You are on page 1of 4

ARALIN 3

Panghihikayat at Deskriptibo

Tekstong Nanghihikayat

- Layunin ay maglahad ng isang opinyon na kailangan panindigan sa tulong


ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga
mambabasa.
- Isinusulat upang mabago ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at
makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba.

Tatlong Paraan ng Panghihikayat ayon kay Aristotle

- Ethos
➢ Kredibilidad ng manunulat.
➢ Hango sa salitang griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit
na angkop sa salitang imahe.
➢ Dapat makumbinsi ng manunulat na malakawak ang kanyang
kaalaman sa isinusulat.
- Pathos
➢ Gamit ang emosyon o damdamin upang manghikayat
➢ Ayon kay aristotle karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. ang paggamit ng kanilang paniniwala at
pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.
- Logos
➢ Paggamit ng lohika
➢ Mapatunayan ng manunulat gamit ang mga impormasyon at datos
na kanyang inilatag. Dapat ang kanyang pananaw o punto de vista
ang dapat paniwalaan.
Tekstong Deskriptibo

- Pagpapahayag ng impresyong likha ng pandama (pang-amoy, panlasa,


pandinig at pansalat)
- Layon nito ay magsaad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o
magbigay ng konseptong biswal ng mga bagay, pook o pangyayari.
- Layunin ng paglalarawan ay makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.
- Kahalagahan nito ay mas nakatutulong ito upang mas malawak na
maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng
manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak maipagana ang
imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan at ang tekstong
binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.

Paraan ng Paglalarawan

- Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong


may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng
mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang
tumutugon ito sa tanong na Ano.
➢ Batay sa pandama- Nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan at narinig.
➢ Batay sa nararamdaman- bugso ng damdamin o personal na saloobin.
➢ Batay sa obserbasyon

Dalawang uri ng Paglalarawan

- Karaniwan
➢ Kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o
pagmalas.
➢ Damdamin at opinyon ng manunulat ay hindi dapat isinasama.
➢ Gumagamit ng tiyak at karaniwang salita at itinatala ang mga bagay o mga
particular na detalye sa payak na paraan.
- Masining na Paglalarawan
➢ Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pagmalas ng may akda. Pili ang mga ginagamit na salita sa
paglalarawan; pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma.
➢ Mga detalye dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at
opinyon.
➢ Layunin nito na makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa
para mahikayat sila makiisa sa guniguni o maranasan ang damdamin
sa inilalarawan.

Aralin 4

Argumentatibo

Tekstong Argumentatibo

- Nakatuon sa layunong manghikayat sa pamamagitan ng pangatwiran


batay sa katotohana o lohika. Maaari tungkol sa pagtatanggol ng
manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang
panig laban sa nauna, gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling
karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa
kasaysayan , at pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga argumento.

Elemento ng tekstong argumentatibo.

- Naiba ito sa tekstong panghikayat dahil batay ito sa lohikal na pangatwiran


at suportado ng mga impormasyong batay sa panaliksik upang
mapatunayan ang punto at manaig ang posisyon. Ang tekstong
nanghihikayat naman ay kinakailangang makapanghimok sa pamamagitan
ng pag-apela sa damdamin.
Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo
- Nakabatay sa opinyon - Nakabatay sa mga totoong ebidensiya
- Walang pagsasaalang-alang sa - May pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw
kasalungat na pananaw - Ang panghihikayat ay nakabatay sa katwiran at mga patun
- Nanghihikayat sa pamamagitan - Nakabatay sa lohika
ng apela sa emosyon at
nakabatay ang kredibilidad sa
karakter ng nagsasalita, at hindi
sa merito ng ebidensiya at
katwiran
- Nakabatay sa emosyon

- Pinakamahalagang elemento ng tekstong argumentatibo ang malinaw na


paghahayag ng tesis nito. Nilalagom sa tesis ang posisyon ng may-akda
tungkol sa isang usapin na sinusuportahan ng mga ebidensiya na hindi
bababa sa tatlong suportang detalye. Ito ang magsisilbing argumento ng
teksto. May mga pagkakataon na hindi ito tahasang nakahayag bilang isang
pangungusap ngunit ipinahihiwatig ng lahat ng suportang pahayag tugkol
dito.
- Naghahanap ng sapat na mga ebidensya o patunay para incredible o
kapani-paniwala ang argumento.
- Tumitibay ang argumento ng isang teksto sa pamamagitan ng mga
suportang pahayag na naglalaman ng mga ebidensiya o patunay ng
argumento. Ang mga impormasyong ito ay dapat na hango sa katotohanan
kung kaya nangangailangan ng masusing pananaliksik para maisulat. Maaari
itong mga estatistika,anekdota, mga nabasa sa mga nailimbag na
sanggunian, at iba pa. Dapat lang na komprehensibo ang pagtalakay sa
bawat ebidensiya at sapat para suportahan ang paghahayag ng tesis. Ang
pagtalakay sa mga ebidensiya ang nagsisilbing katawan ng tekstong
argumentatibo kung kaya mahalagang organisado, mapagkakatiwalaan ang
sanggunian, at lohikal ang nilalaman nito.

You might also like