You are on page 1of 6

PAG-UNAWA SA BINASA

BAITANG 7
SET A

Mga Tanong:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang layunin ng isang digmaan?
Layunin ng isang digmaan na ____________________________________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito
c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig
d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo
2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?
a. Humahanap sila ng maraming kakampi.
b. Pinapalakas nila ang bansang kaanib nila.
c. Naglalaan sila ng malaking badyet dito upang makapaghanda.
d. Pinapahalagahan nila ang pangunahing pangangailangan ng bayan.
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?

Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng bawat isa


Kaya’t ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.
a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.
b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.
c. Hindi nais ng bawat panig na makinig sa pananaw ng iba.
d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw ng iba.
4. Ano ang kahulugan ng salitang hidwaan sa sa loob ng kahon?

Nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng


ating bansa.

a. pagkatalo c. maliit na digmaan


b. pag-aaway d. di-pagkakaunawan
5. Ano kaya ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang digmaan?
a. Humanap ng malalakas na kakampi.
b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.
c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.
d. Makisangkot sa nangunguna at malalakas na bansa.
6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. sanhi ng digmaan c. solusyon sa digmaan
b. mga uri ng digmaan d. pag-iwas sa digmaan
7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Tinalakay nito ang mga salot na bunga ng digmaan.
b. Maingat na pananalita at paglalarawan ang ginamit.
c. Nagbigay ito ng mahusay na paglalahad ng mga pangyayari.
d. Nagmungkahi ito ng makatotohanang solusyon para sa problema.
8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. Mga Bunga ng Digmaan c. Paghahanda sa Digmaan
b. Maiiwasan ang Digmaan d. Digmaan: Ano Nga Ba Ito?

SET B
Mga Tanong:
1. Ano ang layunin ng terorismo?
Layunin ng terorismo na _______________________________________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. magdala ng karahasan sa inosenteng sibilyan
c. makisangkot sa mga gumagamit ng pwersa sa mundo
d. magparamdam ng pagtitiwala sa panig na may pwersa
2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa terorismo?
a. Ito ay idinedeklara ng pamahalaan.
b. Mahirap malaman ang katapusan nito.
c. Alam ng madla kung sino ang nagsagawa nito.
d. Kinikilala nito na may halaga ang ilang tao o bagay.
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)
Ang terorismo ang walang pakundangan na paggamit ng puwersa laban sa
buhay at pag-aari ng inosenteng tao.

a. Kinikilala ng terorismo ang pag-aari ng inosenteng tao.


b. Ito ay hayagang gumagamit ng dahas kahit kanino at saan man.
c. Salat sa paggalang ang terorismo sa angking pwersa ng mga tao.
d. Walang katapusan ang dalang dahas ng terorismo sa mga inosenteng tao.
4. Ano ang kahulugan ng salitang maghasik sa pangungusap sa kahon?
(Paghinuha)

Ang mga terorista ay grupo na naglalayong maghasik ng takot sa mga


a. magdala b. magsalin c. magdulot d. magwakas
5. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng terorismo at digmaan?
a. May katapusan ang terorismo at ang digmaan ay wala.
b. Idinedeklara ang terorismo at ang digmaan naman ay hindi.
c. Maituturo ang naghasik ng dahas sa terorismo at ang sa digmaan ay hindi.
d. May ginagalang na batas ang digmaan samantalang ang terorismo ay wala.
6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. sanhi ng terorismo at digmaan
b. bunga ng terorismo at digmaan
c. pag-iwas sa terorismo at digmaan
d. paghahambing ng terorismo at digmaan
7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Isinaad ang solusyon sa terorismo.
b. Tinalakay ang mga salot na bunga ng terorismo.
c. Inilarawan ang mga sanhi ng terorismo at digmaan.
d. Maingat na pinaghambing ang digmaan at terorismo.
8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. Terorismo: Ano Nga Ba Ito? c. Maiiwasan ang Terorismo
b. Ang Tahimik na Digmaan d. Paghahanda sa Terorismo
SET C

Mga Tanong:
1. Ano ang sanhi kung bakit pinakakomplikadong relihiyon ang Hinduismo?
(Literal)
a. May iba’t ibang antas ng buhay itong kinikilala.
b. Nagmula ito sa pinagsama-samang mga paniniwala.
c. Maraming idolo, diyos at diyosa ang sinasamba nito.
d. Naniniwala ito sa paulit-ulit na pagsilang ng bawat nilalang.
2. Alin sa sumusunod ang HINDI paniniwala ng Hinduismo?
a. Paulit-ulit na isinisilang ang mga tao.
b. Ang antas ng tao ay batay sa kanyang karma.
c. Nananahan ang iisang ispiritu sa buong kalikasan.
d. Ahimsa ang paraan ng hindi mabuting pamumuhay.
3. Ano ang kahulugan ng “samu't saring paraan ng pagsamba” sa
pangungusap sa kahon?
Ang Hinduismo ay may may hindi mabilang na idolo, diyos at diyosa at
samut-saring paraan ng pagsamba.

a. Mabibilang ang paraan ng pagsamba ng Hinduismo.


b. Maliwanag ang nabuong paraan ng pagsamba ng Hinduismo.
c. Malayang sumamba ang mga Hindu gamit ang maraming paraan.
d. May gabay ang magkakatulad na paraan ng pagsamba ng mga Hindu.
4. Ano ang kahulugan ng salitang nag-ugat sa pangungusap sa kahon?
Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas.

a. inani
b. nagmula
c. nakatanim
d. napapaloob
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit nasakop ng mga Aryan ang India?
Nasakop ng Aryan ang India dahil ________________________.
a. ito ang bilin ni Brahman sa kanila
b. hangad nilang sambahin sila ng India
c. nais nilang maisilang sa ibang antas ng buhay
d. hindi malakas ang laban ng India noong panahon na iyon
6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?
Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. mga aral ng Vedas
b. kalagayan ng Hinduismo
c. paniniwala ng Hinduismo
d. mga kasapi sa Hinduismo
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Hangad nitong manghikayat.
c. Gusto nitong magbigay ng aral.
d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Pinaliwanag nito ang mga pinaniniwalaan ng Hinduismo.
b. Tinalakay sa buong seleksyon ang kasaysayan ng Hinduismo.
c. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paglaganap ng Hinduismo.
d. Nakasaad rito ang suliranin at solusyon ng pagsasabuhay ng Hinduismo.

SET D
Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang HINDI pinagdaanan ng prinsipe?
a. Nag-ayuno siya at nagnilay-nilay .
b. Nabuhay siya na parang isang pulubi.
c. Naging marangya ang buhay niya sa palasyo.
d. Pinag-aralan niya kung paano siya kikilalanin bilang Buddha.
2. Ano ang dahilan kung bakit kinilala ang prinsipe bilang Buddha? Kinilala
ang prinsipe bilang Buddha dahil ______________________________ .
a. matagal na panahon siyang nag-ayuno
b. naliwanagan siya sa kahulugan ng buhay
c. nasagot niya ang katanungan ng mga tao
d. linisan niya ang palasyo upang magnilay-nilay
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa kahon?”

Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran niya ito.


a. Umiwas siya na lumaki sa marangyang pamumuhay.
b. Tumatalikod siya kapag pinag-uusapan ang marangyang buhay.
c. Pinili niya ang mamuhay ng simple kahit kinalakihan niya ito.
d. Pinahayag niya na paglaki niya ay hindi na siya mamumuhay ng marangya.
4. Ano ang kahulugan ng salitang pagninilay sa pangungusap sa kahon?”

Binuhos niya ang oras niya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay.

a. pag-iisip
b. paghahanap
c. pangangarap
d. pagtatanong
5. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nilisan ng prinsipe ang palasyo?
a. Sasadyain siya ng puno ng Bo.
b. Marangya ang magiging Buddha.
c. Maghihirap siya na parang pulubi.
d. Hindi siya kikilalanin bilang Buddha.
6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?
Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. pamumuhay ni Buddha
b. mga kasapi sa Budhismo
c. pinagmulan ng Budhismo
d. ang pagdiriwang sa Budhismo
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Gusto nitong magbigay-aral.
b. Hatid nito ang bagong balita.
c. Hangad nitong manghikayat.
d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Isinalaysay ang pinagmulan ng Budhismo.
b. Tinalakay ang dahilan ng paglaganap ng Budhismo.
c. Ibinigay ang mga suliranin ng nagsasabuhay ng Budhismo.
d. Nakasaad ang mga kaugalian ng nagsasabuhay ng Budhismo.

You might also like