You are on page 1of 9

Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o

Pakiusap, Patanong at Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.


1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__ __
2. Maari po ba akong humiram ng pera_ __
3. Sige, Gina, patuluyin mo_ __
4. Dito na ba sila patitirahin_ __
5. Naku_ may sunog_ __
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa
kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang
sa kausap.
Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila
ginagamit:
po, ho, opo (pangsagot sa tanong o tawag)
Makikiraan (po) (pakikiraan)
Salamat (po) (pagpapasalamat)
Maaari (po) ba? (paghingi ng pahintulot)
Walang ano man. (pagsasagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po) (pagbati)
Pasensiya na (po) (paghingi ng paumanhin)
Paki… (paghingi ng pabor o tulong)
Panuto: Gamitin ang sumusunod na magagalang na pananalita sa
pagpapahayag ng saloobin.
1.Masayang-masaya po ako…
2.Nalulungkot po ako….
3.Naniniwala po ako na…
4.Pasensiya nap o dahil…
5.Natutuwa po ako kasi…
Mga Salitang Hindi Pamilyar
Salumpuwit- upuan
Halimbawa: Parating nakaupo si Lolo Minyong sa salumpuwit na ito.
Talipandas- Makapal ang mukha
Halimbawa: Ang mga talipandas ay pumupunta sa handaan kahit hindi
iniimbita.
Katoto- kaibigan
Halimbawa: Ang katoto niya ay namatay.
Durungawan- bintana
Halimbawa: Parating nakadungaw si Juliet sa durungawan tuwing gabi.
Tsubibo- ferris-wheel
Halimbawa: Nais kong makasakay sa tsubibo ngayong pista.
Salipawapaw- eroplano
Halimbawa: Salipawpaw ang kanyang sinakyan patungong Maynila.
Batalan- hugasan
Halimbawa: Batalan ang madalas na ginamit n gating mga ninuno noon sa
kanilang ga tahanan.
Pitak- bahagi
Halimbawa: Ang bawat pitak ng kaniyang pagkatao ay dapat nating
malaman.
Nanunudyo- temtasyon
Halimbawa: Nanunudyo ang kompyuter sa aking pag-aaral.
Piging- party
Halimbawa: May piging mamaya sa paaralan.
Kubyertos- kutsara o tinidor
Halimbawa: Ang mga kubyertos ay dapat nang hugasan.
Katipan- syota
Halimbawa: Ang katipan ni kuya ay mabait.
Balintataw- imahinasyon
Halimbawa: Malikot ang balintataw ng batang matalino.
Punyal- itak
Halimbawa: Punyal ang kanyang ginamit sa pagpatay kay Romeo.
Tipanan- lugar kung saan sila nagtatagpo
Halimbawa: Madalas silang pumupunta sa kanilang tipanan.
Alipugha- iresponsable
Salita (Pamilyar)
Tradisyon na ng aming pamilya na magsama-sama tuwing mayroong may
kaarawan.
• Kinagawian
• Batas
• Naisip
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1.balintataw-
2.tipanan-
3.pitak
4.batalan
5.salumpuwit

Gamitin ang kard katalog at sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang may akda ng aklat?
2. Ano ang pamagat ng aklat?
3. Ano ang katawagang bilang ng aklat?
4. Ano ang paksa ng aklat?
5. Paano mo malalaman kung saang istante matatagpuan ang aklat?

You might also like