You are on page 1of 19

Pagbibigay ng Mahahalagang

Pangyayari / Pagsagot sa
Nabasang Talaarawan, Journal,
Talambuhay at Anekdota
Filipino 5 :
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Layunin ng araling ito na :

a. naibibigay ang mahahalagang pangyayari/nasasagot


ang mga tanong sa binasang talaarawan, journal,
talambuhay at anekdota
b. natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa
nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
c. napapahalagahan ang mga pangyayari sa nabasang
talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
Basahin at unawain Ang TALAARAWAN ni Karen:

Lunes, Hunyo 1 , 2020


Maaga akong gumising upang maghanda sa pagpasok sa
paaralan. Inihanda ko ang aking uniporme bago ako maligo.
Kumain din ng masarap na almusal at uminom ng isang
basong gatas. Ngumiti ang nanay ko sabay sabi niyang hindi
pala tuloy ang klase dahil sa pandemya. Kaya bumalik ako sa
aking silid at nagpalit muli ng aking pambahay.
Martes, Hunyo 2, 2020
Tinuruan ako ng ate ko na magluto ng masarap na hotcake.
Natuwa ang aming magulang dahil marami kaming natututuhan sa
panahon ngayon. Kahit pa walang pasok, tuloy-tuloy din ang aming
pagbabasa ng mga babasahin na binibili sa amin ng aming
magulang. Pero mas gusto ko pa rin ang gaya ng dati na akong
nakalalabas ng bahay at nakapupunta sa paaralan at sa iba pang
lugar. Kaya bago ako matulog, pinagdadasal ko sa Panginoon na
mawala na ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.

-Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division


Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang sumulat ng talaarawan?


2. Napansin mo ba kung paano siya sumulat ng kaniyang
talaarawan?
3. Ano ang nilalaman ng kaniyang talaarawan?
4. Sumusulat ka rin ba ng gaya ng ganitong talaarawan?
5. Sa iyong palagay, bakit sumusulat ng talaarawan?
Tandaan sa Pagsulat ng
Talaarawan
Sa pagsulat :ng talaarawan, isinusulat muna ang araw
at petsa bago itala ang mga pangyayaring nagaganap sa
araw-araw. Ginagamit ang bantas na kuwit sa pagitan ng
araw at petsa, petsa at bilang ng taon. Ginagamit ang
malaking titik sa simula ng pangalan ng araw at
buwan.Ipinapasok ang unang pangungusap sa pagsasalaysay
ng karanasan.
Halimbawa:
Huwebes , Nobyembre 25, 2021
Ang talaarawan ay isang pang-araw-araw na tala lalo na
ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at
pananaw. Ito ay sinusulat na parang nakikipag-usap sa isang
tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o
maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao
ang sinusulatan.
Maaaring pansariling karanasan at pananaw lamang ang
karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa
sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat. Maaaring kapulutan
ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang
pangyayari sa kasaysayan.
Basahin at unawain ang maikling talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL ( Maikli)

Si Dr. Jose P. Rizal, na ang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal


Mercado y Alonzo Realonda, ay ipinanganak sa Calamba, Laguna
noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya ay ikapitong anak nina Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso
Realonda Y Quintos.
Nang si Jose ay tumuntong sa napaka mura pang edad na tatlong
taong 1864 ay tinuruan siya ng abakada ng kanyang ina, n a may di
karaniwang talino at kaalaman. Dahil labis sa mga kailangang aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay sa unang tuntungan na
ginamit ng bayani sa pagtuklas ng iba’t ibang karunungan at agham sa
loob ng maikling panahong darating.
Sa ika siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa
Bingung, dito siya nag-aral sa pamamahala ni Ginoong
Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero 1872 nang si Jose
ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Dito
nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip, at natamo
ang lahat ng mga pangunahing Medalya at notang
Sobresaliente sa lahat ng aklat. Ika-14 ng Marso,1877, ay
tumanggap siya ng Katibayan Bachiller en Artes at notang
Sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na
karangalan.Taong 1844, nag-aral siya ng wikang Ingles,
Italyano, Aleman pagkat naghahanda siyang maglakbay sa
iba’t ibang bansa.
Isinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
sa Madrid, noong matatapos ang 1844. Taong 1855
ikaapat na bahagi ay isinulat sa Paris at ang isa pang
ikaapat sa Alemanya. Ika-21 ng Pebrero 1877, natapos
sulatin ang Noli sa Berlin.
El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me
Tangere.
Noong ika-3 ng Hulyo, 1892 ay itinatag ni Dr. Jose
Rizal sa Maynila ang Liga Filipina, isang kapisanang lihim
sa pamamagitan ng mapayapang kaparaanan at di ng
paghihimagsik.
Samantalang nakikidigma ang Espanya sa Kuba, si Dr. Jose
P. Rizal na noon ay nangangamba na mapapadamay siya sa
kilusang ukol sa paghihimagsik.
Piniit si Dr. Jose P. Rizal pagdating sa Maynila sa Real Fuerza
de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin ay
hinatulan na barilin siya sa Bagumbayan.
Ika-29 ng Disyembre, 1896 sinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang
kanyang Mi Ultimo Adios ( Huling Paalam ). Ika -30 ng
Disyembre, 1896 , araw ng pagbaril kay Dr. Jose P. Rizal.
Sagutin ang mga tanong:

1. Kailan isinilang si Dr. Jose P. Rizal?


2. Ano ang kanyang buong pangalan?
3. Sino-sino ang kanyang mga magulang?
4. Saan siya isinilang?
5. Ano-ano ang dalawang aklat na kanyang isinulat?
6. Saan siya ipiniit o ikinulong?
7. Kailan isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Mi Ultimo Adios?
Ang talambuhay o biography ay isang
anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa
mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
Ang pagsulat ng isang talambuhay ay may
dalawang paraan: maaari itong tungkol sa
ibang tao o kaya sa manunulat mismo.
Basahin ang journal ni Gyle sa buwan ng Agosto.

Agosto 24, 2020


Inihanda ko ang mga gamit para sa aming unang araw ng online class.
Masaya ako ngunit kinakabahan din ng kaunti. Ano kaya ang masasabi ng aking
mga kaklase, o ng aking mga guro sa bagong paraan ng pagkaklase ngayon?
Ganap na ikasiyam ng umaga pa ang aming orientation program ngunit alas otso
pa lang ngayon ay nakaharap na ako sa aking laptop. Naligo ako kanina at
nagbihis ng aking uniporme. Pagbukas ko ng Zoom classroom namin ay marami
na pala ang nag-aabang, kasama na rito ang aming guro. Binati namin si Sir.
Halos sabay-sabay kaming nagsalita at nagtawanan kami. Na-realize ko na miss
na namin ang isa’t-isa.
Agosto 27, 2020
Eksaktong ikasiyam ng umaga nang pumasok ako sa aming klase.
Nakauniporme pa rin ako. Nandoon na pala ang aking mga kaklase at
nagkukuwentuhan pa. May tawanan ulit. Pagpasok ng aming propesor ay
tahimik kaming lahat. Nagsimula na ang aming klase sa pananaliksik.
Tinalakay kung ano ang pananaliksik at kung paano ito maisasagawa nang
mahusay. Masaya ang aming naging talakayan sa klase, pinag-isip kami
ng aming guro ng napapanahong paksa ngayon na mahalagang saliksikin.
Iba-iba ang mga naisip namin. Nagkaroon kami ng pagsasanay na bumuo
ng mga tanong na aming sasagutin tungkol sa paksa ng aming
pananaliksik. Naging aktibo ang lahat. Marami kaming natutuhan. Natuwa
rin an gaming guro dahil nagging kawili-wili ang aming online class sa araw
na ito.
Ang journal ay tala ng mga obserbasyon
sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng
isang indibidwal. Maaaring ito ay isang
repleksiyon ng mahahalagang pangyayari na
naging gabay o nakapukaw sa isang
damdamin.
Basahin ang maikling anekdota.
Sa isang paaralan, isang hapon nasa isang mahabang mesa
ang mga guro upang magwasto ng mga modyul galing sa mga
bata. Napansin ni Gng. Rosario na mabilis magtsek ang isang
guro sa unang baitang. “Gng. Altar, ang galing mo naman.
Mabilis ka ka magtsek.” Tatawa-tawang sumagot si Gng. Altar,
“Ay sus, mare, mabilis ako kasi yung mga bayad ko ng utang
ang nilalagyan ko ng tsek.” Dadag pa niya, “Natapos ko na kasi
itsek ang ibang modyul kagabi kaya kaunti na lang din ang itse-
tsek ko ngayon.”
Ang anekdota ay maikling kuwento na isang
nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao. Ang
karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala.
Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng
pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay
nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon
ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang-isip
lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa
talambuhay. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw,
makapagturo, at makapaglarawan ng ugali ng tauhan.
Takdang Aralin : ( Performance Task No.
1)
Panuto : Gumawa ng TALAARAWAN . Ang petsa ay magsisimula
ngayong araw na ito .
1. Maaaring gumawa ng magandang disenyo na paglalagyan nito.
Ilagay sa short bond paper.
2. Sulat-kamay ng mag-aaaral ang makikita ng guro. Picture then
turn - in sa Filipino Classwork.
Huwebes, Nobyembre 25, 2021 hanggang Martes, Nobyembre 30,
2021.
( 30 puntos )

You might also like