You are on page 1of 4

PAG-UNAWA SA BINASA

BAITANG 8
SET A

ANG SAGING

Sadyang napakahalaga ang puno ng saging. Nagagamit natin sa pang-


araw-araw na pangangailangan. Ipinambabalot ang dahon nito sa mga
baon, sa suman, at mga kakanin. Nagsisilbing kanlong sa mga binhing
gulay ang saha nito. Ginagawang balsa o bangka-bangkaan ang puno nito.
Pangsangkap naman sa pagluluto ang puso nito. Laruang paputok ng mga
bata ang tangkay ng dahon nito. Bukod pa rito napakasarap ng bunga lalo
na’t sapat ang pagkakahinog.

Iba’t iba ang uri ng saging. Ang lakatan at latundan ang karaniwang
nakikita natin sa ating mga hapag-kainan.

Isang manggagamot, si Dr. Eusebio Y. Garcia ang gumawa ng isang


pagsasaliksik at pagsusuri. Natuklasan niyang may dalawang sangkap ang
saging na lakatan at latundan – ang “serotin” at “norepinephrine” na
nakapipigil sa pagtaas ng dugo at kolesterol at presyon ng dugo, sanhi sa
pagkain ng matataba at mayayamang pagkain.

Ilan sa mga pasyente ni Dr. Garcia na may matataas na presyon ang


hinatulan niyang kumain araw-araw ng hindi kukulangin sa tatlong saging
na latundan o lakatan. Sa unang taon pa lamang ng pagpapagaling,
bumaba na ang presyon ng mga ito at naging normal. Naalis din ang
pananakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na nararamdaman nila tuwi-
tuwina. Nagkaroon ng langis ang kanilang buhok at nagliwanag ang dati
nilang sigla gayong tumatanda na sila.

Dahil dito, ipinalagay ni Dr. Garcia na malaki ang nagagawa ng


sangkap ng saging sa ikalulusog at ikalalakas ng katawan hindi lamang ng
mga may sakit kundi pati na ng karaniwang malulusog na tao.
(250 Salita)

Bilugan ang titik ng wastong panapos sa bawat pangungusap.


1. Ang salaysay na ito ay tungkol sa ___________________.
a. mataas na presyon ng dugo c. puno ng saging
b. dahon ng saging d. puso ng saging
2. Sa kabuuan, ang puno ng saging ay maituturing na ___________________.
a. napakahalaga c. walang halaga
b. pangkaraniwan d. hindi kailangan
3. Ang puno ng saging ay nagsisilbing__________________.
a. bangka c. bapor
b. balsa d. layag
4. Ang puso ng saging ay nagsisilbing__________________.
a. pang-ulam c. layag
b. panlinis d. panakip
5. Isang manggagamot ang nakatuklas na ang saging ay may sangkap na mabuti
para sa ____.
a. may ubo c. cancer
b. masakit ang ngipin d. mataas na presyon ng dugo
6. Masama sa katawan ng tao ang kolesterol kung _______________.
a. marami c. kulang
b. kakaunti d. wala
7. Ang mga pagkaing maraming taba ay marami ring _____________________.
a. kolesterol c. ”norepinephrine”
b. “serotonin” d. krotine
8. Ayon kay Dr. Garcia, ilang saging sa loob ng isang araw ang dapat kainin ng
mga pasyente niyang may mataas na presyon?
a. tatlong saging c. apat na saging
b. isang saging d. dalawang saging
9. Ang mga pasyenteng sumunod sa payo ni Dr. Garcia ay _____________________.
a. nagsitaba c. nagsitaas
b. nagsigaling d. nagsihina
10. Pagkabasa ng salaysay na ito, dapat na nating simulan ang _______________.
a. pag-iwas sa saging c. pagtatanim ng saging
b. pagkain ng saging araw-araw d. pagmamatamis ng saging

Sanggunian: PAGSUBOK SA PAGBASA


Mga Pagsasanay para sa Bilis sa Pagbasa,
Pag-unawa, at Pagpapaunlad ng Wastong
Pagpapahalaga
Saturnina R. Ferrer, et.al
p. 5,104

Inihanda ni:

GEOSELIN JANE B. AXIBAL


Reading Coordinator in Filipino

Nirebisa at Sinuri nina: Ipinagtibay ni:

ERICA MARIE M. CAMPO JESSICA T. SISON


SQAT Co-Chairman/ LRMDS Leader SQAT Chairman

MARIVIC G. MALIG
SQAT Mandatory Member/ HT Designate in Filipino
PAG-UNAWA SA BINASA
BAITANG 8
SET B

BUDISMO

Nagsimula ang Budismo sa India, may 500 taon bago isinilang si Kristo.

Si Buddha ay isang prinsipeng Bumbay na galing sa isang maharlikang


angkan. Pinalaki siya ng mapagmahal niyang ama sa ginhawa at kasaganaan, at
inilayo sa mga tanawing makabagbag-damdamin na tulad ng pagkakasakit,
paghihikahos, at karumihan. Maaga siyang nagkaasawa at nagkaanak.

Nang minsang makakita si Buddha ng matanda sa daan, isang may sakit at


isang bangkay, nawalan na siya ng sigla sa buhay. Hindi na nawala sa kanyang
isipan ang pangit na larawan ng buhay. Mula noon, nilisan niya ang layaw sa
buhay at nagdili-dili sa tunay na kahulugan ng buhay. Nakabuo siya ng “Walong
Landas sa Buhay” na sinimulan niyang ipangaral sa mga tao.

Sapagkat siya’y isang Bumbay, naniwala rin siya sa Hinduismong


pinaniniwalaan ng mga Bumbay, na kapag namatay ang tao, ang kaluluwa nito’y
nalilipat sa ibang isinisilang na may buhay – sa higit na mataas na kalagayan sa
buhay kung naging mabuti ang tao habang nabubuhay, at sa higit na mababang
kalagayan kung naging masama.

Upang maging mabuting tao, ayon kay Buddha, kailangang sumunod sa


“Walong Landas sa Buhay” – wastong pananaw, wastong pagpupunyagi, wastong
pananalita, wastong kaasalan, wastong pagsisikap, wastong isipan, wastong
pagdidili-dili, at wastong pamumuhay.

Sa pang-araw-araw na buhay, itinatagubilin ng “Walong Landas sa Buhay”


ang huwag magsinungaling, huwag magtataksil, at huwag papatay.

Naibigan ng marami ang mabubuting aral ni Buddha kaya’t madali itong


kumalat sa buong Asia. Humalo ito sa Hinduismo ng India, sa Taoismo ng China,
at Shintoismo ng Japan. Naging relihiyon din ito sa Burma, Ceylon, at mga karatig
bansa.
(257 Salita)

Bilugan ang titik ng wastong panapos sa bawat pangungusap.


1. Nagsimula ang Budismo sa ___________________.
a. Arabia b. India c. Burma d. Malaya
2. Nauna ang Budismo kaysa Kristiyanismo ng mga
a. 50 taon b. 500 taon c. 1,000 taon d. 1,500 taon
3. Ang kinagisnang buhay ni Buddha ay _______________________________.
a. pawang kagandahan c. pawang pananampalataya
b. pawang kahirapan d. salit-salit na kaligayahan at
kalungkutan
4. Nawalan ng sigla sa buhay si Buddha nang makita niya ang
______________________.
a. kasaganaan sa buhay c. digmaan
b. kapangitan sa buhay d. idinudulot ng kalamidad
5. Nilisan niya ang layaw ng buhay upang ___________________.
a. mapatalas ang kanyang isipan
b. tuklasin ang tunay na kahulugan ng buhay
c. makapagpayaman sa sariling sikap
d. layuan ang asawa at anak
6. Si Buddha ang bumuo ng _____________________.
a. “Sampung Utos ng Diyos” c. “Wastong Landas ng Buhay”
b. “Walong Landas sa Buhay” d. “Wastong Pamumuhay”
7. Ayon sa paniniwala ng Hinduismo, kapag namatay ang isang mabuting tao, ang
kaluluwa nito’y nalilipat sa _________________________.
a. mataas na kalagayan sa buhay c. kapantay na kalagayan sa buhay
b. langit d. mababang kalagayan sa buhay
8. Ayon pa rin sa paniniwala ng Hinduismo, ang kaluluwa ng masamang taong
mamamatay ay napupunta sa ________________________.
a. impiyerno c. mababang uri ng pagkatao
b. mga hayop d. kapantay na uri ng pagkatao
9. Madaling tinanggap ng mga tao ang relihiyong Budismo sapagkat ___________.
a. ipinipilit ito sa kanila ni Buddha
b. walang ibang relihiyon sa India noon
c. nagkagaya-gaya na lamang ang mga tao
d. mabubuti ang mga aral nito
10. Siya ay Prinsipeng Bumbay na nagpasimula ng paniniwalang Budismo.
a. Buddha c. Shifu
b. Hesus d. Tao

Sanggunian: PAGSUBOK SA PAGBASA


Mga Pagsasanay para sa Bilis sa Pagbasa,
Pag-unawa, at Pagpapaunlad ng Wastong
Pagpapahalaga
Saturnina R. Ferrer, et.al
p. 9,106

Inihanda ni:

GEOSELIN JANE B. AXIBAL


Reading Coordinator in Filipino

Nirebisa at Sinuri nina: Ipinagtibay ni:

ERICA MARIE M. CAMPO JESSICA T. SISON


SQAT Co-Chairman/ LRMDS Leader SQAT Chairman

MARIVIC G. MALIG
SQAT Mandatory Member/ HT Designate in Filipino

You might also like