Professional Documents
Culture Documents
ng
maikling
kwento
I. PAMAGAT NG AKDA
''MABANGIS NA
LUNGSOD ''
NI EFREN ABUEG
KAHULUGAN NG PAMAGAT
MABANGIS NA LUNGSOD
Tinawag itong mabangis na lungsod dahil sa akdang ito
ay sumisimbolo sa kalupitang ng lungsod pati ng mga taong
naninirahan dito. Dahil sa lungsod na ito ay delikado,
nariyan ang mga mata ng taong pandidirihan ka kung ikaw
ay kapos palad sapagkat para sa kanila ikaw ay isang
maduming uri ng tao.
MAY-AKDA
• Ipinanganak noong ika-3 ng Marso 1937 sa
Tanza, Cavite.
• Marami na siyang natanggap na awards at
recognitions. Isa na rito ang Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas at apat na
Liwayway Literary Prizes para sa mga
nobelang naisulat niya.
• Ang nobelang “Merah Tua” ay
kasalukuyang inilathala sa Liwayway.
• Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang
na nobelista, kuwentista,mananaysay, at
krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at
nag-edit ng maraming mga sangguniang
aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa
kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong
paaralan, mula sa elementarya, sekundarya
hanggang sa kolehiyo.
• Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang
mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng
EFREN ABUEG ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang
mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.
Layunin ng may-akda
Ang may-akda ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi
lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan, mayroong
mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga
mayayaman na patuloy na yumayaman. Dahil dito, maraming
mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at
makamit ang mga ninanais.
SANGGUNIAN O AKLAT NA
PINAGKUHANAN
https://thesecretoftruefriend.weebly.com/panunuring-pampani
tikan/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-abueg
http://bulaquinamarvin.blogspot.com/2017/03/isang-pagsusur
i-sa-akdang-mabangis-na.html
II. BUOD
A. Uri ng Pampanitikan
Ang akdang ito ay isang maikling kwento. Ang Maikling Kwento
ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga elemento katulad ng
tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon na
nagmumula sa mga kwento ng totoong buhay o likha lamang ng
mambabasa.
B. Istilo ng paglalahad
Kung susuriing mabuti ang kwento, masasabi na ang may akda ay
gumamit ng tradisyunal na uri ng paglalahad sa pamamagitan ng
malalalim na salita at tayutay upang makatawag pansin at ng
mambabasa. Sinigurado ng may akda na pagtutuunan ng pansin ng
kung sino mang babasa ang kanyang likha sa paraang ito ay
mapapaisip ng malalim dahil sa matatalinhaga niyang salita. Mabisa
ang istilong kaniyang ginamit.
III. PAGSUSURI
C. Panahong Kinabibilangan
Ang maikling kwentong ito ay nabibilang sa
kasalukuyang panahon na kung saan sumasalamin ito sa
totoong nangyayari at nagaganap sa ating lipunan. Nariyan
ang ituturing kang mababang uri ng tao kung ikaw ay isa
lamang hamak na pulubi na nanlilimos at natutulog sa
lansangan. Sa Aming pananaw, isinulat ito ng may akda
upang iparating sating lahat ang hirap na dinaranas ng mga
pulubing nilalampas-lampasan lamang natin sa
araw-araw.Nais pukawin ng may akda ang ating damdamin
na magkaroon ng awa para sa mga kababayan nating
nagugutom at pilit lumalaban sa hirap ng pagiging mahirap.
D. TEORYA O PANALIGANG PAMPANITIKAN
F. GINTONG KAISIPAN
Saan Papunta
Ang
Mga Putok
Rogelio L. Ordoñez
KAHULUGAN NG PAMAGAT
https://www.academia.edu/4139088/Isang_Pagsusuri_sa_Dulang_Saan
_Papunta_ang_mga_Putok_
II. BUOD
III. PAGSUSURI
A. URING PAMPANITIKAN
Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay isang dula na sariling katha ni
Rogelio L. Ordoñez. Masasabi itong dula dahil nagsasaad ng isa o higit pang
pangyayari na ginagampanan ng isa o higit pang tauhan ang likhang kuwento na
naaakmang itanghal sa dulaan o entablado. Ang estilo rin ng pagsulat na bawat
tauhan ay may diyalogo at may panuto kung ano ang eksena at kapaligirang
napapalibot sa kanya ay akma rin para sa entablado o dulaan. Panitikang
Patanghal ito dahil hindi nagiging ganap ang pagkasulat nito hanggang hindi ito
naisasagawa o naitatanghal sa tanghalan o dulaan.
B. ISTILO NG PAGLALAHAD
Tradisyunal ang naging paraan ng paglalahad ng dulang kuwento.
Sinimulan ito sa karaniwang paglalarawan ng kapaligiran, panahon at
kondisyon kung kelan nagaganap at dula. Tradisyunal na dula ang pamamaraan
o istilo ng paglalahad nitong sarilinga katha. Itong tradisyunal na pamamaraan
ay maiiba sa huli ng dula kung saan nagtapos ang dula sa pambansang awit na
kadalasang pinapatugtug sa umpisa ng pagsasadula. Kontrobersiyal rin itong
pagtugtug dahil ang eksenang sinundan nito ay ang pagpapakita ng dungis at
baho ng administrasyon at militar ng bansa.
III. PAGSUSURI
C. PANAHONG KINABIBILANGAN
Kasalukuyang Panahon dahil ito ay panahon ng
Administrasyong Cory Aquino na kung saan naisulat itong
dula na maaaring nalikha dahil sa kakatapos na kaganapan
ng Mendiola Massacre ng Enero 1987 o tinatawag na
“Black Thursday” na kinabibilangan ng mga Pilipinong
Ralihista
F. GINTONG KAISIPAN
Kapupulutan ng aral ang dalawang tauhan na sina Aida at Ador dahil sa kanilang
detalyadong pagganap. Si Ador na maaaring tularan dahil sa kanyang katapangan
dahil ipinaglaban niya ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino at
mahihirap na walang boses at walang kalaban laban sa hustisya. Si Aida naman na
walang interes sa adhikain ni Ador na siya ay mas may mapapala pa kung
magaaral siyang mabuti. “ikaw bilang Pilipino, tutularan mo ba si Aida na
tapaktapakan at apihin ang inyong karapatang pantao? O tutulan mo si ador na
handa mong ibuwis ang iyong buhay, para sa bayan na iyong sinilangan.
III. PAGSUSURI
G. REAKSYON
Kami ay namamangha sa bawat parte ng dula na aming nababasa at
napapaisip kung ano pa ang pwedeng mangyare. Nakakamangha ang tema
ng dula na ito pinakita dito ang isang eatudyante na walang takot na
ipinag laban na kung sa anong tingin niya ay tama. At kami ay nagulat sa
kung papaano tinapos/natapos ang dula sa mapapagitan lamang ng putok
ng baril na siyang nag iiwan ng tanong na siya rin ang ginawang pangalan
ng dula na ito.
H. SARILING PUNA
''LALAKI SA
DILIM ''
NI BENJAMIN P.
PASCUAL
KAHULUGAN NG PAMAGAT
A. URING PAMPANITIKAN
Ang akdang “Ang lalaki sa Dilim” ni Benjamin Pascual ay isang uri
ng nobela sapagkat tinataglay nito ang mga katangian ng isang
nobelang panitikan.
• Sadyang ginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita naang
kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa istruktura ng isang magasin.
1. Teoryang Klasismo/Klasisismo
2. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
3. Teoryang Romantisismo
4. Teoryang Moralistiko
E. TAYUTAY
G. REAKSYON
H. PUNA
• Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanata dahil ang
nobela ay nalalayo sa karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang
sadyang ipinaaklat (Anonuevo, 1997).”
• Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad. Ang kwento ay
isang tuluyang nobela na batay sa istrakturamg isang magasin.
Naging kapana-panabik ang mga pangyayari nobela dahil ang awtor
ay tila lumikha ng isang pelikula. Maaari ring para kaming nakikinig
sa isang drama sa radyo dahil sa agos ng kwento.
• Ang paksang ‘’gahasa‟ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng
kwento. Maigi ang transisyon ng mga pangyayari at dumadaloy ito
ng husto. Hindi nakakalito ang mga eksena at nagagawa pang balikan
ang mga mahahalagang detalye. Ito ay isang paraan upang huwag
makaligtaan ang mga importanteng bahagi.Gagana ang magiging
malikot ang mga imahinasyon ng mga mambabasa sa oras na
umpisahan nila ang nobela.
I. MGA MUNGKAHI
pagsusuri
ng
PELIKULA
I. PAMAGAT NG AKDA
CAREGIVER NI
CHITO S. ROÑO
KAHULUGAN NG PAMAGAT
MAY-AKDA
Chito S. Roǹo:
• Kilala rin bilang Sixto Kayko na
isang manunulat, director at
prodyuser ng pelikula.
• Nakilala rin siya dahil sa mga
mabibigat na eksenang dinadala ng
kanyang mga likha.
SANGGUNIAN
https://tfc.tv/episode/details/150559/caregiver-2
008
II. BUOD
Si Sarah ay isang mahusay na guro sa Pilipinas. Kasabay ng kanyang pagtuturo
ay ang pag-aaral ng caregiver. Dahil isa siya sa pinakamahusay na guro ay
mapopromot sana siya bilang English head teacher sa kanilang departmento ngunit
siya ay nakapagdisesyon na sundan ang kanyang asawa na si Teddy sa London.
Naibenta niya ang kanyang bahay dahil sa pagnanais na makapunta ng London.
Naiwan ang kaisa-isa niyang anak sa kanyang ina at lola sa Maynila. Hindi matanggap
ni Paolo na siya ay maiwan kung kaya’t siya ay nagrerebelde sa pamamagitan ng
pag-alis na hindi humihingi ng pahintulot sa magulang. Siya naman ay pinaliwagan ni
Sarah kung bakit niya iiwan at kung magkapera na siya ay kukunin niya ito.
Nagkaroon sila ng nasinsinang pag-uusap at pagkatapos ay namasyal silang dalawa.
II. BUOD
Nang si Sarah ay nakarating sa London ay agad naman siyang
sinalubong ni Teddy. Puno nang galak ang pagkikita ng dalawa.
Hindi inakala ni Sarah na malaki pala ang inuupahang bahay ng
kanyang asawa. Nurse ang hanapbuhay ni Teddy doon kung kaya’t
malaki ang sahod. Buong puso naman siyang nagtiwala sa mga
sinasabi ng kanyang asawa. Para makuha niya agad ang kanyang
anak na si Paolo sa Pilipinas ay nagtatrabaho siya bilang caregiver
sa isang orphanage kasama si (Rica Paralejo) na naging kaibigan
niya. Nang siya ay nawili sa tindahan ay nakita niya si Shan
(Makisig Morales) na nagnanakaw ng pagkain. Agad niya itong
pinagsabihan na “Ang bata pa niyang magnakaw at hindi ito tama”.
Binigyan niya ito ng aral, ngunit ay tumakbo. Sa nagdaang araw
naging kaibigan niya si Shan at nawala ang pangungulila na
kanyang nadama para kay Paolo.
II. BUOD
Sa kabilang daku, ang tunay na trabaho pala ni Teddy ay isang nurse
aid. Habang si Sarah ay naghihirap sa pag-aaruga kay Lily, napamahal na
niya ito. Dama ni Sarah kung ano ang hirap ng isang Filipino worker
doon. Naranasan niyang murahin at tapunan ng pagkain ng isang matanda.
Kahit na gawon ay nalampasan na niya ito. Hanggang sa namatay si Lily (
Ang matandang kanyang inaalagaan) dahil sa pangyayaring iyon ay
nasasaktan si Sarah kung kaya’t ninais na niyang magretiro sa trabaho.
Hindi natuloy ang naisipan niyang paraan dahil sa nais niyang makuha si
Paolo at dahil rin sa hirap ng buhay na kanyang dinaranan. Naging magulo
ang buhay ni Sarah nang nalaman niya ang lihim na trabaho ng kanyang
asawa. Nakita niya ito nang nadisgrasya si Shan at na ospital. Doon ay
nasaksihan niya na si Teddy pala’y isang nurse aid at hindi tunay na nurse.
Yaon ang hakbang kung bakit mas malakas ng umiinom at naninigarilyo si
Teddy. Minsan na itong pinagsabihan ni Sarah ngunit lalong nagulo ang
sitwasyon dahil nawalan na ito ng trabaho. Isang araw, nakilala ni Sarah
ang Anak ni Nurse Morgan na si David.
II. BUOD
Hanggang si G. Morgan na ang matandang inaalagaan ni Sarah.
Mainitin ang ulo ni G. Morgan, pinahihirapan niya si Sarah ngunit
pinalawak ng bida ang kanyang pasinsya dahil batid niya ang
kahirapang nadarama nito. Umabot rin sa kasukdulan ang pasinsyang
kanyang nabitawan kaya’t napagsabihan niya ito kung ano-ano ang
kanyang saloobin maging mga paghihirap na kanyang nadarama
haabang wala sa kanyang piling ang anak na si Paolo. Naliwanagan
si G. Morgan sa mga sinasabi ni Sarah. Naging malapit na
magkaibigan sila kaya dinala ni G. Morgan si Sarah sa kanilang
bahay. Masaya sila sa panahong iyon. Nang dumating ang kapatid na
babae ni David ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawa.
Hindi nagdalawang isip si Sarah na umalis, nagbilin na lang ng siya
mensahe. Ikinasama ito ni G. Morgan at lalong lumubha ang kanyang
kondisyon. Dahilan ito na hinahanap siya ni David at nang silay
nagkita ay pinakiusapan niya si Sarah na puntahan ang kanyang
Ama.
II. BUOD
Hindi rin sila nagtagal dahil namatay rin si G. Morgan.
Habang naglalaro sina Sarah at David sa bakuran ng
saranggola nagdudulot ito ng kalungkutan sa buhay ni Sarah.
Kaya’t naisipan niya umuwi sa Pilipinsa kasama si
Teddy-uuwi dahil wala siyang mukhang maiihahaharap kay
Paolo. Nagpaiwan nalang siya sa London at nagtrabaho
habang umuwi si Teddy kasama ang kanyang kabigoang
tinatamasa. Sa katapusan ay natupad ang minimithi ni Sarah.
Nakuha niya ang kanyang anak na si Paolo at nadala niya ito
sa London. Naging masaya at makabuluhan ang buhay niya
kasama ang kanyang anak.
III. PAGSUSURI
A. URING PAMPANITIKAN
Ang akda ay pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay
isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang
anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Isang anyo ito
ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang
pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay
(kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartun.
B. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang istilo ng paglalahad ay paglalarawan. Inilalarawan ang buhay ni
Sarah bilang guro sa Pilipinas hanggang pumunta sa London at nagtatrabaho
bilang isang caregiver. Inilalarawan sa pelikula ang katotohanan sa likod ng
isang caregiver na nag-ibang bansa upang magtrabaho. Inilalarawan ang
gawain ng isang caregiver. Inilalarawan ang buhay ng isang taong nag-ibang
bansa para sa pamilya. Tuloy-tuloy ang paglalahad at walang patumbalik.
III. PAGSUSURI
C. PANAHONG KINABIBILANGAN
Modernisadong panahon ang panahong kinabibilangan nito dahil
naisagawa ito noong taong 2008. Naglalathala ito ng mga modernisadong
kaugalian, tradisyon at mga gawain ng mga tauhan sa pelikulang ito.
F. GINTONG KAISIPAN
Ang mensahe ng pelikulang anak ay tungkol sa sakripisyo ng isang ina para
maibigay ang magandang buhay sa kanyang anak. Pinapakita dito lahat ng pagtitiis ng
ina na mapalayo sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang pamilya higit sa lahat sa
kanyang mga anak sa loob ng 10 taon. Sinasalamin ng kwento ang karaniwang
nangyayari sa isang OFW na napalayo sa pamilya at napalayo na rin ang relasyon sa
isa't isa gawa ng distansya mula sa bawat isa.Bilang anak din ay pinapakita sa kwento
ang mga pangungulila ng isang anak sa kanyang ina na sa katagalan ay lumalim at
humantong sa sama ng loob at galit. Pinapakita dito na bilang anak ay dapat din na
buksan ang isipan at puso para sa kanyang ina at higit sa lahat sa kanyang sakripisyo
para sa isang anak. Na ang ina kailanman ay di matitiis ang isang anak na makitang
nahihirapan. Na ang isang ina kahit gaano kahirap ay kayang gawin at tiisin masiguro
lamang na mapapabuti ang kanyang anak.
G. REAKSYON
CAIINGAT CAYO
KAHULUGAN NG PAMAGAT
https://www.slideshare.net/addorable/caiingat-cayo
II. BUOD
Ngayon ang panahong tigmak sa kakulangan ng katotohanang
mapanghahawakan ng sinuman. Ngayon ang panahong kay hirap
maunawaan ang tunay at ang kasinungalingan. Ngayon ang panahong
naiimpluwensiyahan ang diwa’t isipan natin ng mga patalastas na tila
kalugud-lugod, ngunit nagdudulot ng pangamba sa ating kaalaman,
sapagka’t totoong nagbabadya ng kadiliman ang mga ito.
Kaiingat kapatid! Magpunyagi para sa katuwiran at alisin ang piring na
tumatakip sa mga mata. Huwag bulagin ang sarili sa mga balat-kayo, at sa
halip, pagsikapang makita ang katotohanang umiiral.
II.BUOD
Ito at ito lamang: ang laban ay nasa libro, siyam-napu’t limang araw; di
-maikakaila ang karukhaan ng angaw-angaw sa ating kapatid; naroon pa
rin ang yagit na may tsapa; lalong nag-iibayo ang agwat ng bagong
ilustrado at bagong indiyo. Buong-kusang idiniin ang nais nila, buong
tiwasa’y na ating tinanggap— tayong manhid at mapagparaya sa sarili
nilang pagnanasa.
Sila’y humimlay sa ating tahanang malapalasyo, tayo naman ay
nagsasawalang-kibo ang ating pamantasan na tila ba nakaluklok na tayo sa
panibagong pamantasan. Kasalanang di-mapapatawad ang matulog nang
panatag sa mga kamang dekutson nang hindi man lamang isinasaisip kahit
saglit ang tablang amoy-estero, galisin at lipos sa libag na higaan ng
kapatid na maralita.
Maikakaila ba ang pagdarahop ng nakararami? O tuluyan na ba tayong
nalulong sa huwad nating daigdig na kasaganaan at katiwasayan? Mag-isip
kayo at huwag magsa-tanga! Napakadaling marahuyo, lalo na tayong
walang ibang talo kundi ang tangos ng ilong nating mestisuhin.
Napakadaling paglaanan ang sarili habang hitik sa de-sampung papel ang
nagpuputok nating kartamoneda.
II.BUOD
Napakadaling patahimikin ang budhi/diwa habang kusang
binubulag ang sarili sa katotohanan na kamuhimuhi tayo sa
malas ng angaw-angaw nakalahi. Tiyak na mamumuhi at
mapopoot ka rin kung araw-araw mong mapapanood ang
landian, ang talsikan ng mga pinintahang daliri ng pulutong na
anak. Titiim din ang bagang kung masisilayan ang mga
kansusuwit na mestiso at mestisang walang pakundangan
kung magparaya sa sarili na tila walang katapusang pista ang
buhay. Kaiingat kayo kapatid! Malayo’t matagal pa ang
pagsapit ng tunay na Eden/kasalanan sa kalupaan natin.
Huwag kalilimutan ang nakaraan sapagka’t sa nakaraan
nakasalalay ang pagkamulat sa katotohanan.
III. PAGSUSURI
A. URING PAMPANITIKAN
B. PANAHONG KINABIBILANGAN
PANAHON NG KASTILA
C. ISTILO NG PAGLALAHAD
E. TAYUTAY
Aliterasyon
Ngayon ang panahong tigmak sa kakulangan ng katotohanang
mapanghahawakan ng sinuman.
Ngayon ang panahong kay hirap maunawaan ang tunay at ang
kasinungalingan.
Ngayon ang panahong naiimpluwensiyahan ang diwa’t isipan natin ng
mga patalastas na tila kalugud-lugod, ngunit nagdudulot ng pangamba sa
ating kaalaman, sapagka’t totoong nagbabadya ng kadiliman ang mga ito.
E. TAYUTAY
Simili o Pagtutulad
Ngayon ang panahong naiimpluwensiyahan ang diwa’t isipan
natin ng mga patalastas na tila kalugud-lugod, ngunit
nagdudulot ng pangamba sa ating kaalaman, sapagka’t
totoong nagbabadya ng kadiliman ang mga ito.
F. GINTONG KAISIPAN