You are on page 1of 14

PAGBIBIGAY NG PAKSA

NG NAPAKINGGANG
KUWENTO O USAPAN
A. BALIK-ARAL AT/O PANIMULA
B. PAGGANYAK
C. PAGLALAHAD AT PAGTATALAKAY

Gawain A
1. Paglinang ng Talasalitaan
Alamin ang salitang tinutukoy ng mga katuturan
sa loob ng banner. Isulat ang titik sa loob ng bituin.

a. Umayon d. isangkutsa g. sangkap

b. Katakam-takam e. labog

c. Nalanghap f. malabnaw
payag napakasarap

Hindi malapot Halos durog sa


sobrang lambot

Sahog, rekado Pag-amoy na


hindi nilalapit sa
ilong
“ Si Annie, Ang Kusinera”
Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng
Dansalan dahil napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo
na kung pista na hindi siya ang nagluluto. Marami siyang alam na
lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsik, Espanyol, at Italyano.
Bukod sa mahusay mangusina si Annie, napakamalikhain pa
niya sa mga inihahandangpagkain. Masarap at kasiya-siya ang mga
pagkaing inihahanda niya. Napananatili niya ang likas na kulay at
lutong ng gulay. Iba-ibang hugis ang ginagawa niya sa mga sangkap
na sili, luya at sibuyas. Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay
isang malaking rosas.
Katakam-takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na
luto ni Annie, mabango pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na
kapag nalanghap mo ay gugutumin ka. Marami ang nagtatanong kung
ano ang kanyang sikreto kung bakit kahit kaunti lang ang sahog ay
nakatatakam ang luto niya.
Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong. Ang kanyang
mga iniluluto ay pawing sariwa, masustansiya at mura. Ang lasa at
sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na ginagamit niya
sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot
muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi
labog ang pagkakaluto.
 Ano ang trabaho ng pangunahing tauhan sa kuwento?
 Saang bayan siya kilalang-kilala? Bakit?
 Ano ang mga alam niyang lutuin?
 Paano inilarawan ang ulam na luto ni Annie?
 Ano-ano ang sikreto sa pagluluto ni Annie?
 Ano kaya ang paksa o pangkalahatang kaisipan sa kwentong
inyong napakinggan?
Kilalanin natin kung ano ang paksa?
 Ang paksa ay ang iniikutang diwa sa isang talata. Ito ang isang
pangkalahatang kaisipan sa isang kwento.
 Ang paksa ay kung ano ang nilalaman ng kuwento. Ito ay kabuuang
diwa ng buong talata. Sa ingles ito ay tinatawag na “topic
sentence”
 Mayroon itong tinatawag na pantulong na detalyo para matukoy
ang paksa.
1. Supporting details/information o pansuportang detalye
2. Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na
may kaugnayan sa paksang pangungusap.
D. PAGLALAPAT

Basahin ang maikling talata at salungguhitan ang


paksang pangungusap.

Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang


Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda
papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit
si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.
E. PAGLALAHAT

 Ano ang tinatawag na paksa ng isang kwento?

 Paano maibibigay ang paksa ng isang kwentong


iyong napakinggan?
F. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga talata. Sipiin ang
paksang pangungusap at isulat ito sa ibaba ng bawat bilang.

1. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay


kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang
kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganahan
naman ang berde at kalungkutan ang itim Marami pang kulay ang
may kahulugan.

1.__________________________________________________
_____________
2. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang
nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng
pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nababago rin. Ang lahat ng
bagay ay natutunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

2._________________________________________
_________
3. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala,
Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga
subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga
milyonaryo. Narito rin ang iba’t ibang mga hotel at restawran na
tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng
bansa.

3._________________________________________
___

You might also like