You are on page 1of 10

LS 1

Communication Filipino

1. Hindi lahat ng taong maganda ang pakikitungo sa iyo ay totoo, ang alin ay buwayang lubog.” Ito ay
madalas na pangaral ng aking ina sa akin.
A. Mapagkunwari C. Manloloko
B. Taksil sa kapwa D. Mapanlamang sa kapwa
2. Halos hindi maiialis ni Martha ang kanyang paninigin sa kanyang kapilas ng buhay habang ito’y
naglalakad papalayo.
A. Asawa B. Kaibigan C. Kapatid D. Kakambal
Para sa bilang 3.

Ina: Si Rosana ang gusto kong mapangasawa mo, anak. Mayaman sila at may sinasabi sa buhay.
Anak: Inay, kung magpapakasal ako, gusto ko iying taong magal ko at mahal din ako. Kung si
Rosana ang pakakasalan ko baka sabihin pa ng ibang tao nanginagawa ko lamang siyang
sandalan sa buhay dahil tayo ay mahirap lamang.

3. Ano ang gustong ipahiwatig ng anak sa mga salitang “sandalan sa buhay?”


A. Makakatulong at mag-aangat sa kabuhayan. C. Mahihiraman ng pera
B. Masasandalan habang buhay. D. Makakapagbigay ng kabuhayan.

Para sa bilang 4.
“Isa itong hagdan upang maakyat natin ang bundok na humaharang sa ating
pagtatagumpay”
(Edukasyo, Susi sa Tagumpay ni Joan M. Dueñas)

4. Sa bahagi ng talumpating ito, ang “bundok na humaharang sa ating pagtatagumpay” ay


Nangangahulugang ______.
A. Mga pagsubok o problema sa ating buhay na sagabal sa tagumpay
B. Bundok na ating daraanan tungo sa ating tagumpay.
C. Paparating na pagsubok.
D. Nakalipas na pagsubok sa buhay.

Para sa bilang 5.
“Sa aking dugo nanalantay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan.
-Carlos P. Romulo
5. Ano ang pakahulugan ng “walang kamatayang binhi ng kagitingan?”
A. Hindi namamatay ang binhi ng kagitingan.
B. Laging nag-aalab ang kagitingan ng kanyang puso.
C. Magiting siya.
D. Wala siyang kamatayan dahil sa kagitingan.

Para sa bilang 6.
Sabi ng isang kabataan, “Mabangong- mabango nag pangalan ni Egbert kaya siguradong
mananalo na siya”.

6. Sa binasang pangungusap, alin ang pagatnig?


A. kabataan B. mabangong-mabango C. kaya D. sigurado
Para sa bilang 7.
“Mamuhay sa isang paraang maaring kang makipagtitigan sa kapwa.”
-Elpidio Quirino

7. Ano ang kahulugan ng “maaring kang makipagtitigan sa kapwa?”


A. Kaya mong tignan ang iyong kapwa dahil alam mong malinis ang iyong kalooban.
B. Kaya mong makipagtitigan sa iyong kapwa.
C. Maari mong tingnan ang iyong kapwa.
D. Matatag ka sa pakikipagtitigan sa mata ng kapwa.

8. Sabi ni Maria sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat an gating
kabuhayan.”
A. Mananaga si Julia C. Pupukpukin ni Julia ang bato.
B. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi. D. Tatagain ni Julia ang bato.

9. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil
mabibisto ka nila.
A. magsabi ng katotohanan C. maglaro sa buhangin
B. magsinungaling D. magpatiwakal

10. Ang mundo ay ginawa ng Diyos para sa _______ kaya dapat natin itong pangalagaan.
A. atin B. amin C. kanila D. inyo

11. Ang paglilinis sa kapaligiran ________ pagtatanim ng halaman ang hanap ni Aling Maria.
A. pati B. at C. maging D. subalit

12. Ang bagong palaruan sa bayan ay binago _________ mga batang maglalaro dito.
A. sa B. ayon C. para sa D. na may

13. Pinaganda ang La Mesa Eco Park para sa ________ na gustong pumunta sa lugar.
A. sinuman B. madla C. alinman D. anuman

14. Anong salita ang may kasing kahulugan ng pangatnig na ginamit sa pangungusap?
“Ang bundok sa Barangay Bayug ay malapit nang makalbo sapagkat ang mga tao rito ay
nagkakaingin.”
A. dahil sa B. para sa C. ang D. ay
Para sa bilag 15.
Natuklasan ng mga mananaliksik sa New Zealand ang paglaki ng butas sa ating ozone
layer. Ang scientist na si Stephen Wood ay nagpahayag na ang butas sa Antartica ay umabot
sa 29.3 milyong sq.km
Sa unang pagkakataon naging lantad sa delikadong radiation ang isang lungsod sa
Chile na may mataas na populasyon. Nagdudulot ito ng kanser sa balat at pagkalanta ng mga
halaman.

15. Saang pangungusap makita ang paksang diwa ng artikulo?


A. una B. pangatlo C. pangalawa D. pang-apat
Para sa bilang 16.
SAHOD SA METRO MANILA, SOUTHERN TAGALOG AT NORTHERN LUZON, ITINAAS
Sinang-ayunan ng Regional Wage Board sa bansa ang pagtaas ng sahod para sa Metro
Manila, Southern Tgaalog at sa Central Mindanao.
Tatanggap ng dagdag na P50 ang trabahador sa Metro Manila, Southern Tagalog at sa
Northern Luzon sa kanilang daily minimum wage.

16. Ano ang layunin ng artikulo?


A. Ipaalam sa mga mangagawa sa Metro Manila, Southern Tagalog at Northern Luzon na may dagdag
ang knailang sahod.
B. Sabihin sa mga amo ng mga mangagawa ng Metro Manila, Southern Tagalog at Northern Luzon na
may dagdag ang kanilang sahod.
C. Humingi sa mga mangagagawa ng Metro Manila, Southern Tagalog at Northern Luzon ng mga
karagdagang sahod.
D. Pinawewelga ang mga mangagawa sa pagtaas ng sahod.
Para sa bilang 17-18.
Sa Ngalan ng Luha 17. Ano ang bahaging nagpapahayag ng larawang
Ni: Kiko Manalo diwa sa unang saknong?
A. Luha ang kalsada na dinaraanan.
Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan, B. Ng taong nagluhod sa dinarasalan.
Ito ang hinirang sa kapatawaran, C. Ito ang hinirang sa kapatawaran.
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan. D. Upang ang dalangi’y bigyang katuparan.
Ibigkaawaan, siya’y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin, 18. “Sinamantala ng taong baluktot”, ang ibig
Luhod na lalakad at mananalangin, sabihin ng taong baluktot sa tula ay _______.
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.
A. taong nakabaluktot
Sinasamantala ng taong baluktot, sa pagkakasala’y B. taong walang magawa
natila malungkot, C. taong maraming ginagawa
Ngunit katunayan sa puso at loob, D. taong hindi tuwid kung mag-isip
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,


Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha’y ginagamit sa buti at sama,


Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?
(likod-bahay 2012)

Para sa bilang 19.


LOT FOR SALE

400 sq. m., Pangasinan, 423678

19. Ano ang ibig ipaabot ng anunsiyo?


A. May lote na ibinibenta sa Pangasinan.
B. Ang lote ay may lawak ma 400 m 2
C. Ang sinumang intersado na bumili ay tawagan ang numerong 423678
D. Ang loteng may lawak na 400 m 2 sa Pangasinan ay ibinibenta. Maaring tumawag sa numerong
423678 ang sinumang interesado.
Para sa bilang 20.
TINDI NG…

Magsabi ang Langit kundi ikaw’y talang 20. Ano ang pakahulugan ng mga katagang
Nagbigay sa akin ng tuwa’t biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata “Ikaw’y paralumang batis ng biyaya?”
Ikaw ng lalo mang pihikang makata.
A. Isang dalagang sobrang ganda.
Ikaw’y maniwalang ang musmos kong puso’y
Natuto sa inyong humaga’t sumamo,
B. Isang dalagang nasa batis.
Sisihin ang inyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, ng pamimintuho.
C. Isang dalagang nagbibigay ng biyaya.
At sino sa iyo ang hindi hahanga?
Ikaw’y paralumang batis biyaya, D. Isang dalagang may biyaya dahil sa batis.
Pakpak ng pangarap at Reyna ng awa.

Ang dilim ng gabi sa aki’y natapos,


Ngumiti sa tangkay ang mga kampupot,
Gayon ma’y narito’t puso ko’y busabos.
21. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil laging nag-aaway ang kanilang mga magulang.
Ano ang ginawa ng magkakapatid?
A. palipat-lipat ng tirahan. C. binalot ang gamit
B. nagbalot ng pagkain D. naglayas
Para sa bilang 22
Ang mga kamay mo’y pampawi ng lungkot,
Kiliti ng haplos sa diwang malikot, 22. Ano ang kahulugan ng mga katagang “ Ang
Kapag nababagha’t ibig makalimot, mga kamay mo’y pampawi ng lungkot?”
Ang mga kamay mo ang siya kong gamut. A. Nakakapawi ng lungkot ang mga kamay niya.
B. Ang paghawak o pagyakap sa kanya ng
minamahal ay nakakapagpasaya sa kaniya.
C. May dalang kasiyahan ang knayang mga
(halaw mula sa “Sa Iyong Pag-irog” ni Avon kamay.
Adarna) D. Nawawala ang lungkot dahil sa kamay ng mahal
niya.
Para sa bilang 23.
Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa 23. Ano ang ibig iparating ng saknong na ito?
nasirang buti nitong kalikasan, At darating A. Uunatin ng Diyos ang kanyang kamay para
bukas ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng linisin ag kalinisan
Poong Lumalang! B. Dahil sa nasira ng tao ang kalikasan,
paparusahan siya ng Diyos sa pamamagitan ng
mga kalamidad
(mula sa tulang “Kalikasan – Saan ka C. Darating ang bukas at mawawala ang buwan
Patungo?” ni Avon Adarna) D. Kukuhanin ng Diyos ang lahat ng kanyang
nilikha.
Para sa bilang 24.
Ang basura ay pinamamahayan ng mga ipis, langaw, daga at iba pang mga peste. Ang hindi
nakokolektang basura ay nagbubunga ng hindi kanais nais na amoy na maaring magdulit ng
sakit. Ang mga basurang nakakalat sa mga lansangan ay maaaring bumara ng mg kanal at
estero. Ito ay nagdudulot ng baha, lalong-lalo na kapag malakas ang ulan. Ito ang ilan sa mga
epekto ng hindi maayos na pagtatapon at pangongolekta ng basura.

24. Alin sa pangunahing ideya ng talata?


A. Ang basura ay isnag mayabong na kapaligiran para sa langaw , daga at iba pang mga peste.
B. Ang hindi nakokolektang basura ay nagbubunga ng hindi kanais-nais na amoy na maaring
magdulot ng sakit.
C. Ang basura ay nagdudulot ng mga baha lalo na kapag malakas na ulan.
D. Mga epekto ng hindi maayos na pagtatapon at pangongolekta ng basura.

Para sa bilang 25.


Pinayuhan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng Pilipinong
nagnanais pumunta sa Israel para makita nga Holy Land na ipagpaliban muna ang kanilang
biyahe dahil sa pag-aaway ng mga Pelestinong demostrador at Israeli Security Force.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino na iwasan muna ang mga lugar na ito habang
mainit pa ang alitan ng dalawang kampo.

-Isinalin mula sa Philippine Star, October 6, 2000

25. Ano ang paksang diwa ng artikulo?


A. Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino na huwag pumunta sa Israel.
B. Pinayuhan ang mga Pilipino na kailangan ng maraming sundalo ang bansang Israel.
C. Ipinagbabawal muna ang pagpunta sa Israel dahil sa pag-aaway ng Palestino at Israeli.
D. Ipinagbabawal ang mag-aplay sa Palestina.
Para sa bilang 26.
MGA MANGGAWA SA BORACAY, MAKAKATANGGAP NG TULONG MULA SA
GOBYERNO-DOLE

Maraming manggawa ang naapektuhan ng pagpapasara sa isla ng Boracay. Dahil


dito ay magkakaroon sila ng tulong na magmumula sa ating gobyerno ayon sa
Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, makakatanggap sila ng halagang P4,
205.00 bawat buwan sa loob ng anim na buwan.
Bukod sa tulong pinansyal, tutulungan din sila na makakuha ng panibagong
trabaho ayon sa kanilang kakayahan.
(Philippine Star, Mayo 8, 2018)

26. Anong kaisipan ang ibig ipahiwatig ng balita?


A. Maraning apektado sa pagsasara ng Boracay
B. Hahanapan ng trabaho ang mga apektadong manggagawa.
C. Ang tulong ay magmumula sa gobyerno
D. May matatanggap na tulong mula sa gobyerno ang mga manggagawang apektado ng pagsasara
ng Isla ng Boracay.
Para sa bilang 27.
Tula Ng Isang Mag-aaral 27. Tungkol saan ang tula?
Elaiza Mairim B. Garcia
A. Tungkol sa masipag na mag-aaral
Ako, isang mag-aaral na nangangarap B. Tungkol sa mag-aaral ma kasing talino ni Jose
Ha.ngad ay maayos na kinabukasan Rizal.
Para sa hinaharap ay di maghirap
Nang ako ay walang pagsisihan bukas. C. Tungkol sa mag-aaral na humihingi ng gabay sa
Diyos.
Sa paaralan ako ay nag-aaral D. Tungkol sa isang mag-aaral na nangangarap na
Bagong kaalaman aking natutunan
Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos magkaroon ng mas magandang kinabukasan
Sa mga pagsusulit ay di sumusuko.

Buhay ko’y wala pang kasiguraduhan


Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan
Sa Diyos, ako’y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay.

Aking Ama’t Ina, salamat sa lahat


Utang na loob ko aking buong buhay
Di man kasing talino ni Jose Rizal,
Sisikaping makasungkit ng parangal.

Para sa mga bilang 28-29

PRODUKSIYON NG MGA MANGGA SA DAVAO, HINIHIKAYAT

Hinihikayat ng mga opisyales ng Davao del Sur na lumipat sa produksiyon ng manga


ang mga magsasaka sapagkat maaaring kumita ng higit na P200, 000.00 bawat ektarya, ayon
sa pahayag ni Mayor Jose Sagarino.

Ayon sa mga opisyales, mas malaki ang kita sa manga kaysa sa pagtatanim ng mais.

(Isinalin mula sa Philippine Daily Inquirer, Oktubre 10, 2000)

28. Ano ang layunin ng artikulo?


A. Inilalahad na ang pagtatanim ng mais ay nakakatulong nang malaki.
B. Hinihikayat ang mga magsasaka sa Davao na magtanim ng manga sa halip na mais.
C. Pinapipili ang mga magsasaka ng pananim.
D. Hinihikayat ang mga magsasaka na huwag nang magtanim.
29. Sa nabasang artikulo ang mga opisyales sa Davao del Sur ay _____________.
A. may malasakit sa mga magsasaka/mga nagtatanim C. mapagbigay
B. masunurin at mabait D. masipag
Para sa bilang 30.
Ang panda Ay isang hayop na may makapal na puting balahibo at bahagyang itim sa
kanyang mga tainga, hita, balikat, at sa paligid ng mga mata. Ang mga panda ay kumakain
ng kawayan sa matatarik na lugar sa western China. Paubos na ang mga panda sa buong
mundo kaya’t tinawag silang mga “endangered species,” Ang mga panda ay nasa
pangangalaga ng gobyerno ng Tsina.

30. Ano ang gustong iparating ng may akda sa artikulo?


A. Tulungan ang mga Panda sa Tsina.
B. Nais niyang ipaalam ang unti-unting pagkaubos ng mga Panda.
C. Ang panda ay isang hayop na may makapal na putting balahibo at bahaygyang itim sa kanyang
mga tainga.
D. Kumakain ng kawayan ang panda.
Para sa mga bilang 31-35.
Maraming magagandang katangian ang mga aso. SIla ay matatalino at tapat. Maaari
nilang bantayan ang ating bahay laban sa mga magnanakaw at maaari silang maturuan na
kunin ang tsinelas natin. Maraming iba pa na puwedeng ituro sa aso. Ang aso ay masarap
yakapin. Bilang kapalit ng kanilang katapatan sa tao, ibinibigay nito ang mga
pangangailangan ng kanilang alaga gaya ng pagkain,damit at bahay. Mas kaibig ibig talaga
ang mga aso kaysa sa pusa. Ngunit minsan may mga aso na hindi sumusunod sa gusto ng
nag-aalaga.
31. Batay sa talata ang aso ay ____________.
A. tapat sa kanyang amo. C. matalino ngunit marahas sa ibang tao.
B. galit sa kanyang amo. D. nagbibigay ng pagkain sa amo.
32. Ano ang tamang gawin sa alagang aso kung hindi ito sumusunod sa utos?
A. Pakainin ito ng gulay C. Ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan.
B. Turuan ito hanggang matuto D. Itali para bantayan ang bahay.
33. Sa ating pangungusap mababasa ang pagpapakita ng pagmamahal ng isang tao sa kanyang
alaga?
A. 1 B. 3 C. 5 D.6
34. Tungkol saan ang talata?
A. Ang pusa ay masarap yakapin. C. Ang aso ay nagbabantay sa mga magnanakaw
B. Ang aso ay mas kaibig-ibig kaysa sa pusa. D. Ang mga magagandang katangian ng aso
35. Alin sa mga pangungusap ang sumusuporta sa pangunahing ideya ng talata?
A. Ang aso ay mas kaibig-ibig kaysa sa pusa. C. Ang aso ay nagbabantay sa mga magnanakaw.
B. Ang pusa ay masarap yakapin. D. Ang mga magagandang katangian ng aso.
Para sa bilang 36.

Galing sa mahirap na pamilya si Geegie. Ganumpaman, hindi siya mapaghanap sa


mga magulang ng kung anumang karangyaan. Kotento na siya kung ano ang mayroon sila
bilang pamilya. Sapat na ang sama sama silang pamilya sa oras na sila ay kumain.

36. Anong uri ng bata si Geegie?


A. Mabait siyang bata. C. Masayang bata
B. Mahirap na bata. D. Kontento sa buhay bilang isang bat
Para sa bilang 37.
Si Gng. Gina SIsion ay isang guro ng ALS. Karaniwan sa kanyang mga mag-aaral ay hindi
nakatapos ng elementarya at sekondarya dahil sa kahirapan, maagang pag-aasawa, o
pagbubulakbol. Iba’t iba man ang kanilang mga dahilan, matiyaga niya itong pinuntahan at
tinuturuan araw-araw.

37. Anong uri ng guro si Gng. Sison?


A. Isa siyang matiyagang guro sa kanyang mag-aaral. C. Nagtuturo siya sa sekondarya
B. Nagtuturo siya sa elementarya. D. Guro siya sa ALS.
Para sa bilang 38.
Si Tin-tin ay mahal na mahal ni Gina. Ang kulay niya ay puti at mabalahibo din.
Mahaba ang kanyang buntot at laging kumakahol. Lagi silang naglalaro tuwing umaga.
Malambing siya at laging sumusunod kay Gina. Bilang kapalit ay pinapakain at inaalagaan
siya ni Gina araw-araw.

38. Anong uri ng hayop si Tin-tin?


A. Siya ay isang pusa C. Isa siyang ibon
B. Siya ay isang baka D. Isa siyang aso
Para sa bilang 39.

Matalik na magkaibigan sian Meriam at Elsie. Lagi silang magkasama at


nagtutulungan sa mga takdang aralin sa paaralan. Lagi silang magkasama tuwing kumakain.
Mahal nila ang isa’t-isa

39. Sina Meriam at Elsie ay _________.


A. magkasama sa paaralan C. magkasamang kumain
B. matalik na magkaibigan D. nagtutulungan sa mga takdang aralin.
Para sa bilang 40-41

Ang mga mag-aaral na nasa Grade 10, huling seksyon sa San Mateo High School, ay
magugulo. Walag araw na hindi umiiyak ang guro nila. Marami silang ginagawang hindi
kanais-nais na bagay. Ang totoo, halos ayaw na silang puntahan ng kanilang mga guro
hanggang sa magkaroon ng isang bagong guro sa paaralan at inatasan ng punong- guro na
maging guro nila. Nabigla ang lahat sapagkat ang dating magugulong mga mag-aaral ay
naging tahimik at nag-aaral na. Isa palang dating sundalo ang bagong guro at natakot ang
mga mag-aaral sa kanya.

40. Sino ang mga magugulo sa San Mateo High School?


A. Ang mga Grade 10. C. Ang mga Grade 10 mula sa huling seksyon
B. Ang mga mag-aaral ng San Mateo D. Lahat ng mga mag-aaral sa huling seksyon
41. Bakit natatakot ang mga mag-aaral sa bago nilang guro?
A. Dati siyang pulis C. Mahigpit siyang guro
B. Dati siyang sundalo D. Dahil siya ay bagong guro
Para sa bilang 42, bigyan ng angkop na wakas ang kkwento.

Si Mang Berto ay isang ulirang ama. Mahirap lamang sila kaya’t ginagawa niya ang
lahat upang buhayin ang kanyang pamilya. Isang araw, habang naglalakad patungo sa
kanyang trabaho may nakita siyang bag. Pinulot niya ito at binuksan. Laking gulat na
lamang niya sapagkat tumambad sa kanya ang tala-talakasang pera. Agad-agad siyang
pumunta sa presinto.
42. Si Mang Berto ay __________________.
A. Ikinulong ng mga pulis C. Pinasalamatan ng may-ari ng bag at gantimpala
B. hinuli ng mga pulis. D. naging kaibigan ng may-ari ng bag.
Para sa bilang 43.

Si Aling Deling ay wala nang asawa at may apat na anak. Namatay ang kanyang asawa
dahil sa kanyang pangingisda sa dagat kahit na masama ang panahon. Dahil doon, natutuhan
na rin niya ang pangigisda bagamat siya ay babae. Isang araw sa gitna ng napakalakas na
ulan, walang makain ang kanyang mga anak. Walang magawa si Aling Deling kundi ang
pumalaot.

43. Ano kaya ang pwedeng mangyari kay Aling Deling?


A. Uuwi siyang may dalang pagkain C. Maari siyang mapahamak dahil sa sama ng panahon
B. Hindi na siya makakauwi D. Makakahuli siya ng maraming isda.
Para sa bilang 44.
Tangay ng isang aso ang isang tinapay. Tumakbo ito ng malayo upang wala siyang
kaagaw sa tinapay. Narating niya ang isang sapa at doon siya ay nabigla. May nakita siyang
isa pang aso na may dala rin na tinapay sa kagustuhan niyang makuha ang tinapay ng isa
pang aso, tinahulan niya ito na pagkalakas lakas.

44. Ano kaya ang susunod na mangyayari?


A. Mabibitawan ng aso ang tangan na tinapa.
B. Makukuha ng aso ang tinapay ng isa pang aso.
C. Tatahol din ang isa pang aso.
D. Malulunod ang aso sa sapa.

Para sa mga bilang 45-46, piliin ang akmang kahukugan ng mga may guhit na salita.
45. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
A. palipat-lipat ng tirahan C. binalot ang gamit
B. nagbalot ng pagkain D. naglayas
46. Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.
A. hindi pinagtratrabaho C. hindi pinapalo o sinasaktan
B. hindi inaakay D. hindi pinaghuhugas ng pinggan
Para sa bilang 47.
I. Karamihan sa mga manggagawa ito ay mahihirap na mamamayan.
\ II. Dahil sa pagsasara ng isla ng Boracay, maraming mangagawa ang naapektuhan.
III. Tinulungan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng DOLE.
IV. Bibigyan ang bawat isa ng halagang P4, 205.00

47. Ano ang wastong pagkasunod sunod ng mga pangyayari?


A. III, II, I, IV C. IV, III, II, I
B. II, I, III, IV D. I, II, III, IV
Para sa bilang 48.
I. Tuwing pumapasok siya ay iba ibang magagarang damit ang kasuotan.
II. Madalas siyang tumitingin at bumibili ng mga bagong damit on line store.
III. Mahilig sa fashion si Clarese na isang sekretarya sa isang opisina.

Para sa bilang 49.


I. Nag-iipon si Langgam ng kanyang makakain habang hindi pa tag-ulan.
II. Dumating na ang tag-ulan at wala ng iniisip si Langgam sapagkat siya ay kampante na at
mayroong makakain.
III. Lagi siyang may dala-dalang butil ng bigas at hindi tumitigil hanggang hindi niiya
napupuno ang kanyang bahay.

A. I, II, III C. II. I. III


B. III, II. I D. I, III, II
50. Kung ang kawikaang di mahulugang karayom ay maraming tao o matao, ang di maliparang uwak
ay_____?
A. Malapad
B. Maraming uwak
C. Malawak
D. Maraming panauhin

You might also like