You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
CITY SCHOOLS DIVISION OF MABALACAT
DUQUIT HIGH SCHOOL
Laguhang Pagsusulit sa Filipino 8 (Week 1 & 2)

Pangalan_________________________________Baitang at Seksyon:_____________

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.


_____1. Ito ay karunungang-bayan na nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na
naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
A. Salawikain B. Bugtong C. Sawikain
_____2. Ito ay karunungang mga salita o pahayag na nagtataglay ng
talinhaga. Hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat may
natatago pa itong kahulugan patungkol sa iba’t ibang bagay.
A. Salawikain B. Bugtong C. Sawikain
_____3. Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng
isang tao. Naglalahad din ito ng katotohanan ukol sa araw-araw na gawain,
kilos o desisyon sa buhay.
A. Kasabihan B. Bugtong C. Sawikain
_____4. Ito ay binubuo ng isang linya na nangangailangan ng isang tiyak na
sagot. Layunin nitong hasahin ang kaisipan.
A. Kasabihan B. Bugtong C. Palaisipan
_____5. Ito ay binubuo ng isang tanong o sitwasyon nangangailangan ng
natatanging sagot.
A. Kasabihan B. Bugtong C. Palaisipan
II. Panuto: Suriin at tukuyin kung anong mahahalagang kaisipan ang nais
ipahiwatig ng mga pahayag na nasa sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
_____6. Anoman ang iyong itinanim, iyon din ang iyong aanihin.
A. Pagsisisihan mo ang mga bagay na di mo ginawa
B. Lahat ng bagay ay may kaakibat na resulta
C. Laging nasa huli ang pagsisisi
_____7. Higit na Matulis ang pluma’t salita kaysa sandata.
A. Huwag magpadalos-dalos sa mga binibitawang salita
B. Madaling maghilom ang pisikal na sakit kaysa emosyunal
C. Kung walang sasabihin, mabuting itikom ang bibig.
_____8. Isang beses kainin, habambuhay na gastusin.
A. Masisiyahan ka ngunit pagsisisihan mo ito
B. Piliin ang pangmatagalan kaysa madalian
C. Huwag magpapatukso
_____9. Kung ano ang nakikita, iyon ang nakukuha.
A. Pagiging tapat at totoo
B. Pagiging masiyahin
C. Pagiging masipag
_____10. Ikaw ang nagtanim, iba ang umani.
A. Pinaghirapan mo ngunit may ibang nakinabang
B. Pinasaya mo ngunit piniling malugmok
C. Pinagpuyatan mo ngunit hindi iba ang ginusto
_____11. Bato-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magalit.
A. Ang matamaan ng bato mula sa langit ay huwag magalit.
B. Binabato ang taong nagsusulot ng galit sa iba.
C. Huwag magalit kung ang sinasabi tungkol sayo ay walang
katotohanan.
_____12. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
A. Mahabang lakaran ang nararanasan kapag may prusisyon.
B. Sa tinagal-tagal ng samahan ng magkasintahan ay hahantong
din sa kasalan.
C. Ang mga prusisyon ay tumatagal kung papuntang simbahan.
_____13. “Nangangati ang kanyang paa kaya siya napadpad sa kuweba” ano
ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Nais magpahangin
B. Tumakas sa bahay
C. Mahilig gumala
III. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____14. Ito ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng
isang bagay o lugar. Anong uri ito ng panitikan?
A. Mitolohiya B. Epiko C. Alamat
_____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi tinatalakay sa mga
katutubong panitikan.
B. Kagandang-asal B. Kaluluwa C. Kultura
_____16. Ito ay elemento ng alamat na nagpapakilala sa karakter sa
kuwento.
B. Tauhan B. Tagpuan C. Tunggalian
_____17. Ito ay lugar o panahon kung saan at kailan naganap ang mga
eksena sa kwento. Anong elemento ito ng alamat?
A. Tauhan B. Tagpuan C. Tunggalian
_____18. Ito ay elemento ng alamat na pumupukaw sa interes ng mambabasa.
B. Tunggalian B. Saglit na Kasiglahan C. Suliranin
_____19. Ito ay naglalahad ng paghaharap o pag-aaway ng mga karakter sa
alamat.
B. Tauhan B. Tagpuan C. Tunggalian
_____20. Ito ay bahagi kung saan nagtatapos ang isang kuwento
A. Kasukdulan B. Kakalasan C. Katapusan

You might also like