You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 5

Paggalang sa Kapwa Tao,


Isapuso Mo
Ikalawang Markahan Ikatlong Linggo Modyul 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:
mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan; at
paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo
at dayuhang kakaiba sa kinagisnan.

0
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.

• Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


• Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
• Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
• Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
• Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
• Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

• Inaasahan– ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
• Unang Pagsubok –ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
• Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
• Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
• Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
• Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin
• Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
• Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN

Sa araling ito ay tatalakayin at matututuhan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa tao.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:

Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:


1. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan.
2. paggalang sa natatanging kaugalian /paniniwala ng mga katutubo at dayuhang
kakaiba sa kinagisnan.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay mabuti at MALI
kung ito ay nagsasaad ng hindi tamang gawain.
__________1. Ang paggalang ay nakikita sa pagpaparaya sa pagkakaiba-iba ng opinyon gawi,
at pamumuhay.

__________2. Sa pagpaparaya, natutulungan tayong magpahalaga sa mga katangian ng iba at


maging bukas sa mga bagong pananaw at paniniwala.

__________3. Ang pakikitungo nang may paggalang at pagpaparaya ay hindi mabuting


gawa.

__________4. Huwag insultuhin o pagtawanan ang iba.

__________5. Igalang nating ang opinyon ang iba.

BALIK-TANAW
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat sa papel ang titik
ng tamang sagot.

1. Mapalad ang mga lugar na hindi nasasalanta ng anumang kalamidad. Ano ang
maaari nilang gawin para sa mga nasalanta?
A. Panoorin lang sila sa telebisyon
B. Bahala na sa kanila ang pamahalaan.
C. makipag-ugnayan sa mga kinauukulan at mag-abot ng anumang
makakayanang tulong.

2. Nagbigay ng babala ang PAG-ASA tungkol sa parating na malakas na bagyo.


Ano ang dapat ninyong gawin?
A. magwalang-bahala muna sapagkat maaari pang mag-iba ng landas ang
bagyo.
B. Maghanda ng lahat ng mga kakailanganin sa oras ng pangangailangan
at ipalam ito sa iba.
C. Huwag maniwala sa babala.

2
3. Ang mga taong may magandang kalooban ay
A. Nananalangin at tumutulong sa mga nangangailangan.
B. Nanonood lang sa mga taong nagsisilikas.
C. Naawa lang sa biktima

4. Madaling mapagagaan ang kalagayan ng mga sinalanta kung


A. Tutulungan sila ng pamahalaan at pribadong sektor.
B. Tutulungan sila ng pamahalaan.
C. Tutulungan sila ng pribadong sektor

5. Ilista ang mga taong natulungan upang madali silang singilin pagdating ng araw.
A. nararapat B. hindi nararapat C. hindi tiyak

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang paggalang sa kapwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkakabata. Ito ay isang hakbang
sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kanyang kapwa
tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao.
Ang paggalang sa kapwa at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay
napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong
kapwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita sa salita kundi sa kilos at gawa.
Sa panahon na tayo ay makakasalamuha ng mga dayuhan o mga katutubo dapat natin silang
tanggapin at tratuhin ng maayos. Ang kanilang mga kaugalian na kinagisnan ay atin din igalang
sapagkat doon sila nasanay at ang bawat isa sa atin ay may sariling karapatan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa mga dayuhan at mga katutubo, dahil khit sino pa man sila
kaisa natin sila. Nararapat lamang na tayo ay matutong gumalang sa bawat isa.

ARALIN: Pakikipagkapwa-tao
Mga Layunin
1. Nakikilala ang iba't-ibang paraan ng mabuting pagtanggap sa mga katutubo
at mga dayuhan
2. Naipamamalas ang mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga
dayuhan
3. Napahahalagahan ang paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan

3
NILALAMAN NG ARALIN

Basahin ang kwento

“Paggalang sa mga Katutubo at Dayuhan”

Isang umaga, habang sabay-sabay kumakain ang pamilya Reyes ibinalita ni Mang
Ramon na magkakaroon sila ng pagtitipon ng mga kasamahan niya sa trabaho. Ang ilan sa
mga ito ay dayuhan. Kaya binilinan niya si Aling Rosa na maghanda para sa mga ito.

“Inay. sasama po ako bukas sa palengke” wika ni Andrea. “Hay naku anak wag na, alam
mo naman napakasikip sa palengke dahil maraming tao”, sagot ni Aling Rosa.

Kinabukasan maagang naghanda si Aling Rosa para mamalengke. Hindi rin napigilan
ang pagsama ni Andrea.

Habang sila ay papasakay sa pampublikong sasakyan, nagulat si Andrea sa kanyang


nakita pagkasampa sa dyip “Inay bakit ganun po ang kanilang suot? Bakit ganoon po ang
kulay ng kanilang mga ngipin at balat? Pinagtatawanan po sila Inay”, wika ni Andrea.
“Anak ang tawag sa kanila ay mga katutubo, iba talaga silang manamit kumpara sa atin, hindi
ba”t itinuturo yun sa inyong paaralan? Saka ang paggalang sa kapwa tao ay mahalaga dahil
ang bawat isa sa atin ay may karapatan. Nakaugalian na nila kung paano sila manamit at
kumilos dahil yun ay kanilang tradisyon ay nakagisanan, kaya huwag mong tutularan ang
mga tumatawa sa kanila ha,” paliwanang ni Aling Rosa. “Opo, Inay pasensya na po”, sagot
ni Andrea.

Nakarating na sila sa palengke, doon din bumaba ang mga katutubo. Pagkatapos mamili
ni Aling Rosa at Andrea, habang papauwi na sila nkita nilang muli ang mga katutubo na
sumasayaw sa parke. “Inay ayun po sila, sumasayaw po” sabay turo ni Andrea. “Sinabi ko
kanina, isa yan sa nakaugalian at tradisyon nila, marapat lang na igalang natin ito”, wika ni
Aling Rosa. “Salamat po Inay, ngayon po ay naiintindihan ko na po na dapat igalang ang
kaugalian ng mga katutubo o dayuhan sa ating saan mang lugar dahil ito po ay isa sa kanilang
kaugalian na hindi natin maaaring pakialamanan o baguhin. Sasabihin ko din po yun sa aking
mga kamag-aral,” sabi ni Andrea.

Dumating na ang araw ng pagtitipon ng kaniyang tatay Ramon. Napakaraming bisita at


ang ilan sa mga ito ay mga dayuhan. Napakaraming hinanda ng pamilya Reyes para sa mga
bisita. Gusto nilang maipatikim ang mga pagkain ng Pilipino sa mga dayuhan. Sarap na sarap
naman ang mga bisita lalo n ang mga dayuhan. At sobra silang natuwa sa pamilya Reyes na
magandang pagtanggap sa kanila. Si Andrea, kahit nahihirapan sa pag-unawa sa salitang
Ingles ng ilang bisita ng kanyang tatay, nagawa pa din nito na makipaglaro sa mga anak na
kasama nito. Pinakitunguhan niya ng maayos ang mga kalaro, at pinahiram ng kanyang damit
ng matapunan ang isang bata ng sorbetes sa damit. Masayang masaya si Andrea dahil
nalaman pa niya na ang ilan sa kanyang mga kalaro ng dayuhan ay sa kanila magpapalipas
ng gabi.

Nagulat si Aling Rosa at Andrea sa anunsiyo ng isang lalaki dahil ang kanila palang
ipinagdiriwang ay ang promosyon ng kanyang tatay sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito.
Masayang-masaya sila.

Kinabukasan, paalis na ang mga bisitang nagpalipas ng gabi sa kanilang bahay.


Nagpaasalamat ang mga ito sa maayos na pagtanggap at pag-aasikaso sa kanila.

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa kwento:

4
1. Sino-sino ang bumubuo ng Pamilya Reyes sa kwento? Ibigay ang kanilang mga
pangalan?
2. Saan pupunta sila Aling Rosa at Ana kinabukasan ng maaga? Bakit?
3. Sino ang nakita/nakasabay nila Andrea sa pampublikong sasakyan?
4. Kailangan ba natin pagtawanan ang ibang tao kung may kakaiba man sa kanilang kilo,
hitsura at gawain? Bakit?
5. Sino-sino ang mga bisita ng pamilya Reyes?
6. Para saan ang pagpupulong o pagtitipon na kanilang isinagawa?
7. Bakit kailangan galangin natin an gating kapwa tao?

Paggalang sa Katutubo at Dayuhan

Ang paggalang ay isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang indibiwal. Sa pamamagitan
nito, naipapakita natin ang respeto natin hindi lamang sa ating sarili kung hindi pati na rin sa
ibang tao. Narito ang ilan sa pagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at dayuhan.

1. Igalang at irespeto ang kanilang mga kaugalian.


2. Maging mapanuri sa kapaligiran at tanungin kung ayos lang ba sa kanila ang gagawing
pagkilos.
3. Pagtrato sa kanila ng pantay at tama.
4. Pagbibigay ng respeto sa lahat ng pagkakataon.
5. Maaari ring gumamit ng mga salita tulad ng "paki-usap", "mister", or "miss" upang ipahayag
ang paggalang sa mga dayuhan.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa mga
katutubo at mga dayuhan at kung hindi. Gawin ito sa inyong kwaderno.
_______1. Ipaghanda ng miryenda ang mga dayuhan o katutubo sa inyong tahanan.
_______2. Pakitunguhan o tratuhin ng maayos ang mga panauhing katutubo at mga dayuhan
sa ating paaralan.
_______3. Pagtawanan ang mga katutubong nakikita sa lansangan.
_______4. Huwag pansinin ang mga anak ng inyong bisita dahil hindi mo maintindihan
ang kanilang lingguwahe.
_______5. Igalang ang karapatan ng bawat tao.

5
GAWAIN 2:
Basahin ang sitwasyon at sagutin ito sa harap ng klase ng buong husay.
1. Ang tatay mo ay kapitan ng inyong barangay. Nagkaranas ang sa inyong lugar ng
matinding hagupit ng bagyo, kaya maraming kabahayan ang napinsala. Ang mga tulong at
donasyon ay sa inyong bahay pumapatak. Biglang may dumating na mga dayuhan/katutubo
na naninirahan din sa inyong barangay, sila ay humihingi ng tulong sa kanilang sinapit. Ano
ang gagawin mo kahit alam hindi mong hindi mo sila kilala?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Nagdiriwang ng kapiyestahan sa inyong lugar, napakaraming mga mangyan ang
nanlilimos upang sila ay may makain. Hindi maganda nag kanilang pananamit at sila ay
madudungis. Ipagtatabuyan mo ba at sisigawan sila?
Bakit?____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

TANDAAN

Ang paggalang sa mga katutubo o dayuhan ay maipakikita sa pamamagitan ng:


• Pagrespeto sa kanilang sariling paniniwala at kaugalian.
• Pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng sining at
kultura
• Pagbibigay ng pantay na karapatan at prebilehiyo.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang SM kung sumasang-
ayon sa mga gawaing tinutukoy at HS kung hindi sumasang-ayon.

__________ 1. Huwag nang igalang ang ibang tao lalo na ang dayuhan.

__________ 2. Nakikinig kapag may nagsasalita.

__________ 3. Hindi pansinin ang damdamin ng iba.

__________ 4. Nagpapakita ng interes at pagpapahalaga sa kultura at karanasan ng ibang tao.

__________ 5. Hindi nagkakalat ng balita tungkol sa ibang tao, totoo man o hindi

6
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek ang patlang kung ito
ay nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan at ekis X kung hindi.
______1. May sumasayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat ang ate mo pero
tumigil muna siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo at
nagbigay ng konting tulong.

______2. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang


Mangyan na nakaupo sa parke upang magpahangin.

______3. May dayuhan na nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang


nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng, pinagtawanan
lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.

______4. May mga Hapones na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng


tulong sa kakulangan sa pasilidad. Laking pasasalamat ng inyong
paaralan. Kaya ang inyong seksyon ay naatasang mag presinta ng
sayaw at awit para sa mga bisita. Malugod nyo itong tinanggap.

______5. Lagi na lang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Rollen.
dahil siya ay anak ng Negro.

Binabati kita dahil natapos mo ang aralin nang matagumpay. Ipagpatuloy


mo ang pagbibigay ng kayang tulong sa nangangailangan at ikaw ay kalulugdan
ng Diyos.

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …
___________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________________________________
7
B. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Mapalad ang mga lugar na hindi nasasalanta ng anumang kalamidad. Ano ang
SANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies Matrix - K to 12 Curriculum (pp. 81-82)

Go, Galileo et.al (2013), Gabay sa Pagpapakatao Retrieved from


https://www.google.com/search?q=Galileo+et.al+(2013)

Scribd. (2016) K to 12 Grade 5 Learner’s Material in Edukayon sa Pagpapakatao(Q1-Q4)


DepEd Region IV-A CALABARZON (Division of Laguna)
Retrieved from https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-
material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Source. (2006) Sulo ng Buhay , Cleto- Yaneza, Rita (2006) [Localized Module-
Aralin 11 Pagmamalasakit sa Kapwa], Retrived from
https://www.google.com/search?q=Source%3A+Sulo+ng+Buhay+%2C+Cleto-
+Yaneza%2C+Rita

Scribd.slideshare (2013). Sherill Dueza, Deped /EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


2Chapter 2 Retrived from https://www.slideshare.net/sherilldue/chap2-l9

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Ronald D. Valdez


Teacher II, Beata Elementary School

You might also like