You are on page 1of 7

TEKSTONG NARATIBO

Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa tekstong


naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga
pangyayari naganap,nagaganap o magaganap pa lamang.
ANG NARATIBO
 AY MAY LAYUNING PASALAYSAY O MAGKWENTO NG MGA
MAGKAKAUGNAY -UGNAY BA PANGYAYARI
 ANG BATAYAN NIYO’Y MAARING MGA SARILING
KARANASAN . MGA PANGYAYARING
NAPAKINGGAN/NARINIG/NAKITA/NASAKSIHAN/NAPANO
OD,NABASA/NATUNGHAYAN O NABALITAAN.
 MAARI RING MAGKWENTONG MGA PANGYAYARING
LIKHANG-ISIP LAMANG.
KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO
1.may ibat-ibang pananaw o (point of view)
 Unang panauhan-isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang nararanasan ,naalala, o bagay na
kanyang nararanasan ,nalala narinig kaya gumagamit ng
“ako”
 ikalawang panauhan-mistulang kinakausap ng manunulat
ang tauhang pinagagalaw niya Sa kwento kaya’t
gumagami’t sya ng panghalip na “ka at ikaw”

 ikatlong panauhan-isinasalaysay ng isang taong walang


relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya
ay “siya”

MGA PAKSA SA PAGBOU NG NARATIBO


1.Sariling karanasan
2.Nasaksihan o napanood
3.Napakinggan o napabalitaan
4.Nabasa
5.Likhang-isipan

ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO


Paksa
Ang paksa ang siyang iniikutan ng kwento sa tekstong
naratibo. Sa pagpili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang
magiging papel nito sa lipunan. EstrukturaAng
Estruktura
Ang estruktura ay ang pagkakaayos ng daloy ng mga pangyayari
sa kwento. Ang kabuuang estruktura ng kwento ay
kinakailangang maging malinaw at lohikal.
Oryentasyon
Ang oryentasyon ay ang malinaw na pagbibigay ng deskripsyon
ng may akda sa mga tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa
kwento. Ang manunulat ay dapat makapagbigay ng tiyak na
detalye upang maipadama sa mga mambabasa ang realidad ng
kaniyang akda.

PAMARAAN NG NARASYON
Ito ay estilo kung paano isinalaysay ng manunulat ang
kabuuan ng kwento. Ang ilan sa mga paraan ng pagsasalaysay
ay makikita mo sa ibaba.

Diyalogo – Ito ay estilo ng narasyon kung saan ang


pagsasalaysay ng kwento ay naipapahayag sa pamamagitan ng
pag-uusap ng mga tauhan.
Foreshadowing – Ito ay ang pagbibigay ng pahiwatig ng may
akda sa kung ano ang maaring maganap sa istorya
Plot twist– Sa mga tekstong naratibo, ang plot twist ay ang
hindi inaasahang kaganapan sa daloy ng kwento.
Ellipsis – Ang ellipsis ay ang pagtatanggal ng manunulat ng ilang
yugto ng kwento upang mabigyan ng pagkakataon ang
mambabasa na magbigay ng sarili nilang salaysay.
Comic Book Death – Ito ay isang estilo ng pagsasalaysay kung
saan pinapatay ng manunulat ang mga mahahalagang tauhan
ngunit sa pahuling bahagi ng kwento, ito ay bigla na lamang
magpapakita para bigyan ng linaw ang mga nangyari.
Reverse Chronology – Isang paraan ng pagsasalaysay kung saan
ang kwento ay nagsisimula sa dulong bahagi hanggang sa
makapunta sa simula.
In medias res – Ang narasyon ay nagsisimula sa gitnang bahagi
ng kwento.
Deus ex machina – Sa estilong ito, nabibigyan ng solusyon ang
matinding suliranin sa pamamagitan ng hindi inaasahang mga
tauhan, bagay o pangyayari. Ang mga susi sa suliranin ay hindi
ipinakita o ipinakilala sa bandang unahan ng kwento, sa halip,
sila ay bigla na lamang..

ANO ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG PAGBUO NG


NARATIBONG TEKSTO
Makapagbigay impormasyon o makapag-ulat tungkol sa
panyayari batay sa tamang pagkakasuno-sunod ng mga
detalye sa isang maayos maliwanag at masining na pamaraan.
Ito ay panawang pansin ng pasulat na narasyon ,kung hindi
ang pamagat niyon malamang na walang magkakainterest na
basihin yon. samakatuwid, upang maging Mabuti ang
pamagat,kaylangang taglayin niyon ang mga sumusunod na
katangian:
a.Maikli
b.kawili-wili o kapanapanabik
c.nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
d.orihinal o hindi palasak
e.hindi katawa-tawa kung ang komposisyon ay wala naming
layunin ng magpatawa
f.May kaugnayan o naaangkop sa paksang diwa ng
komposisyo,

MGA HALIMBAWA:
1. Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan ,
ito ay ang presidensyal. at parlyamentari. ang
pinakamataas na nungkulan sa presidensyal ay tinatawag
na pangulo samantalang sa parlyamentari ay tinatawag
na praym minister.Gayunpaman, parehong demokrasya
ang pinaiiral ng pamahalaan. Ang Karapatan ng
mamamayan kapayapaan at hustisya ay panganagilangan
din sa dalawang anyo ng pamahalaan.
2. komplikadong pag-iisa-isa
Ang kumpyuter networking interkoneksyon ng mga
kumpyuter na ginagamit ng mga tao sa iisang lugar.
kalimitang ginagamit ang ganitong masistema ng mga
kumpanya upang mapadali ang ugnayan o kumunikasyon
sa pamamagitan ng pagpapadala ng impormasyon at
anumang oras at ibang organisasyon ang gumgamit ng
kumpyuter na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar maging sa
ibang bansa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MABISANG NARATIBONG


KOMPOSISYON.

1.MAY MABUTING PAMAGAT


A.Orihinal
b.kapanapanabik
c.makahulugan
d.Maikli

Isang katotohanang paksa ng akda


-Mabangis na lungsod
Isang naganap na pangyayari
-Noche Buena
2.Mahalagang paksa o diwa
3. Maayos ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
-simula -gitna -wakas-gitna-simula(flashback)-wakas wakas -
tunay na simula -tunay na wakas
4.Isang kaakit-akit na simula
-Noong unang panahon

kung gaano kahalaga ang naratibong diskurso , gayundin


naman ang paksa niyon. tandaang ang isang akdang nauukol
sa isang walang kuwetong paksa `

You might also like