You are on page 1of 3

PAG-UNAWA SA BINASA

BAITANG 8

PADRE DAMIAN

Si Padre Damian ay batambatang paring taga-Belhika. Masigla siyang


kumilos, maawain at mapaglingkod.
Isang araw, nasabi ng Obispo na kailangan niya ang isang paring
mangangalaga sa katawan at kululuwa ng mga taga-Molokai. Masiglang
nagprisinta si Padre Damian upang maglingkod sa mga taga-Molokai
Nang dumating si Padre Damian, unti-unting nagbago at luminis ang
bayan. Gumawa si Padre Damian ng padaluyang makukunan ng malinis na
tubig. Nagtayo siya ng munting kapilya at isang dampang pagamutan.
Masiglang pinaglingkuran ni padre Damian ang mga ketongin.
Nakisalamuha siya sa mga ito at sinikap niyang mabigyan sila ng kasiyahan
at pag-asa sa buhay.
Isang araw, habang nagyayao’t dito siya sa pagamutan, tumagilid ang
dala niyang palangganang may bagong kulong tubig. Nabuhusan ang paa
ngunit hindi siya napaso. Ito’y isang babala, kaya’t hindi siya nag-aksaya ng
panahon. Nagpatingin siya sa isang doktor.
“May ketong po ba ako?” ang usisa niya.
“Dinaramdam ko ngunit siya pong totoo,” ang magalang na sagot ng
doktor.
Hindi man lang nabagabag ang kalooban ni Padre Damian. Sa halip
na maghinagpis, lalo pa niyang pinag-ibayo ang paglilingkod sa mga taga-
Molokai.
Mula noon,sa kanyang pagsesermon sa Misa, hindi na “Mga kapatid
ko” ang tawag niya sa mga tao kundi “Tayong mga ketongin”.
Namalagi si Padre Damian sa Molokai nang mahaba pang panahon
hanggang sa siya’y mamatay. Tinuring siyang "Bayani ng Molokai”.

(219 Salita)

Bilugan ang titik ng wastong sagot.


1. Taga-saan si Padre Damian?
a. Belhika b. Hawaii c. Pilipinas d. Molokai
2. Saan siya nadestino upang maglingkod?
a. Belhika b. Hawaii c. Pilipinas d. Molokai
3. Anong sakit ang kumapit kay Padre Damian?
a. Cancer b. ketong c. tisis d. malaria
4. Ano ang ginawa niya nang sabihin ng manggagamot na may sakit siya?
a. humingi ng bakasyon c. naghinagpis
b. tumiwalag sa tungkulin d. hindi nabahala
5. Anong masasabi natin tungkol sa paring ito?
a. tapat sa tungkulin
b. nagpayaman sa tungkulin
c. hindi angkop sa kanyang tungkulin
d. nagpabaya sa tungkulin

6. Ibigay ang itinuring kay Padre Damian nang siya ay mamatay?


a. bayani b. kalaban c. santo d. martir
7. Piliin ang salitang naglalarawan sa Molokai bago dumating si Padre Damian.
a. malaki b. marumi c. maliit d. masinop
8-10. Piliin ang titik ng tatlong pagbabagong isinagawa ni Padre Damian sa
kanyang Parokya.
a. Nagpagawa siya ng mga paaralan
b. Nagpatayo siya ng munting kapilya
c. Nagpatayo siya ng padaluyan ng malinis na tubig
d. Nagpalagay siya ng parke
e. Nagpatayo siya ng pabrika
f. Nagpatayo siya ng pagamutan

Sanggunian: PAGSUBOK SA PAGBASA


Mga Pagsasanay para sa Bilis sa Pagbasa,
Pag-unawa, at Pagpapaunlad ng Wastong
Pagpapahalaga
Saturnina R. Ferrer, et.al
p. 5,98

Inihanda ni:

GEOSELIN JANE B. AXIBAL


Reading Coordinator in Filipino

Nirebisa at Sinuri nina: Ipinagtibay ni:

ERICA MARIE M. CAMPO JESSICA T. SISON


SQAT Co-Chairman/ LRMDS Leader SQAT Chairman

MARIVIC G. MALIG
SQAT Mandatory Member/ HT Designate in Filipino

You might also like