You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon MIMAROPA
Sangay ng Puerto Princesa City
MATAAS NG PAARALAN NG BAHILE
Bahile, Lungsod ng Puerto Princesa

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


Filipino – 9
S.Y. 2019 – 2020

Pangalan:________________________ Seksyon: _______________

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA TEKSTO SA DALAWANG KAHON. TUKUYIN ANG TAMANG SAGOT SA MGA
TANONG NA ISINASAAD SA BAWAT BILANG AT BILUGAN ANG TITIK NG WASTONG SAGOT.
Teksto I

Sa isang sentro ng Ohio,may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar na ito ay kilala
sa tawag na Mt. Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higanteng punong kahoy. Bagi ito pinutol, may
makailang saling ang mga tao ay nag-ukit ng kanilang tanda at pangalan sa katawan nito. Sa dami ng mga sulat
sa balat nito, ang pagnanasang mag-iwan ng marka o tanda ng isang taong may maliwanag.
Habang iniisip ko ito, naalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki: “ Huwag mong iukit ang iyong
alaala sa kahoy o pader,iukit mo sa puso ng bata.” Ang pagmamarka sa materyal na bagay ay pag-aaksaya ng
oras ay lilipas ito sa paglipas ng panahon. Ngunit ang tatak na iiwan sa puso ng mga anak ay mananatili
hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama na mag-iwan ng anumang magtatagal na alaala sa kabataang
ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritwal na alaala.

1. Ano ang pahiwatig ng mensahing may salungguhit?


a. Kukupas ang isang tanda o markang inukit sa puno o pader.
b. Mag-iwan ka ng isang alaala sa pader na mananatili hanggang sa wakas.
c. Mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno.
d. Hindi basta-basta nabubura sa puso ang isang alaala.
2. Makapag-iiwan ng pangmatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng
a. pag-iiwan ng marka o tanda sa isang puno.
b. paggugol ng panahon sa mga bata.
c. pag-uukit ng ispiritwal na alapaap.
d. pag-iiwan ng alaalang larawan sa. isang tao
3. Ano ang maaaring maging pamagat ng teksto?
a. Alaalang inukit sa puso c. Bato sa Ohio
b. Inukit na alala sa puso d. Sa paglipas ng panahon
Tekso II
Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang ito.
Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng makabagong
kabihasnan at siyensiya. Mapapansing dahil sa malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago ang klima sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Ito’y bunga ng labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang mabilis na
pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon hindi lamang sa ating bansa
pati na rin sa iba pang mga bansa.
Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang nagpapalala ng
polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman, hindi tumitigil ang pamahalaan ng bawat bansa at mga dalubhasa
sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinibigay nito sa daigdig.
Gayon pa man, hindi dapat iasa lahat sa mga grupo ng mamamayang may malasakit ang paglutas sa
suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang mapadali ang pagbibigay ng kalutasan
sa problemang idinudulot nito sa sangkatauhan.
4. Batay sa teksto, ano ang maaaring maging bunga ng patuloy na pag-init ng mundo?
a. Matutunaw ang mga yelo na magpapalala sa pagbaha.
b. Masusunog ang mga tao.
c. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo.
d. Magkakaroon ng taggutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.
5. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto?
a. suliranin sa basura c. problema sa polusyon
b. pagkaubos ng mga puno d. pag-init ng mundo
6. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda maliban sa
a. paggamit ng kahoy bilang panggatong. c. pagtatapon sa mga estero at ilog.
b. pagkaubos ng mga puno. d. makabagong kabihasnan at siyensiya.
7. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang ganitong suliranin?
a. Umisip ng ibang paraan upang hindi maubos ang mga punongkahoy.
b. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
c. Tumulong sa mga kinauukulan upang maipatupad ang mga batas.
d. Magbigay ng anunsiyo sa telebisyon at raydo upang laging paalalahanan ang mga tao.

PANUTO: BASAHING MABUTI AT PILIIN ANG WASTONG KAHULUGAN NG MGA SALITANG MAY
SALUNGGUHIT. BILUGAN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.

8. Gusto kong mag-aral sa Europa subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.
a. Masunurin sa tradisyon c. Sarado ang isip
b. Di- matalikurang kinagisnan d. Takot sa pagbabago
9. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain upang ako’y bigyan ng pag-asa.
a. Sigaw ng pagbabago c. Tulong ng dayuhan
b. Malamyos na awitin d. Napapanahong balita
10. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang,ako ay tinali sa bahay, kinakailangang ikahon ako.
a. Itali sa bahay c. Pagbawal ang lumabas
b. Ikulong d. A o B
11. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkaalipin.
a. Makahinga c. Makawala
b. Makasama d. Tinalian
12. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay
a. Pagkatalo c. Kawalan ng kapangyarihan
b. Pagigingsunod-sunuran d. Kasiyahan
13. “Kung mamaya pa aalis ang mga bisita, tiyak na aabutan sila ng ulan sa daan.” Ang pangungusap ay may
pang-abay na pamanahon na
a. Walang pananda c. Payak na salita
b. May pananda d. Inuulit
14. “Kusang humihinto ang kabayo kapag may pumaparadang pasahero at magigising ang kutsero sa biglang
Paghinto”. Mahihinuha mula sa sitwasyong ito na
a. matagal nang ginagawa ng kabayo ang ganito kaya alam na niya ang routine sa bawat biyahe.
b. may mahika o hiwaga si Pak Idjo kaya’t nag-isip tao ang kabayo.
c. guniguni lang ni Pak Idjo ang lahat ng sinabi niya tungkol sa husay na taglay ng kanyang kabayo
d. may ensayong ginagawa si Pak Idjjo kung kaya’t sanay na ang kanyang kabayo
15. “Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat
ng pangalan ng mga pagkain at inumin”. Mahihinuha mula sa sitwasyon na
a. Alam na niya ang mga presyo ng mga pagkain sa bawat menu.
b. Wala siyang balak umorder ng maraming pagkain.
c. Hindi problema sa kanya kung magkano man ang halaga ng mga pagkain sa menu.
d. Maaari silang kumuha sa bangko kung kulang ang kanilang pera.
16. Uri ng tauhan na nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda.
a. Tauhang Bilog c . Tauhang Lapad
b. Pangunahing tauhan d. Protagonista
17. Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang sa katapusan ng akda.

a. Antagonista c. Tauhang Lapad


b. Protagonista d. Tauhang Bilog
18. “Ayon sa balita, malakas ang bagyong Hanna.” Ang salitang may salungguhit ay
a. pang-ukol. c. pang-angkop.
b. pangatnig. d. pang-ugnay.
19. Sa mga pangungusap na, “Nagugutom si Egay at nagluto si Mulong ng pansit.” Ano ang angkop na gamiting
pang-ugnay upang maging isang pangungusap ang mga nabanggit?
a. kaya c. palibhasa
b. subalit d. datapwat
20. ____hindi natututo ang tao dulot ng kanyang kapalaluan. Ano ang angkop na pangatnig?
a. Dahil b. Kaya c. Sa wakas d. Subalit
21. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
a. pagkilala kung kalian naganap,nagaganap,o magaganap ang kilos o pangyayari.
b. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kwento o alamat.
c. pagsunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.
d. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
22. Tinuruan sila ng mga titser na chest out, stomach in. Alin sa sumusunod ang ibig ipakahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. magandang paglalakad.
b. nakaliyad.
c. maayos na tindig
d. maging maayos sa sarili.
23. Sa oras na iyon mataas na at mainit na ang araw. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. maganda ang sikat ng araw
b. makalas ang sikat ng araw
c. nahuli sila kung kaya’t inabot sila ng araw.
d. tangahaling tapat

Haba ng hair,
Utak niya’y puro air
Amoy mo ay wagas
Dapat ka ngang magwatas

24. Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang
a. mapang-aliw. b. mapanghikayat. c. mapagbiro. d. mapaglarawan.

NAKILALA ANG EMOSYON O DAMDAMING IPINAHAHAYAG NG SUMUSUNOD NA MGA PANGUNGUSAP.


25. Sayang, kung alam ko lang na ganito ang tingin nila sa amin, di na sana ako umalis ng bansa.
a. Pagkatuwa b. Pasasalamat c. Pagkagalit d.Panghihinayang
26. Pasensiya na pero hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
a. Pagtanggi b. Pagkalungkot c. Pagtataka d. Pagmamalaki
27. “Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubos-isipin kung paano muling dadakila ang
Pilipinas”.
a. Pagkaawa b. Pagmamalaki c. Kawalang pag-asa d. Pagbabanta
PANUTO: PILIIN SA WASTONG SALITA UPANG MABUO ANG PAHAYAG. SALUNGGUHITAN ANG TAMANG
SAGOT.

28. (Pahirin, Pahiran) mo na ang luha sa iyong mga mata.


29. (Subukin, Subukan) natin puntahan ang iba pang magagandang lugar sa bansa.
30. Paganda (nang, ng) paganda ang mga bagay na nababalita tungkol sa pilipinas.
31. (Sundan, Sundin) mo ang ginagawa ng iyong magulang upang maging matagumpay ka rin sa
Buhay.
32. Hindi pa rin( humihinto, humuhupa ) ang galit na kanyang nararamdaman.
33. Hindi masamang magkaroon ng (matayog, mataas) na mga pangarap sa buhay.
34. Naging mabagal ang (usad, gapang) ng mga sasakyan dahil sa parade kanina.
35. Magiging (mababa,maliit) ang singil sa kuryente sa darating na buwan.
36. (Malinaw, Maliwanag) ang bombilyang nabili ni nanay sa tindahan kahapon.

ISULAT ANG WASTONG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI. LAGYAN NG BILANG 1-5 SA


PATLANG BAGO ANG BILANG.

_____37. Natutulog ang kutsero habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil
na rin
sa gutom at sakit na kanyang nararamdaman.
______38. Pumarada ang pulang-pula at bagong-bago na Cadillac sa harap ng restawrang maraming
nakaparadang kotse.
______39. Samantala, isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan
sa
harap ng restawran sakay ang natutulog na kutsero
______40. Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at galit nag alit na
sinigawan
ang takot na takot na si Pak Idjo.
______41. Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso’t pusa kaya’t bigla itong nadapa.

BANGHAYIN ANG MGA PANDIWANG NEUTRAL/PAWATAS SA ASPEKTONG PERPEKTIBO,


IMPERPEKTIBO, AT KONTEMPLATIBO. ISULAT ANG INYONG SAGOT SA ESPASYONG NAKALAAN.

Neutral/Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


Palitan 42. 43. 44.
Ibigay 45. 46. 47.
Ipaubaya 48. 49. 50.
14.

You might also like