You are on page 1of 8

Rebyu sa Filipino (Wika/Linggwistika)

Marso 2017 Licensure Examination for Teachers (LET)

PRE-TEST

Panuto: Bilugan ang titik na kumakatawan ng iyong sagot. Iwasan ang pagbubura.

I. Piliin ang titik ng pinaka-angkop na salita sa bawat pangungusap.

1. Pinandirihan ni Mico ang aso niyang__________.


a. ma-galis c. magalis
b. mag-alis d.galis-aso

2. Paglaki ko, gusto ko maging __________ ng Pilipinas.


a. pang-ulo c. panggulo
b. pangulo d. pa-ngulo

3. Hanapin mo ako sa _________ ng mga sasakyan.


a. pag-abangan c. bantayan
b. hintayin d. abangan

4. Gagawin mo lang yan _________ mo ako mahal.


a.kung di c.kungdi
b.kundi d.kun di

5. ________ ka na sa ilog. Nanginginig ka na.


a. Lumusong c. Umahon
b. Sumuong d. Humango

6. Kinakailangang _________ ang damit sa Huwebes.


a.may-ari c.yariin
b.mayari d.magyari

7. Limang oras na pero hindi ko parin________ ang nawawalang aklat.


a.mahanap c.hanapin
b.makita d.kitain

8. Nag-aaral ako _______ mabuti upang makakuha ako nhg iskolarship.


a.nang c.mas
b.ng d.lalong

9. ________ natin ng mapa si Mario para hindi siya maligaw.


a.Iwan c.Iwanan
b.Mag-iwan d.Pag-iwan

10. _______ mo kay Luisito na may pasalubong ako para sa kanya.


a. Sabihin c. Pakisabi
b. Sabihan d. Pakisabihan

11. Huwag mong __________ ng kalat ang kama ko.


a.ipatong c.patungan
b.magpatong d.pagpatungan

12. Ang pagdadasal at pananalig ay __________ sa tao upang mapalapit siya sa Diyos.
a.nakakatulong c.nakakatutulungan
b.nakatutulong d.mag-tulungan

13. Nawawala ang alahas na __________ mo sa akin.


a.pinatago c.ipinapatago
b.pinagtago d.ipinatago
14. _________ ni Penelope ang kanyang dami nang hindi niya sinasadya.
a. Nasira c. Masira
b. Sinira d. Sinisira

15. __________ na ng magaling na barber ang buhok ni Felix.


a. Gugupitin c. Maggugupit
b. Gugupitan d. Hahagupitin

16. Marumi ang baso. Huwag mong ________ yan!


a.inumin c.uminom
b.inuman d.pag-inuman

17. _________ mo sana kay Ronald kung kailan siya uuwi ng Pilipinas.
a. Ipagtanong c. Tinanong
b. Ipagtatanong d. Itinanong

18. Kailan nga ba __________ si Mayor dahil sa pangungurakot?


a.kinulong c. gagalakin
b.kinukulong d. ikinakapagpagalak

II. Piliin ang titik ng pinaka-angkop sa puwang ng pangungusap.

1. Pinag-aralang mabuti ng bawat abogado ang __________ ng 1987.


a. Batas pambansa c. batas-militar
b. Saligang-batas d. saklawang-batas

2. Ang paniniwala sa Diyos ay susi upang matamo natin ang ___________.


a.kadakilaan c.kaligtasan
b.salvasyon d. kabutihan

3. Tapos na ang klase kapag tumunog na ang ______________________.


a.agunyas c.kampana
b.batungting d.kabutihan

4.Upang hindi madala ang agos ng barko, ibinaba ng mga mandaragat ang ______ .
a.pang-angla c.angkora
b.salung-alon d.timpulan

5.Ang aklat ni Dr.Tinsley Harrison ang _________ sa pag-aaral ng medisina.


a.saligan c.batayan
b.sandigan d.pundasyon

6.Winasak ng bagyong __________ Katrina ang maraming bahay sa New Orleans.


a.bagyong c.buhawi
b.sagwan d.ipu-ipo

7.Ang pagbibigay ng diploma ay nasa huling bahagi ng _________.


a.programa c.palabas
b.palatuntunan d. bilada

8.Inaabangan ng mga tao ang _________ sa simbahan.


a.agunyas c.kalampag
b.batingting d.kolembang

9.Patapos na naman ang taon. Kailangan ko ng kumunsulta sa aking_________?


a.kalihim c.tagatuos
b.ingat-yaman d.bukkiper

10.Dalawang oras na kaming naghihintay. __________________.


a.Kumitid ang noo c.Namuti ang mata
b.Kumati ang kamay d.Kumulo ang dugo
III. Piliin ang titik ng pinaka-angkop na pasawikaing panghalili sa mga salitang may
salungguhit.

1. Mahimbing ang tulog ni Miguel kaya hindi niya napansin na lumindol.


a.Tulong-mantika c.Tulo-laway
b.Taingang-Kawali d.Utak-biya

2. Nawala ang lahat kay Ryan nang mamatay ang kanyang mga magulang.
a.Pinagtampuhan ng langit at lupa c.Naglubid ng buhangin
b.Pinagtakluban ng langit at lupa d.Namangka sa dalawang ilog

3. Malimit na magsinungaling ang batang hindi pinalaki ng tama.


a.nagdilang kuneho c.nagbuhat ng sariling bangko
b.naglubid ng buhangin d.namuti ang uwak

4. Galit na galit ako sa taong nagnakaw ng aking tanghalian.


a.Mabigat ang dugo c. Matalas ang ulo
b.Makitid ang noo d. kumukulo ang dugo

5. Madaling lokohin si Anna.


a.makitid ang ulo c.Matuwid at paniwalain
b.utak-biya d.nagmurang kamatis

6. Punong-puno ng tao ang Dallas Stadium kung saan ginawa ang laban ni Manny
Pacquiao.
a.Di mahulugang karayom c.Di makabasag pinggan
b.Di mahapayang gating d.Di maliparang uwak

7. Sa wakas nagpakasal na si Crisostomo kay Leonora.


a.Namangka sa dalawang ilog c.Nagpalapad ng papel
b.Nagmahabang-dulang d.Nagsampay bakod

8. Kapag naniwala ka kay Greg, para ka na ring umasa sa wala.


a.Pumuti ang uwak c.Tumaga sa tubig
b.Umitim ang uwak d.Kumindat sa dilim

9. Ang salin sa blangko para sa blank ay halimbawa ng pagtutumbas na _____________.


a.Panghihiram sa Espanyol at pagbaybay sa Filipino
b.Kung ano ang bigkas siyang sulat
c.Paggamit ng leksikong Filipino
d.Paghihiram ng salitang katutubo

10. “Mahal kita, mahal kita hindi to bola/ ngumiti ka man lang sana ako`y nasa langit na “.
Ang salitang pamapanitikan na ginamit sa linya ng kanta ay nangangahulugang
_______.
a.napakasaya c.sinisinta
b.pakikipagkaibigan d.laruan

11. “Heto na,heto na,/wahh! Doo bidoo bidoo ,bidoo, bidoo”. Alin ang nabuong salita o tunog
sa linya na nabuo ayon sa teoryag pooh pooh?
a.Wahh c.Na
b.Heto d.Doo bidoo

12. “Pinutol mo dagkung kahoy dahil ditto gumulong ang mga tao ania na, ania na, ania na,
ania na….”. Ang linya ng awit ay nagpapatunay na?
a.diglossic na kalagayan ng wika c.code-switching
b.paggamit ng lalawiganing antas d.intelektwalisasyon
13.“Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang kundi isang
katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan”.(E.Jacinto) Ang tungkulin ng wika
sa linya ay ____________.
a.pangheuristiko c.panregulatori
b.pang-interaksyunal d.pang-instrumental

14.Pen pen de sarapen?de cuchillo de alamasen/haw haw de carabao batuten”. Pinatutunayan


ng linya ang paglaganap ng wika dahil sa ______________.
a.heograpiya c.pakikipagkalakan
b.pananakop d.modernisasyon

15.Humihingi ako ng tawad. May mga sinabi akong di nararapat.


a.nabilog ang ulo c.nagdilim ang paningin
b.matalas ang dila d.nadulas ang dila

“…Kung kinakailangan ang lakas upang maigupo ang isang mapaniil na pamahalaan o
isang hari-hariang pinuno, wika ang tambuling tagapukaw sa mga anak ng lahi. Patay ang
isang tao kapag walang kaluluwa. Mahigit pa sa patay ang isang baying walang iisang
wika.” (Rufino Alejandro)

16. Alin sa mga sumusunod na malalim na salitang ginamit sa talata ang may
kasalungat na pares?
a .Tagapukaw-tagagising c. Maigupo- matalo
b. Tambuli- trumpeta d. Mapaniil-mapagkandili

17. May mga sasakyan sa Pilipinas na kababasahan ng ganito, “Katas ng Saudi” o


katas, ako utang”. Anong katangian ng wika ang mas tinutukoy nito?
a. Arbitraryo c. Nagbabago
b. May Sistema d. Ginagamit

18.Alin ang wastong baybay?


a. Ibat-iba c.Gamugamo
b.Paru-paro d. Kurukuro

19. Alin ang wastong paraan ng pagsulat ng dayuhang salitang inunlapian?


a.nag-ba-ballet c.magtext
b.rugby-han d.mag-shampoo

20.Alin sa sumusunod ang salitang pambansa?


a. Mapagkumbaba c. Pinoy
b. Kamusta d. Nagdadalantao

20. “Katulad ng wika ang isang halaman. Sa matabang lupa kusang lalago ito, may
sapat na tubig at liwanag.” Ang pahayag na ito ni Tengonciang ay umaasa sa
_________.
a. puristang paniniwala c. Taglish
b. intelektwalisasyon d. dekolonisasyon

21. Alin ang naganap na pagbabagong morpoponomiko sa salitang Tagalog?


a.Metatesis c. Pag-aangkop
b. Asimilasyon d. Pagpapalit

22. Ano ang salitang-ugat ng kanluran?


a.Kalan c.Lunan
b.Kanlong d. Lunod
23. Ano ang tuntunin ngayon na susundin sa pagtutumbas sa Filipino ng rice terraces?
a. Gamitin ang katutubong katumbas
b. Tumbasan sa Espanyol at baybayin sa Filipino
c. Hiramin nang ganap
d. Kung ano ang bigkas siyang sulat

24. Kung sa pakikinig ang may layuning malibang ay mauuri bilang apresyatib, mauuri
naman sa pagbasa bilang _____________ .
a. ekstensibo c.mapanuri
b. intensibo d.makahulugan

25. Kung ang encoder ay sa decoder, ang manunulat kung sa gayon ay sa __________.
a. mambabasa c. papel
b. tagahatid d.panulat

26. Ang pagkautal ay matatawag na ___________ na sagabal sa pagsasalita.


a.semantiko c.pisikal
b.pisyolohikal d.saykolohikal

27. Tukuyin ang sugnay na makapag-iisa.


Kung magkakasundo tayo, ikaw ang mamumuno at ako naman ang tagasunod.
a. Kung magkakasundo tayo c.Ang magiging taga-sunod
b. Ako naman d. Ikaw ang mamumuno

IV. Basahin abg seleksyon. Piliin ang titik ng tamang sagot para sa mga sumusunod na
katanungan.

Sa mga magulang, ang edukasyon ay isang obligasyon sa mga anak bilang


paghahanda sa isang magandang buhay, lalo na sa panahong ang mga magulang ay wala
na. Ang edukasyon para sa kabataan ay isang karapatang dapat ipagkaloob ng kanilang
mga magulang tungo sa isang magandang kinabukasan. Samantala, para naman sa mga
guro, ang edukasyon ay isang larangang dapat bigyan ng ibayong pagpapahalaga at
pagtingin lalo na ng pamahalaan at mga magulang sapagkat ditto nakasalalay ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan at mamamayan ng bayan.

1. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?


a.Paglalahad c. Pangangatuwiran
b.Pagasasalaysay d. Paglalarawan

2. Alin sa mga sumusunod na pananaw ukol sa edukasyon ang HINDI ipinakita sa


seleksyon?
a. Edukasyon bilang obligasyon c. Edukasyon bilang serbisyo sa bayan
b. Edukasyon bilang karapatan d. Edukasyon bilang isang larangan

3. Paano binigyang-katuturan ng may akda ang paksa?


a.pagbibigay ng halimbawa c. pagsalungat
b.paghahambing at pagtatambis d.pag-uulit

4. Ayon sa seleksyon, alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagkakarron ng


mabuting edukasyon?
a. Upang matumbasan ang halagang ginastos ng magulang pambayad ng tuition
b. Upang makamit ang isang magandang kinabukasan
c. Upang makabuo ng mas maraming propesyonal na mangingibang- bansa
d. Upang matamo ang natatagong talent ng indibidwal

5. Ayon sa selesyon, ano ang pinakamagandang maipamamana ng isang magulang sa


kanyang anak?
a. Wastong edukasyon c. Limang milyong piso
b. Mabuting asal d.Pagpapahalaga sa kapwa at sa bayan
6. Ang paghihirap ng bayan ay sanhi ng _____________ .
a.pagkamakasarili c.kawalang malay
b.kahinaan ng bayani d. digmaan

7. Alin ang bunga batay sa talata?


a.Hindi tunay na karangalan c.Totoong karukhaan
b.Hindi tunay na ligaya d.Totoong kalungkutan

8. Kung gagamitin ang paghihibla sa mga konsepto sa talata, alin ang pinakagitna?
a. Pag-ibig c. Kaginhawaan
b. Ligaya d. Kabayanihan

9. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito:


Ilista mo na lamang sa tubig ang aking utang.
a. Kalimutan na ang utang. c.Tubig ang listahan
b. Magbabayad din ng utang. d.Nasa tubig ang utang.

10. Alin sa sumusunod ang pangungusap na may paksa?


a. May pasok ba bukas? c. Nagbabasa sila sa aklatan.
b. Kay anda ng paglubog ng araw. D.Mainit ngayon.

11. Sa taas ng bilihin ngayon kahit kahig ka nang kahig ay wala pa ring mangyayari.
Ano ang ibig sabihin?
a.Hanap nang hanap c. Gastos nang gastos
b.Tago nang tago d. Trabaho ng trabaho

12. Ang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng anumang uri ng pagbibintang na


makasisira sa reputasyon nang di muna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal na
marinig ang kanyang panig. Ito ay __________________.
a. Walang kinikilingan c. makatarungan pakikitungo
b. Kalayaan ng pagpapahayag d.patas na pamamahayag

13. “You can count on me,” Ang pinakamalapit na salin nito ay ___________ .
a. bilangin mo kami c.ibilang mo ako
b. bilangin mo ako d. maaasahan mo ako

14. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? “Ang kabutihan mo sa buhay ang malaking
hakbang sa pag-unlad.”
a.pagwawangis c.pagtutulad
b.pagpapalit-tawag d.personipikasyon

15. “Malalim ang bulsa” ng kanyang Nanay. Ang ibig sabihin nito ay ____________.
a.Walang pera c.mapagbigay
b.mapera d.kuripot

16. Siya ay may kutsarang pilak ng ipinanganak. Ito ay nangangahulugang ____________ .


a.tahimik c.mayaman
b.masalita d. mahirap

17. Alin ang pinakamalapit na salin ng “ You are the apple of my eye.”
a. Ikaw ay kasing kanda ng mansanas.
b. Ikaw ay maganda sa paningin.
c. Ibibili kita ng mansanas.
d. Ikaw ang paborito ko.

18. Ang pagtama sa lotto ay parang isang “suntok sa buwan.” Ano ang kahulugan nito?
a.Maaari c.Imposible
b.Pangarap d. Maaabot
19. “Panahon na upang magdilat ng mata at makisangkot sa mga usapin.” Ito`y
nagpapahiwatig na _______________.
a. Kalimutan ang usapin
b. Magising sa katotohanan
c. Idilat ang mga mata
d. Umiwas sa usapin

20. “Ang lumalakad ng mabilis,kung matinik ay malalim.”


Ano ang ibig sabihin ng paalalang ito?
a. Mag-isip ng mabuti sa paglalakad.
b. Mag-isip ng malalim kung naglalakad.
c. Ang nagmamadali ay madalas magkamali.
d. Ang naglalakad nang mabilis ay hindi makapag-isip.

21. Mahusay “maglubid ng buhangin” ang taong gipit. Ano ang ibig sabihin?
a.Magyabang c. Magpaikot-ikot
b.Magsinungaling d. Magtali

22. Huwag “pagbuhatan ng kamay” ang batang walang kalaban-laban. Ano ang ibig sabihin
nito?
a.itali ang kamay c.pagbuhatin ng mabigat
b.pagtrabahuin d.saktan

23. Iyon lamang nakararanas bg mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
lihim na kaligayahan. Ang mga pahayag na ito ay nagsasaad ng ___________.
a.paghihikahos sa buhay c.kapangitan ng buhay
b.kalungkutan ng buhay d.kagandahan ng buhay

24. Mahusay magtago ng lihim ang mga taong “mabigat ang bibig”. Ano ang ibig sabihin
nito?
a.Hindi madaldal c.Malaki ang bibig
b.Mahiyain d.Tahimik

25. “Kung sa langit ay nabubuhay ang sa lupa ay namamatay ano`t kinakatakutan ang oras
ng kamatayan.” Anong damdamin ang ipinapahayg nito?
a.Maging Matapang c.mapagbigay
b.Maging Mapagpasensiya d.matatag sa buhay

26. Mahaba ang pahayag ni Paolo kaya kailangang iyong mahalaga lamang ang dapat
mabasa kaya gumamit siya ng _____________?
a.ellipsis c.sintesis
b.abstrak d. direktang sipi

27. Ang pag-aaral ay nakatuon sa motibasyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng kompyuter


sa paggawa ng mga sulatin. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang ganitong pahayag ay
ilalagay sa _______________ .
a.abstrak c.kaligiran
b.pamamaraan d.paradigm

28. Alin ang pinakamabisang pahayag na gagamitin sa isang talumpati?


a. Kabataan pumailanlang ka!
b. Ikaw kabataan ay nararapat na pumailanlang.
c. Ang pagpapailalanlang mo kabataan ay hinihintay.
d. Kahit bata ka, pumailanlang ka!
29. Alin ang pinakamalakas ang dating na pahayag kapag kabataan ang nag-uusap sa
isang kuwento?
a. Ang ganda ng kanyang kasuotan!
b. Astig talaga ang ayos niya!
c. Katulad niya ang isang bathala!
d. Ang porma niya talaga.
30. Alin dito ang pinakawastong salin sa pangungusap na: “I am sure he didn`t say that.”
a.Ang tiyak ko`y hindi niya sinabi iyon.
b. Ako ay tiyak na hindi niya sinabi iyon.
c.Ako ay nakatitiyak na iyon ay hindi niya sinabi.
d.Nakatitiyak kong hindi niya sinabi iyon.

31. Ang partikular na wikang ginagamit ng isang indibidwal ay tinatawag na ___________.


a.idyolek b.dayalekto c.register d.sosyolek
32. Kasangkapan ito ng komunikasyon na maituturing na masistemang sagisag na
isinasaayos sa paraang arbitrary.
a.idyolek b.lingua franca c.wika d.pangungusap

33. Ito ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas?


a.Urbana at Feliza c. Nuestra Senora del Rosario
b.Doctrina Cristiana d.Arte y Regla de la Lengua tagala

34. Kilala siya sa mga Kuwento ni Lola Basyang.


a.Lope K. Santos c.Severino Reyes
b.Valeriano Hernandez Pena d.Florentino Collantes

35. Kinikilala siyang “makata ng manggagawa”.


a.Amado V. Hernandez c.Aurelio Tolentino
b.Julian Cruz Balmaceda d.Severino Reyes

36. Ang pahayag na “Siya ay Diyosa ng kagandahan”, ay isang halimbawa ng


a.simili b.personipikasyon c.metapora d.pagmamalabis

37. Alin sa sumusunod ang wasto ang pagkakasulat?


a. Ika-tatlo bg Setyembre c.makakalikasan
b. makaDiyos d.taga-linis

38. Ang Florante at Laura ay mauuring


a.awit b.korido c.epiko d.karagatan

39. Aling salita ang walang diptonggo sa unahan?


a.aytem c.palayaw
b.maybahay d.paypayan

40.Aling salita ang may klaster?


a. karne c.praktis
b.palasyo d.tirhan

40. Ang Wikang Filipino ay buhay. Isinasaad ma ang wikang Filipino ay


a.dinamiko c.arbitraryo
b.kapantay ng kultura d.pinipili at isinasaayos
41. Bahay:morpemang salitang-ugat; pala-:_________
a.morpemang panlapi c.salitang-ugat
b.morepemang ponema d. malayang morpema
42. Lahat ng wika ay may kanya-kanyang katangian. Ito ay nagpapahiwatig na ang wika ay
a.nagbabago c.natatangi
b.nanghihiram d. naisasaayos
43. Alin sa sumusunod ang hindi pangungusap?
a.Kung aalis ka. c.Magandang umaga.
b.Maraming salamat. d.Mayroon bang dadalo?
44. Alin sa mga sumusunod ang angkang pinagmulang ng mga wika sa Pilipinas?
a.Indones c.Malayo-Polinesyo
b.Indones-Polinesyo d.Malay
45. Alin sa mga sumusunod ang ipinalit sa Surian ng Wikang Pambansa sa bias ng
kautusan Tagapagtanggap Blg. 117 na nilagdaan noong Enero 1987?
a.Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
b.Linangan ng mga diyalekto
c.Komisyon sa Wikang Filipino
d.Linangan ng mga Wikain

You might also like