You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Sangay ng Compostela Valley
MACO DISTRICT
Maco Central Elementary School

BANGHAY ARALIN NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


Baitang V
October 17, 2017

I. Layunin

Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan,kinukutya/binubully).

II. Paksang Aralin

Protokol sa Pag-aasikaso sa Pang-aabuso sa mga Matatanda.

Curriculum Guide (K to 12 Basic Education Curriculum Grade 5), Ikalawang


Markahan-Pakikipagkapwa-tao. 1. Pagmamalasakit sa Kapwa (Concern for
others)

REPORTING AND REFERRAL OF ELDER ABUSE


A Handbook for Service Providers
Department of Social Welfare and Development 2015 pp.65-76

Mga video (Youtube.com)


https://www.youtube.com/watch?v=faiFJ0osW3Y

Laptop, projector, multimedia speaker, charts

III. Pamamaran

A. 1 Gawain A

Balik-aral

Panonood ng video clip na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pang-


aabuso sa matatanda.
https://www.youtube.com/watch?v=faiFJ0osW3Y
A.2 Pagganyak

Ano ang naramdaman ninyo sa napanood na clip?


Anong uri ng mga pang-aabuso ang ipinakita sa video clip?
Mga posibleng sagot: Physical Abuse, Psychological/Emotional
Abuse, Financial/Material/Economic Abuse, Neglect, Sexual Abuse.

May kasama ba kayong matatanda sa bahay?


May matanda ba sa inyong komunidad?
Nakakita na ba kayo ng mga matatanda na inaabuso?
Bakit ninyo nasabing sila ay naabuso?
Ano ang inyong ginawa?o nagawa?

A.3 Paglalahad

Ang Tamang Protokol sa Pag-aasikaso sa Pang-aabuso sa mga


Matatanda.
1. Reporting at the Barangay
2. Reporting at OSCA HelpDesk
3. Reporting through Social Media and Hotline
Gawain B
Panood ng video clip.
Mga Tanong:
1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng ahensyang malalapitan sa pag-
uulat ng mga pang-aabuso sa matatanda?
2. Nakakatulong ba ito sa iyo? O sa inyong pamilya?

A. 4 Paglalapat/Gawin Natin

Pagsasadula
1. Paghahati sa klase sa tatlong grupo.
2. Pagpapakita ng video clip na may pang-aabuso sa mga matatanda.
3. Bawat grupo ay gagawin ang tamang protokol sa pag-uulat o pagpapa-
alam sa pang-aabuso.
4. Ilahad ito sa loob lang ng 5 hanggang 7 minuto.

IV. Pagtataya

Isulat ang Tama kung sang-ayon ka sa pahayag at Mali kung hindi ka sang-
ayon.
1. Hindi maaaring magreport ang biktima sa pang-aabuso na kanyang
nararanasa ng mag-isa sa barangay.
2. Maaaring hindi na e-report ang pang-aabuso sa barangay at ito ay dalhin
na sa OSCA helpdesk or Case Manager.
3. Maaring tumulong ang mga kapitbahay sa pagpapa-alam ng pang-
aabusong nagaganap.
4. Kung gagamitin ang social media sa pagpapa-alam ng pang-aabuso,
kumpletong detalye ay kailangan.
5. Hindi na kailangan ang mga doctor at nurse kung kakikitaan na ng mga
pasa ang biktima.

V. Takdang Aralin

Isulat ang mga bagay na dapat nating gawin sa mga nakakasama nating
mga matatanda sa bahay man o sa pamayanan . Isulat ninyo ang inyong
sagot sa inyong mga journal.

Inihanda ni:

MARY JOY C. OCON


Teacher II

REYNALDO P. SOMBILON
Social Welfare Officer I

You might also like