You are on page 1of 15

Aralin 3

Tekstong Nanghihikayat
(Persweysib), Ang Makapukaw
ay Sapat
LAYUNIN
Nakikilala ang tekstong nanghihikayat ayon sa
kahulugan, katangian, layunin, paraan, elemento, at
estratehiya nito
Naipahahayag ang sariling kaisipan sa
pamamagitan ng nanghihikayat na teksto
Nagagamit ang mga hakbang sa pagsulat ng isang
tekstong nanghihikayat
Nakasusulat ng sariling tekstong nanghihikayat sa
pamamagitan ng “Kartilya”
Tekstong Nakahihikayat (Persweysib)
Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay
tumutukoy sa paghimok tungo sa pagtanggap ng
isang pananaw na nakita, narinig, at nabasa. Ito ay
nakiimpluwensiya sa kaisipan, saloobin, damdamin,
paniniwala, motibasyon, naisin, at pag-uugali ng
isang tao. Karaniwan itong “pagbebenta” ng mga
impormasyon na maaaring bilhin o kaya naman ay
hindi pansinin ng mga mambabasa.
Ang tekstong persweysib ay ginagamit ng isang may-
akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na
tama o tiyak ang kaniyang isinulat. Ito ay literal na
pagtutulay at pagpasa ng paniniwala ng may-akda sa
kaniyang mga mambabasa. Naglalahad ang tekstong
ito ng mga pahayag na nakaaakit at nakahihikayat sa
damdamin at isipan ng mga mambabasa sapagkat
may sapat na ebidensiya o katibayan sa paglalahad ng
paksa.
Layunin dito ng may-akda na maglahad ng
isang paksa na kayang mapanindigan at
maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at
totoong datos upang tanggapin, makumbinsi,
at mapaniwala ang mga mambabasa. Ang
tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil
ang tuon ng paksa ay sariling paniniwala ng
may akda na lohikal na ipinaliwanag.
Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay
maaaring:
• Nangangaral • Natatakot
• Nag-uuyam • Nasisiyahan
• Naghahamon • Nalulungkot
• Nagagalit • nagpaparinig
• nambabatikos
Paraan ng Manunulat upang Makahikayat ayon kay Aristotle

1. Ethos. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang


kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali,
at ideolohiya sa kaniyang paksang isinulat ay impluwensiya ng
kaniyang karakter. Ito ay ginagamit upang makapagganyak o
makahikayat ng mga kaisipan at kaugalian. Sa paraang ito,
limitado ang pananaw sapagkat umaasa lamang ito sa kung
ano ang sinasabi ng may-akda. Kaya ang manunulat o may-
akda ay kinakailangang magsulat nang may kalinawan sa mga
nagsasalungatang idea upang hindi makabuo ng kalabuan sa
mga mambabasa.
2. Logos. Pagiging rasyonal ng isang manunulat
ang paraang ito. Nangangailangan ito ng tiyak at
rasyonal na katibayan upang makahikayat. Ayon
kay Aristotle, nauugnay ang logos sa mismong
ginagamit na salita ng manunulat na tila may
nais patunayan. Gumagamit ang may-akda ng
mga piling-piling salita na nagtataglay ng
kapangyariyang mapaniwala ang bawat
mambabasa.
3. Pathos. Ang emosyon o damdamin tungkol sa
isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-
akda upang mahikayat ang mga mambabasa.
Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang
kaniyang mambabasa sa pamamagitan ng
paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito man
ay galit, masaya, nangungutya, at iba pa sa teksto
o paksang isinulat.
Mga Elemento sa Pagbuo ng isang
Mahusay na Tekstong Nanghihikayat
1. Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan
2. Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may
kaugnayan sa interes ng mga mambabasa
3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may
katotohanan at damdamin
4. Pagbuo at pagpahayag ng kongklusyon
5. Pagpapaniwala sa mambabasa na ang kongklusyon
ay mula sa napagkasunduang katotohanan
6. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong
Nanghihikayat
1. Piliin ang iyong posisyon. Alin mang bahagi ng isyu o problema ang
naismong isulat at anong posibleng solusyon ang nais mong gawin?
Alamin ang layunin ng iyong isusulat.
2. Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. Alaminkung ang iyong
mambabasa ay sasang-ayon sa iyo, walang kinikilingan, o hindi
sasang-ayon sa iyong posisyon.
3. Saliksikin ang iyong paksa. Ang mapanghikayat na teksto ay
naglalahad ng tiyak at kongketong ebidensiya. Maaari kang
pumunta sa aklatan o kapanayamin ang mga taong eksperto sa
iyong paksa.
4. Buuin mo ang iyong teksto. Alamin kung ano ang dapat mong
isamang ebidensiya at ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Kailangang isaalang-alang ang iyung layunin, mambabasa, at paksa.
Sa pangkalahatang panuntunan sa pagsulat ng
tekstong nanghihikayat, ang may-akda ay kailangang:
(1) magkaroon ng isang matatag na opinyon na
madaling matanggap ng mga mambabasa, (2)
simulant ang pagsulat ng teksto sa mapanghikayat na
panimula upang bigyang-pansin ang mga
mambabasa, (3) maglahad ng mga ebidensiya na
susuporta sa isiniwalat na opinyon, at (4) pagtibayin
ang pahayag sa kung ano ang nais na paniwalaan ng
mga mambabasa.
Mga Katangian sa Tekstong Nanghihikayat
(Persweysib)
1. May personal na karanasan
2. May humor o katatawanan
3. May katotohanan at estadistika
4. Sumasagot sa argumento
5. May hamon
6. May panimula, katawan, at kongklusyon

You might also like