You are on page 1of 12

8 2ND QUARTER / LM

Nagagamit ang Pang-uri sa paglalarawan ng magagandang tanawin sa pamayanan.

Anu-anong magagandang tanawin ang napuntahan mo na?


Kaya mo ba ilarawan ang mga ito?
Ano ang mga gamit ng Pang-uri?

Tuklasin Mo
Panuto: Anong mga magagandang tanawin ang makikita sa inyong pamayanan?
Ilarawan ang mga ito. Sumulat ng pangungusap na naglalarawan sa mga magagandang
tanawin sa inyong lugar o pamayanan.

Basahin Mo
Basahin mabuti ang alamat ng bundok ng Tsokolate. Sagutin ang mga tanong kaugnay
sa alamat na babasahin.
Tanong: Ano ang pamagat ng maikling alamat na inyong binasa? Saan matatagpuan
ang bundok ng mga tsokolate? Paano/saan nagsimula ang pagkakaroon ng bundok ng mga
tsokolate? Ilarawan ang kagandahan taglay ng tsokolate hills..

Alamat ng Bundok ng Tsokolate


Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol sa Kabisayaan. Ito ay isa
sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng mga banyangang pumupunta sa ating bansa.
Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito.

Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-
init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga
tanim na palay ng mga luntian dahon nito.

Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay
taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay
nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.

Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap
ka ng sariling lupain mo"

Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto
mo, ikaw ang umalis".

"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa.

"Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at
magagaspang na salita. Walang ibig sumuko.
Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng
hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at
ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang
pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan.
Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay.

Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay
naging bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag
pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian
na kaayaayang pagmasdan.

Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang
lupa ay tigang. Unang patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik
na animo`y tsokolateng natutunaw.
Pagyamanin Mo
Panuto: Bilugan ang salitang panglarawan na ginagamit sa pangungusap. Lagyan ng star
sa patlang kung pang-uri at bilog naman kung hindi.

___________ 1. Kay linis-linis ng aming paaralan ngayon.


___________ 2. Mahina na ang katawan ng aking lola.
___________ 3. Mabagal lumakad si Aling Salud.
___________ 4. Magandang magtrabaho ang nakuha kong
pintor.
___________ 5. Ang mga tao ay masunurin sa batas.
___________ 6. Matamang nakinig ang mga tao sa mensahe
ng pangulo.
___________ 7. Tapat na umiibig sa bayan ang kawal.
___________ 8. Tunay na nagmamahal ang ina sa kanyang
mga anak.

Isaisip Mo
Ang pang uri ay maaring maglarawan sa katangian, hitsura o anyo, kulay, lasa,
amoy,tunog, kayarian at hugis ng pangalan at panghalip.Ang uring ito ng pang- uri tinatawag na
Pang-uring Panlarawan.

Isapuso Mo
Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Punan ng angkop na pang-uri ang patlang
para mabuo ang pangungusap.

1. Ang Caliraya Lake ay isa sa _____________ tanawin at pasyalan sa Laguna.


2. Ang Pagsanjan Falls ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay niyong ________.
3. __________ ang tubig na dumadaloy sa Balanac Dam sa Magdalena.
4. Kulay _______ ang langit kung pagmamasdan mo ito mula sa tuktok ng Bundok ng
makiling.
5. Dinarayo ang lalawigan ng Laguna sa taglay nitong _______.

Isulat Mo
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri upang ilarawan ang
mga magagandang tanawin sa ating bansa.
8 2ND QUARTER / LM

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng kayarian nito.


Naibibigay ang paksa ng isang talata.

Mahilig ka bang magbasa ng mga talata?


Paano naibibgay ang paksa ng isang talata?
Anu-ano ang mga kayarian ng mga salita?

Tuklasin Mo

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang titik ng salitang binigyang kahulugan sa pangungusap.
1. Pahiwatig ito ng di-pagsang-ayon.
2. Walang mukhang iharap si Dave sa kanyang sinuway na ama.
3. Buong tatag niyang ipinagtapat ang mga pangyayari.
4. Panlipunan ang ayos at kilos niya.
5. Hindi kaaya-aya ang amoy ng patay na daga.

Piliin ang sagot: A. Sosyal C. Isiniwalat E. Nahihiya


B. Mabaho D. Pagtutol

Basahin Mo
Basahin mabuti ang talata. Sagutin ang mga tanong kaugnay sa talatang babasahin.
Ano ang pamagat ng talata? Tungkol saan ang talata? Ibigay ang paksa ng talata binasa.

Ang Patatas na Masustansya


Ang patatas ay isang gulay na hindi pa lubos na kilala sa Pilipinas. Para sa Pilipino, ito ay isa
lamang pansahog sa ulam, tulad ng nilaga, mitsado, menudo at putsero. Ayon sa magasing
National Geographic, ang patatas ay pagkaing nagpapalusog. Mayaman ito sa Bitamina C, B at
iron. Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie, kaya mahusay ang
pagkaing ito sa mga nagdidyeta. Higit pa ang protina ng patatas kaysa soybean. Ang minasang
patatas na nilagyan ng gatas ay nakapagpalusog ng mga sanggol na isa o mahigit pang taong
gulang. May naiulat na isang Scandinavian na nabuhay nang may 300 taon sa pamamagitan ng
patatas at margarina lamang. Sa Rusya ay pangalawang tinapay ang patatas at sa maraming
bansa ito ang pangunahing pagkain ng mga tao.

Pagyamanin Mo
Paunto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salita. Ilagay sa patlang ang P kung Payak ang
salita, M kung Maylapi, I kung Inuulit at T naman kung Tambalan.
___ 1. ama
___ 2. kabaitan
___ 3. tatlo-tatlo
___ 4. pangalawa
___ 5. tama
___ 6. pag-alipusta
___ 7. aping-api
___ 8. kapitbahay
___ 9. kayamanan
___ 10. Anakpawis

Isaisip Mo
Tandaan: Paano naibibigay ang paksa ng isang talata? Ang paksa ay sentro o
pangunahing tema/pokus.
Ano ang ibat-ibang klase ng kayarian ng salita?
Apat na kayarian ng salita: Payak- salitang uagat lamang, Inuulit- inuuliy ang kabuuan
nito o ang isa o higit pang pantig nito, Maylapi- binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang
panlapi, at Tambalan- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita.

Isapuso Mo
Panuto: Ibigay ang kahulagan ng mga salitang pamilyar at di pamilyar. Ibigay ang
kayarian nito.
1. mahirap
2. damit
3. inaanak
4. pag-ikot
5. hampaslupa

Isulat Mo
Panuto: Kopyahin ang isang talata. Ibigay ang paksa nito.
Ang Batang matulungin at masunurin.

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina


kapag mahuli siya sa pag-uwi.

Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang


tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa
tabi niya upang mag abang din ng sasakyan, maya may may humintong sasakyan sa harapan
ni Paul. Sasakay n asana siya subalit nakiyta na namimilipit sasakit ng tiyan ang bata.
Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil pagagalitan siya ng kanyang nanay kapag nahuli sa pag-
uwi subalit naawa siya sa bata.

Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad sa, kaya ipinaubaya nalang niya
ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod
na sasakyan na Masaya dahil nakatulong siya sa kapawa kahit sa munting paraan lang..
8 2ND QUARTER / LM

Nabibigyang Kahulugan ang Mapa.

Marami ka na bang lugar na napuntahan at napasyalan?


Ano ang naitutulong ng Mapa?

Tuklasin Mo

Panuto: Buuin sa pisara ang larawan ng mapa ng Pitong Lawa ng Lungsod ng San
Pablo,Laguna.

Basahin Mo
Pitong Lawa

Isang alaala ang lumutang sa aking isipan noong kinuwento na galing sa San Pablo,
Laguna si G. Samar. Noong nasa ikalimang taon ako sa elementarya, nagkaroon kami ng field
trip sa Seven Lakes sa San Pablo, Laguna.

Sa pagkakaalam ko noong bata pa ako ay di gaanong malayo ang Laguna sa Manila.


Kaya nagtataka ako kung bakit nakaabot kami ng halos isang oras sa bus kahit na alam kong
nasa Laguna na kami dahil sa mga salitang 'Laguna' na nakasulat sa mga tindahan. Ayun pala,
ang San Pablo ang pinakadulong lungsod ng lugar.

Doon sa San Pablo nakatira ang tanyag na Seven Lakes. Tatlo lamang ang
pinuntahan namin dahil kulang kami sa oras. Ang alam ko ay ang lawa ay isang maliit na anyo
ng tubig dahil napapalibutan ito ng lupa. Subalit nalinawan ako na marami pa itong katangian na
hindi gaanong alam ng karaniwang tao. Habang lumalangoy at naglalaro kami sa mga lawa,
nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa ganitong anyo ng tubig:

1. Malalaman ang edad ng isang lawa sa lalim nito. Sinubukan namin kung gaanong
kalalim ang Lawa ng Calibato, na sinasabing bata pa lamang. Mayroong
instrumento na napakahabang lubid na may bilog na bakal na nakatali sa dulo.
Nang ilublob namin ito sa tubig, hindi pa naabutan ng bakal ang sahig ng lawa
kahit ubos na ang lubid na ipanlulublob. Ibig sabihin nito bata pa ang Lawa ng
Calibato.
2. Ang susunod na pinuntahan namin ay ang Lawa ng Pandin. Sinasabing matanda
na ito, ibig sabihin mababaw na ang lawa, kaya pinayagan kaming lumusong at
lumangoy. Dahil ang lawa ay alam na maliit na anyo ng tubig, ang Lawa ng
Pandin ay napapalibutan ng lupa, kung saan doon na nakatira ang ilang tao.
Nang makilala ko ang mga nakatira doon, nalaman ko na dahil sa lawang ito,
nagkaroon sila ng kabuhayan at umaasa sila sa kagandahan ng kalikasan para sa
kanilang pangangailangan imbes sa mabilis na buhay ng lungsod.

3. Makikita sa isang banda ng lawa ay may nakatayong mataas na bundok. Bago


umuwi ay umakyat kami sa burol sa tabi rin ng lawa, dahil may nakatagong lawa
pala ito sa likod ng bundok. Ito pala ang kakambal ng Lawa ng Pandin, ang Lawa
ng Yambo. Habang nasa tuktok kami ay nakikita namin ang bilog na hugis ng
malinis at bughaw na lawa. Sabi sa amin ay wala pa ang nakakababa at sumubok
lumangoy doon o pag-aralan ang lawang iyon dahil mahirap itong puntahan ng
tao sa tarik ng mga bundok na nakapalibot. Naisip ko na mainam rin na hindi pa
nahahawakan ang lawang ito dahil ito lang ang paraan para mapanatili ang ganda
nito.

4. Hindi lang kabuhayan ang naibibigay ng "kambal na lawa" 'ika nga sa mga
kababayan ng San Pablo kundi pati rin ang mga alamat o kwento ng mga
matatanda. Kwento raw ng mga matatanda doon na noong araw ay may taong
nahulog at nalunod sa Lawa ng Yambo. Nang nawalan ng pag-asa ang mga tao
na hanapin siya, bigla siyang umahon sa Lawa ng Pandin. Sabi niya na lumangoy
lang siya ng lumangoy hanggang sa makita niya ang liwanag. Paniniwala ng mga
tao noon na ang kambal na lawa na ito ay konektado sa ilalim.

Pag-uwi namin galing San Pablo, Laguna, nalaman ko na ang isang paraan na
madagdagan ang ating mga alala ay sa pamamagitan ng mga pangyayaring naranasan. At
maaalala ko ang San Pablo at ang kanilang pitong mahiwagang lawa.

Pagyamanin Mo
1. Saan matatagpuan ang pitong lawa?
2. Anu-ano ang tawag sa pitong lawa?
3. Anu-ano ang mga kaalaman na nakuha nila sa kanilang fieldtrip?
4. Ano ang naibibigay na kabuhayan ng mga lawang ito sa mga taga-San Pablo?
5. Kung papipiliin ka sa pitong lawa sa San Pablo, saan ka pupunta?
Isaisip Mo
Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at
pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at temang nasasaad na
kalawakan.

Isapuso Mo

Panuto: Kumuha ng mapa ng Pilipinas. Iguhit sa kwaderno ang rehiyon na


kinabibilangan mo.

Isulat Mo
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang mapa?


2-4.Magbigay ng gamit ng mapa?
5. Magbigay ng halimbawa ng mapa?
8 2ND QUARTER / LM

Nakasusulat ng sulating di- pormal (email).

Ano ang mga lugar na maaari ninyong pasyalan?


Naibabahagi mo ba ang iyong mga karansan sa mga kamag-anak o kaibigan na nasa
malayong lugar? Paano?

Tuklasin Mo

Panuto: Saan- saang lugar na kayo nakapagbakasyon? Ilarawan ang mga ito?
Gamit ang isang balangkas, isulat ang inyong mga ginawa sa mga lugar na ito.

Basahin Mo

Basahin mabuti ang isang sulat. Sagutin ang mga tanong kaugnay sa liham.
Saan nagbakasyon si Ruth? Anu-ano ang kanilang ginawa sa kanilang bakasyon?
Ano sa tingin mo ang naramdaman nila sa kanilang mga ginawa?

ruthcardenas@yahoo.com

ruthcardenas@yahoo.com

Bakasyon sa Subic
Dear Tita Terry,
Kagagaling ko lang sa Subic! Maganda pala roon. Tumira kami sa isang cottage na
malapit sa gubat. Pinasyalan namin ang mga tabing-dagat, ang mga tindahang duty-
free at ang iba't ibang kainab sa loob ng dating US Naval Base. Pagkalinis-linis ng
lugar.
Pumunta ako sa isang mataas-taas na pook sa loob ng tinatawag nila jungle at
kumuha ng mga retrato. Medyo kalbo-kalbo na rin ang gubat pero maraming mga
baging.

Nanood ako ng demonstrasyon ng pagpapaapoy nang walang posporo,


paghanap ng maiinom sa gubat, at pagluluto nang walang kagamitan kundi kawayan.
Huli kong pinuntahan ang butterfly farm. Hindi naman gaanong marami ang mga
paruparo roon. Pero nakakatuwa. Gaya nitong isang retratong inilakip ko. Anong sey
mo?
Maikli lang ang sulat ko ngayon, napagod kasi ako sa biyahe.

Hanggang sa muli,
Ruth

Pagyamanin Mo

Panuto: Sa inyong computer room, gumawa ng isang di-pormal na sulatin sa anyong e-mail
tungkol sa inyong sariling bakasyon.

Isaisip Mo

Tandaan; Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay


ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa
kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang
sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di
pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa ibat ibang bagay at mga
pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

Isapuso Mo
Panuto: Iguhit ang kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong pagsulat ng sulating di-pormal at kung hindi wasto.
_____ 1. Nagtataglay ng opinion ang isang sulatin.
_____ 2. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
_____ 3. Ang mga salitay umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong
ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
_____ 4. Gumagamit ng mga salitang di pamilyar.
_____ 5. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang
ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang
pagkatao.

Isulat Mo
Panuto: Gumawa ng isang sulating di-pormal sa anyong e-mail tungkol sa mga
sumusunod na paksa. Pumili ng isa.
a. Nakatatakot na pangyayari.
b. Pinakamasayang pangyayari sa aking buhay.
c. Ang Fieldtrip.

You might also like