You are on page 1of 2

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

Layunin ng tekstong nanghihikayat na umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang


makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.

 Naglalayong manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya


ng mambabasa.

HALIMBAWA NG AKDANG GUMAGAMIT NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT:

 Talumpati
 Mga patalastas

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

Aristotle-isa sa mga pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat.

3 elemento ang panghihikayat:

1.Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita

 Ang salitang ethos salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop
ngayon sa salitang “imahe”.
 Ginamit na Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter at kredibilidad ng ngsasalita batay sa
pagtingin ng nakikinig.
 Ang elementong ethos ang nagpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng
tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat.

2.Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/ Tagapagsalita

 Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.


 Nangangahulugang din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.

3.Pathos: Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig

 Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa


o tagapakinig.
 Malaki ang impluwensya ng emosyon tulad ng galit, awa at takot sa pagdedesisyon at
paghuhusga.
 Emosyon-ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT

KREDIBILIDAD NG MAY-AKDA

 Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto (manunulat o tagapagsalita) at ano ang pagkakakilala
sa kaniya?
 Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda para magsulat tungkol sa paksa?
 Maituturing bang maalam o awtoridad sa larangang kaniyang tinatalakay ang may-akda?
 Paano napektuhan ng imahe o karakter ng manunulat ang layunin ng teksto?
 Katiwala-tiwala ba ang may-akda na sumulat tungkol sa kaniyang paksa?

NILALAMAN NG TEKSTO

 Tungkol saan ang teksto?


 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Anong panig, kaisipan, o ideya para dito?
 Ano-ano ang batayang ginamit upang masabi ito ng may-akda?
 Saan galing ang batayang ito? Ito ba ay hango sa mga katotohanan o kuro-kuro lamang?
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Mayroon bang mga tanong o usaping hindi tinalakay ngunit dapat ay nabanggit man lang? Ito
kaya ay sadyang hindi tinalakay? Kung oo, bakit?

PAGTUKOY SA ELEMENTONG PATHOS SA PANGHIHIKAYAT

 Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa ng teksto?


 Alin-aling bahagi ng teksto ang nakapukaw ng damdaming ito?
 Balanse ba ang pag-apela ng emosyon sa mga binanggit na impormasyon sa nilalalaman ng
teksto?

BISA NG PAGHIHIKAYAT NG TEKSTO

 Ano ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng mga mambabasa na “kinakausap” ng may-akda ng


teksto?
 Tagumpay ba ang paggamit ng mga element ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
 Ikaw ba ang target na mambabasa ay nahikayat, nahimok kumilos, o napaniwala ng teksto?
Paano?

You might also like