You are on page 1of 23

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Pamumuhay at Teknolohiya ng
mga Sinaunang Tao
Araling Panlipunan – Ikalima na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Pamumuhay at Teknolohiya ng mga Sinaunang Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Dibisyon ng Maynila.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Writer: Ronnie Paul C. Boysillo at Bernadette L. Suing


Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Reviewer: Myrana G. Soriano, Public Schools District Supervisor
Olivia C. Corona, Master Teacher II, Araling Palipunan
Management Team: Maria Magdalena M. Lim-Schools Division Superintendent-Manila,
Aida H. Rondilla-Chief Education Supervisor, Lucky S. Carpio-EPS, and Lady
Hannah C. Gillo-Librarian II-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Pamumuhay at Teknolohiya ng
mga Sinaunang Tao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamumuhay at Teknolohiya ng mga
Sinaunang Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pamumuhay at Teknolohiya ng mga Sinaunang Tao!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang matulungan ang mga mag-aaral sa
pagtalakay ng Araling Panlipunan 5. Ang saklaw ng mga aralin ay maaaring iugnay
sa pangkasalukuyang pamumuhay natin ngayon. Ang mga salitang ginamit sa
modyul na ito ay angkop sa bawat antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga
sumusunod na aralin ay nakabatay at sumusunod sa itinakdang pamantayan.
Ngunit, maaaring mabago batay sa sangguniang aklat na ginagamit.

Ang modyul ay may aralin na:

Sumusuri sa paraan ng pamumuhay ng mga Sinauang Tao at mga


Pilipino sa Panahong Pre-colonial.
Ang mga paksang nakapaloob sa modyul:
1. Pamumuhay ng Sinaunang Tao
2. Pamumuhay ng Sinaunang Pilipino
3. Ang pakikikapagkalakalan ng mga Sinaunang Pilipino

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong
pre-kolonyal a. panloob at panlabas na kalakalan b. uri ng kabuhayan
(pagsasaka, pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash
and burn, pangangayaw, pagpapanday, paghahabi atbp)

Matapos ang modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nailalarawan ang pamumuhay at teknolohiya ng mga sinaunang tao sa
Panahon ng Bato at Metal
2. Naiisa-isa ang mga kabuhayan ng mga Pilipino sa Panahong Pre-
colonial (pagsasaka, pangingisda, pagmimina atbp)
3. Natutukoy ang mga bansang nakipagkalakal sa mga sinaunang Pilipino
at ang kani-kanilang mga produkto

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Panahon kung saan ang mga tao ay nakatira sa mga yungib o kweba.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Mesolitiko
_______2. Ito ay paraan ng pagpuputol at pagsusunog ng mga puno at halaman sa
isang bahagi ng kagubatan o kabundukan bilang paghahanda sa pagtatanim.

A. Pagbubungkal B. Pagmimina C. Pagkakaingin D. Paghahabi


_______3. Ang bansang nagdala ng jade, porselana, at seda bilang produktong
ikinakalakal sa ating mga ninuno.

A. Arabia B. India C. Indonesia D. China


_______4. Ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno na malapit sa ilog at
dagat.
A. Pagmimina B. Pagsasaka C. Paghahabi D. Pangingisda
_______5. Ang unang kasangkapan na ginamit ng mga sinaunang tao sa kanilang
pangangaso.

A. Bato B. Kahoy C. Lubid D. Espada


________6. Ano ang kauna-unahang uri metal ang natuklasan ng sinaunang tao na
nakatulong sa kanilang pamumuhay?
A. Silver B. Bronze C. Copper D. Gold
_______ 7. Ito ang panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay natutong
magsaka at mag-alaga ng hayop.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Mesolitiko

_______ 8. Ang sistema ng pakikipagkalakalan na ginamit ng ating mga ninuno na


kung saan ang mga produkto ay ipinapalit sa ibang produkto na dala ng ibang
lahi.
A. Kaingin B. Barter C. Pagmimina D. Pangangayaw

_______ 9. Ito ay isang uri ng hanapbuhay ng ating mga ninuno na kung saan sila
ay kumuha ng ginto, pilak, tanso, at bakal sa kabundukan.
A. Pangangaso B. Pangingisda C. Pagsasaka D. Pagmimina

_______ 10. Ang mga mangangalakal na may dala ng mga produktong lana, bulak,
at seramika na ipinalit sa kalakal ng ating mga ninuno
A. Hapon B. Tsino C. Arabo D. Espanyol

2
Aralin
Pamumuhay at Teknolohiya
4 ng mga Sinaunang Tao
Payak ang pamumuhay ng mga tao noong sinaunang panahon at iniugnay nila ang
kanilang ikabubuhay sa kalikasan. Tinatayang 200,000 taon nang mamuhay ang
mga sinaunang tao sa Aprika at simula noon ay nagpatuloy na silang maglakad
upang humanap ng kanilang makakain. Nagpalipat-lipat sa mga yungib na
nagsilbing tahanan na naaayon sa malamig na klima ng Mundo noon. Naging
teknolohiya ang simpleng bato na ginamit nilang sandata sa pangangaso, panghiwa
ng hayop, at pinagkiskis upang makagawa ng apoy hanggang matuklasan nila ang
metal na mas mainam na kagamitan. Ang yugto ng kasaysayan at pamumuhay ng
mga tao ay tinawag na Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko), Panahon ng Bagong
Bato (Neolitiko), at Panahon ng Metal.

Balikan

Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ayon kay ______________________, ang mga Austronisyano ay galing sa mga


isla ng Timog China at Taiwan.

2. Ang mga sinaunang tao na nandayuhan sa Pilipinas na mula sa Timog


China at Taiwan ay tinawag na _____________________.

3. Ayon sa Relihiyong Kristiyano ang mga tao ay nagsimula kina ________ at


_________.

4. Ayon sa Mitolohiyang Pilipino ang mga tao ay nagsimula kina ________ at


_________.

5. Si _________________________ ang itinuturing na Ama ng Arkeolohiya ng


Timog-Silangan Asya.

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo. Binigyang
pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Cooperation);
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang aralin na ito
online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral
sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

Tuklasin
(Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain)

Panuto: Pag-aralan ang dalawang larawan at sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

a. b.

https://images.app.goo.gl/toFCBSDi6TBn https://images.app.goo.gl/Eh
HvD86 uj3F2gRvup9UCJ6

4
a. Saan kaya unang nanirahan ang mga sinaunang tao ayon sa unang larawan?
Bakit kaya dito nila napiling manirahan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

b. Kung ikaw ay sinaunang tao saan at paano mo gagamitin ang nasa


pangalawang larawan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin

PAMUMUHAY NG SINAUNANG TAO

Panahon ng  Sa panahong ito ang mga sinauang tao ay nagpapalipat-


Lumang Bato lipat at nanirahan sa loob ng mga yungib o kuweba na
(Paleolitiko) nasa gubat o malapit sa baybayin ng ilog at dagat
500,000-6000  Sila ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso at
B.C.E. pangagalap ng pagkain
 Bato ang kanilang naging unang kasangkapan. Ito ay
ginamit nila sa pangangaso, pangkatay ng mga hayop at
panggawa ng apoy
 Ang patunay na namuhay ang mga sinaunang tao sa
mga kuweba ay mga labi na nahukay sa Palawan at
Cagayan at ang mga buto ng kanilang kinatay na hayop
na gamit ang bato
Panahon ng  Ito naman ang panahon kung kailan ang mga
Bagong Bato sinaunang tao ay nilisan ang mga yungib upang higit na
(Neolitiko) mapalapit sa kanilang ikinabubuhay
6000-500  Sila ay natuto nang magsaka at mag-alaga ng hayop at
B.C.E. nagkaroon ng permanenteng tirahan
 Pinakinis at hinasa ang mga bato upang higit na
mapakinabangan

5
 Ang mga hinihinalang mga makikinis na bato na
ginamit ng mga sinaunang tao noon ay natagpuan sa
Batangas, Bulacan, Bataan at Rizal
Panahon ng  Sa pagdaan ng maraming panahon ang sinaunang tao
ay umunlad mula sa kagamitang bato. Sila ay
Metal
nakatuklas ng copper na sinundan ng bronze na mga
800-250 B.C.E. uri ng metal
 Gamit ang mga metal na ito gumawa sila ng palamuti at
matatalas na kasangkapan
 Ang mga patunay nito ay ang mga sibat, palaso, at
lanseta na gawa sa tanso sa Palawan, Masbate, at
Bulacan
*B.C.E. = Before Common Era
*Maaaring panoorin ang mga sumusunod na video link para sa karagdagang impormasiyon:
Paleolithic| Educational Video for kinds (2016, November).
https://www.youtube.com/watch?v=UFE3t7qNJSs&t=19s
Prehistory| educational video for kids (2018, October).
https://www.youtube.com/watch?v=rLFGra2TiTE&t=8s
The bronze age| Educational video for kids (2017, January).
https://www.youtube.com/watch?v=kd4dlNxaPwk&t=7s

PAMUMUHAY NG SINAUNANG PILIPINO

Pagsasaka - Ang pangunahing pinagkukunan ng


ikabubuhay ng ating mga ninuno ay ang pagtatanim
ng palay, gulay, prutas, at bungang kahoy. Sa
kapatagan ay madali nilang binungkal at nilinang ang
mga lupa ngunit sa kagubatan at kabundukan ay
gumamit sila ng mga pamamaraan upang
makapagtanim. Sa kagubatan ay nagsasagawa sila ng
https://images.app.goo.gl/Sx pagkakaingin o pagputol at pagsunog ng mga damo at
gSLqQakJmwwoHp7 puno bilang paghahanda sa pagtatanim. Ang
magandang halimbawa ng pagtatanim sa kabundukan
ay ang Hagdang-hagdan Palayan na matatagpuan sa
Banaue kung saan ang gilid ng bundok ay kanilang
pinatag upang mapagtaniman.

https://images.app.goo.gl/pf8
pXupFbT7nUgG2A

Pangingisda- Nakatulong ang dami ng yamang tubig na


nakapalibot sa ating bansa kung saan ang ating mga
ninuno ay nakakuha ng mga isda at iba pang laman dagat
na kanilang kinakain, gayundin ang mga perlas at korales
na ginagawa naman nilang mga palamuti.

https://images.app.goo.gl/U
8oFNaBWX4cB1mC59

6
Pagmimina- placer mining o pagkuha ng ginto sa batis
gamit ang kawali o batya, ito ang halimbawa ng
pagmiminang ginawa ng ating mga ninuno. Sila din ay
nagmina ng ginto, pilak, tanso, at bakal sa mga
kabundukan at kagubatan. Ang metal na kanilang
nakukuha ay ginawa nilang palamuti at pamalit sa iba
https://images.app.goo.gl/ADA pang produkto
7YiGrcBetfe1Y8

Iba pang Kabuhayan

Patuloy ang pangangaso ng ating mga ninuno sa mga maiilap na hayop bilang
ikinabubuhay kahit na sila ay nagsasagawa ng pag-aalaga ng manok, baboy,
kambing, at baka. Ang pangangaso ay karaniwan sa ating mga ninuno na nasa
kabundukan at kagubatan, halimbawa nito ay ang mga Aeta sa Zambales at mga
Igorot na naninirahan sa mga kabundukan ng hilagang Luzon.
Ang pangangayaw o pagsalakay sa mga karatig komunidad upang magtamasa ng
kaginhawahan sa pamamagitan ng pag-angkin ng taglay na yaman ng bayan o
barangay na kanilang nilusob at gawing alipin ang mga taong kanilang nabihag. Ito
ay kaaya-ayang tradisyon para sa ating mga ninuno dahil dito nila naipapamalas
ang lakas ng kanilang kalalakihan at dito sila nagtatamo ng katanyagan.
Nagsagawa din ng iba’t-ibang industriya ang ating mga ninuno mula sa mga hilaw
na materyales, halimbawa nito ay ang paggawa ng mga sasakyang pandagat
katulad ng baroto at karakoa na mula sa mga punong kahoy na kanilang ginagamit
sa paglalayag. Ang mga ninuno din natin ay naghabi ng mga makukulay na tela na
mababakas sa mga gawa mula sa Ifugao at ang t’nalak at dagmay na mula naman
sa Mindanao. Ang pagpapanday o paghuhulma ng metal upang makagawa ng bagay
na kapaki-pakinabang, madalas natin naiuugnay sa paggawa ng sandata ngunit ito
din ay tumutukoy rin sa paggawa ng instrumento at palamuti na naging produkto
ng ating mga ninuno. Importante din ang paggawa ng palayok bilang pinagkukunan
ng kabuhayan, ang paggamit ng patpat at sangkalan sa paghulma ng putik at ang
masigasig na pagpapatuyo at pag-iinit sa apoy upang tumigas na ginagamit bilang
imbakan ng tubig at lutuan ng pagkain.

Pangungutang o panghihiram ay ginamit din ng


ating mga ninuno upang magkaron ng kabuhayan.
Ito ay mababakas sa nakasaad sa Laguna Copper
Plate na isang katibayan ng pagtatapos ng utang
ni Nimwran at ng kanyang pamilya na mula sa lahi
ni Datu Dewata na taga-Butuan sa namumunong
Datu ng Tundo na si Jayadewa. Ang kabayaran sa
pagkakautang na katumbas ng 865 gramo ng
ginto ay pinatotohanan ng mga namumunong
https://images.app.goo.gl/aitoXt6C
Datu ng Pailah, Puliran, at Binwangan. Ang hindi
KfsFZYQw5 pagbabayad ng utang sa panahon ng ating mga
ninuno ay may katumbas na pagiging alipin kahit
sila ay nagmula sa pangkat ng Timawa o
Maharlika at ang pagiging alipin ay maipapasa

7
hanggang sa mga susunod na salinlahi hanggang
ang utang ay hindi nababayaran.

ANG PAKIKIPAGKALAKAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO


Ang pakikipagkalakan sa mga karatig bansa ang nagbigay daan upang makilala at
umunlad ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Sa pamamagitan ng sistemang
barter o pagpapalitan ng produkto ay nagkaroon tayo ng mga iba’t-ibang produkto
mula sa bansang Arabia, China, at India-Indonesia. Higit dito ay naging kilala ang
Butuan, Cebu, Mactan, at Maynila bilang pook kalakalan sa ating bansa. Naipakita
ng ating mga ninuno ang pagiging matapat at pagtitiwala sa kapwa sa sistema ng
kanilang pakikipagkalakalan.

Bansa Produktong Iniluwas sa ating Produktong Inangkat


bansa mula sa ating bansa
Arabia Bulak, Lana, Alpombra, Seramika Perlas, Korales,
bungang kahoy
China Payong, Gong, Tingga, Porselana, Perlas, Tabla, Ginto,
Seda, Tapayan, Salamin, Bulak, Yantok
Timbangan, Jade
India-Indonesia Kristal, Abaloryo, Mangga, Langka, Ginto
Sampagita, Patola, Ampalaya
Sinabing walang direktang kalakalan sa pagitan ng India at Pilipinas ngunit ang
mga produkto ng India ay dumadaan sa Indonesia bilang kanilang kolonyang bansa.
Mababakas ang impluwensiya ng India sa paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno
na Sanskrit at pananamit ng taga-Mindanao na sarong (saya na tapis), putong sa
ulo, at burdadong balabal.

Pagyamanin

Gawain 1: Larawan-suri (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Tukuyin kung saang panahon nagmula ang mga sumusunod na


kagamitan.

1.

______________________________

https://images.app.goo.gl/y6C
ogtz9tFwg3BHU6

8
2.

_______________________________

https://images.app.goo.gl/RyLP
7umcpAFPiDr18

3.
_______________________________
https://images.app.goo.gl/kpA
Pt6P27RYjcuWw9

Gawain 2: Buuin Mo ako! (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Punan ang mga kahon ng titik ng tamang sagot.

1. – Paraan sa paghahanda ng lupang


pagtataniman sa pamamagitan ng pagputol
at pagsunog ng damo at puno sa isang
bahagi ng kagubatan o kabundukan.

2. - Panghuhuli ng mga hayop upang makain


ng ating mga ninuno.

3. - Karaniwang ikinabubuhay ng mga


malalapit sa dagat at ilog.

4. - Gumagawa ng kapaki-pakinabang na
bagay mula sa metal.

5. - Ang paraan ng ating mga ninuno upang


makakuha ng yaman at alipin sa karatig na
komunidad.

9
6. - Industriya na nagpapakita ng makukulay
at sining sa tela.

7. - Binubuo sa pamamagitan ng patpat at


sangkalan upang mahulma.

8. - Isang uri ng sasakyang pandagat n gating


mga ninuno.

9. - Minimina ng ating mga ninuno gamit ang


paraan placer mining.

10. - Lugar kung saan matatagpuan ang


Hagdang-hagdan Palayan.

Gawain 3: Hanapin Mo Ako! (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Hanapin at bilugan ang 10 produkto na ipinapalit ng mga dayuhan sa


ating mga ninuno.

W K R I S T A L L M
S Q E T Y I O H G N
E B V L A N A D F O
R Z K J E G P Z Y G
A J A D E G O R N O
M Z T G H A O O N X
I S E D A L G B G I
K R B S A L A M I N
A L N B Z R U Y T L
L A A K V B U L A K

10
Isaisip

1. Sa Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko) ang tao ay tumira sa loob ng mga


yungib at gumamit ng magagaspang na bato bilang kasangkapan.

2. Sa Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko) ang tao ay natutong pakinisin ang


bato upang gawin kapaki-pakinabang na kasangkapan at dito din natutong
magsaka at mag-alaga ng hayop.

3. Copper ang unang metal na ginamit ng tao upang maging kasangkapan.

4. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagsaka, nangisda, nagmina, nangayaw,


nangaso, naghabi, nagpanday, gumawa ng sasakyang pandagat at palayok
upang mabuhay.

5. Ang mga sinaunang Pilipino ay nakipagkalakalan sa Arabia, Tsina, at India-


Indonesia.

Isagawa
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Punan ang bawat hanay kung papaano namuhay ang mga sinaunang
tao/Pilipino sa bawat panahon.

Panahon ng Lumang Bato Panahon ng Metal

11
Panahon ng Bagong Bato Sinaunang Lipunan

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang.
_______1. Panahon kung saan ang mga tao ay natutong magtanim at mag-alaga ng
hayop.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Sinaunang lipunan

_______2. Ito ay uri ng kabuhayan ng mga sinaunang tao kung saan sila ay humuhuli
ng mga hayop upang gawing pagkain.
A. Pangangaso B. Pangingisda C. Pagsasaka D. Pagmimina
_______3. Ito ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno nasa kapatagan.

A. Pagmimina B. Pagsasaka C.Paghahabi D. Pangingisda


_______4. Ang uri ng industriya ng sinauang Pilipino na kung saan sila nangunguha
ng ginto, pilak, at metal sa batis, gubat at kabundukan.
A. Pagbubungkal B. Pagmimina C. Pagkakaingin D. Paghahabi
_______5. Ito ang bansang nagdala ng bulak, seramika, at lana bilang produktong
ikinakalakal sa ating mga ninuno.
A. Arabia B. India C. Indonesia D. China

_______6. Ang unang kasangkapan na ginamit ng mga sinaunang tao sa kanilang


pangangaso.

A. Bato B. Kahoy C. Lubid D. Espada

12
_______7. Ito ang panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay gumamit ng copper
bilang kagamitan.

A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Sinaunang lipunan


_______8. Ang mga mangangalakal na nakipagpalitan sa ating mga ninuno ng
kasangkapang gawa sa tingga, jade, at salamin.
A. Hapon B. Tsino C. Arabo D. India-Indonesia
_______9. Ang sistema ito ay ginamit ng ating mga ninuno sa pakikipagkalakal kung
saan ang mga produkto ay ipinapalit sa ibang produkto na dala ng ibang lahi.

A. Kaingin B. Barter C. Placer Mining D. Pangangayaw


_______10. Ang mahalagang metal na ipinapalit ng ating mga ninuno sa produkto ng
mangangalakal mula sa karatig bansa.

A. Silver B. Bronze C. Copper D. Gold

Karagdagang Gawain

Gawain 4: Picto-Analysis
(Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Alamin kung anong kabuhayan ang ipinapakita sa pagsasama ng mga
larawan. Maaaring magpatulong sa magulang o nakatatanda sa pagsagot.

1.

+ ____
https://images.app.goo.gl/LTR
https://images.app.goo.gl/fx
5Hjh3Z2WSRCUF8
WtbBz6v25DL9Tx5

13
2.

+ ____
https://images.app.goo.gl/ https://images.app.goo.gl/U
6yoGNcG29bfrcWyE8 9jyH2J8xfqVzY9i8

3.

+ ____
https://images.app.go https://images.app.goo.gl/
o.gl/J81yREaeGS1QH vDzqaXG9bmg9wQw9A
qaE8

Gawain 5: Reaksyon Mo, Kailangan Ko!


(Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain)
Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon sa bawat tanong.

1. Naging madali ba ang pamumuhay ng mga tao noong sinaunang panahon?


Pangatwiranan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Nanaiisin mo din bang mamuhay sa sinaunang panahon? Pangatwiranan


ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

14
Gawain 6 : Katangian Nila Kahanga-hanga!
(Mapanuring Pag-iisip, Pagbuo ng Pagkatao)

Panuto: Punan ang graphic organizer na nagpapakita ng kanais-nais na katangian


ng mga sinaunang Pilipino kaugnay ng mga sumusunod na gawain.

Pakikipagkalakalan Pangungutang Pagsasaka

https://images.app.g https://images.app.g https://images.app.g


oo.gl/eherSq9g4Qx8u oo.gl/EqzZg3oF63qC9 oo.gl/fybnNasqaPoH5
y239 pN89 BJP9

Kanais-nais na Kanais-nais na Kanais-nais na


katangiang katangiang katangiang
Ipinakita Ipinakita Ipinakita

Sitwasayon Sitwasayon Sitwasayon


kung paano mo kung paano mo kung paano mo
maisasasabuhay maisasasabuhay maisasasabuhay
ang katangiang ang katangiang ang katangiang
ito ito ito

15
Sanggunian
Antonio, E., Banlaygas, E., at Dallo, E. (2015, Mayo). Kayamanan: Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5. P.49-57 (Rex Book Store, Inc.)

Famador, G. (2014, September 5). Pangangayaw bilang pagamit ng kaginhawahan.


https://prezi.com/fmkjiz8u2sww/pangangayaw-bilang-pagkamit-g-kaginhawaan/

Gabuat, M.A., Mercado, M., at Jose, M.D. (2016). Araling Panlipunan 5 Pilipinas
bilang isang Bansa. P.65-66; 75-79 (Vibal Group, Inc.)

Malacanang Palace Palace. Pre-Colonial Manila. http://malacanang.gov.ph/75832-


pre-colonial-manila/#_ftn28

Mohammad, K. B. A. (2017, Mayo). Sakit ng Nakaraan, Ramdam sa Kasalukuyan:


Pangangayaw sa Kasaysayan at Kahulugan ng mga Tausug.
https://ejournals.ph/article.php?id=11798

Paleolithic| Educational Video for kinds (2016, November).


https://www.youtube.com/watch?v=UFE3t7qNJSs&t=19s

Prehistory| educational video for kids (2018, October).


https://www.youtube.com/watch?v=rLFGra2TiTE&t=8s

The bronze age| Educational video for kids (2017, January).


https://www.youtube.com/watch?v=kd4dlNxaPwk&t=7s

MGA LARAWAN:

Paleoliko (Nagkakatay): https://images.app.goo.gl/toFCBSDi6TBnHvD86

Batong Paleolitiko: https://images.app.goo.gl/Ehuj3F2gRvup9UCJ6

Magsasaka: https://images.app.goo.gl/SxgSLqQakJmwwoHp7

Banaue Rice Terraces: https://images.app.goo.gl/pf8pXupFbT7nUgG2A

Mangingisda (Katutubo): https://images.app.goo.gl/U8oFNaBWX4cB1mC59

Nagmimina (Diaroma): https://images.app.goo.gl/ADA7YiGrcBetfe1Y8

Laguna Copper Plate: https://images.app.goo.gl/aitoXt6CKfsFZYQw5

Sandatang Neolitiko: https://images.app.goo.gl/y6Cogtz9tFwg3BHU6

Sandatang gawa sa Metal: https://images.app.goo.gl/RyLP7umcpAFPiDr18

Batong Paleolitoko: https://images.app.goo.gl/kpAPt6P27RYjcuWw9

Minero (Cartoon): https://images.app.goo.gl/fxWtbBz6v25DL9Tx5

Kuweba (Cartoon): https://images.app.goo.gl/LTR5Hjh3Z2WSRCUF8

16
Mangingisda (Cartoon): https://images.app.goo.gl/6yoGNcG29bfrcWyE8
Bangka (Cartoon): https://images.app.goo.gl/U9jyH2J8xfqVzY9i8

Mangangaso (Cartoon): https://images.app.goo.gl/J81yREaeGS1QHqaE8

Usa (Cartoon): https://images.app.goo.gl/vDzqaXG9bmg9wQw9A

Barter: https://images.app.goo.gl/eherSq9g4Qx8uy239

Pangungutang: https://images.app.goo.gl/EqzZg3oF63qC9pN89

Pagsasaka: https://images.app.goo.gl/fybnNasqaPoH5BJP9

17

You might also like