You are on page 1of 10

TEKSTONG

PERSUWEYSIB/NANGHIHIKAYAT
By: LEVY PENULIAR CORONEL
Ano ang tekstong
persuweysib/nanghihikayat?
 Ang tekstong naghihikayat ay naglalayong
manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng
pagkuha ng damdamin o simpatya ng mambabasa.
 Nakabatay ito sa opinyon at ginagamit upang
maimpluwensyahan ang paniniwala, pag-uugali,
intensyon, at paninindigan ng ibang tao.
 Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon at karakter
ng nagsasalita kaysa sa katotohanan ng ebidensya at
katwiran.
HALIMBAWA:
 talumpati
 mga patalastas
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB/NANGHIHIKAYAT
Bilang manunulat o tagapagsalita,
ikaw ba ay eksperto sa larangan ng
paksang iyong tinatalakay?

ETHOS

PANGHIHIKA
YAT
PATHO
LOGOS S

Bilang manunulat o
Bilang manunulat o tagapagsalita, mapupukaw
tagapagsalita, nailahad mo mo ba ang damdamin ng mga
ba nang malinaw at lohikal makikinig?.
ang iyong mga mensahe?
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB/NANGHIHIKAYAT
1. Ethos
 Ang karakter, Imahe, o reputasyon ng manunulat/
tagapagsalita
2. Logos
 Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
manunulat/tagapagsalita
3. Pathos
 Emosyon ng mambabasa/tagapakinig
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NAGHIHIKAYAT
Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa
pagbabasa ng tekstong nanghihikayat:
1. Kredibilidad ng may-akda
 Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto(manunulat o
tagapagsalita) at ano ang pagkakakilala sa kanya?
 Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda para magsulat
tungkol sa paksa?
 Maituturing bang maalam o awtoridad sa larangang kaniyang
tinatalakay ang may-akda?
 Katiwa-tiwala ba ang may-akda na sumulat tungkol sa kaniyang
paksa?
 Paano naapektuhan ng imahe o karakter ng manunulat ang layunin
ng teksto?
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NAGHIHIKAYAT
2. Nilalaman ng teksto
 Tungkol saan ang teksto?
 Anu-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Anong panig, kaisipan, o ideya tungkol sa paksa ang pinaghihimutok ng may-
akda?
 Saan galing ang mga batayang ito? Ito ba ay hango sa mga katotohanan o
kuro-kuro lamang?
 Mayroon bang mga detalye o posisyon na tila hindi masyadong nasuportahan
ng matitibay na ebidensya o katwiran? Ano ang mga ito at paano ito ginamit
upang makahikayat?
 Ano ang kasalungat na panig nito na maaring isagot sa posisyon ng tekto?
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Mayroon bang mga tanong o usaping hindi tinalakay ngunit dapat ay
nabanggit man lang? Ito kaya ay sadyang hindi tinalakay? Kung oo, bakit?
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NAGHIHIKAYAT
3. Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat
 Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa ng teksto?
 Alin-aling bahagi ng teksto ang nakapukaw ng
damdaming ito?
 gamit ang damdaming ito, anong kaisipan, ideya, o
aksyon ang hinihikayat ng teksto na paniwalaan o
gawin ng mambabasa?
 Balanse ba ang pag-apela sa emosyon sa mga
binanggit na impormasyon sa nilalaman ng teksto?
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
NAGHIHIKAYAT
4. Bisa ng panghihikayat ng teksto
 Ano ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng mga
mambabasa na “kinakausap” ng may-akda ng teksto?
 Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng
panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
 Ikaw ba o ang target na mambabasa ay nahikayat,
nahimok kumilos, o napaniwala ng teksto? Paano?
Basahin ang halimbawa ng teksto ng
nanghihikayat at sagutin ang mga
sumusunod na pamatnubay na
tanong:
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya.
2. Sino ang sumulat ng liham? Ano ang kaniyang katauhan?
Iugnay ang karakter ng tagapagsalita sa layunin ng kaniyang talumpati.
3. Paano ginamit ang mga elementong pathos at logos sa kaniyang liham?
Suriin ang paraan ng pag-apela sa emosyon ng tagapakinig at nilalaman ng
kaniyang salaysay tungkol sa mga pangyayari.
4. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong nanghihikayat?
Balikan ang ugnayan ng tatlong elemento ng panghihikayat na ginamit sa pagbuo ng
liham na ito.
5. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig?

You might also like