You are on page 1of 12

Tekstong Nanghihikayat

(Persweysib)
Inihanda ni: Jazen Aquino Nagen
Tekstong Nanghihikayat
• Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay tumutukoy
sa paghimok tungo sa pagtanggap ng isang pananaw na
nakita, narinig, at nabasa.
• Ito ay nakaimpluwensya sa
kaisipan,saloobin,damdamin,paniniwala,motibasyon,naisi
n at pag-uugali ng isang tao
• Karaniwan itong “pagbebenta” ng mga impormasyon na
maaaring bilhin o kaya naman ay hindi pansinin ng mga
mambabasa
• Ang tekstong persweysib ay ginagamit ng isang may-akda upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kanilang
sinusulat

• Ito ay literal na pagtutulay at pagpasa ng paniniwalang may-akda sa


kaniyang mambabasa

• Naglalahad ang tekstong ito ng mga pahayag na nakakaakit at


nakahihikayat sa damdamin at isipan ng mambabasa sapagkat may
sapat na ebidensiya o katibayan sa paglalahad ng paksa

• Ang tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil ang tuon ng paksa ay


sariling paniniwala ng may-akda na lohikal na ipinaliwanag.
Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaaring:

- nangangaral -nagagalit -
nasisiyahan
- nag-uuyam-nambabatikos -
nalulungkot
- naghahamon - natatakot
-nagpaparinig
Layunin ng may-akda

• Maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan


at maipagtanggol sa tulong ng patnubay at totoong
datos upang tanggapin, makumbinsi, at
mapaniwala ang mga mambabasa
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat
ayon kay Aristotle
1.Ethos
-tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling
paniniwala,saloobin, damdamin, pag-uugali, at ideolohiya sa kaniyang
paksang isinulat ay impluwensya ng kanyang karakter

-ito ay ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga kaisipan at


kaugalian

-limitado ang pananaw


2.Logos

- Pagiging rasyonal ng isang manunulat ang paraang ito


- Nangangailangan ng tiyak at rasyonal na katibayan upang
makahikayat
- Ayon kay Aristotle,nauugnay ang logos sa mismong ginagamit
na salita ng manunulat na tila may nais patunayan
- Gumagamit ang may-akda ng mga piling-piling salita na
nagtataglay ng kapangyarihang mapaniwala ang bawat
mambabasa
3.Pathos

-Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay


ang paraan na ginagamit ng may-akda upang
makahikayat ang mga mambabasa

-Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mga


mambabasa sa pamamagitan ng paglalapat ng kaniyang
saloobin,maging ito man ay galit,masaya, nangungutya,
at iba pa sa teksto o paksang isinusulat
Mga Elemento sa Pagbuo ng isang Mahusay na Tekstong
Nanghihikayat

1. Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan


2. Pagtukoy ng damdamin,saloobin na may kaugnayan
sa interes ng mga mambabasa
3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may
katotohanan at damdamin
4. Pagbuo at pagpapahayag ng kongklusyon
5. Pagpapaniwala sa mambabasa na ang kongklusyon ay
mula sa napagkasunduang katotohanan
6. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat

1. Piliin ang iyong posisyon. Aling mga bahagi ng isyu o


problema ang nais mong isulat at anong posibleng solusyon
ang nais mong gawin?Alamin ang layunin ng iyong isusulat

2.Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. Alamin kung ang


iyong mambabasa ay sasang-ayon sa iyo,walang kinikilingan, o
hindi sasang-ayon sa iyong posisyon
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat

3.Saliksikin ang iyong paksa. Ang mapanghikayat na teksto ay


naglalahad ng tiyak at kongkretong ebidensya.Maaari kang
pumunta sa aklatan o kapanayamin ang mga taong eksperto
sa iyong paksa

4.Buuin mo ang iyong teksto. Alamin kung ano ang dapat


mong isamang ebidensya at ang pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Kailangang isaalang-alang ang iyong layunin, mambabasa,
at paksa
Mga Katangian sa Tekstong Nanghihikayat

May personal na Karanasan


May Humor o Katatawanan
May Katotohanan at mga Estadistika
Sumasagot sa Argumento
May Hamon
May Panimula,Katawan, at Kongklusyon

You might also like