat I—Pagsasadula ng maaaring solusyon.


Pangkat II – Pagsulat ng mga panuntunang pangkalusugan upang maiwasan ang pagkakasakit
Pangkat III-.Gumawa ng jingle
Pangkat IV- Gumawa ng slogan

Rubriks
PINAKAMAHUSAY MAHUSAY MAHUSAY- DI-MAHUSAY
HUSAY
5 4 3 2

4.3 Pag-uulat ng bawat pangkat


4. Paglalahat
Bakit mahalagang malaman natin at maunawaan ang mga pangyayari sa ating paligid?
Paano masosulusyunan ang mga suliraning naobserbahan?
Paano magiging mabisa ang solusyong iyong ibibigay?

5.Paglalapat
Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit sa
inyong lugar?
Bakit mahalaga na mabigayan agad ng agarang solusyon ang isang suliraning
naobserbahan?

6.Saloobin
Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa –tao?
IV.Pagtataya
Piliin ang sa palagay mo ay pinakamahusay at angkop na solusyon sa mga suliraning nakalahad
sa bawat bilang.Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.Inabutan ka ng malakas na ulan habang pauwi sa inyong bahay galing sa eskwelahan.Hindi naiwasan na
mabasa ang iyong paa ng tubig sa kalsada.Ano ang iyong gagawin?
a. punasan ng tuyong damit ang paa c.ispreyan ng pabango ang paa
b. sabunin at hugasan ng malinis na tubig ang paa d.lagyan agad ng gamot ang paa
2.Nakita mo na may maliliit na daga na tumatakbo sa loob ng inyong bahay.Anong solusyon ang maaari
mong gawin upang mawala ito?
a.bugawin hanggang umalis
b.mag-alaga ng pusa upang manghuli ng daga
c. maglinis ng bahay upang walang pagbahayan ang daga at gumamit ng mouse starp upang mahuli ito.
d.Tawagin itong mabait upang hindi manira ng gamit.

3.Nalaman mo laganap ang Dengue sa inyong lugar.Bukod sa paglilinis ng paligid ,alin pa ang maaari
mong gawin upang di ka makagat ng lamok.
a.Maglagay ng insect repellant lotion at magsuot ng mahabang damit upang di makagat ng lamok.
b. Manatili na lamang sa loob ng kulambo
c. Gumamit ng malakas na elektrikpan upang di makadapo ang lamok.
d. Lumipat ng tirahan kung saan di laganap ang Dengue.
4.Malakas ang naging ulan nang nakaraang gabi,dati-rati ay mabilis naming humupa ang tubig sa inyong
lugar, ngunit nayon ay tanghali na ay di pa humuhupa.Ano ang mamaari mong gawin?
a.Hayaan na lang hanggang kusa na itong humupa.
b. Sabihin sa Kapitan na ayusin ang problema.
c. Yayain ang kaibigan na maglaro sa tubig
d. Alamin ang pinagmumulan ng problema, mag-isip ng solusyon at magpatulong sa mga taong may kaka
yanan upang maisagawa ang solusyong naisip.
5.Hindi sapat ang kaalaman ng iyong mga kapitbahay tungkol sa sakit na Dengue at leptospirosis,kaya
hindi sila masyadong nag-iingat para maiwasan ang sakit na ito.Napag-aralan niyo ito sa paaralan at
may sapat kang kaalaman tungkol dito.Ano ang gagawin mo?
a. Sabihan ang iyong mga kapit-bahay na magtanong sa iyong guro tungkol dito.
b. Hayaan mo sila ,dahil hindi mo naman problema iyon.
c. Ipaliwanag sa mga kapitbahay ang iyong natutunan sa paaralan.
d. Magsawalang –kibo ka nalang.

.
V. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba pang maaring maging solusyon upang makaiwas sa mga sakit na dala ng tag-
ulan.

You might also like