Professional Documents
Culture Documents
”
Pinal na Pagsusulit (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I) – SP 20
SY 2022 - 2023
I. MARAMIHANG PAGPIPILI
PANUTO: Uriin ang tayutay na ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Bukas ay iiwan namin ang Mediterano. Paalam, Europa.
a. Pagsusukdol
b. Pag-uyan
c. Pagtawag
d. Walang Tayutay
2. Si Ruth ang pinakamagandang tala sa kanilang barangay.
a. Pagtutulad
b. Pagpapalit-tawag
c. Pag-uyam
d. Pagsusukdol
3. Ama ko, sa iyong kamay, inihahabilin ko ang aking kaluluwa.
a. Pagpapalit-tawag
b. Pagpapalit-saklaw
c. Pagsusukdol
d. Wala
4. Nahiya ang buwan dahil sa kanilang kabastusan.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Personipikasyon
d. Pagmamalabis
5. Ligpaw, iikot, iilalim. Iibabaw, iigtad, ang alaala at salasalamin ng iyong
kataksilan.
a. Aliterasyon
b. Asonans
c. Konsonans
d. Onomatopiya
6. Kabataan ang pag-asa ng bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat
magulang. Kabataan din ba ang sisira sa sarili niyang kinabukasan.
a. Anapora
b. Epipora
c. Anadiplosis
d. Konsonans
7. Makakalakad ba ang mga paa mo sa baga na hindi napapaso ang mga ito?
a. Tanong Retorikal
b. Asonans
c. Epipora
d. Walang Tayutay
8. Pilit inaanimo ang litik ng lihim na kuro-kuro ng dilim.
a. Walang Tayutay
b. Pagwawangis
c. Pagmamalabis
d. Pagsusukdol
9. Bumaha ng dugo nang magsagupa ang dalawang pangkat.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Personipikasyon
d. Pagmamalabis
10. Napakaganda niyang maglakad, naiiwan ang puwit.
a. Pagmamalabis
b. Pagtatambis
c. Pagsusukdol
d. Pag-uyam
11. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
a. Pagpapalit-tawag
b. Pagtawag
c. Pagpapalit-saklaw
d. Pagamamalabis
12. Langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog, haginit ng
hangin.
a. Pagmamalabis
b. Onomatopiya
c. Pagbibigay-katauhan
d. Pagwawangis
13. Kawangis mo’y isang papel na inaanod sa agos ng buhay.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Aliterasyon
d. Asonans
14. Ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagbibigay-katauhan
d. Paglumanay
15. Dapat ipa-tune up ang wheels ko kasi na sa gasolina.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagbibigay-katauhan
d. Pagpapalit-saklaw
16. Ang batas na ito ay mula sa tao, para sa tao.
a. Anapora
b. Epipora
c. Anadiplosis
d. Asonans
17. Pasan ni Elma ang daigdig mula nang mamatay ang kanyang asawa.
a. Paglumanay
b. Antiklaymaks
c. Paralelismo
d. Pagmamalabis
18. Lason sa kanya ang ginawa mong pagtalikod sa inyong pag-iibigan.
a. Pagtawag
b. Pagpapalit-tawag
c. Pagwawangis
d. Pagpapalit-saklaw
19. Ang puso ng tao ay isang batingaw, sa palo ng hirap ay umaalingawngaw.
a. Pagbibigay-katauhan
b. Pagwawangis
c. Pagmamalabis
d. Pagsusukdol
20. Ang halimuyak ng bulaklak ay busilak na gamot sa pusong sa lungkot nasadlak.
a. Aliterasyon
b. Asonans
c. Konsonans
d. Onomatopiya
21. Ang tinanggap nilang tulong ay tila hamog sa uhaw na talulot ng bulaklak.
a. Tubig sa halaman
b. Mahigpit na kagustuhan
c. Pagkain ng mahihirap
d. Biyayang nakalunas ng kahirapan
22. Ang aming alkalde mayor ay tinaguriang balat-kalabaw.
a. Makapal ang hiya
b. Walang kahiya-hiya
c. Hiyang-hiya
d. Matapang ang hiya
23. Higad na higad si Noberto kaya siya kinaiinisan ng kanyang mga kaibigan.
a. Kuripot
b. Pikon
c. Mabagal kumilos
d. Nangangati
24. Kapansin-pansin sa mga dalagang iyon ang maagang pagwasak sa makalumang
paniniwal ng matatanda.
a. Pagsuway sa nakagisnang ugali
b. Pagyurak sa kulturang pambansa
c. Pagsira sa magagandang asal
d. Pagtalikod sa mga pangaral ng magulang
25. Parang pinitpit na luya si Alona nang makita niya si Antonio.
a. Nangulubot
b. Di-nakapagsalita
c. Nanlaki ang mata
d. Nagtago
Approved by: